Hss-Bitten
Jamie's POV
"Sa'n po kayo pupunta?" tanong ni Arah na busy sa pagt-trace ng drawing book niya. Binilhan kasi siya ni Sebastian ng mga books at art materials.
Para daw 'to keep her busy' habang hinahanap namin yung mga babaeng nagligtas sa'kin.
"Grocery lang.." sagot ko at isinuot ang jacket.
Nakita ko si Sebastian na nakabihis na.
"Tsk.. Punong-puno nga yung ref eh. Sabihin niyo nalang kasi na may date kayo.." narinig kong bulong niya.
Bago pa ako maka angal, hinila na ako ni Sebastian sa labas.
"It's gonna be a long drive. We don't want to be late. Okay?" aniya saka ako binitawan.
Ang sungit naman. Tsk.
Sabay kaming lumabas ng building at dumiretso sa sasakyan niya.
Habang nakasakay, ini-imagine ko ang hitsura ng mga 'witches' daw.
May nakapagsabi kasi kay Sebastian noon na may tatlong 'witches' daw na kilalang-kilala sa labas ng syudad.
Napakalayo din ng baryo na tinitirhan ng tatlo kaya nagdala na kami ng mga pagkain para di na kami mag aksaya ng oras na lumabas para sa pagkain.
Ibinaba ko ang bag kong may laman na mga bawang at asin.
Alam nyo na.
For emergency purposes.
"What's that smell?" tanong niya.
"Ha? Wala naman akong naaamoy ah... Baka sa aircon mo yan. I off mo nalang yan." agad kong pinindot ang button sa gilid para mabuksan ang bintana.
Buti nalang at mukhang naniwala siya sa sinabi ko. Binaba niya rin kasi ang bintana sa driver's seat.
"Malapit na ba tayo?"
Nagsimula ng bumigat ang mga mata ko.
"We're not even halfway there.." aniya at mas binilisan ang pagtakbo.
"Sige..." inayos ko ang pagkahiga sa upuan
"Gisingin mo nala-AYY PUTANGINA! ANO BA?!"
napahawak ako sa noo ko.
Eh ang perfect na ng pagkapwesto ko tas bigla nalang hihinto tong sasakyan.
"Shit." napamura siya.
"May nabangga ba tayo?" napalitan ng kaba ang antok ko.
Hindi niya ako sinagot. Nagkaroon pa ata ng post-traumatic effect.
Which means... may nabangga nga!
Napasinghap ako.
Dali-dali akong lumabas sa sasakyan para tignan kung may tao bang duguan.
Sa laking gulat ko, wala akong nakita kahit pusa man lang o patay na hayop.
Tinaasan ko ng kilay si Sebastian na kakalabas lang ng sasakyan. "Alam mo bang di nakakatuwa yung ginawa mo?"
"I swear I saw a woman." para siyang bakla. Nakatakip sa bibig niya yung isa niyang kamay tas yung isa nakaturo sa kinatatayuan ko.
Sinimangutan ko siya.
Tsk. Seryoso ba talaga siya sa ginagawa niya ngayon? Inirapan ko siya at tinignan ang ilalim ng sasakyan. "Wala naman akong nakikita eh!"
"Jamie..." narinig kong bulong niya.
"alam mo-" tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako. "Jamie.. kung gusto mo pang mabuhay wag na wag kang gumalaw."
"Ang kapal rin ng mukha mo ano?"
"NO! Please don't! J-just.. stay still..."
Naiirita na talaga ako sa lalaking 'to ha. Nagsisimula na akong magsisi dahil sinama ko pa siya.
"Alam mo Sebastian. Kent. Sol. Ikaw na talaga ang pinaka abnormal na nilalang na nakilala ko." tumayo ako at pinagpag ang jeans ko.
Ewan ko ba sa kanya. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya at ewan ko kung anong meron sa kanya ngayon.
Tinignan ko siya na nakatingin sa may paanan ko kaya napatingin rin ako.
...
Juskopo.
Napalunok ako.
"S-sebastian..." halos maiyak na ako sa kinatatayuan ko.
"S-sebastian..." di ko alam kung pinagpapawisan ba ako o mga luha na nga ang nararamdaman kong dumadaloy sa pisngi ko.
Sinubukan kong igalaw ang paa ko pero napakagat nalang ako sa labi dahil humigpit yung pagkapit NG MALAKING AHAS SA BINTI KO.
Hindi ko deserve 'to! Hindi ko deserve ang mamatay ng ganito. Kung hindi ako mamamatay dahil sa kagat ng ahas, mamamatay ako dahil sa atake sa puso.
