Chapter 21
Ps: isang POV lang niya Aisha meron at ang iba unknown na, wag sana kayo magtaka at malito.
— Hellaisha POV —
" HindI ko alam na ganyan pala magsalita ang isang Princess Hellaisha. " Pamilyar na boses ang narinig ko, agad ko naman inangat ang tingin ko sa nagsalita at nanlaki agad ang mga mata ko sa gulat.
Oh my god. I'm going die. Stupid me for cussing him!
Agad akong yumuko sa kaniya, narinig ko naman ang pag tawa niya pero mahina lamang. Nag init ang pisngi ko sa hiya. Tumingin naman ako sa kaniya.
" Paumanhin Prinsesa Hellaisha, hindi kasi ako tumitingin sa aking dinadaanan kaya nabunggo kita. " Saad niya at bahagyang yumuko. Lalong nag init ang pisngi ko dahil parang sarcastic ang dating sa 'kin . Yumuko ak sa kaniya.
" Paumanhin din Prince Vlad, sa aking nasabi, hindi ko sinasadya. " Nakayukong saad ko. Narinig ko ulit syang natawa.
" Saan ka nga pala pupunta? Bakit may dala kang mapa? Ngayon ka palang ba nag aaral dito? " Sunod-sunod na tanong niya, bakit na ang dami nyang tanong? Tsk. Gusto ko siyang barahin Kaso prinsepe siya, baka makagawa ako ng gulo at ikamatay ko pa Kaya kailangan maingat ang bawat galaw ko .
Tumango ako sa kanya. " Ah.. Oo, bago lamang ako dito. " Parang double meaning ata. Tumango naman siya at ngumiti sa akin.
" Pwede kitang ilibot dito unibersidad, kung gugustuhin mo lang naman. " Nakangiti niyang saad, nginitian ko nalang siya at umiling.
" Ahh huwag na kaya ko naman maglakad. " Nakangiwi kong ani. Kahit nagagwapohan ako sa kanya Hindi ko parin siya kilala, ayukong magtiwala sa kung Sino lang.
" Hmmm... saan ka ba pupunta? " Tanong niya ulit. Argh sinasayang niya ang oras ko.
" Sa library. " Maikli king sagot.
" Maaari ba kitang samahan papunta doon? " Ready na sana ako mag decline ng mag salita ulit siya.
" 'Wag mong sabihin na tatanggihan mo ulit ako. " Nakangiti nyang ani, ngumiti nalang ako na parang naging ngiwi ang kinalabasan, napansin niya ata kaya wala akong nagawa kung hindi sapilitang tumango, ngumiti naman siya ng malapad.
" Mabuti. Marami akong maikwekwento sayo at maipapakita na makukuha ang atensyon mo. " Masaya nyang ani, tumango nalang ako sa kanya at Hindi sumagot. Nagsimula na syang maglakad kaya naman sumunod nalang ako, ang daldal niya, kalalaking tao.
Hinawakan ko ang braso ko at hinimas, pasimple akong tumingin sa paligid ko, nararamdaman kong may tumitingin sa akin O kaya sinusubaybayan ako . I can say na hindI lang iisa ang tumitingin sakin.
Hmmm isa kaya sa kanila ang pumatay kay Ember? Napangisi ako sa loob-loob ko, sana naman exciting ang magiging larong 'to.
— Unknown POV —
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko habang nakatingin sa kanila na masayang nag uusap at ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglakad patungo sa kung saan.
Napayukom ang aking mga kamao sa nabubuong galit sa loob ko.
" May plinaplano ka nga talaga . " Nasabi ko nalang habang nakatingin sa prinsepe na nakangiti . " At hindi ko 'yon nagugustuhan . " Dagdag ko pa.
Mukhang naramdaman niya ang mga titig ko kaya napalingon siya sa gawi ko, tiningnan ko siya ng walang emosyon at kitang kita ko ang pagtaas ng kanyang labi at tumingin sa prinsesa at tumingin ulit sa akin habang may nakapaskil na ngisi sa kanyang labi.
Namumula na ang paningin ko sa galit at nararamdaman ko sa loob-loob ko mayro'ng gustong lumabas at kumawala. Lalo akong nagalit ng makita kong hinawakan niya ang pisngi ng prinsesa. Hinawakan. Niya. Ang. Pisngi. Ng. Aking. Prinsesa.
May pumapalibot na sa aking madilim na usok na para bang nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad. Humanda ka ginagalit mo ako, ginagalit mo ang anak ng isang emperador.
