Chapter 7: A Silent Surprise
Chapter 7: A Silent Surprise
Sa pagtagal nang pamamalagi ko sa panahon na ito ay mas lalo akong nasasanay sa kanilang mga pag-uugali at kultura. Marami rin akong natutuhan dahil hindi na masyadong umaalis si Zion, samantalang si Clara ay umaalis palagi dahil sa trabaho n’ya.
At ang pinakamasayang parte sa buhay ko ngayon ay palagi akong nakakagala kung saan-saan. Madalas kaming mamasyal ni Zion ngunit hindi ibig sabihin no’n ay nawawala sa isip ko ang plano kong isama si Clara sa pagbalik ko sa aking panahon. Alam kong tila imposible ngunit hindi rin naman masamang umasa.
Bukod do’n ay nasasanay na rin akong gumamit ng gadgets katulad ng cellphone kung saan marami ang maaaring paggamitan pero ito ay talagang ginawa upang hindi na mahirapan ang mga tao na kausapin ang mga mahal nila sa buhay saang sulok man sila ng mundo nakatira.
“Minsan pala isama natin sina Kindred—”
Nakangiwi ko s’yang nilongon at inismiran, “Subukan mo at hindi na uuwi ‘yon nang humihinga.”
“Ang sama talaga ng ugali mo, Amelski.” Tinawanan n’ya ako at muling tinuon ang atensyon sa manibela samantalang ako ay binusisi ang cellphone ko.
Muling napukaw ang atensyon ko sa isang artikulo na nakabalandra sa aking social media account. Ito ay tungkol pa rin sa eleksyon at mga poll kung sino ba ang mas angat sa mata ng masa.
“You’re really into politics, huh?” Hindi ko s’ya nilongon pero tumango ako sa mungkahi ni Zion.
Siguro ay nasa dugo ko na rin ito, lalo na’t mula ako sa pamilyang Hamilton. Ang mga pinsan ko at kapatid ay mga prinsipe kaya’t dapat lamang na may alam ako sa mga ganitong bagay.
Kusang tumaas ang kilay ko dahil sa nakita kong larawan kung saan may lamang ng limang pursyento ngayon sa poll si Pascua laban kay Samaniego. Marami rin ang nagbigay opinyon nila tungkol do’n kesyo manggagamit daw si Samaniego dahil sa nakaraang isyu ni Pascua at ng driber nito.
“‘Diba reporter ka?” Nakatunghay na tanong ko kay Zion na ikinatango naman n’ya, “Minsan ba’y naging bias ka na sa Tito Ramil mo? ‘Yong tipong may masamang balita sa kanya ngunit ayaw mong ikaw ang manghahayag sa telebisyon?”
“Nangyari na… Hindi rin naman kasi maiiwasan ‘yon dahil kahit gusto kong maging professional ang lahat, mayroon talagang oras na tila hindi mo kayang malaman ang masasakit na paratang sa taong malapit at maganda ang imahe sa’yo.”
Saglit ko s’yang tiningnan, diretso lamang ang mga mata n’ya sa daan ngunit ramdam na ramdam ko ang pagkatotoo ng mga salita n’ya.
Napakahirap ng sitwasyon ko. Kung noon ay alam ni Clarabelle ang magiging takbo ng buhay n’ya sa panahon ko, ngayon ay wala akong kaalamalam sa maaaring mangyari.
Muli kong binalik ang atensyon ko sa cellphone. Nagbasa pa ako ng ibang mga komento bago ko nilipat iyon sa ibang artikulo. Isang ngiwi ang kumubra sa aking mga labi at muling binalikan ang nakaraang artikulo.
Pascua and Kabalikat Partylist trasported another batch of relief goods and school supplies for the residents of fifty-four barangay in Calamba City heavily affected by flooding spawned by Typhoon Agapito.
“Assorted relief goods and school supplies arrived in the Municipality of Calamba,” Kabalikat Partylist member, Ferdinand Tenorio stated.
The relief items consist of boxes of bottled water, sacks of assorted goods, and used clothes as well as pad papers, pencils and ballpens, books and school bags.
Pascua confirmed that they would continue to transport relief supplies and other necessities to Calamba residents until the situation stabilized.
Napansin ko na halos lahat ng nagtatanggol kay Pascue ay mula sa lugar kung saan s’ya tumulong. Hindi na rin pa bago iyon dahil ika nga nila, may masasabi ka lang na maganda sa kapwa, kung may nagawang maganda sa iyo ang taong iyon.
“Anong binabasa mo?” Tanong sa akin ni Zion. Saglit kong sinilip ang daan at napansin na malapit na kami sa condo n’ya.
“Article tungkol sa ginagawang pagtulong ni Pascua at Kabalikat Partylist.”
