EPISODE 16

"ANG PAGKAKAWATAK-WATAK NG LIMANG TAGAPAGBANTAY PART2"

ANG NAKARAAN:
Nasa kaharian ng Lakur sina Sam, Xavier at Zandro kasama ang Prinsesa ng Aera na si Selena at ang kanyang tapat na alalay.

"Maligayang pagdating sa Lakur Prinsesa Selena" bati ng Matandang duwende.

Samantala nasa Kagubatan ng Harte pa din sina Aira, Liam at Joshua.

Ang hindi nila alam ay sinundan sila ng bagong alagad ni Hex na si Via na kapatid ni Aira.

"Hindi kayo makakatakas saakin!" Sabi ni Via habang nakatingin kina Aira. Ilang sandali pa ay gumawa siya ng engkantasyon at may itim na usok ang pumasok sa Katawan ni Joshua.

ANG KARUGTUNG,

"Hindi ka parin nagbabago kapatid ko!" Sabi ni Via.

"Anong nangyayari?" Sabi ni Joshua.

"Tama nga ako! Muli kayong nagbalik dito sa Jamais. At isa yung malaking patibong ng panginoon ko! Ngayon Hindi ko kayo bubuhayin!" Sabi ni Via sabay tayo.

"Via, hindi ko inaasahan na papanig ka sa Kadiliman! Hindi Kita lalabanan Via." Sabi ni Aira.

"Pwes! Ako! Kaya kitang Labanan!" Sambit ni Via at Sinugod niya si Aira.
Panay ilag lang si Aira sa mga atake ni Via.

"Babawiin ko ang dapat na para saakin!" Sabi ni Via. At patuloy pa din sila sa paglalaban.

"Wala naman akong inagaw sayo! Sa katunayan? Wala akong balak na maging Reyna na Aera. Alam mo ba kung anong misyon ang sinasabi ni Ama saakin?" Sabi ni Aira habang panay ilag pa din sya sa atake ni Via nang biglang mag laho si Via sa kanyang harapan at tinadyakan sya sa kanyang likuran. Dahil dun ay nasobsob sa lupa si Aira.

"Tingnan mo Aira? Mahina ka padin! Sabagay anak ka lang naman ng isang Hamak na dama ng palasyo! Na nilandi ang amang Hari ko. At ngayon magiging kahati pa Kita sa pagiging Reyna? Ang mga kagaya mong hindi Dugong bughaw ay hindi dapat tanghaling Reyna!" Sabi ni Via akmang tatadyakan niya sa sikmura si Aira nang biglang dumating si Liam kasama ang isang babae.

Napagilan nila ang tangkang pananakit ni Via Kay Aira sa tulong ng kapangyarihan Nina Liam at ng diwatang si Magindara.

"Umalis ka sa aking Lupain babaeng kampon ni Hex!" Sigaw ni Magindara at biglang nag dilim ang kalangitan.

"Umalis kana Via, Hindi ka bubuhayin ng mga kasama ko!" Sabi ni Aira.

"Anong hindi? Joshua inuutusan kitang paslangin mo ang Lalaking Andromedian na yan!" Sabi ni Via.
Biglang nag laho si Joshua at mula sa ilalim ng lupa lumabas ang mga malalaking ugat na kumulupot sa katawan ng diwatang si Magindara at kay Liam.

"Teka papanong nangyari yun?" Sabi ni Liam.

Ngumiti si Joshua sakanyang likuran at inutusan ang malaking ugat na saksakin sa likuran si Liam na sya namang ikinagulat ni Aira nang Makita nya itong naliligo na sasariling dugo ang kanyang kaibigan.

"Hindiiiiii!!!! " Sigaw ni Aira at Akmang tutulungan na sana nya Ang kaibigan hinawakan sya ni Via at sinaksak naman sya ni Via sa kanyang likuran.

"Paalam kapatid ko? Ikamusta mo nalang ako sa Amang Hari!" Ngiting Sabi ni Via.

Bago pa nawalan ng Malay si Aira ay sinambit nya ito kay Via.

"Mas lalo mong pinatunayan na Hindi ka karapat dapat na maging Pinuno ng Aera!"

At bumagsak Ang kanyang katawan sa Lupa.

