Chapter 3: Belle Martinez

Chapter 3: Belle Martinez

“Papa!” Masayang bati ni Ria nang makita n’ya si Samaniego. Malugod s’yang sinalubong nito sa isang yapos samantalang ako ay taimtim lamang na nanonood sa kanila.

Nais ko man ngumiwi dahil sa sitwasyon kinalalagyan ko ngayon ay hindi ko magawa. Hindi ko rin talaga inaasahan na mag-ama sila. Nang lumabas si Aling Marian sa kusina ay agad n’yang sinalubong ang asawa ng isang halik sa pisnge.

At habang pinapanood sila ay napansin kong mas maamo ang mukha ni Samaniego sa malapitan. Tila binalot ako ng kaba nang lumingon siya sa ‘kin, at katulad nang ginagawa niya sa telebisyon ay may mga ngiting nakakubra sa mga labi n’ya.

“At sino ka?” Malambing na tanong n’ya sa ‘kin.

Saglit akong tumungo bilang respeto saka ngumiti sa kanya, “Ako po si Amelia,” pagpapakilala ko. Nagtaas s’ya ng kilay saka sumilip sa anak n’ya.

“I was able to finally meet you! Palagi kang binibida ng anak ko.”

Bumungisngis naman si Ria habang ginugulo ng kanyang ama ang buhok n’ya. Tahimik lamang akong ngumiti dahil batid kong may nais pa s’yang sabihin sa akin.

Ginawi n’ya kami sa kinauupuan namin kanina ni Ria at muling pumwesto ro’n. Nakakailang ang aking sitwasyon ngunit alam kong mas nakakahiya kung magpapaalam ako na umalis dahil kararating ko lamang dito.

“Ngayon ko lang nasaksihan na magdala ng girlfriend si Zion sa kanyang condo,” girlfriend? Parehas may kumobrang ngisi sa mag-asawa saka ako tinapunan nang mapangasar na tingin, “Pero, Amelia... Inaasahan kong aalagaan mo si Zion. Alam kong masakit pa rin ang puso ng batang iyon?”

“Po?”

“Ramil...” Pagpipigil ni Aling Marian. Isang malamlam na ngiti ang hinandog ni Samaniego sa asawa saka muling tumingin sa akin, “Ka-partido ko noon ang ama ni Zion, at sadyang nakalulungkot lamang na wala na ang kumpare ko,” malungkot n’yang saad.

Ramdam ko na malungkot ang tono n’ya ngunit tila mayroon pang nakakubli sa mga salitang binitawan n’ya. Nais ko sana pang magtanong nang mapatigil ako dahil nakatayo sa aming harapan si Zion, na may seryosong mga mata habang nakatingin sa akin.

“Tito, tita, magandang hapon po,” Bati n’ya sa mag-asawa at tinanguan naman s’ya ng mga ito.

Nang makalapit sa amin si Zion ay kanyang inagaw ang kamay ko at marahan na hinigit patayo. Niyapos niya sa baiwang ko ang kanyang braso saka ngumiti sa mag-asawa, “Kukuhanin ko na ang girlfriend ko. Kailangan na ng apo ni Mama,” natatawang sambit n’ya.

Agad ko siyang sinimangutan nang tinahak namin ang direksyon patungo sa kanyang pamamahay. At nang makarating kami sa loob ay agad siyang sumalpak sa sofa.

“Kapagod!” Pagrereklamo n’ya. Nang tumabi ako sa kanya ay agad siyang lumingon sa akin, laking gulat ko na lamang nang higaan niya ang akin binti.

“H—hoy!”

“Saglit lang! Ang arte nito!”

Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala akong magagawa sa pagiging sutil n’ya. At habang pinagmamasdan ko ang mukha n’yang nakapikit ay hindi ko maiwasan na maisip si Clarabelle dahil kung tutuusin ay kakisigan na taglay si Zion. Alam kong hindi maiiwasan ni Clarabelle na mahulog sa lalaking ito.

“Naglinis ka ba sa kwarto ko?” Tanong n’ya.

“Hindi.”

“Aba, ang daya mo!”

“May gagamba—”

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang buksan ni Zion ang mga mata n’ya kasabay ang pagpisil sa dalawa kong pisnge, “Hindi lang sila gagamba, pamilya ko ‘yon,” singhal n’ya.

Sa pagtayo ni Zion ay binuhat n’ya na lamang ako nang walang pasabi. Sinamaan ko siya nang tingin kasabay ang paghahampas ko sa balikat n’ya, “Ano na namang katangahan ‘to?”

“Ipapakilala kita sa mga tarantula ko.”

