A Call

Art's POV

Save your brother Artemia... Pull him from the past.. He is lost.. You're the only light left... Find him...

Akala siguro nila wala pa rin akong malay. Hindi naman talaga. Nakapikit lang ang mga mata ko at nanonood ng visions kung saan pwede kong hanapin ang kakambal ko.

Ewan ko pero may kutob akong malapit lang kami.

Huhuhu. Nasan ba kasi siya.

"I know you're awake." narinig kong bulong ni Cal.

"shhhh!!!" binelatan ko siya. Eh kasi naman eh! Panira ng drama ko.

Diba nahimatay ako? Dapat saka pa ako magigising pag kinakailangan na.

Eh busy naman sila kaya eto.

Iniimagine ko lang hitsura ng kapatid ko. Baka nag iba na yung mukha niya.

Di na kami magkamukha.

Or di kaya... Naging bakla siya.

Tas naging drag queen..

Or baka drug addict na siya ngayon...

Or presidente ng pilipinas...

"when do you plan to open your eyes?" tanong niya. Hula ko nakasimangot na naman 'to.

"nandyan pa ba sila?" di ko na kasi naririnig ang mga boses nila.

"They're all gone."

Phew. Idinilat ko na ang mga mata ko pero napaurog ako ng konti dahil sa silaw ng lights.

"Vision?" tumayo si Cal at umupo sa may paanan ko.

"Oo pero iba 'to... Buhay ang kapatid ko Cal... at nandito siya." halatang nagulat si Cal sa sinabi ko.

Ako lang naman siguro ang nakakahalata kung gulat ba siya.. Masaya.. Malungkot or ano...

Eh kasi ang hirap tignan kung ano ba ang nararamdaman niya.

Nakasimangot lang naman siya palagi eh.

Hindi ko pa naman nakalimutan yung goal ko ngayong taon na lagyan siya ng flower crown tas mag anime eyes.

Mehehehe.

"How?" nagtataka niyang tanong.

Engot pa rin ang mukha niya pero mag aassume nalang ako na nagtataka siya.

Hihi.

"di ko alam eh.. Basta yun yung utos ni papa. Na hanapin ko daw siya." sabi ko sa kanya.

Bigla akong kinabahan kaya napalingon ako sa katabi kong cubicle.

Wala naman akong nakikita na ano kundi pader pero alam ko kung sino ang nakahiga dun.

Buti nalang talaga nagising ako nung nagkagulo ang clinic.

Saka mas gumaling naman yung ability ko kaya ginamit ko yun para tignan kung ano at sino ang pinagkakaguluhan nila.

Kakagising ko lang nun kaya medyo mahirap magsalita pero okay lang!

Hihi. Na gets naman nila Dio yung payo ko eh.

"Nandun ba sila?" ngumuso ako sa labas.

Tumango naman siya kaya tumayo na ako para tumungo dun sa kabilang cube.

"careful!" narinig kong sigaw ni Cal ng naapak ko yung isang paa ko sa tiles at nag acting na para bang na slide.

"biru lang. Hihihi. Peace yow." ang saya lang kasi pag ginugulat mo siya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.


"cal naman ihhhhh.." tinawag ko siya kasi nakatakip yung palad niya sa mukha niya.

"caalll... ihh.. biro lang naman yun.." niyakap ko siya. Huhuhu. Ba't ang pikon niya ata ngayon. Huhuhu.

"You had me worried and now you're scaring me to death?" napailing siya.

"Hala. Di ko naman sinasadya yun ihh... Plittthh" pout pout.

Namamalik mata na rin ata ako kasi para bang nag iba ang kulay ng mata ni Cal ng nag pout ako. Galit na galit ba talaga siya sa ginawa ko?

Huhuhu.

Please... Don't leave me... I'll die.

Napatigil ako ng narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"sinabi mo yun Cal?" kumunot ang noo ko.

"what?"

"wala... Ano kasi eh.. Vision na naman." malungkot kong sabi.

Nababaliw na ba ako? Huhuhu.

Dahil ba'to sa sobrang kain ko ng ice cream? O dahil sinumpa ako ni Princess Sara?

