A Nice Catch
Cesia's POV
Nakaramdam ako ng sakit sa ulo.
Aish. Ang bigat bigat na rin ng katawan ko.
Parang anytime lang babagsak na nga ako ng tuluyan.
Napalingon ako sa taong kumalabit sa'kin.
"Cesia... okay ka lang?" napatigil silang lahat sa tanong ni Art.
Ngumiti ako saka tumango. Agad ko silang tinalikuran para hindi nila mahalata ang tinding pagod at sakit sa mukha ko.
Kanina pa kami naglalakad.
Hinahanap kung saan nakalagay ang bato. Pero ewan. Wala kaming nakikita kundi itim at greyish na fog dahil sa ability kong mag manipulate ng trance.
Ilang segundo akong nakatayo nakatulala sa harap ko nang may kuryenteng dumaloy mula sa mga daliri ko na siyang gumising sa'kin.
Hinila niya ang baywang ko para mapalapit sa kanya.
"Trev. Wag mong sayangin ang ability mo." bulong ko sa kanya.
Hanggang ngayon, di pa rin niya ako binibitawan. Mukha ngang wala siyang balak na bitawan ako base sa higpit ng braso't kamay niya.
Napabuntong hininga ako.
Buti naman...
Nahalata niya sigurong nahihilo na ako.
"Why are you telling me that when you're the one getting weaker and weaker...?" mahina ang boses niya pero sapat lang para marinig ko ito.
Oo nga.
Psh.
Nawalan ako ng balanse saglit pero tinulungan naman niya ako.
"I think I'm seeing something." Ani Kara at tinuro ang isang bola ng liwanag.
Finally. Nasa gitna na kami ng lugar na'to.
"Great. That means you can stop using your powers now." yumuko siya para tignan ako.
Tumango ako and in a second, wala na akong nakikita. Pati sila di ko na nakikita. Pero ramdam ko pa rin ang kamay niya sa'kin.
At rinig na rinig ko ang heartbeats nilang lahat.
By 'lahat' I mean lahat. Kasali na diyan ang heartbeat ni Cal na ilang metro lang ang layo sa'min.
Bumitaw ako sa kanya at iniwan sila.
Nagtungo ako sa ibang direksyon. Within reach na sana ang liwanag kaso tumilapon ako.
Hay ewan ko sa'yo Cal. Sineseryoso mo talaga ang trabaho mo.
Nanatili akong nakahiga nang napansin ko ang mga bituin sa taas. Ginamit ko ang ability ko para tignan kung mga stars nga ba ito.
Mga bituin nga...
Napangiti ako.
Pagkatapos makahanap ng sapat na hangin, napagdesisyunan ko munang umupo.
Naririnig ko ang kaguluhan mula sa kabila. May tunog ng mga katawang bumabagsak. At hindi mawawala ang mga mura ni Chase.
"Hey..." narinig ko ang boses ni Kara.
"Kara yung bato..."
"I know." narinig ko ang mahina niyang tawa.
Natawa rin ako "sa ilang minuto ng paglalakbay natin wala man lang nakapansin.. ginamitan ko pa nga ng ability ko."
"You made them visibly brighter." tumabi siya sa'kin.
So para kaming nakapatong sa ulap. Wala nga lang nakapansin sa mga bituin kasi ang cute lang ng liwanag nila.
Visibly brighter daw pero wala namang nakakita kundi kami lang dalawa.
Biglang kumunot ang noo ko.
"Kara.. pa'no mo nga ba ako nahanap dito?" tanong ko sa kanya.
Pati sarili ko nga di ko na makita.
"Ah yes... because I can manipulate a trance too." sagot niya.
Ginamit ko ang ability ko para makita siyang nakangiti. Kulay green din yung mga mata niya.
"Lah." siniko ko siya. "pinagod mo lang ako."
Lumapad ang ngiti niya. Di kalaunan, nakita ko na rin ang sarili ko na nakangiti.
Totoo ngang smiles are contagious.
"remind me to punch Cal after this." narinig ko ang boses niya.
Tinignan ko siyang umupo sa tabi ko. Natawa ako kasi ang bagal niyang umupo. Halatang wala siyang nakikita. Kinakapa-kapa pa niya ang spot niya.
"so are you guys... a thing now?"
Nagulat ako sa tanong ni Kara.
Tinignan ko muna siya na nakahiga na pala at nakapikit. Nakapatong ang ulo sa dalawang kamay niya.
"ummm.... sabihin nalang natin... na siya yung kahinaan ko. Hahaha." bulong ko kay Kara.
"I thought it was the other way around." nagkibit-balikat siya.
Isa sa ability ni Kara ang makadistinguish between a truth or a lie.
Alam kaya niyang totoo ang sinasabi ko at hindi lang biro?
"Teka..." boses ni Ria ang nag echo. "BAKIT PAKIRAMDAM KO INIWAN TAYO NG IBA?! PRESENT BA TAYONG LAHAT DITO?!"
"She's so loud... I wish there'd be someone that would be able to shut her up anytime." nagbuntong-hininga ang katabi ko.
Tumango-tango ako. "Pero meron naman eh... May taong kayang patahimikin si Ria..." nakasingkit ang mga mata mo habang inaalala ang nangyari sa Arcadia.