“Ayoko! Ayoko! Ayoko, Zion!”

Ngunit nang makapasok na kami sa kanyang silid ay agad niya iyon na kinandado. Marahan niya akong nilapag sa kama. Madilim ang silid n’ya dahilan upang buksan n’ya ang ilaw rito.

“Ah, saglit. Gusto mong burger, fries?” Tanong n’ya sa akin, isang ngiwi lamang ang aking naisagot sa kanya dahil kanyang binubuksan ang lagayan n’ya ng gagamba,“Amelia—”

Bago n’ya pa man maipahawak sa akin ang hinayupak na gagambang iyon ay tumakbo na ako papunta sa silid na aking tinutuluyan. Saglit kong narinig ang pagtawag sa akin ni Zion ngunit kalaunan ay tumigil s’ya dahil tila may kinakausap siyang iba. Laking pasasalamat ko dahil natuon ang atensyon niya sa iba at nawala ang masamang ideya niya na ipahawak sa akin ang gagamba n’ya.

“Yow, Amelski!” Bati n’ya sa akin at winagayway ang susi na kanyang hawak. Nasa balikat n’ya ang gagamba dahilan upang magtalukbong ako ng kumot.

“Ilayo mo ‘yan sa akin, utang na loob!”

“Try lang! Hindi naman mangangagat ‘to! Arte-arte nito, ganda ka, girl?”

Binalot ko ang sarili ko ng kumot na siyang pilit na tinatanggal ni Zion sa akin hanggang sa nadaghanan niya na ako sa pagpupumilit n’ya, “Isa, Amelia. Pagnahigaan natin si Kindred, lagot ka sa ‘kin!”

“Punyeta, bakit parang kasalanan ko pa?”

“Aba, sabing try lang!”

“Ayoko nga sabi e!”

“Pagnamatay ‘to, ikaw ang gagastos sa libing ha. Ang mahal pa naman ng biscuit at kape.”

Impit akong napasigaw nang may naramdaman akong gumapang sa aking balikat kasabay nito ang pagtulak ko kay Zion. Ilang beses akong tumalon hanggang sa parehas kaming napatigil ni Zion nang may nakita kaming pigura ng isang babae sa may pituan ng kwarta. Naibagsak niya ang mga gamit na dala n’ya habang ang mga mata ay nakatingin sa akin at tumatangis ito.

“Amelia...” Sambit n’ya.

Maiiyak na sana ako dahil sa biglaan naming pagkikita nang muli kong naramdaman ang paggapang sa aking likuran dahilan upang mapayakap ako kay Zion.

“Punyeta, tanggalin mo! Tanggalin mo!” Naiiyak kong saad.

Halos isumpa ko si Zion habang kinukuha niya ang pinakamamahal niyang si Kindred sa aking likod. Muli kong nilingon ang babaeng tumawag sa aking pangalan, at sinugod siya sa isang mainit na yakap.

Kusang tumulo ang mga luha ko, gano’on din naman ang sa kanya. Ang babaeng na aking hinahanap ay nakita ko na sa wakas.

“Clara...”

Nagtatakhang humakbang si Zion palapit sa amin, saglit akong umatras dahil hawak niya pa rin ang gagamba niya, “Nasaan ang burger at fries ko? Pati ang milktea ko,” seryoso niyang sambit kay Clarabelle.

Kagat-labi siyang tiningnan ni Clarabelle sabay kuha sa kaniyang bag na nailaglag niya, akala ko noong una ay kanya itong ibibigay kay Zion ngunit ang gulat ko na lamang ng ihampas niya ito rito.

“Siraulo ka talagang gago ka! Hindi mo ba alam na takot si Amelia sa gagamba? ‘Wag kang lalapit sa akin at mapapatay talaga kita, Zion!” Gigil na sambit ni Clarabelle.

“Hotdog, mani, popcorn,” Sambit ni Zion habang binubuklat ang bag ni Clarabelle. Isang buntong hininga na lamang ang kumawala kay Clarabelle saka n’ya ako hinigit palabas ng silid, “Hoy! Saan mo dadalhin si Amelski?!” tanong ni Zion.

“Malayo sa siraulo kong pinsan!”

“Ako ba ‘yon?”

“Oo, ikaw nga ‘yong tanginang ‘yon!”

“Pinsan?” Takhang tanong ko kay Clarabelle. Seryoso naman siyang tumango sa ‘kin sabay turo sa direksyon ni Zion.

“Oo, pinsan ko ang gagong ‘yon,”

Ang babaeng tinutukoy ni Zion na tumatangis tuwing pinagmamasdan ang litrato ni Columbus ay walang iba kundi si Clarabelle.

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top