Chapter 30: A Peek in the Past ( last part)







Tulad nga ng sinabi ng Hari at Reyna na kailangan ng exercise ni Hellaisha at pati ang pagkain ay pinapakialamanan na, hindi naman maka-hindi si Hellaisha kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin nalang ang lahat ng sinasabi sa kaniya.



    Hindi  ko rin nakita sina Rhys at Kai marahil ay nasa training ground or university. Sa timeline na ito ay 16 years old na si Hellaisha at dito ko nalaman na hindi pala kaibigan ni Hellaisha ang Royale pero maganda naman ang trato nila sa kaniya at medyo nabigla ako dahil wala pa dito ang anak ng Duke na si Maeliegh at dito rin nagustuhan ni Hellaisha si Caecious.



Caecious is 17 years old this time, he's handsome alright. Parang cliche na story, na love at first sight si Hellaisha, and then nag papansin pero wala namang pakialam si Caecious sa kaniya, napapangiwi pa ako habang tinitingnan ang mga paraan ni Hellaisha kay Caecious, para sa akin parang ang babaw ng pagkagusto niya or pag mamahal niya kay Caecious but who am I to judge, siya naman ang nakakaramdam n'on kaya I have no right na magsalita dahil hindi ko alam ang nararamdaman niya kay Caecious.



Nagghabol siya kay Caecious at dumating na sa part si Hellaisha na nasobrahan na sa pagkagusto kay Caecious at parang sa novel nga na pag may lumalapit sa gusto niyang lalaki ay sasaktan or ipapahiya niya, kung sino ang kausapin, pansinin, ngitian nI Caecious ay bubullyin niya.



Pinagsasabihan siya ni Rhys at ni Kai pero hindi siya nakikinig. Dumating na rin sa  point si Hellaisha na gumamit na ng kolorete sa mukha kahit naman na maganda na siya at hindi na niya kailangan pero gumamit pa rin kahit hindi siya marunong, at mas lumalala lang 'yon ng makita niyang may kinausap si Caecious na babaeng medyo kinulang sa tela ang damit, pang prinsesa pa rin naman pero parang medyo hindi na nakakarespeto tingnan. Ginaya niya ang mga damitan ng babae, at in that time na nagalit si Rhys dahil hindi na nirerespeto ni Hellaisha ang katawan niya.



Sinumbong ni Rhys si Hellaisha at walang nagawa si Kai kaya naman ng bumalik na sila sa palasyo ay nagulat ang Hari at Reyna habang nakatingin kay Hellaisha at sa paraan ng pananamit ni to, agad siyang sinamaan ng tingin ng Reyna at nagmamadaling lumapit kay Hellaisha at mahigpit na hinawakan ang braso  niya at kinaladkad papasok sa kwarto ng Reyna at Hari, habang ang Hari ay nakatingin lamang kay Hellaisha ng walang emosyon at pinabayaan ang Reyna kung ano man ang gagawin nito kay Hellaisha.



Nang makapasok sa kwarto ay agad na dumapo ang likod ng palad   sa pisngi ni Hellaisha na nagpatagilid sa mukha niya. Bahagya akong nabigla dahil kitang-kita ko ang walang emosyong mata ni Hellaisha habang nakatingin sa sahig.




" How dare you?! " Sigaw ng Reyna. " How dare you disrespect my daughters body! " Dagdag pa niya.


" What have you done, Hellaisha?! Ano itong naririnig ko na pinag gagawa mo sa unibersedad?! " Sigaw ng Reyna, napatigil naman silang dalawa ng Hari ng marinig nila ang walang buhay na pagtawa ni Hellaisha, inangat niya ang kaniyang mukha at tumingin sa Reyna habang kunwaring nakahawak sa dibdib niya.


" Ahw are you concerned to me, mother? " Nakangiting tanong ni Hellaisha. " I'm happy.. " Dagdag pa niya habang nakangiti, ngiting walang mababakas na saya, ngiting walang buhay, ngiting walang pakialam.



Napabuntong hininga ako, hindi ko magawang nagalit kay Hellaisha ng buo dahil at some point ay alam ko kung bakit siya nakakaganyan, she just want love, attention na hindi maibigay sa kaniya ng kaniyang pamilya kaya sa iba siya nag hahanap but unfortunately ay hindi din maibigay. Si Kai kasi na nag iisang tinuturing siyang pamilya ay nawalan ng oras sa kaniya dahil na busy, he's a second prince after all, he has a responsibilities.


" Wala akong oras sa kadramahan mo! " Dinuro niya si Hellaisha habang nanlilisik ang mga mata. " Nasa katawan ka ng anak ko! Kaluluwa ka lang na nilagay sa anak ko! " Sigaw ng Reyna, hindi nakaligtas sa akin ang emosyong bumakas sa mga mata niya pero agad din iyong nawala.


