GTKY Gone Wrong

Cesia's POV

"Hi." Tinanggap ko ang kamay ng sinasabi nilang Jamie saka umupo sa tabi niya.

Katabi niya rin ang kambal daw ni Art. Sebastian ata yung pangalan niya.

"Bago ka rin dito?" bulong sakin ni Jamie kaya napangiti ako.

"Di niyo alam kung gaano ako na excite pagkarinig ko na may bagong Alphas." Para akong tatalon anytime sa kinauupuan ko.

Wala pa ngang isang taon, may bagong dating na. Nasa super secret hidden underground resto thingy kami.

Syempre, mas lumaki ang circular table sa gitna since nadagdagan kami ng dalawa.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na rin sina Trev na siyang hinihintay nalang namin.

Umupo siya sa kabilang side ng table kaya magkaharap kami ngayon.

"Bale... ako ang weakness mo... at ikaw yung akin?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

Huminga ako ng malalim dulot ng biglaang pag sakit ng ulo ko. Nababaliw na ako sa sinasabi niya.

"Teka. Sure ka ba sa sinasabi mo Trev?" nagtataka pa rin ako hanggang ngayon. "Pa'no mo nga ulit nalaman 'yan?"

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago nagbuntong-hininga.

"The twins... they... told me..." tumigil siya sa pagsasalita.

Ginamit ko ang ability ko para malaman kung totoo ba ang sinasabi niya. Hindi ko siya naiintindihan dahil kung anu-ano lang ang sinasabi niya. Para siyang napapraning.

Nagulat nalang ako nang hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko.

Agad itong nag numb saka niya ako sinamaan ng tingin.

"Don't even try to read me." binitawan niya kaagad ako.

"Trev.. " nanliit ang boses ko dahil sa pinapakita niya ngayon. Naging bulong ata yung pagtawag ko sa pangalan niya.

Agad siyang tumayo at iniwan ako mag-isa sa cubicle.


Namalayan ko nalang na nakatingin din pala siya sa'kin.

"The faculty decided it would be best kung dito lang muna tayo. We will postpone searching for Mayethrusa." nagsimula ng magsalita si Dio.

Tahimik lang kami maliban kay Art na naghuhumm habang nakakapit sa braso ni Sebastian. Napangiti ako nang makita ang reaction ni Cal.

"It would be the right decision para mabigyan natin ng chance na maka follow up sila." tumingin si Dio sa direksyon namin.

Ibig sabihin... babalik ulit kami sa pagiging estudyante?

Sa bagay...

Namiss ko na ang mga subjects namin. Pero kung tutuusin, mas marami akong natutunan mula sa missions namin compared sa subjects namin dito. Sorry not sorry.

Bahala na. Namiss ko rin naman yung uniform ko.

"Enrolled na pala sila dito?" tanong ko kay Ria.

Tumango naman siya "Mm.. not fully enrolled because they haven't changed their name yet."

Sila nalang pala ang natirang dapat mag adjust. Madali lang naman mag adjust sa bagong surroundings lalo na kung willing ka.

Medyo mahihirapan ka nga lang kasi nga, di ordinaryo ang school na'to.
Anyways, lahat naman ng nandito hindi ordinary pati na yung kinakailangang mag adjust.

Mayamaya, dumating na rin yung pagkain.

"Wag ka ngang mahiya." natatawa kong sabi sa katabi ko.

Ang tagal niya kasing kumuha ng pagkain. Nakatitig lang siya sa plate niyang walang laman.

"Ganito ba ang pagkain nyo dito?" bakas sa boses niya ang hanga sa mga pagkaing nakalantad para sa'min.

Tumawa ako ng mahina. "Trust me. Nagulat rin ako."

Tumango-tango siya.

Naging pleasant naman ang dinner namin. Chill lang yung vibes. Gusto ko palaging ganito. Yung tipo ng gathering na walang nai-istress.

Yung typical and relaxing conversations lang ang meron.

Napatigil nga lang kaming lahat dahil sa biglaang pagtili ni Art.

Of course. Expected na may mangyayari talagang ganyan.

"Gets ko na! GETS KO NA! IIIIHHHH!!!" napangiwi kaming lahat sa matinis niyang boses.

"Ang sabi sa'kin na clue ni Papa tungkol sa kambal ko... ay ano.. sabi niya..." ngumuso siya at nag make face.

"He is revered Art..." sinubukan niyang i mimic ang boses ng isang lalaki.

"So?" inis na tanong ni Ria.

"Sebastian is a latin name that means venerable... or revered." si Kara ang sumagot habang kumakain.

