Beauties
Chase's POV
I hate history.
Yan ang conclusion ko habang nakikinig ng 50-50 kay madam. Ewan ko kung ilang oras na kaming nakaupo dito, at siya nakatayo sa harap. Ang haba naman kasi ng topic namin ngayon.
Ano pa ba kundi ang napakasikat na Trojan War.
May quiz nga daw kami sa susunod na meeting. Napagtanto ko ring boring sa academy na 'to at desperado na akong lumabas.
Hmm.
Alam nyo kasi. Isang milagro ang hindi nila pagbibigay sa'min ng misyon sa loob ng ilang linggo.
Bullshit!
I AM BORED.
I AM SO SO SO BORED.
"Are you not feeling well Chase?" mukhang nakuha ko ang atensyon ni madam. Kanina ko kasi siya binibigyan ng 'lumabas-ka-na-puta-magring-na-sana-yung-bell' look which I know is disrespectful.
But don't we all use that look at teachers?
"No madam. Please. Ituloy niyo po yung discussion niyo." I signaled her na icontinue yung ginagawa niya which is the complete opposite sa gusto kong gawin niya.
Eh syempre dapat mabait ako.
Kasi sabi nga nila.. ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban.
Kagwapuhan pala.
Kaya dapat di lang tayo gwapo mga bro. Dapat mabait rin tayo.
Kulang na nga lang pakpak para mapagkamalan na akong anghel.
Angel Chase ng buhay mo.
Okay. That sounds disgusting.
"Now... the most beautiful girl in the world was Helen. Her mother was Leda who was either raped or seduced by Zeus in the form of a swan." may pinakita siya sa'min na painting ng scenario.
Specifically ang bed scene nila.
Swamp scene.
Lake scene.
Seryoso. Pangit ba 'tong si Zeus at di nya kinayang itanan si Leda gamit ang sarili niyang anyo? Oh trip lang talaga niyang mag anyong swan kasi na curious siya pano gumagawa ng bata ang swan?
Sasabihin ko na sanang ang bobo niya nang napatingin ako kay Trev.
Di naman siguro lahat ng babae eh gustong maka bed scene si Zeus. Nakakatikim kasi sila sa galit ni Hera.
Napailing ako.
Yung ina ni Trev hindi nga nakatanggap ng parusa mula kay Hera. Pero yung anak niya...
Napailing ulit ako.
Kwento niya 'yon at hindi ako pwedeng makialam.
Napalingon ako sa katabi kong halatang namimigat na yung mga mata.
Haha.
Ang cute niya.
Mas cute pag masungit siya.
Para siyang maliit na bunny....
na nangangagat at may dalang espada.
Pero titiisin ko parin ang pangungulit niya tawagin man niya akong bakla.
Totoo naman telege eh. Hihihi.
Joke lang. Lalaki ako. Paanakan ko pa nga ang babaeng 'to.
Ang cute siguro ng mga anak namin...
"HOY BAKLA!" nagulat ako sa natamo kong sapak mula sa kanya.
"Yes misis?" nginitian ko siya.
Agad namang namula yung pisngi niya. Ha. Sabi ko sa'nyo. Walang nakakapalag sa lalaking 'to. Kahit anak ni Ares. Yeah.
"Misi- kanina ka pa nakatitig ah-" tinalikuran niya ako saka dumiretso kina Cesia.
May nasabi ba akong mali?
Tumayo na ako at kinuha ang bag kong walang laman. Kahit ballpen wala talaga. Hangin lang.
Estudyante goals. Tsk.
"Nakarating na ba yung mga damit natin?" tanong ko sa kanila.
Mamaya pa kami makakasuot ng chiton pag opening ceremony na. Free naman lahat ng students ngayong umaga kaya pwede muna kaming magchill lang sa dorm.
Kami ang maghahari sa dorm ngayon dahil alam naming may sarili ring lakad yung mga girls.