" Kaluluwa lang ako na nilagay sa anak mo? Hahaha you're funny. " Walang emosyong sagot ni Hellaisha.  " Be thankful dahil buhay ang katawan ng anak ' mo ' dahil sa kaluluwa ko. " Saad niya.


*PPAAKKK ( para intense )


" How dare you! Ikaw ang dapat magpasalamat dahil buhay ka! You disgusting piece of shit! Don't ruin my daughters body! Don't ruin her image! " Nagagalaiting sigaw ng Reyna, hinawakan naman ng Hari ang braso ng Reyna dahil nangingig na ito sa galit.


Kitang kita ko ang pagyukom ng kamao ni Hellaisha habang nakayuko.


" I don't care about you. I will do whatever I want to this body, this is mine habang wala pa siya kaya  wala kayong magagawa kung ano man ang gagawin ko. " Saad ni Hellaisha habang nakayuko, dahan-dahan naman niyang inangat ang namumula niyang mukha, tiningnan niya ang Reyna at ngumisi ng malademonyo.


" You know what? " Tanong niya at tiningnan ang Reyna mula ulo hanggang paa, tinging nakakainsulto. " You don't deserve to be called a Mother. I can't wait to see and meet ' your real daughter ' . Ano nalang ang sasabihin niya sayo? " Nakangisi niyang ani. Agad naman itinaas ng Reyna ang kaniyang kamay pero bago pa masampal ng Reyna si Hellaisha ay hinawakan na ng Hari ang braso ng Reyna. Tumingin naman siya kay Hellaisha bago magsalita.


" Go to your room now, Hellaisha. " Saad ng Hari, agad naman tumalikod si Hellaisha at lumabas ng kwarto.


Nang makarating siya sa kaniyang kwarto ay agad niya iyong nilock, kitang-kita ko pa ang nakayukom niyang kamao. Hindi ko mapigilan ang masaktan ng makita kong may tumulong luha sa mga mata niya na agad niya namang pinunasan.


" I'm just a soul. Huh. " she whispered and chuckle.


Agad naman nawala ang scene na iyon kaya naman tiningnan ko ang last na bilog.


In this timeline is nandito si Amara, girlfriend ni Rhys, she's kind and beautiful, naiintindihan niya si Hellaisha , kung saan nanggagaling ang galit niya, siya ang unang taong nakakaalam sa paghihirap niya. Bihira lang ang pagkikita ni Kai at Hellaisha dahil na rin umiiwas si Hellaisha sa kaniya sa hindi ko alam na dahilan, habang si Rhys naman ay walang pakialam kay Hellaisha dahil nakikita naman niya na medyo close ang dalawa.



And dito na pumasok si Maeliegh sa timeline na ito, wala naman siyang ginawa kay Hellaisha, it's the other way around, si Hellaisha ang may ginagawa kay Mealiegh, the reason? Dahil siya ang nililigawan ni Caecious. Ang ipinagtataka ko ay may isang prinsesa na kaibigan ni Hellaisha, kung bakit ako nagtataka? Hindi ko makita ang mukha niya dahil blurr.


It's kind of suspicious dahil sa mga ginagawa at pananalita niya.


Agad naman lumabo ang bilog and the next thing I know is nakikita ko nang sinusubukan nang patayin ni Rhys si Hellaisha. Nagtataka din ako dahil no'ng una ay hindi ko nakita si Maeliegh pero dito ay nakita ko siya habang hawak si Amara.



Ilang beses kong nakitang tumilapon si Hellaisha dahil sa armas ni Rhys, paulit-ulit ring tumatayo si Hellaisha at tinitingnan si Rhys ng walang emosyon habang binibigkas ng paulit-ulit ang dalawang salita.



" Kill me. " Malamig na saad ni Hellaisha. Pumikit ulit siya and the next thing I know is tumilapon ulit siya at sumuka ng dugo .



Walang nakahawak kay Rhys at pinababayaan nila kung ano man ang gagawin niya. Habang si Kai ay nanlalaban sa anim na prinsepeng pumipigil sa kaniya.



Dahan-dahan na tumayo si Hellaisha, pinunasan niya ang dugong nasa bibig niya at ilong. Ilang beses siyang lumunok bago tumingin kay Kai na hawak ni Prensepe Caecious at isang Prinsepeng nagngangalang Carlow Orwell. Nakatingin si Kai kay Hellaisha na may pag aalala at lungkot sa mga mata niya.



Napaawang pa ang kaniyang labi ng makitang bahagya siyang nginitian ni Hellaisha.