AAAAHH!! Kasalanan bang ipanganak sa mundong ito?! Ba't parang pinagtitripan ata ako ng author ng buhay ko.
Or sadyang madaldal lang talaga ako? Ang kapangitan ko ba ang magdadala sa'kin sa sarili kong kapahamakan?
Walangya naman oh!
"Sebastian! Ano ka ba? di mo ba ako tutulungan dito?" inis na tanong ko sa lalaking nakatitig lang sa akin at naka poker face.
"Why? tinulungan kita. EARLIER. Is it my fault that you weren't listening?" nakataas ang kilay niya at nakahalukipkip.
WOW HA. WOW HA! WOW HAAAAA!
Kanina lang takot na takot siya tas ngayong nangangailangan na ako ng tulong dinidilatan niya lang ako ng mata.
"Alam mo?! nakakairita ka na ha?! kanina pa-"
"see?"
nag abot ang kilay ko.
"mas inuna mo pa ang pagalitan ako. Hindi mo nga namalayang kinagat ka na ng ahas." saad niya.
Di ko na kayang tignan ang marka na ibinilin ng ahas dahil sa pagbigat ng ulo ko.
Nag umpisa nang kumalat ang lason sa ibabang bahagi ng katawan ko. Di ko na kasi ito kayang magalaw kaya natumba kaagad ako.
Kung mamamatay man lang ako, sana alam nilang lahat na kasalanan ito ni Sebastian.
Di nagtagal, dumilim na rin ang paningin ko.
"You are... the dumbest creature that I have ever met." puna niya.
•••
Nagising ako dahil may sumusundot sa pisngi ko. Di ko pa nga nabuksan ang mga mata ko, alam ko na kung sino 'yun.
"shh... may natutulog.." bulong ko sa kanya.
"ate naman eh! ginulat mo'ko" tinulak niya ako ng mahina kaya napangiti ako.
Tinignan ko siya at umarte na para bang nasaktan sa ginawa niya "a-aray"
"h-hala.. sorry ate.." hinihimas-himas niya ang braso ko. Bumangon ako saka pinitik ang noo niya. "Ikaw ha... na ospital lang ako, ang brutal mo na."
Binelatan naman niya ako at tinulak ako ng may lakas kaya di ko na kailangang magpanggp na nasaktan.
Brutal talaga 'tong kapatid ko.
Manang mana sa ate.
Inilibot ko ang tingin sa pamilyar na kwarto. "si mama ba nasa kabilang kwarto?"
tumango naman si Arah.
"nga pala, ba't ang tagal niya atang magising?" tanong ko sa kanya.
"tanungin mo yung sarili mo... ang tagal mo kayang nagising. mga 3... 4... apat na araw na simula nung natuklaw ka ng ahas."pagbibigay-alam niya habang nagbabasa ng libro.
APAT NA ARAW?! FOUR DAYS?!
"Si Sebastian?" siya ata yung naghatid sa'kin dito. Unless pinabayaan ako ng lalaking 'yon sa gitna ng kalsada tas may nakakita sa'kin na passersby.
"Ah... tinutukoy mo ba yung lalaking iniwan ka sa gitna ng kalsada para mamatay? Hinahanap siya ng mga pulis ngayon.." kalmang sagot ng kapatid ko.
"ANO?!"napasigaw ako.
"Joke." aniya at binigyan ako ng peace sign. "Nasa ibang room siya. Mamamatay ka na nga sana eh buti nalang naisipan niyang sipsipin ang lason.." nilipat niya sa susunod na pahina ang librong hawak-hawak niya.
"GINAWA NIYA YON?!" pangalawang beses na akong sumigaw.
"Oo.. ang weird nga kasi ang dali lang kumalat nung lason.. knocked out ka agad.. atsaka, wala pa ring may alam kung anong klase ng ahas ang kumagat sa'yo." umiling si Arah.
Ilang segundo rin akong tulala sa pader. Ini-imagine ko kasi ang nangyari pagkatapos kong mahimatay.
Tinaas ko ang kumot at napansing nakasuot pala ako ng compression socks. Hanggang ngayon namamaga pa rin ang kaliwang binti ko.
Haaay buhay.
Humiga ulit ako.
Ilang beses na akong muntik mamatay ah... Ilang beses ko na sigurong na deadma ang invitation ni kamatayan.
"Ah ate Jamie?"
"hmm?"
"Hanggang ngayon, di pa nagigising si Kuya Seb. Umepekto rin ata sa kanya yung lason eh. Na knock out din siya nung hinatid ka niya dito sa ospital-"
"ARAH!" dali-dali akong tumayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top