Exordium
Ang malamig na simoy ng hangin ay yumayakap sa aking balat kasabay nito ang pilit kong pagbubukas sa ‘king mga mata, ngunit ang isang malambing na tinig ng isang mang aawit ay pilit akong inaalo upang matulog pa.
Isang mahinang buntong hininga ang kumawala sa ‘kin nang dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. At sa paggala sa mga ito ay napansin kong nakahiga ako sa isang masikip na kama, maliit lamang ito at tiyak akong hindi maaaring matulog dito ang isang malikot na tao.
Marahan kong inupo ang aking sarili, napangiwi ako nang mapansin kong hindi pamilyar ang silid sa ‘kin.
Maliit lamang ang silid at hindi nababagay sa isang maarteng katulad ko. Ang karamihan sa mga kagamitan sa silid ay hindi ganoong pamilyar sa aking mga mata.
Isang gulat na ekspresyon ang rumehistro sa aking mukha ng may isang lalaking nakatapis lamang ng tuwalya ang bumungad sa ‘kin.
Dali-dali kong tinakpan ang aking mga mata ngunit bigla na lamang nangibabaw ang aking kapilyahan, sinilip ko ang estado niya at bahagya akong namula.
Ang kisig niya. Isa siyang depenisyon ng isang obra maestra, lahat ng detalye sa katawan niya ay nagkakaisa; ang mapupungay niyang mga mata ay bumabagay sa maamo niyang mukha. Ang hugis at anyo ng kaniyang katawan ay maikukupara kina Alexander at Columbus. Isama pa ang malambing niyang boses na tila isang ibon na humuhuni.
At sa pag tunghay niya, isang gulat na ekpresyon ang dahan-dahan na sumilay sa kaniyang mga mata. Kabado siyang napalunok kasabay nito ang panghihina ng kaniyang pagkakahawak sa nag-iisang tapis niya sa kaniyang katawan.
Bigla na lamang akong namula nang marahan na nahulog ang puting tuwalya sa sahig. At bumungad sa akin ang isang makamandag na ahas dahilan upang mas lalong manlaki ang mga mata ko.
Nahihiya siyang tumingin sa ibaba kung nasaan ang tuwalya, napakagat pa siya sa pang-ibaba niyang labi dahil sa hiya.
Impit na sigaw ang kumawala sa ‘king bibig nang bigla na lamang nabuhay ang alaga niya dahil sa hiya, kasabay nito ang dali-dali kong pagtalukbong gamit ang isang kulay asul na kumot.
“Shit, I’m so sorry! I didn’t know that you’re already awake!” Sambit niya.
Ako ang nahihiya para sa kanya. Isang malakas na pag bagsak ng pinto ang sumakop sa kahihiyan na nangyari. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili sa pamamagitan ng paghinga nang maayos.
Putragis. Ako talaga ang nahihiya para sa kanya...
Hala, punyeta! Sino nga ba ‘yon?
Ilang beses akong kumurap, tinanggal ko rin ang kumot na sumasakop sa kabuuan ko at muling napasigaw dahil napansin kong kakaiba ang aking suot.
“HEY! What’s wrong?!” Tanong niya kasabay ang paglabas niya mula sa banyo, balot na rin ang katawan niya kumpara kanina.
“Bakit... Bakit ganito ang aking suot?” Garagal kong tanong.
Isang manipis na tela at maikling pang ibaba ang suot ko ngayon. “Ah, I’ll explain. Just wait.” ani niya.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil kanina pa siyang nagsasalita ng lengguwaheng Ingles. Naiintindihan ko siya. Sadya lamang hindi ako sanay na ginagamit ang salitang ‘yon sa pangkaraniwang usapan.
“Let’s eat first.” hayag niya. Inabot niya sa akin ang isang kulay puting roba at aking sinuot ‘yon. Naibsan ang kakaibang lamig na yumayakap sa aking katawan.
Naglakad siya patungo sa isa pang pinto kung saan siya pumasok, sumilip siya pabalik sa akin kaya’t sinundan ko siya. Nagtatakha akong lumingon sa paligid, iba ang temperatura sa lugar na salas niya kumpara sa silid. Para akong isang bata na nilabas-pasok ang aking kamay sa dalawang silid. Magkaiba talaga ang temperatura, sadyang kahangahanga.
“What are you doing?”
Gulat akong lumingon sa kanya nang magsalita siya. Tinago ko ang dalawang kamay sa aking likuran at paulit-ulit na umiling. Isang malambing na halakhak ang kumawala sa kanya kasabay nito ang marahan na paggulo sa aking buhok.
“You’re kind of cute.”
“Ano?”
“Nothing. Let’s eat.” Hinila niya ako sa kusina kung saan mayroong silya at lamesa. Napangiwi ako dahil sa kakaibang disenyo ng kaniyang bahay, lumingon ako sa paligid dahil tila hindi pa dumadating mga katulong niya upang pagsilbihan siya.
“Sit,” Aniya.
Nagtatakha akong sumunod sa utos niya habang pinapanood ko ang bawat kilos niya. Tumungo siya sa kusina at kinuha ang dalawang nakahandang pagkain pagkatapos niyon ay kumaha rin siya ng dalawang plato, kutsara at tindor, at maging dalawang malinis na baso.