' I'm sorry, kuya Kai. ' saad ni Hellaisha.



Mas lalong napaawang sa gulat si Kai ng marinig niya iyon sa isip niya na sinabi ni Hellaisha.



W-wait b-bakit nalaman ko?


Kasabay ng malakas na hampas ni Rhys sa katawan ni Hellaisha na nagpatilapon sa kaniya ay ang pag tulo ng isang butil na luha ni Kai habang nakatingin sa tumilapon na katawan ni Hellaisha. Agad siyang hinawakan ng dalawang prinsepe dahil sa biglaang pag luhod ni Kai habang nakaawang ang labi at tumutulo ang luha sa kaliwang mata.



Lumabo ulit ang bilog at ilang sandali pa ay nakita ko si Hellaisha na tulog sa kaniyang kwarto, she's pale. May pumasok na parang mangagamot at hinawakan ang kamay ni Hellaisha, may inilagay na dahon pero nagtataka ako dahil medyo silver siya, umirap naman iyon ng green. Silver pero green ang ilaw, weird.



Ilang sandali pa ay pumasok si Kai habang may dalang basin at towel. Tumayo ang mangagamot at yumuko bago lumabas. Inilagay ni Kai ang basin sa gilid at niloblob ang bimpo sa kulay ube na tubig. Nang mapiga niya ay dahan-dahan niyang pinunasan ang braso, leeg at maputlang mukha ni Hellaisha.



" Pag pasensyahan mo na kung hindibumibisita si Ina at Ama, wala sila dito dahil nasa ibang emperyO sila. " Mahinang pag kausap ni Kai kay Hellaisha habang nagpupunas.


What? Hindi manlang nila binisita O tiningnan si Hellaisha kung buhay pa ba?!



Bigla na naman ulit lumabo ang bilog ng ilang minuto at nang maging malinaw na ay nabigla ako sa kasunod na senaryo.



All the Royale are bullying Hellaisha excluding Kai, they're hurting her physically and mentally, may mga pinagsasabi na Hindi ko maintindihan habang si Hellaisha ay nakayuko lamang napayukom ang kamao ko, nangungunahan sa pagpapahirap kay Hellaisha ay si Rhys.



Naiintindihan ko siya dahil namatayan siya pero bakit parang sobra niya. She's hurting her physically! Minsang sinipa, sinasampal ,sinasabunutan, he even talked her to kill herself in front of everyone.


Sumasali si Caecious at Maeliegh sa pagpapahiya kay Hellaisha pati na rin iba pa pero may isang babaeng lagi siyang pinagtatanggol pero bakit Hindi ko makita ang mukha niya?


Napatingin din ako sa likod ni Hellaisha, may tatlong babaeng nakasuot ng itim na cloak habang umousok ng violet ang mga kamay nila. What does it mean? Sigurado akong sila ang tatlong babaeng sumaksak kay Amara.



The next scene is nasa itaas ng building si Hellaisha, parang nasa veranda siya kahit apat na palapag lang ay masyado ng mataas dahil malaki at mataas ang rooms nila parang double ang building kung ikukumpara ko sa earth dahil ang rooms dito ay may mga chandeliers.



Nakaharap siya sa akin at sigurado akong may hawak siya na kung ano dahil nakaangat ang braso niya pero Hindi ko makita ang hawak-hawak niya dahil  ang labo-labo nito. May binigkas siya habang nakatingin sa hawak niya at ilang sandali pa ay inangat niya ang mukha niya.


Parang nakikita niya ako dahil sa titig niya. Bahagya siyang ngumiti sa akin.


' bring her back ' rinig kong boses sa utak ko, i-is it Hellaisha?


My brain automatically say    ' okay  '


She closed her eyes and smile a little bago inihakbang ang paa and the next thing I know is wala na siya sa harap ko at agad tumagos ang tingin ko sa lalaking nakatayo habang walang emosyong nakatingin sa kinaroroonan kanina ni Hellaisha.



Bakit siya nandito... Why are you here...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Rhys.. " Huling salitang lumabas sa bibig ko bago dumilim ang lahat.






                       ___________________
A/N:
            I'm so so so  sorry kung ngayon lang ako nag UD, Mani wala kayo sa Hindi ngayon pa lang ako nag papaload, dapat sa Saturday pa 'to eh kaya pasensiya na po kung ngayon lang. My next UD is sa 15 dahil kailangan kong umattend sa moving up ng aking little sister. I promise sa 15 talaga ang UD, nabubusy pa ako ngayon eh. Anyway, thank you for reading, enjoy reading po ☺. Lovelotsss and keep safe po 💗☺.

Ps. Grammatical errors ahead.

@misstearuseink

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top