Chapter 50: The Lady in the Chronicles
"P-pres...anong nangyari sa 'yo?" Nabasag ang boses ni Minikki dahil sa kirot na namumuo sa kaniyang dibdib. Hindi siya makapaniwala. Kagabi lang ay ayos pa ito. Sana hindi niya na lang ito iniwan. "Siya ba ang gumawa nito s-sa 'yo?"
Isa-isang nagsidatingan ang mga guro at kapwa nakabagsak ang mga panga sa nakikita. Napalunok pa ang iba at ang ilan ay napaiwas ng tingin.
"Ilabas niyo na si Minikki rito," sambit ni Lavinia Chandler.
"Bakit? Kilala ko kung sinong gumawa nito! Si Miss Evergreen! Siya ang traydor sa atin! Siya ang pumatay kay ate Alondra at ang pumatay kay President Darwin!" sigaw ni Minikki habang nakakuyom ang mga kamao at kapit nang mahigpit ang damit. Namumula ang kaniyang mga mata sa galit.
"Ngunit Minikki, siya ang nagpapagaling. Hindi niya kayang pumatay," sagot ni Mrs. Ruby.
"Kung ganoon, naloko niya tayo! Siya lang naman ang makakalapit kay President Darwin bukod sa akin!"
"Minikki," pagtawag ng propesor bago siya nito nilapitan.
"Hindi ho ba kayo naniniwala sa akin? Ang tsaang may lason, pati na rin ang mga dahong nakita ko roon sa katawan ni ate Alondra...lahat tinuturo siya!"
Ipinasada niya ang kaniyang mga mata sa lahat ng taong naroon sa loob.
"Minikki, huminahon ka."
"Huminahon? Paano ako hihinahon, Prof?"
Hinaplos ni Professor Gener ang mukha ng dalaga bago inilayo sa healing ground—sa nakakalunos na pangyayari. Pinaupo siya nito sa isang kwarto. Naroon din si Gellie at Jaeson na nagpipigil din ng pagluha.
"Una si ate Alondra, ngayon naman si President Darwin..." matigas na sambit ni Minikki habang nakakuyom ang mga kamay at hinahawakan nang mahigpit ang kaniyang damit. Namumula na ang mga mata niya sa galit na umuusbong sa kaniyang kalooban.
Lumapit si Gellie at pinunasan ang kamay ni Minikki na may mga bahid ng dugo. "Hindi ba kayo nababahala na baka isa na sa atin ang isunod? Bakit hindi ko man lang nakikita sa inyong concern kayo? Dalawa na ang namamatay."
Puno ng malalakas na hikbi ng dalaga ang bumalot sa buong pasilyo. Pilit man niyang pigilan ay tuloy-tuloy lang ang pagtulo nito.
Hindi siya makapaniwalang parang wala lang sa mga ito ang nangyari. Hindi man lang kababakasan ng pag-aalala at iyon ang ikinagagalit ni Minikki. Parang siya lang ang may puso.
"Miniks, saan ka pupunta?" tanong ni Jaeson nang tumayo ang dalaga.
"Pagbabayarin ko siya. Isa siyang guro pero ganito ang ginagawa niya sa paaralang ito."
Lumikha ng liwanag si Minikki—"Sandali! Minikki!"—hindi niya na pinansin pa ang pagpigil sa kaniya ng tatlo at tuluyan nang pumasok sa lagusan. At dinala siya nito sa kakahuyan. Malapit ito sa River of Wendigos.
Agad niyang nasilayan si Miss Evergreen na naroon sa may puno na tila ba parang may hinihintay. Nakaramdam ng poot si Minikki laban sa guro. Naalala niya pang kaibigan pa naman ito ng kaniyang ina at ito pa ang nagpagaling sa kaniya. Akala niya ay busilak ang puso nito, hindi pala.
Nagkamali siya. Hindi pala ito dapat pagkatiwalaan.
Tirik na tirik ang araw kanina noong lumabas si Minikki sa Dreamers Lodging House ngunit ngayon, tila ba nakikisama sa kaniya ang panahon. Kumukulimlim ang paligid.
Lalapitan na sana ni Minikki ang guro nang may biglang dumating na lalaki. Mas lalong nadurog ang puso ng dalaga ng makita kung sino ito—si Haylan.
Agad na nanghina ang kalamnan ni Minikki nang makita ang ginawa ni Haylan kay Miss Evergreen.
Hinalikan niya ito.
Napahawak na lamang sa bibig si Minikki habang hindi makapaniwala. Nadudurog ang puso niya. Akala niya ang paghalik sa kaniya ni Haylan ay may ibig sabihin. Wala pala. Niloloko pala siya nito.
Nakita niya ang bawat pagtingin ng mga ito sa isa't isa. Hindi niya kayang tingnan nang matagal. Parang nawawasak ang mundo niya. Kasinungalingan lang ba ang lahat ng sinabi ni Haylan sa kaniya?
