Another One
Cesia's POV
"What is it this time?!" napaatras ang aurai na may dala-dalang folders at naka eyeglass.
"P-pinatawag po kayo sa office ni sir R-rio..." lumiit yung boses niya na nag g-give way sa malaking authority ng aura na pinapalibas ni Ria ngayon.
Nainis siya kasi wala dito yung chairperson ng mga aurai.
Aish. Ria naman. Lumalamang talaga yung pagiging violent niya.
"Wow.. Nahimatay na naman si Art. Tas nasa clinic ngayon si Kara kasi kakaalam lang namin na may nagbantang patayin siya. Kaya eto pinuntahan namin ang maaaring may kapakana. Tapos, madatnan naming wala dito ang hinahanap namin. And now..." napansin ko ang pagtinis ng boses ni Ria. Nakayukom rin ang kanyang kamao.
"PINAPATAWAG KAMI SA OFFICE NI RIO?!" huli niyang sigaw bago nagsummon ng nag aapoy niyang espada.
Agad namang nagliwanag ang aurai saka bumungad sa'min ang kanyang mga pakpak.
Lumalabas ang mga pakpak ng aurai pag iba ang pakiramdam nila sa paligid. Para na ring reflex action pagka may nasesense silang mali.
Hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang reaksyon ng aurai kay Ria.
Nakakaawa ang aurai. Siya tuloy ang napagtripan ng bipolar kong kaibigan.
Tatawagin ko na sana si Ria para mapakalma nang bigla na lang siyang humalakhak.
See? I told you. Bipolar.
"HAHAHAHAHAHA!" mas lumakas ang mga tawa niya.
Hmm.
Posible bang nabaliw na siya?
"HAHAHAHAHAHA Oh Gods! Ano bang ginagawa ko?" agad naglaho ang nag-aapoy na espada.
hmm.. posible naman siguro...
"Of course I expected this! The Gods hate us! HAHAHAHA" nakahawak siya sa tiyan niya habang tumatawa.
Tinignan ako ng aurai na takang-taka sa kaibigan ko.
Napangiti nalang ako at nagkibit-balikat.
Nginitian ako ng aurai at tumango. Kasabay nito ay ang paglaho ng kanyang mga pakpak.
Parang nasanay na ata ako sa ibinibigay na mga tingin ng iba sa tuwing umaandar ang pagiging bipolar ni Ria.
"HAHAHAHA! Syempre tatawagin tayo sa office! How dumb can I be?!" napahawak siya sa ulo niya.
Nakapako ang tingin ko sa baba kasi isa lang naman ang ibig sabihin pag pinapunta kami sa office ni Sir Rio.
May problema na naman. May bagong problema.
"HA! Let's get going Cesia. I can't wait to write down another problem on the list." huli niyang sambit bago magsimulang maglakad palabas.
Napailing nalang ako saka nagpaalam sa aurai.
Habang naglalakad, naalala ko ang sinabi ni Ria.
'Of course I expected this! The Gods hate us!'
Di ko rin maiwasang magtanong kung alam ba ng mga Gods ang nangyayari dito.
Eh syempre mga anak nila kami...
Pero pwede ring sila mismo ang may gawa ng mga problemang pinagdaraanan namin.
Pero anak pa rin nila kami...
Ewan pero pakiramdam ko may butas ang loob loob ko... Na may bahagi sa'kin na nakukulangan pagka naiisip ko ang mga deities namin.
Di naman siguro ako nag-iisa.
Di namin pinili na maging isang demigod. Di rin namin pinili na mapunta sa sitwasyon na'to...
Nabuhay lang kami dahil sa deities....
Pero dapat nga ba kaming mabuhay para sa kanila?
Ang ibig ko lang naman sabihin, iba sila.
Mga diyos at diyosa.
Ang ipinagtataka ko lang, ay kung bakit may kutob akong may malaking pangyayari na magaganap.
Pakiramdam ko rin...
Hindi kaya hinahanda nila kami?
Or for entertainment purposes lang ang nangyayari sa'min ngayon kasi nakakabored pag isa kang God?