Or baka... baliw na nga ako.

OH NO. OH NOOOOO.

"are you okay?"

"Cal... Nandyan ba yung mga pinadala kong stickers?" siningkitan ko siya ng mata.

Nagkaroon kasi ako ng vision na may stickers eh kaya pinabili ko siya.

"yeah.." may kinuha siya sa pouch ng jacket niya at inilahad sa harapan ko ang isang matabang envelope.

Kitang kita ang glitters na nagmumula sa stickers sa loob.

"lahat yung may glitters diba?"

Tumango naman siya.

"Is it really because you had a vision or you just wanted me to buy these shits?"

"Grabe ka naman. Wala kang support." binelatan ko siya.

Tinawag pang tae yung stickers ko. Hala. Asan ka ba makakakita ng tae na may glitters? Tanga talaga tong si Cal paminsan eh.

"Cal? Punta tayo sa office mamaya.. Hihingi lang ako ng permission ni principal para hanapin yung kambal ko. Wag ka nang sumama. Napakadelikado." seryoso kong sabi.

Tinignan niya lang ako na para bang di naniniwala sa sinabi ko.

"Biru lang. Hihi. Syempre sama ka. Kung pwede nga tayu lahat eh. Para masaya. Yun gusto mo diba?"

"you know I'd go with you even if you say no." nag cross arms siya na para bang may awtoridad dito sa cubicle ko.

Helloooo ako yung may sakit dito. Ako dapat yung may kapangyarihan sa'ming dalawa.

"hihi sabi ko nga." biru lang. Alam ko talagang napakatigas ng ulo ni Cal eh.

Sabi ko nga siya boss dito eh. Huhu.

Hmm.. Pukpukin ko kaya ng martilyo yung ulo niya o di kaya ipakain ko siya ni Blobblebutt? Tas ipapadala ko siya sa Mount Olympus. Dun sa pinakatuktok ko siya ipapabagsak kay Blobblebutt.

Tignan natin kong tatalab pa siya. Hmp.

"teka... Nasan nga ba si Blobblebutt?" okay lang kaya yun dito sa bago nyang tahanan?

"He's at the stables with the horses. The aurai's are taking care of him so don't worry."

Tumango ako.

Last time ko kasi siyang nakita yung after the war. Mas madalas ko kasing nakikita ang puting kurtina at ang ilaw dito sa clinic. Hmp.

Pero ang sarap lang dito kasi ang tahimik... Tas yung blue and white na motif ng cubicle nakakakalma...

Biglang pumasok sa isipan ko ang convo namin ni Daddy.

'You need to go Art...'

'Pero dad.. Huhu wala akong alam ni isa tungkol sa kanya eh'

'You will, so be prepared. I cannot help him only you, my mortal daughter could.'

'kahit isang word lang dad. Bigyan mo ko pliiitthh!!'

narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

Hihi.

'The other gods are here. I have reached my limitations with my earthly contact. They must not hear me talking with you.'

'Pero dad! Yung word!'

'Revered Art... He is revered'

"Cal... May tanong ako..."

Tinignan niya lang ako na para bang nag aantay ng pandagdag.

"Diba Gods see everything? Eh bakit di nila tayo ginagabayan? Yung straight to the point! Pagka may itatanong ako kay dad eh riddles lang yung binibigay niya. Tinanong ko siya kung sino yung kapatid ko. Isang word lang ang binigay niya. Hindi pa niya pangalan. Huhu nahahati na utak ko nito."

Ba't ba kasi di pa bumaba yang mga Gods.

Ang saya saya siguro nilang naninirahan sa Olympus.

Nanonood lang sa mga pinagdadaanan namin. Pfft. Nakakainis.

"It is by the law that the Gods must not interfere with the fates. If it is what is destined, then it should happen. One change and the whole future will too. That's why, they only leave clues. to guide us in a more... natural way..."

May ganun pala? Ang OA naman!
Eh anak nila kami eh. Dapat tulungan nila kami dito. Huhu.

Gusto ba nilang makita ang mga anak nilang naghihirap tas sila wala man lang ginagawa?


Ang nice naman ng parenting nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top