Hindi naman mukhang pangmahirap ang pamamahay niya ngunit wala siyang tagapagsilbi.
“Go, eat.”
Itlog, kakaibang hugis na tinapay, kulay pulang mahabang pagkain at pahabang pagkain na tila malutong.
“Eat. Sorry, I don’t have much time, so I only have an egg, tasty, hotdog and bacon strips to cook.”
Hindi ko pinansin ang pagpapaliwanag niya dahil sa gutom na nangibabaw sa aking katawan. Hindi ko rin siya kilala at hindi ko alam kung tama bang kausapin ko siya ngunit nakikita ko ang kakaibang ngisi niya sa gilid ng aking mata.
“Oh, right. This is your pocket watch, you were hugging it with your hands yesterday.” Inagawa niya ang aking palad at nilagay roon ang isang lumang pocket watch.
Nanlalaki ang mga mata kong tinago sa aking bulsa iyon. “Bi—binuksan mo ba ito?”
“Nope. But I’m a hundred percent sure that it is no longer working.”
Isang buntong hininga ang kumawala sa akin. Mabuti na lamang dahil hindi niya ito binuksan. “Do you remember what happened yesterday?”
“Ha? Wala akong maalala. Pasensiya na, Ginoo.”
Muli siyang humalakhak, “Ginoo? You’re funny. Para kang isang Maria Clara dahil sa tawag mo sa akin.” Marunong naman pala siya magtagalog. Punyeta siya.
“Iyon ay nararapat lamang na itawag sa’yo dahil ikaw ay isang ginoo.”
“And now you’re talking like a woman from the past.”
Mas lalo akong tumingin sa kanya nang may pagtatakha. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, “I just remembered. You are really a woman from the past.” sambit niya sa gitna ng kaniyang mga halakhak.
“You’re wearing a crinoline yesterday under your dress. Nahirapan pa—”
“Hinubaran mo ba ako?”
Mabilis ang pag-iling na ginawa niya, “No, no. ‘Yung kaibigan kong babae ang nagpalit ng damit mo.”
“Anong nangyari? Wala akong maalala.”
“Oh, shit. May amnesia ka?” Amnesia? Anong pinagsasabi ng lalaking ito? “Do you still remember your name?”
“Amelia.” sambit ko.
Aligaga siyang may kinuha sa kaniyang bulsa, isang parehabang bagay na kaniyang kinalikot. Sumilip siya sa akin at isang masayang ngiti ang binahagi niya, “Hard working, huh? A person who is always has a minute for a friend? A person that will do her best for a friend.”
Tinaasan ko lamang siya ng kilay dahil hindi ko alam kung anu-ano ang pinagsasabi niya. Kaunti na lamang at pagkakamalan ko siyang isang englisherong baliw.
“That is the meaning of your name.” pahabol niya. “Sinearch ko sa Google. Alam mo naman— Google knows best.”
Tahimik ko lamang siyang pinanood hanggang sa napatapik siya sa kaniyang bibig, “Ay, shit. Hindi mo pala alam. Wala ka nga palang maalala.”
Ano bang sinasabi niya? Hindi naman nabura ang alaala ko.
“Ay, it’s so rude that I didn’t introduce myself.” Sambit niya at nilahad niya sa akin ang kaniyang kamay,“My name is Zion.”
Tumango lamang ako sa kanya. Nang matapos kami kumain ay ginala ko ang mata ko sa paligid, kakaiba ang mga kagamitan niya sa salas. May isang parehabang bagay ang nakadisenyo sa tapat ng sofa. At sa tabi ng sofa ay maliit na lamesa kung saan may iba’t-ibang mga nakalagay.
“Ano iyon?” Turo ko sa parehabang bagay.
Lumapit siya sa akin at bigla na lamang niyang kinatok ang aking ulo dahilan para manlisik ang mga mata ko sa kanya, “Pati ba ‘yan nalimutan mo? Ang apelyido mo ba? Naaalala mo pa ba?”
“Ako si Amelia... Amelia...” Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil sa unsiyami na aking nararamdaman. Maging ang aking apelyido ay hindi ko magawang sambitin.
“That’s okay. Don’t force yourself to remember everything at once. Hmm, for now use my surname.”
“Bakit mo pinamimigay ang apelyido mo?” Tanong ko.
“Hindi ko pinamimigay, pinagagamit ko lang. Malay mo maging sa’yo rin in the future.”
Napangiwi ako sa kakaibang banat niya, tila wala lamang sa kaniya iyon. Pinapaalala niya lamang sa akin ang kayabangan ni Columbus.
Saglit niya akong iniwan dahilan para gumala ako sa kaniyang salas. Umupo ako sa sofa at sinilip ko ang ibang disenyo sa paligid hanggang sa dumapo ang pares ng aking mga mata sa maliit na lamesa.
Ang litrato ni Zion kasama ang babaeng malapit sa aking puso.
Isang litrato kung saan nakahalik si Clarabelle sa pisnge ni Zion.
Paano na si Columbus? Inaantay ni Columbus si Clarabelle!
Bakit kailangan agawin ng lalaking ito si Clarabelle mula kay Columbus?
“Hey, aalis ako.” napalingon ako kay Zion nang magpaalam siya sa akin.
Isang ideya lamang pumasok sa isip ko nang magtama ang aming mga mata.
I will make this man fall for me.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top