A Dance

Jamie's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung history lecture namin.

May dalawang araw pa kami para makapagdesisyon kung uuwi ba kami sa mortal realm at ipagpatuloy ang buhay na nakasanayan namin o manatili dito sa camp at literal na magbagong buhay.

Ano nga bang desisyon ko?

Edi manatili dito. Hinding-hindi ako babalik sa mortal realm.

Baka maulit na naman yung biglaang pag atake ng mga daemons. Lalo na't sinabihan kami ni Heather na main target kami nila.

Saka mas mabuti dito kasi alam kong ligtas si Arah. May nakabantay na mga huntres 24/7 at nandito na rin ang mga bagong kaibigan niya.

Tinanong ko nga siya kung gusto niya bang bumalik sa bahay.

Tinignan niya lang ako ng masama saka binelatan ako. "Dito na ako titira. Bleeee!"

Oh diba? Kasing sama talaga ng kapatid niya... Which is ako.

Huminga ako ng malalim.

Hinihintay ko lang naman si Sebastian eh. Para sabay kaming pumunta kina Heather.

Nagdadalawang-isip pa ata yung gwapong kumag na yun.

Ewan ko ba kung bakit ang tagal niyang bumalik dito sa tent namin. Wala nga akong alam kung saan siya nagpunta.

Tas tuwing sasabihin kong sasamahan ko siya sinisimangutan niya lang ako na may dagdag pang "I need to be alone."

edi wow. Hinayaan ko nalang. Duh. Yun sabi niya eh.

Paiba-iba na ako ng sleeping position dito dahil gusto kong matulog.

Pipikit na sana ako nang may narinig akong pumasok sa tent.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Tinignan niya ako saglit saka ako nagpanggap na tulog.

Naniwala naman siya at pinagpatuloy ang paghahanap ng damit.

Para akong chinita-wannabe habang tinitignan siyang nagbibihis ng t-shirt. Ayaw ko sanang isingkit yung mga mata ko pero kasi.

MESEREP EHHH!!

Huminga  na naman ako ng malalim at pumikit.

Temptasyon... temptasyon...

Makatulog na nga.

Baka magkakaroon na ako ng peace of mind ngayong nakita ko ang mga pandesal niya. Makakatulog na rin ako ng mahimbing.

Sa wakas. WAHAHA-

"She's even smiling while sleeping." narinig kong sabi niya.

Hindi ako gumalaw at nagpatuloy sa pag play dead.

Mayamaya, narinig ko rin ang paglabas niya sa tent. Binilisan ko ang pagbangon to the point na nahilo ako dagli.

Balak ko sanang sundan siya. Para malaman kung saan siya tumatambay.

Lumabas ako ng tent.

Sinigurado kong maintained yung safe distance namin. Safe na ibig sabihin ay di niya ako napapansin at nakikita sa peripheral view niya.

Nagtaka ako saglit dahil narealize kong nasa labas na pala kami ng camp.

Syempre, slow motion yung paglakad ko. Baka marinig niya yung pagkabali ng mga sangang naaapakan ko.

Tsk tsk.

Namalayan ko nalang na nasa open area na kami dahil sa sinag ng araw.

Tumigil ako.

Puting buhangin?

Naramdaman ko bigla ang hangin na may kasamang amoy ng dagat.

Inangat ko ang ulo ko.

Hindi nga ako nagkakamali. Nasa dagat nga ako.

Nasa isang bonggang bonggang isolated at hidden beach.

Hindi talaga ako nagsisisi na sinundan ko si Sebastian.

Sebastian...

Teka. Asan nga ba si Sebastian?

"Curious?" isang boses ang nanggaling sa likod ko.

"Puta-" huminga ako ng malalim. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" nakapameywang kong tanong sa kanya.

"I should be the one asking you that." pumunta siya sa harap ko. This time, siya na yung nakapameywang.

"Eh kasi... Kasi panay na yung pagkawala mo. Ibig kong sabihin, di na kita nakikita palagi sa tent kaya di ko maiwasang-"

"you missed me?"

"Unang-una sa lahat, patapusin mo nga ako. Pangalawa, wag kang assuming." inirapan ko siya.

Nagtungo siya papalapit sa baybayin kaya sumunod rin ako sa kanya.

Ang sarap ng hangin ditoooo!!

Napansin kong nakatingin siya sa'kin kaya tinignan ko rin siya.

"Ano?"

Hindi siya nagsalita na tila hindi narinig ang sinabi ko. Mayamaya, bigla nalang siyang umiling saka ngumiti.

"I decided... I'm staying..."

Finally!

"I'm staying because of you.."

Kiniliti ko siya. "Yieeee!! Yan naman pala eh! Sabihin mo na kasi. Ayaw mong magkahiwalay tayo! Yeah!"

And for the first time in forever, narinig ko ang isa sa tawa niya. Ang halakhak ng gwapong nilalang na ito.

Parang tumigil ang oras dahilan na mapatigil rin ako.

Nagtaka siya saglit. "What?"

Alam ko ang feeling na'to.

"W-wala.." tinalikuran ko siya.

