Bags

Cesia's POV

Hindi na ako nag abalang maligo. Dumiretso na kasi ako sa pagkuha ng mga gamit ko. Sinisigurado ko lang na kompleto ang lahat ng kakailanganin ko.

At nagdagdag na rin ako ng extra damit.

Wala naman kasing may alam kung ilang araw kami aalis.

Kaya mas maganda talaga pag handa.

Isinara ko na yung bag nang may kumatok sa pinto.

"Cesia?" narinig ko ang boses ni Ria.

"yeah.. Eto na." Nakasabit ang isang knapsack, nakahawak ang kanang kamay sa luggage, lumabas na ako sa kwarto.

Mukhang ako nalang yung hinihintay nila.

"We're back at it again.. Missions. Ang galing." nahagip ko ang pagkadismaya ni Chase.

"Trabaho na natin yan since. Ba't nagreklamo ka pa?" nakasabit sa balikat ni Dio ang kanyang bag.

Habang naglalakad sa corridors, siniko ako ni Ria kaya napalingon ako sa kanya.

"Ang gentlemen naman nila." bulong niya.

Nagtaka ako. "huh?"

"Duh."

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. "B-bakit?"

"Can you do me a favor?" ngumuso siya.

Uhh...

Tumango ako. Ano bang kailangan niya?

"Can you... umm..." napatingin siya kina Chase. "use your abilities to.. you know.. so we don't have to carry our bags atleast.."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ria! Hindi pwede.. paano kung magalit sila-"

"Pretty please?" nag puppy eyes siya.

Napapikit ako at huminga ng malalim.

"Okay." nginitian ko siya. "Pero pag nagalit sila, ikaw ang ituturo ko."

"Psh? Sila magagalit sa'yo?" natawa siya ng marahan. "Shut up. Kung ako, isang anak ni Aphrodite, I'd make them slaves."

Natawa ako sa sinabi niya.

Biglang lumapit si Art sa'min na may di maiguhit na mukha.

"Ang saya saya niyo ah. Di ba kayo nabibigatan sa mga bags? Huhuhu." halatang nahihirapan siya.

Idagdag mo pa ang dala niyang paperbag na may lamang mga PPG unan niya.

Mayamaya...

"Boys.." kinuha ko ang atensyon nila kaya't huminto sila sa paglalakad.

Napatingin silang apat sa'min.

"Gentlemen pala." napalunok ako.

"Carry our bags." saka ko sila inutusan.

Nagtinginan sila kaya nagdadalawang-isip ako kung tumalab ba yung ability ko. Ilang segundo ang lumipas, lumapit sila at kinuha ang bags namin pati yung luggage.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Amazing with a z.." pumapalakpak si Art. "Amazing with a c pala.. hihi.. C for Cesia."

Sumingkit ang mga mata ko nang matrace ang will ng boys. Sasabihin ko na sanang successful yung inveiglement ko kaso...

Mukhang hindi tumalab ang ability ko sa isa sa kanila.

Nag abot ang kilay ko.

So... malakas pala ang resistance niya sa ability ko.

Eh yung dugong Aphrodite ko kaya?

Hinintay kong magkaroon kami ng eye contact tas binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"thank you.." sabi ko pagkatapos i-abot sa kanya ang lahat ng dala ko.

I managed to bump his shoulder slightly dahilan na mapangiti ako.

Pagkatapos, tumigil ako.

Teka...

Tinignan ko ang anak ni Zeus na halatang nagulat sa ginawa ko.

Nanlaki ang mga mga mata ko nang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa'kin.

Gods. Kailan pa ako natutong lumandi?!

"una na kami! Hihi" hinila kaagad ako ni Art at Ria na nagmamadaling tumatakbo papalabas ng campus.

"Ferrari or Porsche?" humihingal na tanong ni Ria habang tumatakbo.

"Ferrari kasi mas higher ang horsepower! WAAAAHH!!" nakataas ang mga kamay ni Art habang tumatakbo.

"Then Ferrari it is!" masayang tugon ni Ria.

Narating namin ang pulang Ferrari at sabayng pumasok sa loob.

"Ayan na sila! Hihihi." nilingon ko ang direksyong tinuro ni Art at natawa ng marahan.

Tumatakbo kasi sila samantalang si Chase may sinisigaw ata kesyo di ko marinig ng maayos kasi nakasarado ang bintana.

Nagulat nalang ako nang nasa tapat na namin siya at kinakatok ang bintana.

Binuksan naman ni Ria ang bintana na nakataas ang isang kilay.

