Immortalized
(A/N: This is it guys. Pakiplay ng media for more drama. Ulit-ulitin if necessary. And I'm sorry in advance. Kailangan eh.)
Art's POV
C'mon Art. Kaya mo yan. GO GO GO!!
Nadapa ako. Pero agad naman akong tumayo.
Tumatakbo ako papunta sa cliff kung saan makikita ko lahat ng nasa baba.
Napangiti ako nang maramdaman ang paghina ng aking katawan. Ubos na lahat ng enerhiya ko. Nabigay ko na lahat sa kakambal ko.
Pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Kahit ilang beses na akong napadapa.
Patay talaga ako kay Cal sa mga sugat ko.
Naalala ko ang vision ko nang makita ang field na puno ng dugo noon. Ang pinakaunang vision ko.
Pero tinraydor kami ni Kaye...
Dun ko napagtantong tama nga ang vision ko. Isang vision lang naman ang naranasan ko...
tas dumating yung time na nagsupreme divination ko.
Pagkatapos nun, panay na ang nakikita ko.
Nadapa ulit ako.
Nagbuntong hininga ako habang nakaupo sa lupa.
Pumapatak na ang ulan.
Tumayo ulit ako. "k-kaya mo'to... Artemia."
Naalala ko ang sinabi sa'kin ng tatlong moirai sa panahong nawala na si Kaye... bago pa pumasok sa isipan ko si Cesia para pakalmahin ako.
'Choose your path, oracle.'
'The Light of The Last Elysian Oracle has been passed on to you.'
Kapag namatay ang isang oracle, lahat ng kapangyarihan niya ay mapupunta sa kung sino man ang pumatay.
Pinatay ni Kaye ang Oracle.
At ako... ako ang dahilan ng pagkamatay ni Kaye.
Nasa akin ang kapangyarihan ng Elysian Oracle.
Kaya karapat-dapat akong bumalik sa Elysium. Dapat kong tapusin ang misyon ng oracle. Dahil marami na ang naapektuhan sa kanyang pagkawala.
Ako muna ang papalit sa kanya ngayon.
Kinakailangan dahil masisira ang daloy ng mortal na buhay kapag wala ang oracle.
Tinignan ko sila mula dito sa itaas.
at pagdating ng pangatlong propesiya...
matutulungan ko rin sila.
"Bitawan mo nga ako!" napalingon ako nang marinig ang mga sigaw ni Jamie.
Nasa kamay siya ng isang gigantes. Balak niya atang itapon si Jamie.
Ginamit ko ang weapon ko saka tinamaan ang kamay niya dahilan na mabitawan niya si Jamie.
Tinulungan ko siyang tumayo.
"Checkmate." natatawang sambit ng gigantes kaya napaatras kami.
Lumutang ang apoy sa mga kamay ni Jamie saka niya ito hinagis sa gigantes. Ilang paso rin ang natamo ng nilalang bago sumugod.
Hindi ako makakalaban sa ganitong kalagayan.
Ubos na talaga! Huhu!
'It is time, oracle... to go home.' Biglang nagpakita sa'kin ang mga moirai sa likod ng gigantes.
Tumango ako at ginamit ang huling kapangyarihan na meron ako para tapusin ang gigantes. Pero bago pa siya makain ng aking liwanag, nagawa niyang itulak si Jamie.
Plano ko pa naman sanang gamitin ito para ubusin lahat ng gigantes sa baba. Kaya nga pumunta ako dito sa taas eh. Hays.
Bahala... na..
Ang mahalaga may naligtas ako.
Nagmadali akong kunin ang kamay niya.
"J-jamie..." nanghihina na ako.
"Art..."
Lumabas mula sa bibig ko ang dugo.
Napangiti ako nang marinig si Blobblebutt.
"Blobblebutt." tinignan ko ang nilalang na lumilipad sa harap namin. Agad niyang kinuha si Jamie at pinasakay sa likod niya.
"K-kanina pa kita tinatawag..." sumakay rin ako sa kanya.
Inalalayan ako ni Jamie habang nakaupo.
"A-art.. anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.
Napapikit ako habang dinaramdam ang hangin at ulan dito sa taas.
Huminga ako ng malalim.
"Good girl... blobblebutt... good girl..." bulong ko.
"ART!!!"
Cesia's POV
Narinig ko ang pangalan ni Art mula sa taas kaya napatingin ako.
Nakita ko si Jamie na nakasakay kay Blobblebutt...
Pagkatapos...
Napasinghap ako nang makita ang pagkahulog ni Art mula sa taas.
