Grip

Cesia's POV

Sunod-sunod na pinapakawalan ni Jamie ang galit niya. Literal na fireballs ang hinahagis niya kung saan-saan.

Pero alam ko namang in control siya. Alam niyang may mangyayari sa kanya na ganito.

"she can manipulate fire. cool." tumatango-tango si Dio.

"eh ikaw Cesia? Kailan mo ba planong mag supreme divination?" ni reflect ni Chase ang piraso ng mga bakal na papunta sa'min gamit ang weapon niya.

Oo nga... naunahan pa ako ni Jamie.

"Did you forget? Supreme Divination can cause death. Don't force her to do so. She might not be ready." tutol ni Kara.

Naalala ko yung time na muntik na akong mamatay dahil sa power limit kaya tumango nalang ako.

"or..." hinatak ni Ria ang espada niya mula sa tiyan ng isang gigantes. "naghahanda na ang katawan niya. She might just become the most powerful demigod. Hindi natin alam. Baka ang supreme divination niya ang maaaring dahilan ng end of the world." natatawa niyang sabi.

"Oh you mean like Trev's?" tanong ni Dio.

Napatingin ako sa lalaking nakalutang sa ere. Nagkasalubong ang mga mata namin kaya yumuko ako.

Ano nga bang meron sa lalaking yan?

"Trev? Is he that powerful?" usisa ni Sebastian.

Tahimik lang sila at nagtinginan.

"Trust us. Iba ang magagawa ng isang anak ni Zeus. That's his basic abilities right now. He's just using his eyes to get critical hits whole throughout." sagot ni Ria.

Basic Abilities?!

Tas ginagamit lang niya yung mga mata niya para ma enhance yung tama niya sa mga kalaban...

Kaya pala... pwede niyang ibahin ang mga mata niya anytime. Alam niya ang ginagawa niya...

At ang kalma lang niya.

Wala akong nararamdaman na kaba at takot mula sa kanya.

Napailing ako at tinignan ulit si Trev.

This time, napagtanto kong kanina pa pala siya nakatingin sa'kin.

"Son of Zeus!!" nabaling ang atensyon ko sa gigantes na tumatakbo papunta sa kanya.

Sinenyasan ko siya na tignan ang paparating na higante.

Pero wala pa rin siyang kibo. Nakatitig pa rin siya sa'kin.

Umm...

Nagsimula na akong kabahan para sa kanya?

What the fudge.

Nakaka stress ang lalaking 'to!

Tumakbo ako para harapin ang nilalang.

ANO BA 'TONG GINAGAWA KO.

Gamit ang weapon, hinagis ko ang isang blade ng patay na gigantes at ibinaon ito sa hita ng....

Teka.

Hindi siya gigantes.

Ang dami ng mga mata niya.
Parang pinya yung upper part ng katawan niya.

Seryoso. ANONG KLASENG HALIMAW YAN.

Nakatingin lahat ng mga mata niya sa'kin. Lumambot ata yung tuhod ko. Gusto kong umupo at huminga muna.

Hinanap ko si Trev na nawala na sa pwesto niya.

GODS. Ano nga bang pumasok sa isipan ko. Iiwan lang naman ako ng lalaking nyan. Wala ata siyang balak na tulungan ako dito.

Binigyan ko ang malaking pinya ng namomroblemang ngiti.

Ano nga bang magagawa ko. Walang-wala ako sa pinyang 'to.

Asan ba kasi si Trev. Edi sana hinayaan ko nalang silang dalawa na magbakbakan. Hindi kami.

Tulong.

Nagtaka ako kung bakit tumigil yung pinya.

Di nya ba ako aatakihin?

Kinuha ko ang chance na tumakbo papalayo sa kanya. Syempre di ko naman ginawa yun.

Instead, nagmala magneto ako at sinubukang ikontrol ang silver shield ng nakahandusay na gigantes at pumatong dito.

Mahirap rin palang magkaroon ng ability na lumipad. Ilang segundo ang kinailangan ko para ma stable sa shield.

Aalis na ako dito.

Okay na yang blade sa hita niya.

I swear. Obvious talagang hindi ko kaya ang halimaw na yan.

Kinuha ng pinya ang blade at itinaas ito. Saka niya ako sinigawan ng harap-harapan.

Ayaw niya talaga akong pakawalan.

"Are you seriously gonna fight a mortal with no weapon?" nakataas noo kong tanong sa kanya.

"Ang daya daya naman."

Parang ang confident ko pakinggan, pero sa totoo lang...

Kabog lamag ng dibdib ko ang tangi kong naririnig.

Nag isip-isip rin yung pinya bago bitawan yung blade.

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos makita ang ginawa niya.

"I have a hundred eyes kid. You're nothing." humalakhak ang pinya.

"Really?" siningkitan ko siya.

"Tsk." May sinabi siya sa kanyang sarili na di ko narinig ng maayos.

Lumundag nga siya. Pero bago pa niya ako makuha, nakaiwas na ako ng ilang inches sa kamay niya.

Muntik na yun.

Napansin ko ang pagngiwi niya sa sakit nang bumagsak siya.

"Hindi ako matatalo sa isang anak ng grace." sambit niya.

Kumunot ang noo ko.

Teka. Akala niya isang grace ang deity ko?

Ewan pero nainis ako sa sinabi niya.

"Wrong." tinaasan ko siya ng kilay.

Tumayo siya at sinuri ako. Nanghuhula pa ata kung sino yung deity ko.

Narinig ko ang tunog ng phoenix kaya napalingon ako.

Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil isang sampal lang ang ginawa niya at nagbackflip na ako at bumagsak sa lupa.

Napasigaw ako sa sakit.

Iniimagine ko nalang na ako yung bola sa volleyball at siya yung spiker.

Hirap akong makahinga dahil sa bawat segundo na sumasakit ang buong katawan ko. Namanhid ang kanang braso ko dahil sa impact.

Hindi ko kayang tumayo. Oh Gods. Inaasahan ko talaga na mangyayari 'to.

Sabi ko nga. One hit lang ako.

"Not one of the graces? Well I must say your deity must be weak. Looking at you right now. HAHAHAHA!"

Napatigil ako sa sinabi niya.

Weak?

Kinuyom ko ang aking kamao.

Weak...

Ang deity ko?

"Kneel."

Tumigil siya sa pagtawa saka binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"I said kneel." I willed with a voice as enchanting as a siren.

Nagulat siya nang bumagsak rin siya sa lupa, nakaluhod.

Nanlaki ang mga mata niya.

"A-aphrodite?" nauutal niyang tanong.

Tumayo na ako nang unti-unti nang naghilom ang mga sugat ko.

"I-im s-sorry kid.. nandito ako p-para..." napalunok siya. "p-patayin ang dahilan kung bakit ako g-ganito.."

Nandito siya para patayin ang anak ni Zeus? Ano nga bang kasalanan ng God sa kanya?

"Nandito rin ako para patayin kung sino man ang magtatangkang patayin siya." sambit ko.

Hindi ko pinapakita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sumasakit ang buong katawan ko.

Nagpupumilit siyang tumayo kaya mas diniinan ko pa ang will ko na nakakonekta sa'ming dalawa.

Narinig ko ang tunog na inilabas niya dahil sa matinding galit.

Ngunit napatingin ako sa direksyon ni Art na pinapalibutan na ng gigantes.

"DON'T MOVE." utos ko saka tumakbo para tulungan siya.

"Hi Cesia! Hihihi." bati niya sa'kin habang tinutunaw ang gigantes na nasa harap niya.

"Art..." tinawag ko ang kanyang pangalan.

Kaso hindi niya ako narinig.

Atsaka...

Ba't namumutla siya? Para na siyang multo ngayon.

Teka..

Naramdaman ko ang enerhiya na unti-unting nawawala sa kanya.

Napansin ko rin ang iilang mga linya na gawa sa liwanag sa kanyang paanan. Sinundan ko ito at nakitang nakakonekta ito sa kakambal niya.

Nauubusan na siya ng enerhiya... kasi..

Kasi pinapasa niya ito sa kakambal niya.

Walang alam si Sebastian sa nangyayaring transfer of energy. Di niya namamalayang mas nagiging radiant ang liwanag na meron siya.

Samantalang kay art... ang liwanag niya... unti-unting nawawala...

Napalunok ako.

"Cesia. Pakitulungan naman ako oh." nginitian niya ako.

Hindi ako sumagot at huminga ng malalim.

Tumango ako at binigyan rin siya ng ngiti.

Ngiti.. dahil napag-usapan na namin 'to. Kung ano man ang plano niya... susuportaan ko siya bilang isang Alpha.

Pero nanghihina rin ako... hindi dahil malaking portion ng ability ko ang nagamit...

kundi dahil ramdam na ramdam ko ang pagkawala ng liwanag mula kay Art.

"Cesia... okay na. Pumunta na tayo sa kanila." naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

Kanina ko pa natapos ang mga gigantes... pero nakatayo lang ako dito habang dinaramdam si Art.

Napayuko ako at sinundan si Art.

Anong gagawin ko sa'yo Art...

"Hecate is hiding. Tsk." saad ni Ria.

"The portal is closing too. Look." tinuro ni Dio ang portal. Mas lumiit ang doorway nito.

"Just don't go near it. It's absorbing anything that comes in its way while closing itself." paalala ni Kara.

Laking gulat ko nang tumilapon ako bigla sa kahoy.

Nakalimutan ko yung pinya.

Ang pinakamalaki sa mga gigantes na nakalaban namin.

Isang seundo lang at kinuha ako ng halimaw para itapon sa loob ng portal.

"CESIA!" narinig ko ang mga sigaw nila.

Isang kamay ang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"T-trev? Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Saving you..." humihingal siya.

"again." narinig kong dugtong niya.

Hinila niya ako. Pero katulad ng sinabi ni Kara, tila vacuum ang portal kaya't hindi ko magawang lumabas mula dito.

Pag ipapapatuloy niya ang ginagawa niya, sigurado akong kaming dalawa ang mahuhulog dito.

"H-hindi pwede. Kakainin lang tayo ng portal. Wag kang sumama sa'kin."

Tinignan niya ako na tila hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.

Napatingin ako sa ibaba.

Wala akong nakikitang liwanag. Hindi ko alam kung anong klaseng abyss ang nasa baba. Pero sigurado akong sa underworld ito.

"Let go of me Trev." utos ko sa kanya.

Nadudulas na ang kamay ko.

"Bitawan mo'ko." at sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ang takot niya.

Nagulat ako.

Takot siya...

dahil sa'kin.

"I will never."

Umiling ako.

Wala talaga siyang planong sundin ako.

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "Trev. Inuutusan kita. Bitawan-"

Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

"FUCK IT!" kasabay ng pagsigaw niya, ang paghila niya sa'kin papalabas ng portal.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa portal na iniikutan ng kuryente.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.

S-sinira niya ang portal para sa'kin?

(A/N: Remember: may natutulog.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top