EPISODE 02

"ANG TUNAY NA KATAUHAN (PART 1)"

ANG NAKARAAN,
Nakilala ni Samuel Sina Liam, Xavier, Aira at Joshua.
Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ni Samuel?

Hindi ko na papatagalin pa, dahil ito na ang karugtung ng ating kwento.

ANG KARUGTUNG,

"Oh? Nasaan si Sam?" Tanong ni Aira kay Xavier.

"Bakit?" Kunot noong tanong ni Xavier.

"Bro, si Sam ang hinahanap natin!" Sambit ni Liam.

"Sandali, may ginawa ba kayong pananggalang sa lugar nato?" Tanong ni Aira.

"Wala dahil ~" di na natapos ang sasabihin ni Joshua ng biglang may isang malakas na pagsabong ang umalingaw-ngaw sa loob ng gusali.

"Nanggagaling ang pagsabog sa Labas ng gusali! Magmadali kayo! Hindi ko na nararamdaman ang presensya ni Sam." Sabi ni Joshua.
At nagkatinginan silang apat.
Humakbang si Aira sa gitna at sabay sabing..

"Mga lalaki pa naman kayo! Ako pa talaga ang pinapauna sa labanan? Kaya nga ayuko magka nobyo. Hay mga lalaki talaga!" At itinaas nya ang kanyang kanang kamay sabay sambit ng katagang...

Aira, tagapagbantay ng Elemento ng Hangin!

Umilaw ang kanyang suot na Singsing hanggang sa lamunin ng puting liwanag ang buong lugar. Sumunod naman sina Liam, Xavier at Joshua.

Joshua, Tagapagbantay ng Elemento ng Lupa!
Xavier, Tagapagbantay ng Elemento ng Apoy!
Liam, Tagapagbantay ng Elemento ng Tubig!

Sabay sabay silang nag bago ng anyo. Mula sa normal na kasuotan ay suot na nila ang kani-kanilang baluting pandigma.

"Ngayon, ako na ang mauuna! Nakakahiya naman sainyo!" Sambit ni Aira at nagpalit anyo bilang isang ibon.

Habang si Joshua naman ay nagpalit anyo bilang isang puting lobo. Na agad namang sinundan si Aira sa anyong ibon.

"Sandali? Papano tayo?" Sambit ni Liam.

"Hindi ko na yan problema Liam!" Ngiting sabi ni Xavier at nagpalit anyo bilang isang bolang apoy.

"Dyan kayo magaling ang mang-iwan! Nakakainis!" Sabi ni Liam at biglang naging tubig ang kanyang buong katawan at dahan dahan itong bumagsak sa sahig at sinundan na nya ang kanyang mga kasama.

Samantala si Sam naman ay hinahabol ng isang nilalang.

"Wag kanang tumakbo pa! Hindi mo matatakasan ang iyong tadhana. Ang tadhanang mamatay sa mga kamay ko!" Sabi ng lalaking nasa likuran nya habang siya naman ay hinahabol nya ang kanyang hininga dahil sa kanyang pagtakbo.

"Sino ka ba? Bat may ganyang kang kapangyarihan? Nasa prank show ba ako? Bat may mga pasabog effect?" Tanong nya nang biglang matapilok sya, at mawalan sya ng balanse hanggang sa napahiga sya sa lupa.

"Ngayon wala kanang kawala!" Sigaw ng lalaking humahabol sakanya at itinutok ang kanyang hawak na espada. Akmang sasaksakin si Sam. Biglang umihip ang malakas na hangin. Mula sa kalangitan isang ibon ang lumabas at humuhuni ito ng sobrang lakas na syang dahil upang mabitiwan ng lalaking humahabol kay Sam ang hawak na Espada.

Mula sa kinalalagyan ni Sam. May mga ugat ng halaman ang nagsilabasan na umatake sa mysteryusong lalaki.

Dahil sa mga pangyayari ay nawalan ng malay si Sam.

Nagising nalang sya na nakahiga sya sa isang malambot na kama at kulay pula ang unan. Lahat ng makikita mo sa loob ng silid ay kulay pula.

"Nasaan ako?" Sambit ni Sam sabay gala ng kanyang paningin sa loob ng kwarto. Hanggang sa nagbukas ang pintuan at iniluwa ng pintuan si Aira at Xavier.