Oo wala. Wala lang 'to. Ilang beses na akong nagkakaganito pero palpak. Walang kwenta yung effort na ibinibigay ko.

Kasi nga, hindi ako maganda.

Ilang beses na nga akong umaasa. Kaya ayaw kong mahulog dahil alam kong walang sasalo sa'kin. Masasaktan ulit ako. Katulad ng sabi nila, isa akong vulnerable, easy-to-get ugly chick.

Nagbuntong-hininga ako.

"What's the matter?" bakas ng pag-alala ang tanong niya.

Napangiti ako.

Ows? Concern ba talaga siya?

"Sebastian..." tinignan ko ang mga mata niya. "nagugutom ako..."

Naging seryoso ang mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nag-iba naman yung ekspresyon niya.

Pag papalag siya, baka makatanggap siya ng flying kick. Pagkain na ang pinag-uusapan natin ano.

"Let's eat then, m'lady.." pabiro siyang nagbow at inilahad ang kamay niya.

Tinulak ko siya ng mahina.

Bigla siyang nagkaroon ng ideya pagkatapos kong matanong kung anong oras niya.

Alam ko kasi ginawa niya yung reaksyon ng mga cartoons tuwing may idea sila. Kulang nalang may mag'ting' na light bulb sa itaas.

Nagulat ako nang hinila niya ako papasok sa madilim na forest na dinaanan namin kanina.

Aba gago. Anong gagawin namin dito?

"Close your eyes."

Pero imbes na pumikit, nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy Sebastian ha! Wag moko-" tinakpan niya ang bibig ko.

"They'll get disturbed. Just close your eyes and listen. Don't make a sound." nagtago kami sa likuran ng malaking kahoy.

Anong trip ng lalaking 'to. Baka kung anong gawin sa'kin. Kahit pangit ako may dignidad rin ako no!

Pumikit ako ng nag-aalinlangan. Ano ba yung gusto niyang iparinig?

"You hear it?" bulong niya.

"TANGINA. ANO BA KASI-" tinakpan niya ulit yung bibig ko.

Magsasalita ulit sana ako nang nakarinig ako ng mga boses.

Mga tinig ng mga babaeng kumakanta.

Binuksan ko ang mga mata ko. "Ano yun?"

"Their music is so soft you can barely hear it. But it'll get audible eventually." aniya at nagtitingin-tingin sa paligid na tila may hinihintay.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko." saad ko.

"They are the wood nymphs. Classified as Dryads and Hamadryads. Dryads are immortal. Hamadryads are not. Once you kill the tree they are connected to, they'll die." mahina yung boses niya. Pero okay naman dahil unti-unti kong naririnig ang kanta.

"So alin sila?" tanong ko.

"Dryads. The favorite companions of Artemis." sagot niya.

Tumango ako. Kaya pala napili ng mga Huntres na mag camp dito.

Isang babae ang lumabas mula sa kahoy na pinagtataguan namin. Pero tahimik lang kami.

"Mga engkanto?!"

"Dryads."

Ay oo nga. Dryads pala. Nakalimutan ko.

Dumami ang mga boses gayundin, mas lumakas ang kinakanta nila. Para silang my sariling acoustic band. Isang choir. Lahat ng tinig nila nag b-blend.

May naghahumm at may kumakanta.

Sinundan ko ang isang dryad na kakalabas lang mula sa kahoy at tinignan kung saan siya pupunta.

Sa gitna ng gubat, nagtitipo-tipo ang lahat ng mga nymphs habang sumasayaw.

Sa ngayon, hindi na madilim ang gubat. Isa na itong enchanted forest.

"Dance with me?"

"Huh? Saan?" nag abot ang dalawang kilay ko.

"There." tinuro niya ang mga nymphs na nakatingin pala sa amin.

"I met them thrice already. They know me. I know them." kinuha niya ang kamay ko.

"Teka. Okay lang ba sa kanila?" bigla akong kinabahan sa ginawa niya.

"What do you think?" dinala niya ako sa gitna ng mga nymphs.

Isang napakagandang nymph ang pumunta sa'kin at nilagyan ng flower crown ang buhok ko.

"Lucky." bulong ng babae sa'kin saka kinindatan ako.

Nagsimula ulit ang kanta nila. At lumiwanag ang kinatatayuan namin.

"They gave me the chance to choose and dance with the most beautiful nymph. But I declined." nag nod siya sa mga nymphs na nakapaligid sa'min.

"because even the Gods cannot tell how you are the most beautiful in my eyes."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Shit." napamura ako. Kinikilig kasi ako.

"Bola." hindi ko kayang maitago ang ngiti ko.

Pero nawala kaagad ito nang maalala ko ang sinabi ko sa sarili ko kanina.

Pinaikot niya ako.

Noon...

Walang sumasayaw sa'kin dati sa tuwing may prom kami...

Wala naman kasing may gustong maging prom date ako.

"And I will see to it that you're safe, Jamie.... So never ever ever.."

Sinalubong niya ako ng yakap dahilan na mapasinghap ako.

"leave me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top