Uuna na sana ako sa dorm nang biglang nawalan ng malay si Art. Buti nalang at nasalo siya ni Cal. Syempre. Mas mabilis pa ata yung bro ko kesa sa'kin pagdating sa asawa niya.
Pero wala pa ring nakakalamang sa'kin in general.
"I guess we can't go. We'll have to stay at the dorm while Art is out." sinundan namin ng tingin si Cal papalabas ng room bitbit si Art.
Tsk. Akala ko pa naman okay na si Art.
Hanggang ngayon wala pa kaming alam sa nangyayari sa kanya maliban nalang na dulot ito ng visons niya.
Sabay na kaming pumunta sa dorm. (sila lang dahil una akong nakarating.)
As expected, nakita ko ang isang rack na may nakasabit na mga chitons.
Noong panahon ng mga ancient greeks kasi, walang pakialam ang mga tao pag half naked ang mga lalaki. Uso nga yung nudes. Kahit dahon lang suotin nila okay na okay pa rin.
Nag consult nga ako sa office kung pwede bang magsuot ng dahon lang pero bawal daw. Bawal daw yung nudes dito sa academy.
Hindi naman sa gusto ko pero dapat sundin namin yung nakaraan.
Para di na rin mag b-bra yung girls suot yung manipis na chiton nila. Hehe. Amazing.
Bud sad to say, hindi nga pwede. Tsk.
"you're going with all white again?" tanong ni Ria habang tinitignan ang susuotin namin mamaya.
"Simple is beautiful love." kinindatan ko siya. Sumingkit yung mga mata niya bilang sagot na para bang may ginawa akong labag sa loob niya.
What is wrong with this woman.
"but not so simple. Custom made ito. There are sequences and patterns. It also comes with gold accessories." dagdag ko.
"Woah. Ang galing." puna ni Cesia.
"All students are requested to be ready for the opening ceremony. Lunch will be served at the hall." narinig namin ang announcement.
Nagkibit-balikat nalang ako saka kinuha yung damit ko.
Pagkatapos magbihis, lumabas na ako sa kwarto at umupo sa sala para manood ng tv. Sumunod si Sebastian na halatang nababaguhan sa suot niya.
"bagay 'tol." saad ko nang tumabi siya sa'kin.
"it's not so bad afterall..." tumatango-tango siya.
Lumabas na sina Dio at Trev.
Ah yes. I forgot. This is the day where abs are everywhere.
You know. Ang swerte ng mga girls ngayon dahil kasama nila kami. Napapaligiran sila ng mga macho-
Oh shit.
Hindi.
Kami yung swerte.
Lumabas sila sa kwarto ni Cesia nang nakangiti suot ang mga chitons nila na iba-iba ang kulay.
Napatayo kaming apat.
"Goddesses..." narinig ko ang bulong ni Sebastian.
Iba ang suot nila ngayon. Ibang-iba compared sa dati. Ang sexy nila! Fuuuuuck!
Napalunok ako nang napako ang mga mata ko sa kanya looking bloody hot as ever.
Mine.
"Uhh- l-lalabas na ba kayo?" tanong ko. Puta! hindi ako nakakasalita ng maayos. Di gumagana yung panga ko.
"mmm" tumango si Cesia. "Una nalang kami since hindi naman daw kayo aattend sa opening."
Kumikinang ang gold wreaths nila letting their gorgeous hairs flow. This sight is the best.
Aangal na sana ako nang biglang nagsalita si Trev na siyang ikinagulat ng lahat.
"No. We have just decided to go with you."
Nag abot ang kilay ni Kara. "really? when?"
"the second you walked out of the door." sagot ni Dio.
Nagtinginan sila.
Isang segundo lang ang kinailangan ko para buksan ang pinto. "please.. ladies first."
"Umm.. this is surprising.." natatawang sabi ni Ria. Nagtawanan lang sila papalabas ng dorm.
Sumunod na kami.
"petition to make chitons our school uniform?" tinignan ko ang mga dyosa sa harap namin.
"definitely."
"accepted."
"why not?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top