Against the Dark

Ria's POV

"Goodmorning Lady Ria."

"What time is it?" bumangon na ako at inayos ang kama ko.

"It's already 7 am." sagot niya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin saka napailing... napagdesisyunan ko ring maligo bago lumabas para kumain.

Nasa shower ako nang mapansin ko ang dugo mula sa ulo ko kaya napaatras ako.

What the fuck.

Tumingala ako sa shower at nakitang dugo ang lumalabas mula dito.

"shit."

Kinurap kurap ko ang mga mata ko and after a few seconds, bumalik ulit sa dati yung shower.

I paused for a while.

Am I hallucinating?

Agad kong tinapos ang shower ko.

Napatingin ulit ako sa salamin. Okay good. Namamalik mata lang talaga ako. Hindi naman naging kulay pula yung buhok ko so it wasn't real.

Wala rin akong nakikitang blood stains sa tuwalya.

I sighed.

What the hell just happened.

Pagkatapos magbihis, lumabas na ako ng room para mag almusal. Mukhang ako yung earliest bird dito ah.

Nagluto ako ng bacon at nag init rin ng kaunting leftovers sa microwave. Pinakialaman ko rin yung cucumber juice ni Kara.

Hehe.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin sa buong dorm. Nasa iisang bubong kami pero bakit pakiramdam ko.. nag-iisa lang ako?

No. Literally I can sense the presence of something...

I just shrugged and continued eating.

"You are indeed sensitive demigod."

Napatigil ako sa boses ng isang babae. Tumayo ako at hinanap kung saan nanggaling eto hanggang sa unti-unting lumutaw ang babaeng nakaitim.

A literal black lady.

Her aura is so dark I can see it with my naked eyes. Obviously, may nilalabas siyang atmosphere sa buong dorm.

"Arianne... a child of bloodshed... violence..."

"who the hell are you?" tanong ko sa kanya.

She is giving me more than just the creeps. Inangat niya ang ulo niya at doon ko nakita ang mukha niyang medyo grayish.

Wtf.

"I am here to get you child."

"I am no child of an ugly goddess." sagot ko.

Halata namang isa siyang goddess. May nasesense akong kapangyarihan mula sa kanya.

Halatang nairita siya sa sinabi ko.

"You will be." lumapit siya sa'kin kaya napaatras ulit ako.

"I want you to come with me." tumigil siya sa harap ko.

"I want you to be a part of this revolution. And we will reign together." nilahad niya ang kamay niya.

"No thanks." I grudged.

"Ah.. but that's not all. If you come home with me, mawawala lahat ng takot mo..." may tinuro siya kaya napatingin rin ako.

Nakita ko ang sarili ko noon na umiiyak. Pati na yung panahon na muntik ko nang masaktan si Cesia dahil hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko.

"buburahin natin ang lahat ng yan."

"really? I prefer staying."

Umiling siya saka binigyan ako ng nakakakilabot na ngiti. "don't you want to start anew?"

"I see a dark cave in your heart. Be careful child. It might possess you." tinaas niya ang staff niya.

Napaluhod ako dahil sa biglaang pagkawala ng hangin. Ilang segundo ang lumipas at nakita ko ang kadiliman na dahn-dahang sinasaniban ang katawan ko.

Shadows.

There are shadows slowly turning my body into a black soulless body.

Di nagtagal, halos lahat ng bahagi ng katawan ko ay kulay itim na.

Shit.

Shit.

Shit.

Hindi ako makagalaw.

"Achus. Alam ba ng ina mo ang ginagawa mo?" narinig ko ang pamilyar na boses..

"The child of Light came." bakas sa boses niya ang irita. "how nice."

Tinulak ako ng goddess sa gitna.

"A-art anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tinignan niya ang mga kamay ko na nangingitim pa rin.

"I'm sorry kung nalate ako Ria..." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. "buti naman at hindi ka sumama sa kanya."

Mayamaya, dumating ang dalawang babae. Gaya ng Achus na yan, nakakatakot rin silang tignan.

"Come child." kusang gumalaw ang katawan ko papalapit sa kanilang tatlo.

"Ria.." kinuha ni Art ang kamay ko. Nagulat ako nang hinatak niya ako papalayo mula sa kanila kaya bumagsak ako sa likod niya.

"This is a daughter of Ares." umatras si Art pagkatapos gumawa ng barrier gamit ang liwanag.

Tinawanan lang siya ng tatlo. "We don't care about the master anymore. We are goddesses. We are the personification of suffering... and pain... and fears. He needs us."

"and we are immortal." giniba nila ang barrier na ginawa ni Art.

Tinignan ko si Art at ngayon ko lang napansin na nag-iba na pala ang kulay ng mga mata niya.

WHAT THE FUCK IS HAPPENING.

Nagliliwanag ang buong katawan niya.

They backed a bit nang sumabog ang kinatatayuan ni Art.

Samantalang ako dito, nasa sahig pa rin. Sinusubukang i take in ang nangyayari sa harap ko.

Mayamaya, ibang babae na ang pumalit kay Art.

"wag kang mag-alala Ria.. ako pa rin 'to." nginitian niya ako bago hinarap ang tatlo.

Kumikinang ang bagong buhok niya... bago... kasi naging blonde ito. At may malaking faded na symbol ng sun sa likod niya. May hawak na rin siyang bows and arrows.

I am speechless.

Nag aim siya sa babae sa gitna. "Ria..." tinawag niya ang pangalan ko saka hinatak ang weapon niya.

"gumising kana." saka niya binitawan ito.

"Goodmorning Lady Ria."

.

.

.

iminulat ko ang mga mata ko.

•••

"Ria? okay ka lang ba? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo." tanong sa'kin ni Cesia.

Panaginip lang ba yun?

"Kara... may kilala ka bang goddess na Achus ang pangalan?" tinignan ko siya.

"She is one of the Algea, spirits of pain and suffering. There are three of them actually, they're goddesses of grief, sorrow and distress." sagot niya.

Well then. Alam ko na kung sino yung bumisita sa panaginip ko...

Yet it seemed so real.

I sighed. "I had a nightmare."

"nandun ba yung tinutukoy ni Kara?" tanong ni Jamie.

Tumango ako. Hanggang ngayon, panay yung tingin ko sa mga kamay ko. Baka kasi bumalik yung maitim na balat ko.

That feeling when the shadow almost got a hold of me still gives me goosebumps. Nakasuot nga ako ng jacket ngayon dahil pakiramdam ko lalagnatin ako pagkatapos magising na naliligo sa sariling pawis.

"It's okay Ria... ang mahalaga, nagising ka." binigyan ako ng ngiti ni Cesia.

She's right. Even if it seemed real, nagising pa rin ako without a bruise or anything.

I gave them a smile. "I know.."

Isang oras kami sa mall nang marinig namin ang tunog ng bell kaya nagmamadali kaming bumalik sa klase.

Pagpasok ko sa room, nakita ko si Art na may sinusulat sa notebook niya.

I just stared at her for a while and proceeded to sit down on my chair.

Pumasok na yung guro.

Sinara ni Art yung notebook niya saka napatingin sakin at binigyan ako ng subtle smile.

And that's when I saw the blonde strand on her hair.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top