Death of A Camp
Jamie's POV
"Ate... dito nalang ba tayo forever?" narinig kong tanong ng kapatid ko.
Napaisip ako saglit sa sinabi niya.
Actually, as long as safe siya rito. Oo, papayag ako na dito nalang kami mamalagi.
Pero bata pa siya. Di kaya ng sistema niya ang ma enclosed sa kampo na'to.
Gusto niya ring makaranas ng kalayaan. Maka gala kung saan-saan.
Tinignan ko siya na may nilalarong maliit na spear. Kumunot ang noo ko.
"Sa'n yan galing?" usisa ko.
Pinaikot niya ito sa kamay niya. "Binigay sa'kin ng buwan."
Nagtaka ako sa sagot niya. Binigay ng buwan?
Tumango-tango siya. "Mmm... binigay ng isang babae sa'kin. Ang cool nga kasi may kasama siyang mga wild animals. Naka mask nga lang siya pero ang ganda ng mga mata niya!" sabik na sabik siya habang inaalala ang nangyari.
Hindi ko maiwasang maging interesado sa sinasabi niya.
"Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya. Tinuro niya yung buwan kaya ayun." tinuro niya sakin ang handheld na weapon niya.
Ngumiti ako saka tumayo. Dumiretso sa sungkod ng yumaong tatay at hinawakan ito.
Balak ko sanang ipakita sa kanya ang weapon ko.
"Nahanap mo na pala yung sungkod ng tatay mo?" tanong niya.
Tumango ako.
Mahal na mahal ko si Arah kahit magkaiba kami ng ama. Wala naman kaming choice kundi maging close kasi yun ang palaging bilin ng nanay.
Away man ka mi ng away eh hindi naman namin binibring up ang pagiging half-sisters namin.
Noong una, oo, nagalit ako kay mama nang malaman kong buntis siya. Akala ko kasi may karibal na ako.
Muntik na ngang mamatay sa sinapupunan si Arah dahil sa'kin. Namatay kasi yung tatay niya.
Pero ininsulto ko parin si mama kahit alam kong sobrang lungkot ang nararamdaman niya sa mga panahong 'yon.
Alalang alala ko pa...
"Karma mo siguro 'yan kasi ang landi landi mo! Di mo kayang hintayin si tatay kaya naghanap ka ng iba!" sigaw ko sa kanya na nakatayo, nakatingin sa picture ng stepfather ko.
Tinignan niya ako. Nakakuyom ang isang kamao niya.
"Ilang beses ko na bang sinabi na hindi na babalik ang tatay mo!" binalik nya ang frame sa mesa.
"Babalik siya kasi yun ang sabi niya!" nagsimula na rin akong umiyak.
Tinignan ako ni mama na tila hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.
Huminga siya ng malalim. "Jamie... please kahit ngayon lang... Marunong kang umintindi... Sa isang babaeng nagdadalang-tao.. Pangalawang beses na nawalan ng asawa..."
Umiling ako.
"Ang malas malas mo." tinignan ko siya. Ni isang beses di ko siya tinuring na ina. Kahit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. "Sana ikaw nalang yung umalis. Sana ikaw nalang ang hinding-hindi na babalik-"
Nagulat ako sa ginawa niya. Nanginit ang pisngi ko saka ito sinundan ng hapdi.
Humagulgol ako ng iyak. Kinaya niyang saktan ang anak niya. Hindi niya ako mahal.
"Wag na wag mong sabihin 'yan!" namumula ang mukha niya sa galit. Pero patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha niya.
Tinitigan niya ako. Naging malungkot siya. Huminahon siya saka hinipo ang pisngi ko.
Tinulak ko siya.
"J-Jamie..."
Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos makita ang dugo sa sahig.
Anong nagawa ko...
"Ate okay ka lang?" boses ni Arah ang gumising sa'kin.
Inangat ko ang ulo ko para tignan siya.
"Umiiyak ka ba?" nakakunot-noo niyang tanong. Nagbuntong-hininga ako saka pinunasan ang isang luha na nakatakas.
Binalik ko ang sungkod.
"Bisitahin natin si mama?" aya ko sa kanya.
Ngumiti siya saka tumango.
Hindi pa kami nakalabas sa tent namin ay nakarinig kami ng malaking pagsabog dahilan na mapaluhod kami. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Arah saka kinuha ang weapon ko.
Sinundan pa ito ng napakaraming pagsabog.
"Dito ka muna." ginabayan ko si Arah sa ilalim ng mesa namin.
Bago ako makalabas, pinigilan ako ni Arah.
Nginitian ko lang siya "babalik ako..." alam ni Arah na hindi niya ako mapipigilan kaya tumango lang siya at binitawan ako.
Tumakbo ako papalabas at huminto pagkatapos makita ang eksenang nakabungad sa harap ko.
"The barrier is damaged!" sigaw ng isang huntre. Tinignan ko ang dome na nakapaligid sa'min. Unti-unti itong nababasag.
Pinaikot ko ang weapon para lumabas ang dalawang malalaking blade nito. May chain rin ito sa dulo na nakakonekta sa kamay ko.
