Connections
Jamie's POV
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Baka kasi hallucination ko lang pala ito.
Pero wala eh.
Ibig sabihin... totoo ngang may lumalabas na liwanag sa dalawang kamay ni Sebastian.
Hindi... yung buong katawan niya nagliliwanag.
Nakabalot siya sa nakakasilaw na liwanag.
"Ah... a son of light." lumindol sa buong lugar dahil sa mga halakhak ni Gration.
"Are you okay?" tumigil siya sa harap ko.
"Gago!" sinapak ko siya. "Ako okay?! Bulag ka ba?!" sarkastiko kong tanong.
Eh napuno na nga ng mga pasa't sugat tong katawan ko tas tatanungin niya kung okay lang ba ako?! Muntik na nga akong mamatay tas okay?! OKAY?!
Naiiyak na nga ako dito!
Ginulo niya ang buhok ko. "stay here." utos niya bago mawala sa harap ko.
Nagtago muna ako sa likod ng isang kahoy saka naghanap ng hangin.
Mayamaya, nakaipon na rin ako ng sapat na lakas para harapin ulit ang gigantes.
Nahagip ng mga mata ko ang maliit na sibat ni Arah.
Pinulot ko ito saka sinuri ang kakaibang hugis nito. May spirals na nakalilok sa silverish metal. Tas mga tribal patterns na nakaukit sa handle.
Binigay ng buwan.
Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Heather tungkol kay Gration.
Kinuha ko rin ang pana na naiwan ng huntre. Sana nga lang tama 'tong iniisip ko.
Lumabas ako mula sa pagtatago at pinana ang paa ni Gration since yun lang ang madaling target dito sa pwesto ko.
Narinig ko ang sigaw ng gigantes nang dumikit ang spear sa balat niya. Natumba ang gigantes.
Nakaramdam ako ng pag-asa.
Tama. Ang goddess mismo ang nagbigay ng spear kay Arah. At ang spear lang ang makakasakit sa gigantes.
Hand-held lang ang sibat na'to pero kaya nitong patumbahin si Gration.
Tumakbo ako sa tabi ni Sebastian.
Alam kong nagtataka siya kung paano ko napatumba yung higante pero mamaya ko nalang ikuwento sa kanya.
Sumisigaw parin ang gigantes.
Hinagis ko ang labrys sa kabila para gapusin si Gration at iwasan siyang makatayo.
Nagwawala ngayon si Gration habang nakahiga, nagpupumiglas.
Tinignan ko si Sebastian na nakatitig lang sa'kin. "Ano?!"
Umiling siya saka tinaas ang dalawang kamay niya. Nagdilim ang buong kapaligiran maliban nalang sa isang makapal na ray of light sa tiyan ni Gration.
Tila kinolekta ni Sebastian ang natitirang liwanag at pinagsama-sama ito.
Lumakas ang hagulgol ni Gration.
Walang awang binutas ni Sebastian ang tiyan ni Gration gamit ang liwanag.
Tinignan ko si Sebastian na halatang nanghihina.
Kusa siyang nawalan ng malay nang marinig ko ang huling sigaw ni Gration at paglaho niya.
Bumalik na rin ang liwanag.
"Sebastian!"
Hinatak ko ang chain ng labrys at binalik sa kamay ko ang staff.
Pinuntahan ko kaagad siya. Puno ng dugo ang mga palad niya.
"H-hoy!" kinakalog ko siya.
Nanginginig ako habang nakatingin sa kondisyon niya.
"Ang sabi mo pa nga wag kitang iwan pero bakit ikaw ata 'tong nang iwan?!" mahina ko siyang sinampal-sampal.
Wag naman siyang mawala ng ganito lang.
Bweset! Ang dami ng nawala sa'kin tas iiwan niya pa ako?!
"Gago!" niyakap ko siya.
"G-gago..." umiyak ako. Pakiramdam ko.. nawalan ako ng isang mahalagang parte ng pagkatao ko.
Mahaba-haba rin ang speech ko nung gumalaw ang kamay niya.
Bakas sa mukha niyang ang ngiti ng tagumpay...
"I knew it." nagawa pa niyang magsalita kahit malapit na siyang mamatay.
"H-huh?"
Umayos siya ng upo.
"I knew you'd care."
Tinulak ko siya dahilan na mapangiwi siya sa sakit. "WAG KA NA NGANG MAGBIRO NG GANYAN!!"
Humagulgol ako ng iyak.
"Hey... look at me." aniya at inangat ang ulo ko.
Binigyan niya ako ng ngiting hinding-hindi ko ipagpapalit ng kung ano man. "I will never leave you.."
"I just need you to trust me."
I just need you to trust me...
Tumango ako. Hindi niya alam na higit pa sa trust na'yan ang kaya kong ibigay sa kanya.
Cesia's POV
Puno ng lungkot at alala ang katabi ko ngayon. Nakapikit ako pero alam ko ang bigat ng emosyon na dinadala niya.
Nakaramdam ako ng kiliti sa kamay ko kaya binuksan ko na ang mga mata ko.
Maliliit na sparks ng kuryente galing sa mga daliri niya ang naglalaro sa kamay ko.
Napangiti ako habang tinitignan siyang naglalaro sa tabi ko. Nakapatong yung ulo niya sa unan na katabi ng paa ko.
Ang mature niyang tignan kung saang anggulo. Palagi kasing nakasimangot. Pero kung titignan siya dito mula sa view ko, para lang siyang normal na tao.
Okay. May pagka cold at harsh din siya. Saka bossy, manipulative, spoiled, short-tempered... kung ano pang description ng majority sa kanya.
But I know that's just a part of him. Nature na siguro yan para matakot yung nakapaligid sa kanya.
Nagulat ako nang napansin kong nakatitig din pala siya sa'kin. May halong lungkot nga lang yung mga mata niya.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Nag abot ang kilay niya. "I should be the one asking you that..."
Ayy oo nga. Ako nga pala 'tong nakahiga sa clinic.
Hindi ko pa kayang bumangon pero gising na ako. I guess counted na yun bilang okay.
"hey..." umusog siya papalapit sa'kin.
"want to see something?"
Nagtaka ako sa sinabi niya pero tumango nalang ako. Para siyang bata na may nadiskubreng bagong laro.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko saka unti-unti niya itong nilayo.
At first wala akong nakikitang unusual maliban nalang sa kuryente na lumalabas sa palad niya.
Nang lumabas mula sa'kin ang violet dust. Nakakonekta ito sa kuryente forming a wave sa pagitan ng dalawang kamay namin.
Pero naglaho ito nang sapat na ang distansya ng kamay niya mula sa kamay ko.
"Ang cool..." puna ko.
"we're like magnets..." saad niya at umupo sa tabi ko.
"I just discovered it earlier while I was playing-"
"wait." pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"so pinagtitripan mo'ko habang natutulog ako?" tinaasan ko siya ng kilay.
Nagulat siya sa tanong ko. Natawa ako ng mahina dahil sa reaksyon niya.
Ang cute niyang tignan. Kung alam lang nilang lahat na ganito din 'tong si Trev. I'm sure isa ito sa most shocking moments ever since history started.
Bumalik ang poker face niya nang narealize niyang binibiro ko lang siya.
Haha. Nainis ata sa'kin.
Nagbuntong-hininga siya.
"I just discovered it earlier... I think it has something to do with my electrical abilities and your empathy." seryoso niyang sabi.
Tumango ako.
"and nobody must know about it."
"anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Because..." hinawakan niya ang kamay ko.
"it means you're my weakness."
"and I am yours."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top