Chapter 28 A Peek in the Past ( part 1 )







Minulat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang liwanag. Nilibot ko ang paningin ko, I'm in another place. Ano ba ang nangyayari?


Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang isang matinis na boses, n-nasa palasyo pala ako pero anong meron dito. Napa tingin ako sa batang malawak ang pag kakangiti.


" Amaaa... Inaaaa.. Nandito na kayooo " Matinis na sigaw ng batang babae, Napa tingin naman ako sa sinasabi niyang magulang, napatigil pa ako ng bahagya ng makilala ang mga magulang niya, mga magulang ni Hellaisha kasama sina Rhys at Kai na sa tingin ko ang nasa 15 na ang edad.


Tumakbo papalapit si Hellaisha sa mga magulang niya, agad naman ngumiti si Kai kay Hellaisha.


" Hello, Ember. How are you today? " Malambing na tanong ni Kai kay Hellaisha, ngumiti naman ng matamis ang batang Hellaisha.


" Masaya po kuya kasi dumating na kayo. " Nakangiting sagot niya, ginulo naman ni Kai ang buhok ni Hellaisha.


" Hi kuya Rhys.. " Nakangiting bati niya kay Rhys na ngumiti lang sa kaniya, hindi pala siya palasalita ng bata pa pero ngayon ang daldal niya.


" Hey little Ember, do you want to play? " Masayang tanong ni Kai na ikinasaya ni Hellaisha, pero bago pa siya nakasagot ay nag salita ang ina ni Hellaisha.


" Kai Hakan, pumunta na kayo sa kwarto niyo alam  kong pagod kayo sa paglalakbay ng ilang araw. " Sabad ng ina ni Hellaisha, base sa pagsasalita niya ay para siyang inis na hindi ko maintindihan. Napakunot naman ang noo ni Kai at humarap sa ina.


" P-pero ina, gusto ko pong makipag laro sa kapatid ko a-at hindi po ako pagod. " Agad na saad ni Kai, sinamaan naman siya ng tingin ng ina. Another ba ang problema niya?


" Kai Hakan! Hindi ka makikipaglaro kay Hellaisha Ember dahil mag papahinga kayo ng kuya mo at may ensayo pa kayo mamaya kaya kailangan mo ng lakas. " Mahabang salaysay ng ina na niya na ngayon ay nagsisimula ng magalit.


" I-ina kaya ko naman mag ensayo mamaya o-o kaya b-bukas nalang, ilang araw kong hindi nakita si Ember kaya gusto kong bumawi sa kaniya. " Sagot ni Kai, sasagot na sana ang ina niya ng magsalita ang Hari.


" Kai Hakan, makinig ka nalang sa iyong ina. Aidan Rhys pumunta na kayo sa kwarto niyo. " Saad ng Hari sa walang emosyong boses, napayuko nalang si Kai at sumulyap pa kay Hellaisha na maliit lang siyang nginitian. Tumingin naman ang Hari sa batang Hellaisha.  " Mag uusap tayo Hellaisha , sumunod ka. " Maotoridad na saad ng Hari at naglakad papasok sa palasyo kaya wala silang nagawa kundi ang sumunod papasok sa palasyo, sumunod narin ako kung saan nila dadalhin si Hellaisha.


Nangunguna sa paglalakad ang Hari at Reyna samantalang nakasunod si Rhys at Kai at nang mapansin ni Kai na nasa likod niya ang batang Hellaisha ay sinabayan niya itong nmaglakad habang nakaakbay pa kay Hellaisha.


I smiled. Now I get it, naiintindihan ko na ang mga tingin ni Kai sa akin pag magkasama kami, it's because they have bond, siya at si Hellaisha.


" I will play with you later. " Mahinang bulong ni Kai kay Hellaisha. Napatingin naman si Hellaisha sa kaniya at bahagyang umiling.

" Why? " Takang tanong ni Kai.

" Mother will be mad at you. " saad ng batang Hellaisha, ginulo lamang ni Kai ang buhok ni Hellaisha.