"Prinsesa Aira!" Sigaw ni Magindara.

"Kung ako sayo Diwata! Umanib kana saamin!" Sabi ni Via.

"Ysuere akida hesya, Furto aki!" Sambit ni Magindara.

Na ang ibig sabihin..

"Hindi ako aanib sa kasamaan! Mamatay man ako!"

"Kung yun Ang gusto mo Magindara pagbibigyan Kita! Joshua isunod na ang diwatang Yan!" Utos ni Via.
Tumango lang si Joshua at inutusan muli ang mga ugat na saktan ang diwatang si Magindara ngunit agad ikinumpas ni Magindara ang kanyang mga kamay at sa isang iglap ay naging Tubig sila ni Liam habang si Aira naman ay naglaho.

"Bwesit! Hindi maari. Kelangan Kung mapatay sila!" Sigaw ni Via.

"Pero di bale na, hawak ko naman Ang Prinsepe ng Lakur mapapakinabangan Kita!" Sabi ni Via sabay hawak sa Pisngi ni Joshua.

Samantala sa Lakur,

"Narito na tayo sa Halaman ng buhay Kung saan ito ang nagpoprotekta sa kaharian." Sabi ng Lambana kay Sam.

"Ang ganda! Teka bat tila natutuyo ang halamang ito?" Sabi ni Sam sabay turo sa halaman na katabi ng lambana.

"Ito ang alagang halaman ni Prinsepe Husua!" Sabi ni Lambana at binudburan niya ito ng gintog Alikabok pero Hindi padin bumabalik sa dati.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Sam.

"Hindi maari, may masamang nangyayari kay Prinsepe Husua!" Sabi ng Lambana.

"Tama ka, hawak nila si Joshua ngayon. Sabi ng mga Lambana na napadaan sa Kagubatan ni Magindara. Nasugatan si Prinsesa Aira at Prinsepe Liam. Hindi na nila makausap ang Prinsepe Husua. Napasailalim na ito ng itim na kapangyarihan ni Hex ang Prinsepe!" Sabi ng Matandang duwende.

"Hindi! Ang pinsan ko? Si Liam si Joshua. Tulungan natin sila!" Nagaalalang sabi ni Sam.

"Kami na ang maghahanap kina Aira, at Liam! Magpatuloy kayong turuan si Prinsepe Sam ng Harte sa paggamit at pagkontrol ng apat na elemento." Sabi ni Selena.

"Prinsesa Selena sasamahan ko kayo!" Sabi ni Zandro.

"Hindi pwde Zandro. Kayong dalawa ang magtuturo Kay Samuel sa Elemento ng Hestia. Bukas hahanapin ko sila ulit sa Aera o sa Kagubatan ng Harte. At pupuslit kami ni Nuno sa Kastilyo ng Harte upang tanggalin Ang sumpa ni Joshua." Sabi ni Selena.

"Sa ngayon delikado pa Mahal na Prinsepe!" Sabi ng matandang Duwende.

"Pero? " Sambit ni Sam.

"Samuel! Makinig ka sa mga pinuno natin! Utang na loob! Wag ka nang dumagdag pa sa pasanin ng Jamais!" Sabi ni Xavier habang nakataas ang kilay nito.

"Wag kang mag-aalala Mahal na Prinsepe. Nararamdaman kung buhay si Prinsesa Aira at Prinsepe Liam. " Dagdag Sabi ng Lambana.

Sa Harte...

"Panginoon tingnan mo Kung sino ang kasama ko?" Ngiting Sabi ni Via.

"Alam ko, mukhang umaayon Ang lahat ng ating plano. At magaling dahil napuruhan mo ang mga kalaban natin. Sa ngayon bubuhayin natin sila. Ayuko ng walang kwentang kalaban! Hayaan natin sila. Isa pa! Nasa ilalim na ng kapangyarihan ko si Joshua.
Hindi na sila Kompleto!" Ngiting Sabi ni Hex.

"Tama ka panginoon!" Sabi ni Via at sabay sabay silang tumawa.

Itutuloy...

Tuluyan na bang napaslang Sina Aira at Liam?
Mabubuo pa kaya sila?

Abangan ang karugtung ng ating kwento.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top