II | Hurt
Chase's POV
"T*ngina talaga, oh." Bumubulong-bulong ako habang kinukuskos ang damit ko sa ilalim ng nakabukas na gripo. "Itong Fendi pa talaga na kinuha-" Bigla kong namalayan ang sasabihin ko, at ilang sandali pa'y mahinahon ko itong tinuloy.
"Hiniram ko mula sa minamahal kong ama," saad ko.
Tumango-tango pa nga ako bilang patunay dito, kahit pati 'yong repleksyon ko sa salamin ay hindi kumbinsido.
Malakas akong napabuga ng hangin at napagdesisyunang itigil na ang kalbaryo ng pagliligtas ng damit na ninakaw—
Kinuha—
Hiniram ko mula sa minamahal kong ama.
"Tch." Nabibigo kong itinapon 'yong damit sa lababo at sinara 'yong gripo.
Pagkatapos, umangat ang aking tingin sa malaking salamin sa likod nito.
Maliban sa hubad kong pang-itaas, kapansin-pansin ang pamumula ng balat sa may banda ng panga ko kahit nakahilamos na ako.
Humilig ako papalapit sa salamin at bahagya kong ipiniling ang aking ulo, nang masuri ko ito at mahawakan.
Hindi naman ito makati. Hindi rin mahapdi.
"Ah, kaya pala..." sabi ko sa sarili.
Kaya pala gano'n yung presyo nung bento cake kasi mamahalin din 'yong ginamit nilang ingredients, katulad nalang nitong food coloring na hindi mabura-bura.
"Angas," puna ko.
Para na rin kasing may nanuntok sa'kin dito.
Binaba ko ang aking kamay pagkatapos marinig ang naiinis na sigaw ni Ria mula sa labas.
"Anong klaseng cake ba 'to?!"
Napangiti ako, at napailing. Lumabas ako ng banyo para maghanap ng damit. Sa kalagitnaan ng pagsusuot nito, muli kong narinig ang sigaw ni Ria, pero napalitan na ng alala ang dating galit sa boses niya.
"Chase!"
Pagkatapos kong ayusin ang damit ko, pansamantala kong ginulo ang buhok ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Natagpuan ko sina Ria at Dio na nakatayo sa harap ng kwarto ni Kara.
"Oh?" Dumiretso ako sa kanila. "Bakit?"
Otomatikong humarap ang aking ulo sa nakasaradong pinto nang mapansin ko ang ingay ng gulo mula sa loob.
Lumapit ako rito. Tatlong beses akong kumatok bago ikot-ikutin 'yong pihitan ng pinto.
"Anong nangyayari?"
Sabay naming nilingon si Cesia. Kalalabas lang niya mula sa kwarto niya.
"I thought I heard a faint scream from her room," ani Ria, na tinaasan kami ng boses sa huli. "And she won't open!"
"Move," panggagago sa'kin ni Dio, dahil inutusan nga niya ako, pero di naman niya ako binigyan ng pagkakataon na tumabi kasi bigla nalang niya akong tinulak.
Malakas niyang sinipa 'yong pihitan ng pinto at paulit-ulit niya itong ginawa, hanggang sa nagkaroon ng kompetisyon kung alin ang mas matibay: 'yong pinto o 'yong paa niya.
Sa huli, walang natalo dahil walang nasirang pinto o nabasag na buto. May napagod lang, at alam naman nating hindi nakakaranas ng pagod 'yong mga pinto kaya—
Nagulat ako nang biglang tinanggal ni Dio ang vial na nakasabit sa kanyang leeg at mas lalo pa akong nagulat, nang itapon niya ito sa sahig para basagin.
Namimilog ang aking mga mata habang pinapanood si Dio na ginagamit 'yong weapon niya, 'yong gintong likido sa loob ng vial, para tunawin ang pihitan ng pinto.
Lumiliwanag ang mga mata kong nakasubaybay sa kanya kasi napagtanto kong, sa ilang beses ko na siyang nakitang natataranta, ngayon ko lang siya nakitang nilayasan ng katinuan.
Paanong hindi, eh, nakalimutan niyang kaya kong kunin 'yong spare keys ng mga kwarto namin sa hospitality office sa loob lang ng ilang segundo.
Gusto ko nga siyang tanungin kung seryoso ba siya, pero hindi na kailangan, kasi nagawa na niyang itulak pabukas 'yong pinto.
Naunang lumapit si Ria kay Kara. "Kara!"
Nakasandal ang likod niya sa paanan ng higaan at tila namimigat ang ulo, habang nakakapit ang kanyang kamay sa namumula niyang leeg.
