Chapter 5: The Uncrowned Heiress
Chapter 5: The Uncrowned Heiress
“Pssst!”
Ilang beses akong kumurap dahil sa isang sitsit. Bilin sa akin ni Binibining Florencia ay masama ang pagsitsit lalo na kung gagawin ito sa mga babae, kawalan daw ito ng respeto. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana upang saraduhan ito ngunit laking gulat ko nang makita ko ro'n sina Alexander kasama ang dalawang prinsipe.
Agaran ko silang tinulungan makaakyat kahit na wala pa rin akong ideya kung ano ang sadya nila rito. At nang makaakyat sila ay pareparehas nilang sinugod ang noo ko upang kumpirmahin ang temperatura ko.
“Maayos ka na ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?” Sunod-sunod na tanong sa ‘kin ni Alexander. Isang tipid na ngiti lamang ang binigay ko sa ‘kanya.
“Magaling na ako,” mahinahon kong sagot.
Bahagya akong natawa at napailing nang dumiretso sina Columbus at Nikolai sa aking kama upang sumalampak do’n. Hindi na rin naman bago sa akin ang prisensya nila dahil madalas naman silang tumakas upang pumunta rito.
“Dinalaw ka ba nila?” Seryosong tanong ni Alexander. Pansin na pansin ang pagtaas ng kilay ni Columbus dahil sa mga katagang binanggit ng pinsan n’ya.
Malamlam kong iniling ang aking ulo at tumingin sa kanya, “Hindi ngunit maa—”
“Amesyl!” Gulat at takot ang rumehistro sa akin nang sumigaw si Alexander, “Nagkasa—”
“Alexander, h’wag mong sigawan ang kapatid mo.” Kinuyom ni Alexander ang kamay n'ya nang magsalita si Columbus saka ito nalulungkot na tumingin sa akin.
Sa aming lahat na Hamilton, ako lamang ang natatanging hindi nakatira sa palasyo. Sanggol pa lamang ako ay hiniwalay na ako nang tirahan sa kapatid at pinsan ko, hindi rin nila ako binigyan ng karapatan upang gamitin ang apelyidong Hamilton sa labas. At ang lahat ng pribilehiyo bilang pagiging prinsesa ay tinanggal nila mula sa ‘kin.
Nang lumabas sina Columbus at Alexander ay naiwan kami ni Nikolai sa loob. Tiyak akong pagsasabihan na naman ni Columbus si Alexander dahil sa inasta nito sa akin ngayon.
“Kung may nais kang sabihin h’wag kang matakot na sabihin iyon. Ano pa ang silbi ng iyong bibig kung palagi kang mananahimik, Amesyl?” Mabilis kong iniwasan ang mga mata ni Nikolai, “Ang nga salita mo lamang ang hinihintay ng Mahal na Hari at Tiyong Adelio… tiyak akong gagawa sila nang paraan upang ibalik ka sa palasyo kahit hindi iyon nais ng mga magulang mo.”
“Naiintindihan kita, Nikolai. Ngunit tiyak akong may dahilan kung bakit hindi nila nais na ro’n ako mamalagi. Maayos ako—”
“Kasinungalingan. Sinong magiging maayos kung tanging kami lamang nina Columbus at ang magkakapatid na Marquez?”
Isang masiyang ngiti ang dahan-dahan na kumurba sa aking mga labi at sinsero akong tumingin sa aking pinsan, “Kuntento na ako.”
Nang dahan-dahan na umusbong ang nguso n’ya ay alam kong maayos na kami. Wala nang sermon pang magaganap muli.
Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya niya saka s’ya sumenyas na maupo ako sa kanyang tabi, “Hindi lamang matanggap ni Kuya Nikolai na pinagkakamalan ng mga tao na isa kang manggagamit. Akala ng mga tao ay babae ka namin ni Alexander at nagagalit ako dahil do’n.”
“Anong kuya? Dalawang buwan lamang ang tanda mo sa akin!”
“Sa lahat ng aking sinabi ay iyon lamang ang iyong napansin?”
“AMELIAAAA!” Awtomatiko akong napangiti nang marinig ko ang matinis na boses ni Clarabelle. Masiya niya akong sinalubong ng yakap saka hinawakan ang aking noo upang alamin kung may sakit pa ako.
“Amesyl Valeria ang pangalan ng aking pinsan at hindi Amelia,” Inis na sambit ni Nikolai habang matalas ang tingin kay Clarabelle.
“Alam ko kaya’t pinagsama ko nga ito.”
“Ano—”
“Nag-aaway na naman ba kayo?” Parehas napatigil sina Clarabelle at Nikolai nang magsalita si Columbus.
Sila ang dalawang tao na sobrang laki ang respeto kay Columbus. At kahit na madalas sabihin sa akin ni Clarabelle na ubod na yabang nito, na hindi ko rin naman maitatanggi ay siya pa rin ang mapapangasawa ni Clarabelle.