"Bakit mo siya pinatay? Mas lalo nilang paghihinalaang ako ang traydor sa kanila," sambit ni Miss Evergreen nang maghiwalay ang mga labi nila. Bakas sa mukha nitong naiinis siya sa lalaki ngunit mas nananaig ang pagmamahal niya rito.
"Gusto lang kitang protektahan. Kapag nagising ang isang iyon, siguradong isusuplong ka niya. Hindi mo naman siguro gustong sirain ang plano ni Rama."
"Of course. I want to be with you. I'll do everything to be with you, my love."
Napalunok si Minikki habang tahimik na humihikbi. Totoong nasasaktan siya. Hindi niya maitatanggi. Iyon na ang pinakamasakit na naramdaman niya sa buong buhay niya. Para siyang pinapatay. Ang akala niyang lalaking kaya siyang hintayin ay may iba na palang katagpo.
Kaya ba hindi siya nito pinapansin kaninang umaga? Dahil natauhan na siya? At isang pagkakamali lang ang halik na iyon?
Minikki tried to collect her thoughts despite of the things happening around her. Her life is now having pile of problems.
"Tama, masyado akong umasa. Masyado kong inuna ang mga hindi naman dapat. Masyado akong naging tanga. Imbes na inuuna ko ang paghahanap sa cronica, ito pa ang ginawa ko."
Huminga siya nang malalim bago nagdesisyong umalis sa lugar na iyon pero ang presensya niya ay naramdaman ng dalawa at agad itong napalingon sa dako niya. Mabuti na lang at may humila sa kaniya papunta sa isang malaking puno.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ito.
"H-haylan? P-paanong—?"
"Shush. They might see us."
Nagpabalik-balik ang tingin ni Minikki sa lalaking kasama ni Miss Evergreen at sa lalaking nasa harap niya ngayon. Dalawang Haylan sa dalawang magkaibang lugar.
"He's not me so don't cry," he assures. Napagtanto naman ni Minikki ang ibig sabihin ng lalaki kung kaya't pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Para siyang baliw na sa sandaling nakita niya ito ay napanatag siya.
Pinagmasdan ni Minikki ang lalaking nasa harap niya habang ito'y maingat na sumisilip at nakikinig sa usapan ng isa pang Haylan at Miss Evergreen. "They are leaving."
Muling nagtago ang dalawa sa malaking puno. Magkatapat sila. Hindi mapigilang maalala ni Minikki ang gabing umamin sa kaniya ang lalaki ngunit nang makita niya ang mga mata nito ay muli siyang may napagtanto. Hindi si Haylan ang lalaking iyon. Hindi rin si Haylan ang dumantay sa balikat niya. Hindi ang totoong Haylan ang humalik sa mga labi niya.
"Why?" tanong ni Haylan sa kaniya. "Why a sudden frown, Minikki?"
Umiling ang dalaga at iniwas ang tingin.
"Did he do something to you while wearing my face?"
"W-wala. Iniisip ko lang bakit ginamit niya ang mukha mo."
"To distract you, of course." Ngumisi ang lalaki habang nakatitig kay Minikki. "I must be proud of myself that I am a distraction to someone like you."
Iyon na yata ang pinakamahabang litanya ng lalaki sa kaniya. Napaangat na lamang ang gilid ng nguso ni Minikki dahil sa muling pang-aasar ng binata. Ibig sabihin, alam ng PNG ang pagtingin niya sa lalaki at ginamit iyon upang mapunta sa iba ang isip niya imbes na sa paghahanap ng cronica.
"Did he kiss you?"
Hindi agad nakapagsalita si Minikki nang tanungin siya nito. Agad na nakaramdam ang dalaga ng init sa kaniyang magkabilang pisngi.
"He did," sagot ni Haylan sa sarili niyang tanong. Nagngitngit ang mga ngipin ng lalaki dahil totoong naalibadbaran sa natuklasan. Nag-uusok ang ilong nito. "Did you respond?"
Mabilis na umiling ang dalaga habang titig na titig sa lalaki na para bang kinukumbinsi itong nagsasabi siya nang totoo. Itinaas pa niya ang kaniyang kanang kamay. "I don't know if I'll be happy with that. Let's go now."
Naunang maglakad si Haylan. Dalawang metro ang layo mula sa dalaga. Ngunit kahit na nauuna siya sa paglalakad sa gubat ay maya't maya naman ang tingin nito sa likod upang i-check kung nakasunod ba sa kaniya ang dalaga. Gamit ang espadang hawak niya ay hinahawi niya ang mga damong nakaharang na siyang lalakaran ng babae.
Hindi mapigilang mapangiti ng dalaga habang pinagmamasdan ang likod ng lalaki. Hindi man niya nalinaw rito ang lahat, sa kabilang banda ay parang nakaramdam siya ng ginhawa.
Ngayon, makakapag-focus na siya sa paghahanap ng cronica. Alam niya namang kahit anong protestang gawin niya kay Head Mistress tungkol sa mga nasaksihan niya ay hindi siya nito pakikinggan. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya maintindihan.