"Hello!" bati niya kay Chase na may kasama pang nanunukso na ngiti.

"Nakakatawa ba?" inis na tanong ni Chase. "Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nagawa 'yon ni Cesia, Ria..."

Napangiti ako.

Ayan na naman kasi ang dalawa.

Syempre, di magpapatalo si Ria kaya sinuot rin niya ang kanyang shades na may totoong diamonds na nakadikit sa frame.

Take note.

Gabi pa.

At nakashades na sila.

"Yeah. May problema ba? It's funny for me atleast." nakapatong ang dalawang kamay ni Ria sa steering wheel.

"Funny enough that you'd fall for me?" yumuko si Chase.

For a moment, napatingin ako kay Chase.

Abot langit ang ngiti ko nang marinig ang mabibilis na tibok ng puso ni Ria.

"Funny enough that I could kill you pag di ka tumahimik diyan." sagot ni Ria.

Ang galing. Kahit kinakabahan siya ng todo-todo di pa rin siya nauutal. Nagawa pa niyang makasagot.

"Ako? Papatayin mo?" natawa si Chase. "Then my last words would be..."

Namula ang pisngi ni Ria... at may pakiramdam ako ito ay hindi dahil galit siya kay Chase.

"Salamat dahil lalaki ang biceps ko dahil dito. Oh. Bags mo." inabot ni Chase ang bags na agad ring tinanggap ni Ria.

Pagkatapos masara ni Ria ang bintana, natawa kami ni Art sa likod.

Napagaan rin ang loob ko nang ibinalik ni Ria ang shades niya sa bag. Akala ko pa naman magmamaneho siya habang nakasuot nyan.

Ngunit naglaho ang aking ngiti nang may narinig akong boses.

'You're already killing me Ria.'

kusa akong napatigil.

Teka.

Wait...

Totoo ba yung narinig ko?!

Umiling-iling ako. Baka nag ha-hallucinate lang ako? Or....

Huh. Isa sa ability ko ang Empathy or the chaneling of feelings...

kaya sigurado akong nasabi niya 'yon.

Napatingin ako kay Ria na nakayuko at namumula pa rin ang mukha.

Akalain mo nga naman...

"Your other heavier things are in our car... So don't bother to COMMAND us again." narinig kong reklamo ni Dio nang maibigay kay Art ang mga gamit. Padabog pa niyang isinara ang pinto.

Bumalik ang atensyon ko kay Trev na seryosong nakatingin sa'kin.
"Is there anything else you need?" tanong niya pagkatapos ibigay ang knapsack ko.

"Wala na.." tinabi ko na rin yung bag saka niya sinarado ang pinto.

Nakakahiya yung kanina ah...

"M-multo na ba ako R-ria?" nilingon ko si Art na nakayakap sa tatlong plushies niya, wide-eyed at nanginginig.

"Nope. Totoo yung nakita mo." nakangisi si Ria habang tinetest ang accelerator ng sasakyan.

"P-pusa na ba ako... m-meow... m-meoww?" tinititigan ako ni Art na para bang ako yung multo.

"Anong meron?" tanong ko.

Nagulat ako nang biglaang napasinghap si Art na tila may nangyaring di kapani-paniwala.

"W-wala... hihi" saka naman siya nag peace sign. "Nababaguhan lang ako..."

"sa ano?"

"kay Trev."

Nagsimula nang tumakbo ang sasakyan. Pero bigla nalang itong huminto.

"A-aray." hinihimas-himas ko ang noo ko. Di pa nga kami nakaabot sa syudad may bukol na ako.

"Ria naman eh! Huhuhu" nakapikit si Art at nakayakap ng mahigpit kay Bubbles.

"sorry... asan nga ulit yung shortcut papunta sa mortal realm?" tanong ni Ria.

"Sabi ni Principal, left daw then left again tas straight. Then may dead end daw except for two roads... tas doon tayo sa right... hihi."

Sure akong hindi sure si Art sa sinagot niya.

"Sure na sure na ba talaga yan Art?" hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, baka kasi mauumagahan kami dito.

"Si Kara sana eh.. kaso wala siya dito.." napatango ako sa sinabi ni Art.

Si Kara talaga ang makakasagot sa mga ganitong tanong. Siya rin naman ang captain of the ship namin. Sa kanya kami nanghihingi ng mga sagot.

"Wait. Naalala ko na..." sambit ni Ria.

Pinikit ko ang aking mga mata at naalala ang nangyari kanina.

Pati sarili ko di ko na kayang mapagkatiwalaan.

Lalo na sa tuwing umaandar ang pagiging Aphrodite ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top