Samantalang, si Columbus naman ang iniidolo ni Nikolai sa lahat ng larangan.
“Mabuti naman at maayos ka na," Puna sa akin ni Cayden, wala sa sarili akong napatitig sa sahig na tila isa iyong obra maestra dahil sa kintab.
Bakit ba nandito ang lalaking ito?
Hindi na naman ako makahinga nang maayos dahil ramdam ko ang prisensiya ni Cayden. At tiyak akong nakamata silang lahat ngayon sa akin dahil ako naman talaga ang dinalaw nila.
“Amesyl? Amesyl?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Alexander ngunit bago pa man ako makapagsalita ay agad na bumukas ang pinto sa aking kuwarto.
At do’n, pareparehas kaming nagtakha dahil sa bisitang kahit kailanman ay hindi ko na inaasahan pang pumunta rito.
“Lumabas kayong lahat.” Utos ng aming ina.
Isang ngisi ang kumubra sa labi ni Alexander ngunit pinigalan siya ni Columbus na magsalita saka ito hinila palabas. Nag-aalalang sumilay sa akin sina Clarabelle at Nikolai bago sumunod sa iba, samantalang tahimik lamang na sumunod sa kanila sina Cayden at Carsten.
“Kumusta?” Tanong nito sa akin.
Minabuti kong panoorin ang mga ibon sa labas ng aking kuwarto kaysa sa mga mata niyang hindi ko malaman kung sinsero ba o hindi. Ayokong maging emosyonal lalo na't nandito sina Alexander.
“Anak…”
At kahit nais kong kuwestyunin ang sinambit n’ya ay minabuti kong manahimik. Kahit na siya pa ang unang taong tinanggi na may isa pa siyang anak bukod kay Alexander ay wala akong magagawa upang sumbatan siya dahil hindi ko matatanggi na siya pa rin ang nagbigay buhay sa akin.
“Maaari bang tingnan mo ako?"”
Ayoko. Nanatili ang mga mata ko sa bintana hanggang binuksan niya ang palad ko’t naramdaman ko ang isang malamig na bagay ro’n.
“Ito ang magiging una at huling pagdalaw ko sa iyo. Alam kong hindi ako naging mabuting ina sa iyo ngunit ayoko lamang mangyari sa iyo ang nangyayari kay Clarabelle.” Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko saka takot na lumingon sa kanya.
“Anong nangyayari kay Clarabelle?”
Dahan-dahan niyang nilapat ang labi niya sa aking noo at saka ako niyapos, “Nilayo kita sa ama mo upang hindi ka niya saktan at alipustahin katulad na lamang nang ginagawa ni Cassimo sa bunsong anak n’ya. Kahit na isa kang babae ay anak pa rin kita. Dugo’t laman kita, Amesyl. Kaya’t ginawa ko ang lahat upang ilayo ka sa ama mo na naiimpluwensyahan na ni Cassimo.”
“Bakit…”
“Makinig ka. Isang ganid si Cassimo kaya’t gagawin niya lahat upang makamit ang ninanais na kapangyarihan at ang mga katulad n’ya ay hindi dapat sinusuportahan. Ngunit sa magkakapatid na Hamilton, ang iyong ama ang pinakamahina… At ang tangi lamang naming magagawa ay ang sumunod sa utos ng ama ni Nikolai—”
“Hindi kita maintindihan! Ano—”
Kusang tumulo ang mga luha ko nang yakapin niya ako nang mahigpit. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi n’ya dahil kulang-kulang ito ng konstekto. At nang kumalas siya saka ko lamang nasilayan ang malamig na bagay na binigay n’ya sa akin, isang orasan kung saan nakaukit ang buo kong pangalan.
“Kahit na hindi alam ng ibang tao na isa kang Hamilton, ang regalo kong ito ang magsisilbing palatandaan na isa kang prinsesa.”
Umagos ang mga luha ko nang maalala ko ang nakaraan. Matagal kong hindi binuksan ang bagay na ito dahil sa galit na naramdaman ko sa mga Hamilton noon. Ang nagawang pagpaslang ng ama ni Nikolai sa kanyang ama at maging ang pagpapatalsik nila kina Tiyong Adelio, na dahil sa mga katarantaduhan nila ay tila hindi ko na naisin pang maging isang Hamilton.
“Amesyl Valeria Hamilton,” sambit ng isang malamig na tinig. Nang itunghay ko ang aking ulo ay nasilayan ko ang isang babae na nakangiti sa aking harapan. “Ako si Cynthia.”
Ngumiti siya sa akin kasabay nito ang paglutang ng orasan at ang dahan-dahan na pag-urong ng mga kamay nito sa pinakaumpisa, sa ikalabindalawang numero.
“Dahil sa pag nanais mong makita si Clarabelle ay binigyan kita nang pagkakataon ngunit…”
“Ngunit?”
“Sa oras na muling gumana ang orasan na ito, ibig sabihin ay malapit ka nang bumalik sa iyong panahon.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top