Buti nalang at nakita ko si Heather at ang iba pang mga huntres. Inutusan niya yung iba na bantayan ang mga refugees at yung iba na lumabas mismo ng camp para pigilan kung sino man ang may planong lusubin ang lugar.
Bigla akong natapon papalayo sa kanila. Muntik na akong mablack out kundi dahil sa labrys.
Labrys...
ang pangalan ng weapon ko.
Pinalupot ko ito sa isang kahoy bago pa ako tuluyang mahagis. Medyo masakit nga lang yung kamay na may chain dahil abrupt ang pagkahila sa'kin.
Tinignan ko ang napakalaking... abot-langit na higante.
Nakaramdam ako bigla ng takot.
Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
Napapikit ako nang apakan niya ang dalawang refugees. May hawak siyang salamin. Isang malaking basag na bahagi ng barrier.
Sinubukan nila Heather na panain ang higante pero wala itong epekto sa malaking katawan niya.
Wala ngang ni isang palaso na tumama sa kanya dahil winawalis niya lang ito gamit ang malaking kamay niya.
Tumakbo ako kina Heather na nagtatago sa likod ng tent.
"Gration.." humihingal siya habang nagsasalita. "Isang gigantes na nakalaban ni Artemis." tinignan ko ang dumudugo niyang noo.
Tumango ako. "pero bakit yan nandito?" hindi ko kayang maitago ang matinding kaba ko.
"We don't know.." tinignan niya ang isang huntre. "where is your team?"
Walang sinagot ang huntre. Umiling lang ito sa kanya. Yumuko si Heather at napaluhod.
"Heather.." tinulungan ko siya. Nakahawak siya sa tiyan niyang may nakasubsob na bagay.
"The refugees..." narinig kong bulong ni Heather. "send the rest of the huntres.. protect them at all cost."
"pero yung camp-" nag-aalanganing sabi ng isa.
"The camp is nothing. Just hide them in our safe place... narinig nyo ba ako?" mayamaya, kaming dalawa nalang ni Heather ang natira. Lahat kasi ng huntres na pumupunta sa kanya ay inutusan nyang pumunta sa mga refugees para tulungan sila.
Inalalayan ko siyang tumayo. "I will be fine. Get your little sister and run away from here as far as you can. Gration might follow us."
Tinanggal niya ang kamay kong nakaalalay sa kanya saka tumakbo.
HIndi na rin ako nag aksaya ng oras at dumiretso sa tent namin.
Sa laking gulat ko, wala si Arah sa loob.
Narinig ko ang sigaw niya sa labas kaya agad kong sinundan ang boses niya.
"Mama!! S-si Mama ko!" nagpupumiglas si Arah. Pinipigilan siya ng isang huntre na makapasok sa nasusunog na tent.
Pero natapon sila papalayo dahil sa biglaang pagsabog nito kasabay ang matinis niyang sigaw.
Ginamit ko ang labrys bilang support.
Bigla kasing bumigat ang katawan ko. Naramdaman ko nalang ang pag agos ng luha sa pisngi ko.
Napansin ko ang higante na papunta sa kanila.
Kusang kumilos ang buong katawan ko at nakita ko nalang ang sarili ko na nakakapit sa leeg ng higante. Ginamit ko ang blade para di mawalan ng balanse habang nakapatong sa balikat niya.
Nakaikot ang chain sa leeg niya at nakakakapit lang ako sa dulo. Umuusok ang leeg niya na tila acid ang ginto ng labrys.
Pero madali pa rin sa kanya na hugutin ang gintong kadena at itapon ito. Kasama na ako jan.
"Uhh.." nagawa ko paring tumayo kahit nahihirapan na akong huminga.
Kumikirot ang likod ko pag gumagalaw ako ng konti kaya medyo awkward ang postura ko ngayon.
Tinanguan ko ang huntre na may hawak ng kapatid ko. "Pumunta kayo sa safe place na tinutukoy ni Heather." utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
Umiiling si Arah pero katulad ng nakasanayan, binigyan ko lang siya ng ngiti.
Kung ngayon ang huli naming pagkikita, atleast alam niya ang dahilan ng ngiti ko... Dahil alam kong ligtas siya at nagawa ko ang tungkulin ko bilang ate niya.
Nakakabinging sigaw ang binigay sa'kin ng gigantes.
Hindi pa pala ako tapos dito.
Binatak ko ang chain ng labrys at tinignan ang higante.
Ginapos ko ang labrys sa kanang paa niya pero hindi ko siya napatumba.
Wala na kasi akong lakas para hilahin ito.
Nagtaka ako saglit nang magsimula siyang sumigaw habang nag-aapoy ang balat niya. Nakatakip ang kamay niya sa mukha na para bang nasisilawan.
Pero nagawa niyang ibato sa'kin ang basag na barrier.
Hindi nga lang ito nakaabot dahil natunaw kaagad ito nang may humarang sa'kin. Nakataas ang kamay niya sa mga mata ng gigantes.
Hindi ako nakagalaw.
"Sebastian..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top