"Let's get her up," tugon ni Ria kay Dio na agad tumabi kay Kara at yumuko sa tabi nito.
Maingat na inangat ni Dio ang braso ni Kara. Maayos niya itong ipinaakbay sa kanya, at habang hindi pa rin ito binibitawan, hinawakan niya ang likod ni Kara na napasambit sa ilalim ng hininga nito.
"W-Wait-"
"Careful, Dio," ani Ria.
"I am," sagot naman ni Dio at nagpatuloy sa pag-alalay kay Kara hanggang sa makatayo silang dalawa.
"Teka." May napansin ako sa sandaling nahulog ang kamay ni Kara mula sa pagkakahawak ng leeg niya. "Yung leeg niya."
Duguan ang gilid ng leeg ni Kara. Tila binalatan ang kahabaan nito, at kung titignang maigi, mayroong din siyang mga sariwang pigsa.
"What the fuck?" mahinang puna ni Ria.
"Burnt..." Namamaos ang boses ni Kara. "P-Poiso..."
Hininga niya ang huling salita, huling beses niyang kinisap ang kanyang mga mata, at nang pasuko na ang kanyang mga tuhod, inangat ito ni Dio.
"Chase," seryosong tawag ni Dio.
Mahinahon na ang boses na ginamit niya, na para bang hindi ko nasaksihan ang muntik nang paghiwalay ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan kanina.
"Bro," masigla kong sagot.
"Inform the clinic of her condition," aniya. "It's going to be your fault if nothing's prepared when we arrive."
Dinaan ko sa mahinang pagsipol ang pagpigil ko ng tawa. "Huwag kangmag-alala." Nakapamulsa ako. "At huwag ka sanang madapa papuntang clinic, 'tol."
Ria's POV
"Where the fuck's Trev?" I whispered, loud enough for Cesia to hear, but soft enough that she'd think I was murmuring to myself.
She only let out a defeated sigh while calmly walking beside me.
After Chase disappeared, Dio immediately left for the clinic with Kara. Cesia offered to wait for me while I changed into a cleaner shirt. Nabahiran kasi ng dugo ni Kara 'yong binihisan kong damit pagkatapos maligo.
I know it was an emergency, and I wouldn't have bothered changing clothes. That is until I saw the boils that broke on her skin. Let's just say I was a bit grossed out with the yellow pus that came out of the holes.
Binilisan ko ang aking mga hakbang papuntang clinic.
"Ria..."
I need to know now, kung anong nangyari kay Kara.
"Ria?"
A strange throbbing sound echoed along the walls of the corridor... or was it only in my ears? It kept getting louder. Hindi ko alam kung tibok ba ito ng puso ko, o yabag ng mga paa ko.
Kating-kati rin ang isang sulok ng mata ko. Marahan akong napakamot dito, pagkatapos sa isang sulok na naman ng labi ko. Nagsimula na ring mangati ang aking tenga-
"Ria."
At sa isang iglap, naglaho na ang tunog. Nawala na rin ang pangangati.
Napahinto ako, saka nilingon si Cesia.
"Sorry?" I asked.
Her brows furrowed with concern, before an empathetic smile emerged on her face.
"Magiging okay lang si Kara," sabi niya.
"How would you know?"
"Dahil kilala ko ang mga taong nag-aalala para sa kanya," sagot niya. "Isa na ako do'n, at alam kong gagawin natin ang lahat para matulungan siya."
In the end, I realized that I wasn't seeing things clearly. After Dio left the dorm carrying Kara, all my thoughts started to go into a frenzy. Everything to me was a blur and I only realized it now because I saw how the blurry lines straightened to form the looks of the girl in front of me.
Kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya.
"How did you do that?" tanong ko.
Kumisap-kisap siya, nagtataka. "Ang alin?"
Pinaningkitan ko siya, dahil pati ako ay hindi sigurado sa napansin ko. At habang nakatitig pa rin sa kanya, kusang gumaan ang aking pakiramdam. She breathed slow and steady, and slowly, I did too.
Lumambot ang nangungusisang ekspresyon sa aking mukha.
"Nevermind," I said, feeling somewhat light and relieved.
She half-smiled.
Cesia.
Nagpatuloy kami sa paglakad.
Hindi niya alam, pero pagkatapos ng digmaan, pinaghandaan namin 'yong pag-alis niya, o 'yong pag-distansya niya mula sa'min. Ito kasi ang inasahan naming gagawin niya pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya, pagkatapos ng pagkawala ng Auntie niya.
Pero ginulat niya kaming lahat nang manatili siya.