Tumakbo ako sa direksyon niya. Mabilis ang tibok ng puso ko. As if any time, aatakihin ako.
"Chase!" kinuha ko ang atensyon ni Chase na busy sa mga gigantes. "si Art!" hiyaw ko sa kanya.
Nagulat siya nang makita si Art na walang malay habang bumabagsak sa lupa.
Nawala na si Chase sa kinatatayuan niya.
"Artemia!" sigaw ni Kara.
Tumakbo kami papunta sa kinatatayuan ni Chase. Tinignan kami ni Chase na may problemadong mukha kaya lumapit kami sa kanya.
"P-patawarin niyo ako..." umiling siya saka yumuko. "Huli na ako."
Tumingin ako sa baba at muntik nang mawalan ng balanse.
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.
Nakahandusay ang katawan ni Art sa may paanan niya.
"Art... gumising ka nga!" Sinasampal-sampal ni Ria ng mahina si Art.
Dahan-dahang binuksan ni Art ang mga mata niya.
"Mmm?" bumuo ang isang malungkot na ngiti sa kanyang mukha.
"We need to bring her back now!"
Tingnan ko si Kara na nagpapanic.
Ngayon ko lang siyang nakita na nagkakaganito.
Hinawakan niya ang kamay ni Kara saka umiling. "pinili ko'to..." mahina niyang tugon.
"k-kasi... kung hindi... h-hindi ko kayo matutulungan... diba?" dagdag niya.
Mas lumakas ang ulan.
Tila nakiisa ang langit sa nararamdaman namin.
Napansin ko si Cal na nakatayo at nakatitig lamang kay Art.
Hindi kapansin-pansin pero umiiyak siya.
"Cal.." lumapit ako sa kanya. Pero iniwasan niya ako.
Nagbuntong-hininga ako saka pumikit...
Alam kong mangyayari 'to. Pero ang sakit sa pakiramdam na wala akong magawa. Dahil pinilit niya akong wag humadlang sa plano niya.
Malay ko ba? Nakangiti siya palagi sa tuwing kinukwento niya sa'kin ang nasa visions niya.
At ngayon...
nakangiti pa rin siya.
Kaya kahit anong gawin ko. Pipiliin niya pa ring mawala.
Tinignan ko ang mga mata ni Art... na nakasara na.
Art...
Hindi ko alam kung paano pero unti-unting naging mga paru-paro ang buong katawan niya.
Nagkalat kaagad sila sa iba't-ibang direksyon.
Sinundan ko ng tingin ang mga ito.
'Pinangako mong babalik ka...'
Nawala na ang ulan... at bumalik na sa isla ang liwanag.
Dahil ito sa mga paru-paro na nagawa pang tunawin ang maiitim na ulap bago mawala sa pananaw ko.
'Babalik ako... Alpha... Omega'
Tumango ako pagkatapos marinig ang boses niya.
Alam kong matagal-tagal pa bago ko maririnig ulit ang boses niya.
Mamimiss ko siya ng sobra.
Sobra sobra.
Umiling-iling ako. Hindi ako iiyak.
Tas biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Art.
Alpha Omega?
Yun ba yung-
Namalayan ko nalang na mag-isa na akong nakatayo dito. Nawala na silang lahat maliban sa'kin.
At kung anu-anong emosyon ang pumapasok sa katawan ko. Galit. Lungkot.
Shoot!
Inangat ko ang aking ulo at nakitang nag-aapoy na pala ang buong isla. Kasabay nito ang lindol, ang pagbaha ng dugo mula sa mga gigantes at ang tuluyang pagkawala ng liwanag.
Pinapalibutan ng mabigat na kadiliman ang buong lugar. Ang apoy lang sa mga puno ang nagsisilbing liwanag dito.
"You need to help them." seryosong tugon ni Trev.
Tumango ako.
Sumabog ang isang bahagi ng isla kaya sumabog rin ang puso ko.
Isa-isa ko silang tinignan. Lahat ng mga mata nila...
Gods. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari pag nawala na si Art.
"Trev... ikaw na bahala sa apoy." sambit ko sa kanya.
Siya naman yung kayang magpa-ulan dito.
Tumango siya saka umalis.
Lumipas ang ilang segundo at nakaramdam ako ng tubig sa paa ko.
Hinanap ko si Dio.
Lulubog ang isla pag di niya kayang kontrolin ang sarili niya.
Masakit sa'kin ang pagkawala ni Art. Pero mas masakit kapag nakikita ko silang lahat na ganito.
Pero di katulad sa nangyari kay Art, this time...
alam kong may magagawa ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top