A Sisters' Bond
Jamie's POV
Nakaupo ako sa veranda habang umiinom ng kape.
Bukas na ang first day of class namin. Pero sa tingin ko hindi pa ako ready dahil unang-una, nababaguhan pa ako. Sa dorm na'to... pati sa iniinom kong kape.
Pangalawa, namiss ko na yung kapatid ko.. gusto ko palagi kaming magkasama.
At pangatlo, PUTANGINA. Hindi ko pa nga alam kung sino yung deity ko.
Tinour kami ni Dio sa whole campus. Yung size niya ata hindi campus eh. Kundi isang city.
Tas may mga babaeng may pakpak.
Mga lalaking half-kanding.
Kinurot ko ang braso ko saka napailing. Hindi nga ako tulog. Hindi panaginip ang lahat ng 'to.
Bushet Jamie!
Ano bang napasok mo.
Andami ng nangyari dahil sa pagiging 'demigod' mo. Lahat mga trahedya. Nagsimula ito nang na aksidente si mama.
Ngayon... wala na siya.
Napapikit ako at napahawak sa noo ko.
Kakayanin mo yan Jamie. Kilalang-kilala kita. Na survive mo nga lahat ng pambubully sa'yo noon. Saka... may mga tulong ka naman. May mga kasama ka dito.
Handa naman silang tulungan ka diba?
"Palagi naman akong handa na tulungan ka..." narinig ko ang mahinang tawa ng isang babae kaya napatingin ako.
Wala ng iba kundi ang dyosa kong roommate.
Lahat ng ginagawa niya, parang nag s-slow motion. Pati paglakad niya. Yung buhok niyang always flowy na tila isa siyang mermaid sa ilalim ng tubig.
Tumabi siya sa'kin na may dalang dalawang iced coffee. Binili niya ata sa mall.
Kusa sigurong lumabas sa bibig ko ang nasa utak ko kaya narinig niya.
"I brought iced kasi... baka gusto mong mag chill muna? I know you're having a hard time coping..." matamis-tamis ang ngiti niya.
Ewan ko nalang. Ba't may mga ganitong klaseng babae. Maganda na nga, ang bait-bait pa.
ASAN ANG HUSTISYA.
"may bago na ba kayong pangalan?" usisa niya.
Naalala ko ang nangyari doon sa office.
"Pwede daw kaming magpalit ng pangalan.. next school year. Tatapusin lang muna namin ang school year na'to." sagot ko sa kanya.
Nagets naman niya kaagad ang sinabi ko.
Tahimik lang kami na nakatanaw sa inilahad na view ng veranda sa'min. Ang galing rin ng instincts niya. Nakatulong nga sa'kin yung iced coffee.
Teka. Pang ilang kape ko na ba'to?!
"Grabe na stress ako kanina ah." umiiling-iling siya na para bang hindi kapani-paniwala ang nangyari sa kanya.
"Anong nangyari?" tanong ko. Ang gaan ng loob ko pag siya yung kausap o kasama ko. Wala rin akong alam kung bakit.
"Wala. May muntik ng mamatay na estudyante.." sagot niya, nakatingin pa rin sa harap.
"A-ano?" nabulunan ako ng kaunti.
"Pero don't worry..." sumingkit ang mga mata niya. "natural naman talaga yan dito eh..."
Napalunok ako. Sabi ko na nga ba eh. Ikakamatay ko ang pag-aaral dito.
Kung tatakas kaya ako? Lalayas ako.
"Alam mo? Yan din yung reaction ko nung una eh." aniya at sinipsip ang straw.
Oo nga pala. Bago rin siya dito. Hindi pa nga siya naka isang taon.
"Pero may nangyari dito sa Academy na siyang nagpalapit sa'kin dito at sa mga tao.. lalong-lalo na sa mga Alphas." nakangiti siya habang may inaalala.
Tatanungin ko sana siya kung ano yung nangyari kaso biglang tumunog yung doorbell ng dorm.
Tumayo siya para buksan yung pinto.
"Jamie!! May bisita ka.." narinig ko ang pangalan ko mula sa loob kaya pumasok na rin ako.
Niyakap ko ng mahigpit ang batang babae na nakatayo sa labas.
Lumuhod ako para magkalevel kami at matignan ko siya ng maayos.
"Arah... dito ka na ba? Dito ka lang ha? Pumasok ka sa loob. Dito na tayo titira." niyakap ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon.
"Ate... yun nga eh.." bumitaw ako sa kanya, nagtataka.
"Ate... gusto kong maging ano.." nakayuko siya. Iniiwasan niya akong tignan.
"saka hindi naman ako demigod katulad niyo ni kuya Sebastian eh..." nagkamot siya ng ulo.
Napako ang mga mata ko sa dagger niyang naka insert sa side pocket ng backpack niya.
"Gusto mong maging ano?" tanong ko ulit.
"B-baka... magalit ka kasi.." bigla nalang siyang humagulgol ng iyak.
Hinawi ko ang buhok niya.
"Gusto mo bang maging... huntre?" ewan pero naiiyak na rin ata ako.
Mahihiwalay na naman kami. Wala ito sa plano ko. Balak kong mamuhay na katabi si Arah palagi. Nasanay na ako sa bahay. Na tuwing tinatawag ko siya, ilang segundo lang susulpot na siya sa kwarto ko.
Inangat niya ang ulo niya.
Napangiti ako matapos makita ang kulay ng mga mata niya.
Tumango ako saka huminga ng malalim.