"you might be wondering kung bakit parati kong pinagbibintangan ang mga deities..." nabalik ako sa realidad nang narinig ko ang boses ni Ria.
Napansin niya siguro ang tahimik ko.
"actually... Hindi... Naiinis nga ako minsan sa kanila." bumagal ang lakad niya pagkatapos marinig ang sinabi ko.
"talaga? I thought magiging neutral ang sasabihin mo like-"
"dati pa naman talaga akong galit sa kanila..."
"Ba't ngayon mo lang nasabi yan?" tanong niya.
Tumigil na ako sa pagtawag sa kanya ng 'ma' or 'mom'. Sa totoo lang, matagal tagal na rin ang huling pag-uusap namin kaya di ko masasabing close kami.
"Kasi... Sino ba tayo compared sa kanila diba?" napangiti ako.
"are you underestimating... us? Lowlife creatures?"
"Naalala mo? May mga pagkakamali din ang mga Gods. Hindi ko lang talaga gets yung-"
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"yep... Ang mga magulang ang dapat marunong umintindi sa anak diba? Funny how ours is the opposite."
Napangiti ako sa sinabi niya.
Di naman yun ang sasabihin ko kaso may point rin siya.
"why can't we just be like those puny mortals living their normal lives" inayos niya ang buhok niya gamit ang kaliwa niyang kamay.
Napatigil kaming dalawa nang lumitaw ang pagmumukha ni Chase sa harap namin. "there you are! Bilisan niyo nga ang paglakad. Naiinip na sila."
Napatingin ako kay Dio na nasa labas ng office ni Sir Rio at hinihintay kami.
Pagpasok ko, naamoy ko kaagad ang kape. Napansin ko rin si Trev na nakaupo na pala sa loob.
"Nasan si Cal?" tanong ni Ria.
"Clinic. Pinatawag na. Papunta na siguro dito." sagot ni Chase.
Tumayo si Sir nang makaupo kami.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Trev na nasa harap ko.
Isang mesa lang ang nasa pagitan namin. Pero ramdam na ramdam ko ang layo niya. Halatang malalim ang iniisip.
"should we wait for them?" tanong ni Dio.
Them...
Kasama na ba ni Cal si Art?
Nasagot ang tanong ko nang bumungad sa pintuan si Art na may malapad na ngisi, kasalungat sa kasama niyang nakasimangot.
Tumabi si Art kay Ria.
Siguro ngayon, gagaan na ang loob ni Ria kahit konti kasi nandito na si Art.
"So... ano ba pag-uusapan natin?" nakataas ang isang kilay ni Ria.
"Mission."
Nagbuntong-hininga ako.
Mission.
Okay.
"There has been... Some PROVEN rumors in the mortal realm. Many are already disturbed by what is currently happening around the local areas."
Ako lang ba or... kinakabahan pa rin kasi ako pag may mga seryosong meetings tulad nito.
Pakiramdam ko anytime masu-suffocate ako.
"Rumors? From whom? Like what?" napatigil si Sir sa paglalakad pagkatapos marinig ang mga tanong ni Trev.
"FROM our sources inside the realm and..." huminto si Sir para huminga ng malalim.
"like the increasing amount of massacred indirect descendants. Mostly men... And children... Some, died without even knowing that they are indirect descendants and that they died for that reason. Anyways, may idea na ba kayo sa misyon niyo?"
Napatingin kami sa isa't isa.
"Protect the remaining descendants by collecting them before they die?" nakasingkit ang mga mata ni Dio.
Tumango si Sir.
"yun lang naman pala bro!" nag imaginary fist bump si Chase.
"please don't underestimate your task. You, stepping inside the mortal realm makes you a favored prey knowing that you are direct descendants. Who knows? Baka kayo ang magiging bagong target nila." sumimangot naman si Chase nang narinig niya ang babala ni Sir.
"When do we start?" tumayo na si Trev at handang lumabas ng office.
"tonight..."
Napatigil kaming lahat.
Agad agad?!
"No way." napailing si Ria.
"You heard me right, Ria..." nakatutok ang mga mata ni Sir sa direksyon namin.
"TONIGHT."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top