We decided we would give her any amount of time and space that she needed, and that it would be up to her if she still wanted to stay. We wanted to give her the choice to leave, and though it's not allowed to suddenly drop out, we'd help her escape and find a sanctuary.
But she didn't.
She stayed.
She stayed... and she never let us feel that we lost her, when some of us believed we failed her.
She's not staying in the Academy to avenge her aunt's death, is she? Hindi naman siguro siya katulad ko nung una na piniling manatili dito kasi gusto kong patayin 'yong sarili kong ama bilang ganti sa pagkawala nina Mama at Lola.
She doesn't look mad at least. She doesn't look like she wants to kill her own deity.
Dumako ang aking atensyon kay Chase na kalalabas lang mula sa clinic. Agad niya kaming napansin.
"Naduduling na ako kakatingin sa mga nurse, puta," aniya.
Pinasadahan ko siya ng nangmamaliit na tingin saka pumasok sa clinic.
"We need more Ambrosia!"
"Vials!"
"Where are the blood results?!"
The entire floor was filled with nurses frantically searching for things. Some were running and some, flying.
Kasunod kong nilingon si Chase na tinaasan ako ng kilay.
We exchanged bored looks, before he nudged his head to the direction of the cubicle surrounded with nurses. Behind them, Dio stood tall, towering a bit over their heads. Mahigpit na nakaekis ang kanyang mga braso sa dibdib, at bahagyang nakataas ang kanyang noo habang nakababa naman ang mga mata niyang sumisilip sa pinagkakaguluhan ng mga nurse.
"Anong sabi ni Doc?" narinig kong tanong ni Cesia kay Chase.
"Hindi pa dumadating yung ibang results, eh."
Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako naman ay dumiretso kay Dio para makiusisa nang mas maayos.
"You've got something to tell me?" tugon ko nang makarating sa tabi niya.
He took a deep breath, and then silently shook his head.
Dahil dito, ako na ang sumagot sa sarili kong tanong.
"She's going to be okay."
'Yon lang din ang kinailangan kong marinig.
Sa gitna ng gulo, nanatili kaming tahimik na nakamasid. Lumipas ang isang buong minuto bago nagsalita si Dio.
"You really think so?"
"I don't know," sagot ko. "Inulit ko lang ang sinabi ni Cesia sa'kin."
Tapos, nilingon ko siya. "But better believe it than just hope for it, right?"
He gave me a confused look, dahilan na maingay akong napabuntong-hininga.
"I don't fucking know what to say too, Dio," reklamo ko.
"No, I'm more confused as to why you're trying to cheer me up," aniya. "Hindi ako sanay na marinig kang nagsasalita ng ganyan."
"Just shut the fuck up."
He scoffed. "Cesia's doing you miracles."
"I said shut up," naiinis kong utos.
"Huwag kang mag-alala, Ria. Naniniwala rin naman akong babalik sa dati ang kalagayan ni Kara." Ibinalik niya ang kanyang atensyon kay Kara na pinag-aabalahan ni Doc at ng mga nurse. "I know this, because I know her."
"Right," sang-ayon ko at napatingin na rin kila Doc. "Alam mo ba kung nasaan si Trev?"
"In a conference with the other student officers," sagot niya. "He'll be on his way."
One of the nurses arrived with a folder that she immediately handed to Doctor Liv. "No remarks on her blood test, Doc."
Halatang nagtaka si Doc. "What?" Inayos niya ang kanyang salamin bago buksan 'yong folder. "And the rest of the diagnostics?"
Umiling ang nurse.
"The skin biopsy?" tanong ni Doc.
"We're still testing."
Binalik ni Doc ang folder sa aurai. "Let's prepare her for all the procedures."
Isa pang nurse ang lumapit kay Doc.
"Doc, she's awake."
"Who?" ani Doc.
Nakarinig ako ng mahinang tinig mula sa aking likod.
"K-Kara..."
It's Art.
Art is awake.
Muli naming narinig ni Dio ang boses niya.
"Aco..."
Bahagya kaming napaharap sa kurtinang humihiwalay sa cubicle ni Art at Kara.
"Aconite..."
"Aconite?" pag-uulit ko.
"Kara..." humihikbing sambit ni Art, tila naiiyak.
"What's Aconite?" tanong ni Dio kay Doc.
Mabilis na napaangat ng tingin si Doc sa kanya. "Aconite..." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Aconite!"
"It's Aconite! Wolfsbane!" sigaw niya. "Tell the lab we need an antidote!"
Wolfsbane. A poisonous plant that can melt through the skin when turned into liquid.
"She's been poisoned," nahinuha ko.
Mabagal na tumango-tango si Dio, habang nanghihigpit angpanga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top