Halos matawa ako sa biglaang ang pangangasim ng mukha nang dahan-dahan n’yang i-park ang sasakyan.
“More like Katangahan Partylist,” sambit n’ya. Natawa na lamang ako sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt, nang lumabas na kami sa sasakyan ay inagaw niya ang cellphone ko at saglit iyong binasa, “Yuck. Sisigaw ako ng ‘Oust Pascua’ pagnanalo ‘yang bwakinginang shit na ‘yan.”
Tawang-tawa pa rin ako sa kanya hanggang sa makasakay kami sa elevator. Ang dami n’ya pa rin na sinasabi na tila ba’y kasumpa-sumpa ang buhay ni Pascua.
Nang makarating kami sa condo n’ya agad siyang tumakbo sa kanyang kuwarto, “Hi, mga babies ko! Sorry, late na naman si Daddy ng uwi… babawi ako next time!” Kung siguro’y hindi ko kilala ang lalaking ‘to baka mapagkamalan ko pang may binabati siyang mga anak.
“Amelski, buksan mo na lang ‘yong TV. Tarang mag-movie marathon!”
Saglit akong kumuha ng pagkain sa ref upang may makain kami habang nanonood. Simpleng mga kutkutin lamang ang nilabas ko dahil nakapaghapunan na rin naman kami sa aming ginalaan.
“Anong movie ang ipe-play ko?” Tanong ko.
“Recount na lang ata ‘yong hindi natin napapanood.” Nilongon ko s’ya nakita kong nasa balikat n’ya si Rosie. May sira na rin siguro ako sa ulo dahil kilala ko na ang mga tarantula n’ya.
“Kung gusto mong tumabi sa akin. Ibalik-balik mo si Rosie sa kulungan n’ya.”
Nilingon ni Zion si Rosie at ngumuso ito, “Grabe si Amelski sa atin ‘no? Ang sama ng ugali, mukha naman siyang ipis.” Tinalikuran n’ya ako saka siya nag-martsa pabalik sa kanyang kuwarto.
Nang inumpisahan ko naman ang palabas ay agad akong umupo sa sofa at tinuon ang atensyon sa telebisyon. At dahil biglaang lumubog ang tabi ko ay nasiliyan ko sa gilid ng aking mata si Zion.
Binuksan ko isang lata ng softdrinks maging ang isang chichirya nang bigla n’ya akong sinandal sa balikat n’ya at inakbayan.
“Siguraduhin mong wala si Rosie sa balikat—”
“Chill. Parang tanga ‘to,” natatawa n’yang sambit, “Amelski… naniniwala ka bang madugo ang politika?”
Mapait akong napangiti ro’n. Bago pa lamamg sa akin ang takbo ng kinikilala nilang politika ngunit wala itong pinagbago sa pamamalakad na alam ko.
Totoo ngang hindi lalago ang ekonomiya ng isang bansa kung walang mamamalakad dito, sa umpisa ay diretso at kagawagawa ang mga plano at platapormang nasa isip ngunit sa kalagitnaan, do’n makikita at malalaman kung tapat ka pa rin sa adhikain pang makabansa o malilipat ka sa tukso at pang sariling interes.
“Oo… Dahil sa larangan na ‘yan, kahit pamilya o kadugo mo ay madalas nagiging katunggali mo.”
Dahan-dahan niyang sinuklay ang buhok habang parehas kaming nakatuon ang mga mata sa telebisyon. Sa pamilyang Hamilton ang mas nanaig sa pangalawa at bunsong anak ay ang inggit at pangsariling interes na makamit ang kapangyarihan, na nagawa nilang makasakit ng mga tao na dapat ay kakampi nila.
“Susunduin daw natin si Belle bukas sa airport…”
“Gabi?” Tanong ko.
“Oo,” sambit n’ya na tila may pagkairita sa kanyang boses, “May nakakairitang babae na katrabaho ‘yon.”
“Bakit parang galit ka?”
“Nakakairita nga kasi—”
Natatawa ko siyang nilingon, “Baka naman may gusto ka ro’n.”
“Kadiri ka, Amelski.” Bigla n’ya namang kinurot ang aking pisnge dahilan upang pilitin kong alisin ‘yon.
Saglit pa kaming nagkulitan hanggang sa tumama ang likuran ng ulo sa matigas na parte ng sofa kaya’t sinamaan ko siya nang tingin. Agad namang nataranta si Zion saka ako hinigit, nanlaki ang mata namin parehas nang bigla na lamang niyang hinalikan ang noo ko.
“Tangina. Sorry…”
Kumaripas naman siya bigla nang takbo papunta sa kusina habang ako ay naiwang nakatulala sa puwesto n’ya kanina.
Ano nga ulit ang nangyari?
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top