" I will play with you later, in my room. After my training we'll play, okay ?" Nakangiting saad ni Kai na ikinangiti rin ni Hellaisha.


Pumunta sa taas sina Rhys at Kai para mag pahinga siguro habang si Hellaisha ay pinasunod, I think dito ang daan papuntang parang meeting place  ng Hari. Nang makarating kami sa lugar kung saan sila mag uusap. Hinarap ng Reyna si Hellaisha at tiningnan ito ng walang emosyon.


" Hellaisha Ember, ako na ang nakikiusap sayo, don't bother your brother Kai because he's busy. He needs to train, they have responsibilities unlike you. " Saad ng Reyna, napakunot ang noo ko, ito ba? Ito ba ang ugali niya kay Hellaisha?

" I'm sorry, mother. Hindi na po mauulit, hindi na po ako makikipag laro kay Kuya Kai, I will not bother him. " Nakayukong saad ni Hellaisha, I can feel the loneliness in her voice. Napatango-tango naman ang Reyna.

" Good, you may go. You have a class for etiquette. " Saad ng Reyna at tinalikuran agad si Hellaisha, sumulyap muna ang batang Hellaisha sa nakatalikod na Hari at Reyna at bahagya pang bumuntong hininga bago lumabas ng silid.


Sinamaan ko ng tingin ang dalawa kahit hindi nila mararamdaman iyon , nakikita ko pang nag uusap sila ng mahina.

Sinundan ko nalang ang batang Hellaisa papunta sa kwarto niya, nang makapasok kami sa kanyang kwarto ay agad siyang umupo sa kaniyang kama. Nakayuko lamang siya at ilang beses na bumuntong hininga.


Napahawak ako sa noo ko ng mahilo ako at naghanap kaagad ang kamay ko ng makakapitan dahil parang pakiramdam ko lumilindol at parang umiikot ang paningin ko . Napapikit ako I feel like vomiting.

Tumagal ito ng ilang minuto bago tumigil ang pagkahilo ko, sinubukan kong imulat ang mga mata ko at nang maimulat ko ay agad kong nilibot ang paningin ko. Nasa likod ako ng palasyo, nakikita kong nag eensayong mag isa si Hellaisha pero ang nakakapagtaka ay lubid ang gamit niya, hindi ba dapat ay sword ang gamit niya?


Napatingin ako sa likod ni Hellaisha ng makita ko ang Hari at Reyna na nakatingin kay Hellaisha, bahagya pang umiling ang Reyna na parang disappointed sa nakikita niya, bigla na lamang may lumapit na kawal sa kanila at may sinabi na agad naman tumalikod ang Reyna at Hari at sumunod sa kawal.

Napalingon ako kay Hellaisha ng lumingon siya kung nasaan kanina ang Reyna at Hari, yumuko siya at bumuntong hininga bago bumalik sa ensayo. Lumingon ulit ako sa batang Hellaisha at agad na sinundan ang Hari at Reyna, lakad takbo ang ginawa ko para makaabot at nang makalabas ako ay papasok na sila sa karwahe kaya binilisan ko ang takbo at pumasok agad sa karwahe ng makarating ako.

Saan  kaya 'to pupunta?

" Anong sagot nila sa tanong natin ? " Tanong ng Reyna sa Hari.

" Hindi ko Alam, kaya nga pupunta tayo sa templo. " Walang emosyong sagot ng Hari.

" Napapansin ko kay Hellaisha Ember na lubid ang ginagamit niya sa halip na espada ang gamitin niya. " Nakakunot noong saad ng Reyna.

" Hindi marunong humawak ng espada si Hellaisha at masyadong mahina ang mga kamay niya para humawak ng espada kaya pinili niya ang walang kwentang lubid dahil magaan lamang iyon." Saad ng Hari, nagtagis ang bagang ko dahil sa inis, anong klase silang magulang para pagsalitaan ng ganyan si Hellaisha? Imbis na tulungan sa pag eensayo ay iniinsulto nalang nila si Hellaisha.

After this dream at pag umuwi kami, ipapatikim ko sa kanila ang sampal ni Zelesthriana. Naiinis na talaga ako sa Reynang 'to.

