Awakened

Ria's POV

I read the words on the golden plate.. 'The Boss'

Binuksan ni Juan ang pinto.

Sa gitna, may lalaking nakaupo sa swivel chair niya, nakatalikod, viewing the skyscape. Ordinardyo lang naman yung hitsura ng office niya.

Nothing ordinary except the cloud scenery outside the huge glass walls. Malaki rin yung space. Wala akong nakikitang furnitures kundi isang table lang sa gitna.

"Boss? Nandito na sila."

Pero katahimikan lang ang narinig naming sagot mula sa kanya. He faked a cough, then turned around para harapin kaming kanina pa nakatayo.

Sinamaan niya ng tingin ang dalawang satyrs. "Nasira ang main entrance ko dahil sa inyo. Magsilayas." lumindol sa buong office dahil sa boses niya.

Agad namang sinunod ng dalawa ang utos ni Hermes.

Lean but muscular... parang ka edad lang namin siya. Kulot ang buhok. Di sila magkamukha ni Chase. Maliban nalang sa ilong nila at athletic body.

Pure Greek beauty kasi 'tong ama ni Chase. Eh siya, may halong pinoy. But that's okay. I like him more.

Mas mataas pa ang tindig ni Chase kesa sa kanya. Pwede silang mapagkamalang magkapatid.

Nabasa ko sa maraming libro na youthful daw ang hitsura ni Hermes. Pero hindi ko inakalang ganito ka 'youthful'.

TInignan niya kaming lahat "The Alphas..." tumigil ang mata niya kay Chase. "Brooo!!!"

"Broooo!" nagyakapan silang dalawa at nag fist bump. They were closer than I thought.

I grinned. Mukhang alam ko na kung saan nakuha ni Chase ang malaking ego niya.

"Broooo! I thought I'd never see you again." pinunasan ni Hermes ang imaginary tears sa pisngi niya. Pati yung kabaklaan ni Chase nakuha niya mula sa ama niya.

Napansin ko na iba ang mga tingin na ibinibigay ni Hermes sa'kin.

Well shit.

Tama nga ang hinala ko nang pumunta siya sa harap ko at saglit na nawala.

Naramdaman ko ang kamay niya and with a second, nakatayo na siya katabi ni Chase bitbit ang weapon ko.

"It looks like mine. But mine is better." puna niya habang sinusuri ang espada ko.

I remember. Nagkaroon din pala siya ng golden sword noon na pinahiram niya kay Perseus para patayin si Medusa.

"Mine's better." I insisted saka binawi ang espada mula sa kanya.

Wala akong pakialam kung God siya. In the first place, wala rin naman silang pakialam sa'min.

Bigla siyang nag appear sa harap ko. Hawak-hawak ang golden weapon niya.

Magkapareho silang gold pero mas kumikinang yung sa kanya. Obviously, mas may kapangyarihan ang weapon niya since it is wielded by a God. My weapon is nothing compared to his'.

"I smell my son's scent on you." he made sure I was careful by pointing his sword at me.

"And you just threatened my confidence." hindi ako umatras kahit diniinan niya ang espada sa leeg ko.

Then, I felt blood trickle down my neck.

"Ria-" it was my turn to point my sword at Chase. My way of saying na wag siyang makialam.

Umatras siya.

There was silence. The atmosphere was intense too. Mas naging intense ito dahil sa namuong ngiti ko.


Dio's POV

"So this is what happens when the both of them gets to meet each other for the first time." natatawa kong sabi saka inakbayan ang kaibigan kong hindi maguhit ang mukha.

Kagat-kagat ni Ria ang dumudugong labi niya.

Halos limang minuto na simula nung ngumiti siya at napagdesisyunang labanan si Hermes. Paulit-ulit na siyang natumba.

Pero mas namangha ako dahil nakangiti pa rin siya.

Something tells me that she's been waiting for a chance to spar with a god.

"Cheater." bulong ni Ria pagkatapos siyang itulak ni Hermes mula sa likuran.

"We didn't mention any rules, did we?" kung saan-saan nalang sumusulpot si Hermes.

"Show me your worth demigod." hamon ni Hermes kay Ria na duguan.

"Sure." she snapped back. Sinangga niya ang espada with an epic flip.

Her eyes turned blood red.

Plano niya talagang talunin si Hermes.

"Parang kayo lang ni Ria sa Academy. Wahaha!" natawa si Art.