"Mas effective nga yung ginawa niya kay Ria. Talbog ang abilities ko." nakatuon ang atensyon ko kay Chase na nakaupo.
Tinamad sigurong labanan si Cal. Mukhang nag give up na siya sa prize ng challenge na'to.
"Who?" tanong ni Kara.
Oh my gash. Tinakpan ko ang bibig ko. Shoooot. Ang daldal ko.
"A-ano... w-wala... may ano lang kasi noong ano nag ano tas ayun n-naano..." nag imaginary facepalm ako.
Hay grabe Cesia.
"Ano?" nagtataka si Kara.
"When should we get the stone?" iniba ni Trev ang topic.
"after they grow weary.." sagot ni Kara.
Huminga ako ng malalim. Muntik na yun ah...
Tinignan ko ang constellation ng Virgo sa itaas. May isang bituin na kakaiba ang liwanag.
Hm.
Paano kaya namin makukuha yan?
"We literally need to... reach for a star." sabi ng katabi ko.
Napangiwi ako sa sakit nang kumirot ang sikmura ko. Ang lakas naman palang manuntok ni Cal. Hindi kumikilala ng kaibigan... o di kaya babae.
Maliban nalang kay Art.
Ano nga bang ginagawa ni Art ngayon kasama sina Ria, Chase at Dio?
Wala.
Naglalakad lang siya kung saan-saan. Minsan nakikita kong lumiliwanag ng kaunti yung mga kamay niya.
Napahikab ako.
Gusto ko nang matulog... magpahinga.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kara. Unti-unting hinihigop ang enerhiya ko. Next time. Pag alam ko na gumawa ng trance, gagawa ako ng black hole na aabsorb ng energy mula sa kalaban.
Pero mamaya nalang...
Gusto ko ngang matulog.
"Cesia..." boses ni Art ang narinig ko.
"sabi ko na nga ba.. side effect nato sa pagt-trance mo eh. Mahina ang heartbeats mo. Alam mo ba yung power limit?"
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Art na nakaluhod sa harap ko.
Tumango ako. "mmm.."
Matitigok kaya ako neto? Ang hina hina ko na eh. Hindi ko nga napansin ang pagbagal ng heartbeats ko.
Feeling ko... nasa ilalim ako ng tubig. Hindi makahanap ng hangin. Pero imbes na lumangoy pataas...
wala.
Wala akong ginagawa.
Hinahayaan ko lang yung tubig na makapasok sa katawan ko.
Hindi ko alam kung kasali ba ito sa side effects o sadyang tamad lang talaga ako...
hmm...
pinikit ko ulit ang mga mata ko.
"You have experienced this before, right Kara?" napangiti ako sa nag-aalalang boses niya.
Ayun. Napapangiti na niya ako sa boses niya.
"Sir Glen!" tawag ni Art.
Pero wala akong response na narinig.
"How do we get out of a trance?" para akong stuff toy nang pasanin niya ako. Ang gaan gaan ko lang pala.
Nakapikit ako, oo pero gising na gising ako.
Tulad noon.
Nag abot ang kilay ko nang masilawan ako sa burst of light mula sa taas.
Out of curiousity, tinignan ko kung sino ang may gawa nun.
Si Art.
Mukhang sinabihan na siya ni Kara kung saan makukuha ang bato.
Isang bituin nalang ang natira.
I can see it now.
At ang ganda nito.
"I can't fly right now." ani Trev.
Good. Buti naman alam mo ang limitasyon mo Trev.
Alam kong pagod na rin siya. Hirap na hirap na din siyang huminga. Gusto na niyang matapos lahat ng 'to.
tug tug
tug tug
tug tug
Tibok ito ng puso.
Pero bakit nagmumula ito sa taas? Tinitigan ko ang bituin.
Bahagi ng katawan ni Astraea ang bituin na'to.
Syempre buhay ito.
Di nga lang nagsasalita. Pero buhay ito.
'fall' sinubukan kong utusan ang bituin na bumagsak pero wala.
Kahit masakit na yung ulo ko, nag focus ako sa bituin at inutusan ito ng paulit ulit.
Ang stubborn rin. Alam kong babagsak na yan eh. Ayaw nga lang.
'I like your light...'
pagkasabi ko nun, mas lumiwanag ito.
'I like how you shine the brightest...'
this time, nagliwanag na ito ng matagal. Naging sun-like ang liwanag niya to the point na nakikita na namin si Cal. The whole black hole isn't all black anymore.
"What's happening?" tanong ni Kara.
Tumakbo sina Ria sa direksyon namin.
Nakatingin silang lahat sa itaas.
'Does it hurt when you fall?'
Like a reply, nag beat ang rays niya.
'Don't worry... I'll catch you.'
hindi pa rin ito bumabagsak.
'I promise.'
inubos ko na lahat ng makakaya ko. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa silaw mula sa liwanag na papunta sa'kin.
That's right. Wag kang matakot mahulog.
Ba't nga ba takot tayong mahulog?
Isang mainit na bagay ang hinahawakan ko ngayon.
"dalhin mo na siya sa clinic Trev." utos ni Ria.
Nagsimula nang maglakad si Trev papunta sa clinic.
"you never fail to impress me, daughter of Aphrodite."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top