"Gising na pala sya!" Ngiting Sabi ni Aira.

"Mabuti naman, para makapagpahinga nako!" Sambit ni Xavier.

Nilapitan nina Xavier at Aira si Samuel.

"Sam kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Aira.

"Miss Aira? Ss-sir Xavier? Nasaan ako?" Tanong nya.

"Sam? Aira nalang itawag mo saakin. Ang totoo nyan ay ~ " Hindi na natapos ang sasabihin ni Aira ng sumabat sa usapan si Xavier.

"Pinsan mo si Aira. Sa kasamaang palad! Pinatapon ka ng mga magulang mo dito sa mundo ng mga tao. Kaya ngayon? Wala kang Alam ni isang Majika! Upang iligtas ang iyong sarili sa sugo ni Hex." Sabi ni Xavier.

"Xavier?? Diba ako dapat mag sasabi? Kami yung magkadugo!" Galit na Sabi ni Aira.

"Pp-po? Pinsan? Hindi ko maintindihan? Anong Majika? Gino-good time nyo lang ako ano?" Naguguluhang sabi ni Sam.

"Hindi Sam, totoo ang mga sinabi ni Xavier. Pinsan mo ako sa ibang Mundo kung tawaging Jamais." Panimula ni Aira.

At pumasok naman sina Liam at Joshua..

"Totoo yun, hinahanap ka namin sa ibat-ibang bahagi ng Mundo at dito ka lang namin mahahanap sa bansang pilipinas." Sabi ni Liam.

"Jamais? Pamilyar saakin pero Hindi ko Alam Kung saan ko narinig yan." Sabi ni Sam.

"Hayaan mong ipakita ko saiyo ang mga iilan sa mga imahe ng mundong pinagmulan natin!" Sabi ni Aira at sa isang kumpas nya ay lumabas sa ire ang mga imahe ng apat na kastilyo at larawan ng Reyna at Hari na may sanggol na hawak.

"Ikaw ang sanggol na yan! Sila Ang mga magulang mo! Sina Haring Gerald at Reyna Anya. Ganito ang Jamais noon! Nung Hindi pa ito napasailalim ng kamay ng maitim na nilalang na si Hex. " Salaysay ni Aira.

Lumapit si Joshua at itinuro Kung saang kaharian sya lumaki.

"Ito Naman Ang kaharian ng Lakur, Kung saan ako lumaki."

Sumunod naman sina Xavier at Liam.

"Ang Hestia, pinakamalakas na kaharian sa Jamais. Malakas na kaalayado ng inyong kaharian." Sabi ni Xavier.

"Andromeda, dito ako lumaki. Kami ang nangangalaga ng buhay sa buong Jamais." Sabi ni Liam.

"At ito naman ang Aera. Kung saan kami ang nagbibigay hininga sa buong Jamais pati na rin sa lahat ng nilalang. Dito ka nag mula. Samuel.." Sabi ni Aira sabay turo sa malaking kastilyo.

"Ano yan?" Tanong nya.

"Yan ang kaharian ninyo, ang Harte. Ang sentro o puso ng Jamais. Ikinalulungkot ko Insan. Ang Hari at Reyna ay Wala pa kaming balita. Ngunit maraming nagsasabi na ikinulong ito ni Hex.

At ikaw ang itinakda upang palayain ang Jamais sa kamay ni Hex.

"Teka? Kung totoo yan mga pinagsasabi nyo? Papano? Wala nga akong magic. Katulad mo! Ano to? The last air bender ang peg ko nito? Kelangan ko bang pag-aralan kontrolin ang apat na elemento?" Sabi ni Sam.

"Hindi." Natatawang sabi ni Joshua.

"Eh ano?" Sambit ni Sam.

"Bubu mo! Ignorante pa!" Sigaw ni Xavier at inilapit Ang kanyang mukha sa mukha ni Sam.

"Tuturuan ka namin! Gumamit ng magic. Para di ka maging tanga sa oras na makalaban mo si Hex." Dagdag pa nya.

"Pasensya na!" Naluluhang Sabi ni Sam. Agad itong bumangon sa Kama at lumabas ng kwarto.

"Napakagaspang ng ugali mo!" Sambit ni Joshua. At sinundan si Sam.
Tinitigan lang sya ni Aira at napayuko lang ito.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top