Natawa rin ako. Nung nasa Academy pa kami, halos araw-araw silang nag-aaway tulad ng ganito.

Nakuha ang atensyon ko kay Kara na nakatitig lang sa dalawa.

"He meant to fight with her. It's his intention to change Ria's eyes." pagbibigay-alam niya kaya napatingin rin ako.

Intensyon nya niyang pagurin si Ria. Technique siguro ni Hermes na umatake pag mahina na ang kalaban. Who knows? He is a master trickster.

Pinulot ni Ria ang natapong espada niya. One step forward at umikot na naman siya sabay yuko para iwasan si Hermes.

Alam niya kung saan ang bagong lokasyon ni Hermes sa tuwing nawawala siya.

Enhanced senses. Like Kara's. Nagkaroon ng dramatic boost ang battlefield abilities nila.

Cool.

For Kara, she has super strength. Wala pa kaming alam kung ano ang hidden ability ni Ria pag nag-iiba na ang kulay ng mga mata niya.

Halos kakulay na ng mata niya ang katawan niya dahil sa dugong nakakalat sa balat niya.

Tumayo si Ria mula sa pagkaluhod. Pero agad siyang sinikmuraan ni Hermes.

Then, using his speed, strangled her while pinning her on the wall. Binitawan naman kaagad ni Hermes ang leeg niya. She gasped for air.

Bakas sa mukha ni Chase ang pag-alala.

Nagsimula na rin akong kabahan. Kaming lahat ata.

Tutulungan sana namin si Ria pero pinigilan kami ni Kara.

"Look."

Tumayo si Ria na may ngiti pa rin sa mukha.

After a few seconds, a visible red wave started to vibrate behind her. It slowly took a form.

A form that only we can see in books.

"Are those...?" hindi ko natapos ang tanong ko.

Tumango si Trev.

Biglang nawala si Ria sa kinatatayuan niya. Malaking gap ang tinalon niya papunta kay Hermes.

Sasalubungin na sana siya ni Hermes kaso nawala ulit si Ria. We just saw an eagle-like glowing red bird gliding with sharp gold as feathers. Masakit sa mata ang pakpak nito.

Sinunggab ng malaking ibon ang espada ni Hermes at bago pa ito mag land sa likod niya, nagkaroon ng pagsabog.

Ang sunod naming nakita ay si Ria na nakaturo ang dalawang espada kay Hermes na hindi makagalaw. May konting sugat din si Hermes sa bandang tagiliran niya.

"You cannot control your divination because you cannot give freedom to what's inside you." humihingal si Hermes.

Binaba ni Ria ang dalawang weapons. "Paano mo ginawa yon?"

Humarap sa kanya si Hermes. "I am also a God of Unconsciousness. I can drift on every part of your unconscious side. I can't bear to watch you struggle because that thing inside you can't be awakened."

Kinuha ni Hermes ang espada niya mula sa kamay ni Ria.

"I knew you hated the Gods. And so I gave you the time to release all your anger."

Tama nga si Kara. Pero iba ang intensyon niya.

"Don't thank me yet."

Bumalik na ang kulay ng mga mata ni Ria. Nakatulala pa rin kaming lahat.

Tinignan niya kami giving us the what-the-hell-just-happened-look.

"You're a phoenix!" Kara exclaimed.

Alam kong gustong-gusto niyang tulungan si Ria. At ngayong di na niya kailangang mag-alala para kay Ria, masaya siya para sa kanya.

And for the first time, she smiled in front of all of us.

"Buti naman..." narinig kong bulong ni Cesia.

"She's finally learning how to trust again." tumabi ako sa kanya habang tinitignan sila na masaya para kay Ria.

"Akala mo siguro hindi ko naririnig kung gaano kabilis yung heartbeats mo pag nandyan siya ano?" binigyan ako ni Cesia ng nangangahulugang ngiti.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Umiling lang siya saka tumakbo para puntahan sila.

My eyes widened.

Tatanungin ko pa sana si Cesia nang biglang nagsalita si Trev.

"Men don't ask. They know what they're feeling."

Nilingon ko siya. "Do you even know how confused I am right now?"

I'm confused with myself. My own mind. Minsan mapapansin ko nalang na nakatulala ako. I'm not in sync with my heart anymore.

What is this unfamiliar change.

"I do..." nilagpasan niya ako. "because I am too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top