"May balita ka na ba sa Emperador at Empress? " Tanong ng Reyna, agad naman pumangit ang templa ng mukha ng Hari dahil sa tanong.

" Wala akong balita sa kapatid ko at sa asawa niyang si Dauntless Amatheia. Ilang taon na ba silang nawala tsk? " Saad ng Hari. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.


' sa asawa niyang si Dauntless Amatheia '

' sa asawa niyang si Dauntless Amatheia '

' sa asawa niyang si Dauntless Amatheia '


Dauntless Amatheia? My mom?

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa sinabi ng Hari, napasapo ako sa noo ko, damn how can I forgot about my dream about the king and my dad, nasabi doon na mag kapatid ang Hari at si Daddy.

" Bakit nga ba nawala ang Empress at ang Emperador ? Marami pa silang responsabilidad pero nagawa nilang mawala, tss so irresponsible. " Saad ng Reyna at bahagya pang umirap sa hangin.

Empress? Emperor? What the fuck? My mom and dad is the Emperor and Empress? How did it happen?

Napatingin ako sa Reyna ng maalala ko ang hindi magandang sinabi niya sa mga magulang ko, napayukom ang kamao ko. Habang nagtatagal hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila niya.

Akala ko pa naman mababait sila dahil sa una naming pagkikita, totoo nga ang kasabihan na Don't judge a book by its cover.


Pagkatapos magsalita ng Reyna ay wala nang namutawi sa kanila, ilang oras ang nagdaan ng makita ko ang templo sa hindi kalayuan. Para siyang normal na bahay na kulay puti, as in lahat puti, may malaking fountain sa gitna ng daan.

Nang makarating kami ay agad akong bumaba at sinundan ang sila papasok sa malaki at mataas na pinto, I like the design kahit kulay puti. Pagkapasok namin ay agad nagsiyukuan ang walong babaeng parang tagapagsilbi pero parang hindi, nakapaa lamang sila at pare-pareho sila ng suot, puting bistida na hanggang lagpas tuhod may mga bulaklak rin sa buhok nila na parang ginawang crown.

Nilibot ko ang tingin sa loob, lahat puti ang boring ng color, may mga nakasabit na parang painting pero hindi ko maintindihan kaya naman iniwas ko na lang ang tingin at nilingon ang dalawa dahil papunta sila sa tatlong taong nakaluhod na nakatalikod sa amin. May parang tubig na pabilog sa harap nila, nang mapansin ang Hari at Reyna ay agad tumayo ang tatlo at yumuko, tsk hindI naman sila karespe-respeto .

" Maligayang pagdating mahal na Hari at Reyna. " Saad ng lalaking nasa gitna na naka cloak ng brown, tinanguan lamang sila ng dalawa.

" Bakit mo kami pinapunta dito? Is there any news about my daughter? " Tanong ng Reyna na nag pagulo sa akin.

Daughter? May iba silang babaeng anak maliban kay Hellaisha? Agad ko naman naalala ang sinabi ni Kai habang magkausap kami last two weeks.


' bakit ayaw mo sa silid nating magkakapatid? ' tanong ni Kai, palihim nalang akong umirap, ilang beses niya na bang tinanong yan?

' hindi ko kayo kapatid. ' sabi ko na lamang.

' ayaw mo ba talaga sa silid natin? ' tanong niya ulit.

' ayuko. Ayukong makasama si Rhys sa iisang silid. ' Saad ko pa.

' hmm. Dalawang kwarto na ang bakante sa silid natin kung gano'n. ' tumatango niyang ani.


Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang pag uusap naming iyon.

' hmm. Dalawang kwarto na ang bakante sa silid natin kung gano'n. '


Ibig sabihin sa kaniya ang kwartong isa maliban kay Hellaisha? Pero how come hindi pa siya na memeet ni Hellaisha?





                  _______________________
A/N :
         Good evening.  Kung nalilito kayo or may itatanong feel free to ask. I'll try to UD tomorrow or Monday. Stay healthy and godbless. Thank you po. ☺💗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top