Bumagsak si Art sa upuan niya. "Lah. Ba't di ko kaya naisip yon?" Umiiling-iling siya.

Tinignan ko naman ang kambal niya na walang imik na nakatingin kay Art.

"Mamaya... bili tayo ng stickers! Samahan mo'ko twinny ah?" Sabik na alok ng bata.

Namalayan ko nalang na kanina pa nakangiti si Jamie habang kinukwento ni Art sa kanila ang hobbies niya na magcollect ng kung ano basta may powerpuff girls.

May binulong si Jamie ni Sebastian dahilan na mamula siya.

Mukhang close ang dalawang 'to...

Buti nga si Jamie may close siya dito kahit first time niya. Ako nga ninisang kilala wala talaga.

Mas gumaan ang atmosphere nang nagsimula na ang bangayan ni Ria at Chase.

Magduduel daw sila ngayong gabi. Syempre nag agree kaming lahat. Sino nga bang hindi sasang-ayon? Mas magiging entertaining ito ngayo't phoenix na si Ria.

•••

Napailing ako. Palpak ang plano nilang duel.

Nasa training room kami.

Nakatanggap ako ng suntok sa sikmura.

"Kalalabas ko nga lang sa clinic!" hiyaw ko saka ginamit ang weapon ko para itapon ang cyclopes.

Ang duel na dapat sa pagitan lang nilang dalawa ay naging Girls vs Boys na.
Ewan ko kung paano napunta dito 'tong visual cyclopes. Nag away kasi yung dalawa kung sino ang unang makakaubos ng cyclopes. Yung girls ba o boys.

Nahilo ako kaya sumandal muna ako saglit.

"HAHAHAHAHA! FUCKYOU." rinig na rinig ko ang boses ni Ria.

Tinignan ko ang mga lasing sa harap ko.

Kaninong plano ba'to?!

Sumasayaw si Chase at kung saan pinapalipad ang weapon niya. Nakahiga lang si Kara habang nakapikit. Kung sino mang nagtatangkang lapitan siya ay agad niyang hinahagisan ng shield niya.

Nakaupo lang si Jamie, Sebastian at Trev pinapanood ang gulo sa loob ng room.

Si Cal? Eto. Ginagawang dummy ni Art.

Kung anu-ano na ang scenario dito sa room.

Nakita ko nalang ang dalawang kaibigan ko dito.

"Hello... old friends..." bati ko sa dalawang lobo.

Gusto ko tuloy kantahin yung kanta tungkol sa lobo...

Yung.. ako ay may lobo...

"Buti naman at nandito kayo... kailangan ko rin kasi ng makakausap." Nag squat ako.

Nanlilisik ang mga mata nila. Gayundin ang paglakas ng growls nila.

Ases. Ang kj ng dalawang 'to.

Susugod na sana sila nang pinigilan ko ang dalawa.

"Sit." Natahimik sila bigla saka umupo sa harap ko.

"Ikaw rin! Umupo ka dito!" Inutusan ko ang isang cyclope.

"May crush kayo ano? Yiiee..." tinutukso-tukso ko sila.

Tinignan ko ang cyclopes. "Eh ikaw? Meron ka ba?"

Tinakpan ng cyclopes ang mukha niya gamit ang dambuhala niyang mga kamay.

Kinikilig pa ah?

"shhh... lika.. share tayo ng secret." bulong ko sa kanila.

May mga kaibigan naman pala ako dito. Walang nagsabi. Tsk tsk. Naaawa na tuloy ako sa mga napatay ko noon. Pwede naman pala kaming maging squad. Yun lang naman talaga gusto ko.

Peace to everyone.

Tinuro ko ang lalaking papunta sa'min. "Crush ko oh..."

"Ang gwapo-gwapo niya..."

"Cesia." narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Shoot guys. Anong gagawin ko?! Nakatingin siya sa'kin!!!" tinulak-tulak ko sila.

"Are you drunk?"

"NO." tumayo ako at naglakad ng straight line para iprove sa kanya na hindi ako 'drunk'.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakakapit sa kanya.

Ang gwapo talaga ng masungit na'to.

"Let's take them to the dorm already."

Mayamaya, natagpuan ko ang sarili ko na nasa bisig ni Trev.

"Hey... nandito pa rin ako kausapin mo'ko, son of Zeus."

Huminga siya ng malalim.

"Hello daughter of Aphrodite."

Napapikit ako sa ganda ng boses niya.

"Ikaw nalang palagi ang sumasagip sa'kin..." bulong ko sa kanya.

"you're like my hero.." sinusundot-sundot ko ang pisngi niya.

"thank you...." tinignan ko siya. "kahit ang sungit sungit mo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top