"Di ako magagalit kasi..." may nakatakas na luha mula sa mga mata ko. "kasi alam kong aalagaan ka nila..." kinurot ko yung pisngi niya.
nagliwanag ang mga mata niya "talaga ate?"
Tumango ako. "Mmmm.. lalo na yung babaeng nakita mo sa camp. Yung nagbigay ng nakakatakot na kutsilyo mo."
"Oo nga 'no? Hihihi..." kinuha niya yung dagger sa bag niya na siyang ikinagulat ko.
"T-teka... dahan-dahan lang." nasa mukha ko ang matinding takot habang sinusundan ng tingin ang kamay niyang may hawak ng dagger.
Tumigil siya saka tinignan ang weapon niya. "Sana nga magkita ulit kami..."
Nakuha mo ang loob ng kapatid ko Artemis. Ibibigay ko na siya sa'yo. Pag nalaman kong may nangyari sa kapatid ko...
wag naman sana.
"ate... dito ka na ba titira? School ba'to?" nagulat ako nang malamang naglalakad na siya papalayo sa'kin.
Tumayo ako at pumunta sa kanya.
"Oo... ang cool no?" kinuha ko ang kamay niya.
Naglibot-libot kami sa campus. Niyaya ko rin siyang mag shopping sa mall.
Binili ko lahat ng tinuturo niya. Nabaguhan nga ako sa ID ko na may lamang P4.5 million. Eh syempre ako rin.. bumili ako ng bagong set ng damit ko. Saka toothbrush at etc., Nasunog kasi lahat ng kagamitan ko.
Ilang ikot sa mall at may bitbit na akong anim na bags. Apat kay Arah dalawa sa'kin.
Hindi ko namalayang gabi na pala nang makalabas na kami sa mall.
Sinalubong rin kami ni Heather na may kasama pang dalawang huntres. Kanina pa daw nila hinahanap si Arah.
"Pasensya na... gusto ko lang makasama yung kapatid ko bago siya umalis.." kinuha ng isang huntre ang shopping bags ni Arah.
"It's okay.. I understand..." nginitian ako ni Heather.
Sabik na sumama si Arah kay Heather.
"Sana alam nyo rin kung gaano kahalaga para sa'kin yung kapatid ko.." puna ko nang makita na nakahawak si Arah sa kamay ni Heather.
Tumango si Heather. "Your sister is strong. You should see her eyes when the moon is bright."
Huminga ako ng malalim.
"Nga pala... normal lang ba yan?" iba talaga yung mga mata niya. Nakakakilabot tuloy tignan pag gabi.
"Actually..." tinignan niya si Arah. "Normal para sa mga huntres ang pag iba ng kulay ng mga mata namin."
tumango-tango ako.
"but her eyes are by far the most beautiful... it's like as if her eyes always reflect moonlight." ani Heather.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Arah.
Nakatitig lang ako sa kanya. Bakit... bakit pakiramdam ko ito na ang huling pagkikita namin?
Malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanila.
"The others are waiting. We just came here to return some of your staffs and to say goodbye. Do you want to come with us all the way out?" aya ni Heather.
Umiling ako. "Ay hindi na.. babalik nalang ako sa dorm namin..."
"Okay.. we'll go then.." sabay nila akong tinalikuran.
Pero bago pa sila makalayo, nagulat nalang ako nang tumakbo pabalik si Arah para yakapin ako.
"Ate... okay lang ba talaga sa'yo? Di ka naman mag-iisa eh. Andyan naman si Sebastian!" bulong niya.
Bumitaw ako at ginulo ang buhok niya.
"Ikaw talagang bata ka. Syempre no. Pero mamimiss rin kita eh. Wala nang aaway sa'kin. Huhuhu." tumawa siya ng mahina.
"Basta ate ha? Mag ingat ka." hinalikan niya ang pisngi ko tas tumakbo ulit papunta kina Heather.
Kumaway rin siya sa'kin na agad kong binalikan.
Hinintay ko munang mawala na sila sa paningin ko bago umikot at maglakad patungong dorm.
Nasa salas silang lahat nanonood. Dumiretso lang ako sa veranda para magpahangin.
Ewan pero naiiyak ako.
Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na hinding-hindi kami magkakahiwalay ni Arah.
"Are you okay? I saw Heather... with your sister." boses ni Sebastian ang sumira sa katahimikan dito sa labas.
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"Hindi.."
"Hindi ako okay."
tumabi siya sa'kin.
"May nakita akong sugat sa braso ni Arah." hinayaan ko na ang sarili ko na umiyak. "Pero pinili niya pa ring maging huntre.."
Kahit di ko siya papayagan alam kong wala na rin akong magagawa. May mga pasa na nga siya eh. Nagsimula na yung training niya para maging huntre.
"hey.." niyakap niya ako.
Tahimik akong umiyak sa balikat niya. Wala naman siyang pakialam pag nabasa 'tong shirt nya eh.
"You did what a good sister would do. You supported her... and I'm proud of you, you know that?" hinihimas-himas niya ang buhok ko.
Ewan ko. Ewan ko kung tama ba na hindi ko siya pinigilan. Nakita ko kasi na ang saya-saya niya. Umiyak nga siya kasi natakot siya na mapagalitan.
Buhay.
"I'm here for you. I have been and I will always. Even when you feel wrong about yourself. Even when you do something stupid. Even when you cry out 'putangina' out of anger-"
"Gago!" tinulak ko siya ng mahina.
Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan at nagtawanan kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top