Hindi na ako natutuwa sa biro mo Vladimir Serpent kaya makikita mo ang kapalit.
— Unknown (2) POV —
Nakatingin lamang ako sa hawak kong bote, hindi na ako makapag hintay na painomin siya nito , siguradong mawawala na siya. NgumisI naman ako sa aking na isip.
Agad kong naitago ang bote ng may kumatok at pumasok sa aking kwarto.
— Unknown (3) POV —
Ilang beses na akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong huminga ng malalim. Hinawakan ko ang aking baba at nag isip habang naglalakad pabalik-balik.
" Kumalma ka nga. Nahihilo na ako sa palakad-lakad mo, kumalma ka. " Naiinis na saad niya , tiningnan ko siya ng masama.
" Kumalma? Walang oras para kumalma at alam mo ang rason! " Sigaw ko sa kanya at naglakad ulit.
" Alam ko, kaya nga kumalma ka dahil baka mabisto tayo! " May kalakasang Saad niya na nagpatigil sa akin. Tumango ako at umupo sa katapat niyang upuan.
Lumapit siya sa akin at bahagyang minasahe ang aking balikat.
" Kumalma ka at huwag magpahalata para hindi tayo mabisto, at ang Alam ko walang maalala ang babaeng iyon dahil sa taas na pagkahulog niya. " Saad niya, tumango naman ako at muling huminga ng malalim at bahagyang ngumiti.
" Tama ka, wala naman siyang maalala kaya hindi kailangan na mag aalala. " Saad ko.
" Kaya nga, tanga pa rin siya kaya naman pwedi nating gawin ulit yon para makumpleto natin ang ating inaasam noon paman. Sayang nga at dalawang linggo lamang ang itinagal niya na walang malay, kung sana umabot ng isang human ay sigurado tayong magwawagi tayo sa ating plinaplano at wala na siya sa landas natin. " Saad niya, tumango naman ako. "At galit Rin ang dalawa niyang kapatid, at mas lalo naman ang mga Royale. Marami pa tayong oras para gawin ang ating plano, mag tyaga lang tayo at maghintay na mapag is a siya bago natin gawin ang ating plano. " Tumango naman ako at hindi na nagsalita, naramdaman ko naman na sinuklay suklay niya ang mahaba kong buhok .
Tama siya, marami pa kaming oras para magawa ang Plano, napangisi nalang ako sa loob-loob ko, page nagawa namin ang Plano mapapasaamin na ang lahat, ang otoridad, kapangyarihan at iba pa, kailangan lang namin magtiyaga . Napalingon naman ako sa aking likod ng may maalala ako.
" Kamusta na pala ang ' babaeng ' 'yon ? " Tanong ko, ngumiti naman siya at tumigil muna sa pagsusuklay ng buhok ko.
" Hmm nagpapahinga, ang ganda pala ng kanyang mukha. " Saad niya at hinimas ang sariling mukha, natawa naman ako at tumango, sumasangayon dahil maganda naman talaga ang mukha ng babaeng iyon at ang ganda ng balat at mabango ang dugo.
" Tama ka, ang ganda niya " Nakangisi kong ani. " At mas lalo kang bumata ngayon. " Nakangiti kong Saad, napangiti naman siya.
" Nag eeksperemento ka ba? " Tanong ko.
" Oo, may ginawa akong gayuma na nilagyan ko ng kanyang dugo. " Nakangiti niyang ani. Tumango naman ako at nawala agad ang ngiti sa aking labi ng may maalala ako.
" Bakit? "
" Paano kung makilala niya tayo O kaya malaman niya na tayo iyon? " Tanong ko, ngumisi naman siya.
" Bakit niya tayo makikilala kung nakamaskara tayo " nagpatigil siya at muling ngumisi. " I mean, I ang mukha ang ginamit natin? At hindi niya makikilala O malalaman, baka nakakalimutan mo, ' we are nobody here, in this university ' . " Nakangisi niyang Saad kaya naman napangiti ako.
" Tama ka....."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
" Ina...."
______________________
A/N: hellooo.. 1 chapter lang ngayon dahil na bubusy ako at kailangan kong magreview. Ulit. Baka ang sunod kong UD sa may 27 na dahil next week ay final na final na talaga, isiningit ko lang talaga to. Kung may mabasa kayong typo, misspelled, wrong grammar, sorry po dahil on the spot ang UD ko ngayon at walang oras para maedit. Sorry sa mabagal na UD.
Thank you for reading and enjoy 😊 💗
Happy 1.9k reads, maraming Salamat po sa supurta 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top