At alam niyang hindi rin siya sasagutin ni Haylan kapag nagtanong siya. Masyadong malihim ang mga ito. Ni hindi niya nga rin maungkat ang tungkol sa paglusob ng mga ito sa pugad ng PNG.
Umusbong muli sa dibdib niya ang kaba. Hindi niya alam kung anong posibleng mangyari. Ang tanging pag-asa niya na lang ay ang cronica.
Kapag nahanap niya ito ngayon, siguradong malaki ang pag-asang mailigtas niya ang mga ito kung sakaling masira ang plano. Lalo pa't may mga traydor sa paligid.
Sandali.
Napahinto ang dalaga sa kaniyang napagtanto.
Naiintindihan niya na.
Alam niya na kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng lahat.
"Haylan!" pagtawag ni Minikki sa lalaki. Nilingon naman siya nito. "Oh?"
"Mauna ka na! May pupuntahan pa ako!"
"Saan?"
Hindi na sinagot ng dalaga ang tanong na iyon at naglakbay na siya sa kaniyang liwanag.
Una...
Tama. Una.
Bumalik sa alaala ni Minikki ang sinambit sa kaniya ni Zea noong napunta siya sa isang maliwanag na lugar na tila ba langit.
"Nakita mo na ito. Noong unang beses mong itapak ang mga paa mo sa Occoii University," pag-uulit niya sa sinambit ng babae.
"Si Kieffer..." bulalas ng dalaga bago siya nagtungo sa lalaking nagsundo sa kaniya sa Buried Emporium—ng lalaking kasama niya noong pumasok siya sa loob ng paaralang ito.
Dinala siya ng liwanag sa museyo. Agad niyang nakita si Kieffer na nakatayo sa harap ng malaking estante kung saan naroon ang gintong archercy bow.
"Kieffer," pagtawag ng dalaga sa lalaki. Hindi ito lumingon ngunit sumagot ito sa kaniya. "Anong kailangan mo, Minikki?"
"Ahh...hinahanap ko kasi ang cronica. May nakapagsabi sa akin na nakita ko na raw ito noong unang tapak ko sa lugar na ito. Tanda mo ba kung saan tayo dumaan?"
Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. "Nakausap mo siya?"
Kumunot ang noo ni Minikki. "S-sinong tinutukoy mo?"
"Ang may-ari ng panang ito." Tiningnan ni Minikki ang tinuturo ng lalaki at napagtanto niyang pamilyar ang panang iyon. "Ang panang ginagamit mo, Minikki. Si Hanako ang may ari ng panang iyan na siyang nawawala kapag napapalitaw mo sa kamay mo."
"Hanako?" tanong ng dalaga. Sa pagkakaalala niya, si Zea ang nakakausap niya.
Umiling ang binata. "Oo, naaalala ko kung saan tayo dumaan, Minikki. Iyon lang naman ang daang kaya kong tahakin papunta sa kaniya," sagot nito na para bang sumuko na sa pinag-uusapan nila kanina.
Hindi man maintindihan ni Minikki ang sinasabi ni Kieffer ay sinundan niya ito. Nagsimula silang pumunta sa lihim na pinto mula sa Prohibited Garden kung saan siya unang pumasok. Muli niyang natanaw ang mga punong may pinkish petals na kapag humihiwalay sa sanga ay nagiging liwanag noon. Wala na ito ngayon dahil sa giyerang naganap kamakailan. Isa na lamang itong puno na mukhang ilang libo nang namuhay dahil mukha na itong matanda.
Bumigat ang pakiramdam ni Minikki dahil naninibago siya sa kaniyang nakikita. Parang kailan lang ay napakaganda ng salubong nito sa kaniya. Ngayon ay malaki na ang ipinagbago nito at hindi niya maiwasang sisihin ang sarili.
Bawat daang tinatahak nila ay siya ring pagbaling ng ulo ni Minikki sa kaliwa't kanan. Patuloy niyang hinahanap ang cronica kahit hindi niya alam kung anong itsura nito. Si Kieffer naman ay naroon lamang sa kaniyang unahan na siyang gumagabay sa kaniyang mga lakad.
Ilang oras na ang lumipas at ang kaninang kulimlim ay nagiging dilim na. Hula niya'y nakaalis na rin ang Alpha Team—nakaalis na si Haylan. Gusto man niya itong makita ay mas makabubuti kung ipagpalatuloy niya na muna ang paghahanap sa bagay na matagal nang nawawala.
Dumaan sila sa fountain kung saan naroon ang mystical lady na nakatayo. Luma na rin ang itsura nito at ginagapangan na ng mga damo. Maging ang hawak nitong libro ay...
Napatigil si Minikki nang mapansin iyon. Agad na lumakas ang tibok ng kaniyang puso. Bumilis ang kaniyang paghinga lalo na nang unti-unti niya itong nilapitan.
Imposible.
Iyon na ba ang cronica?
"Kieffer...ang cronica," bulalas niya habang pinipigilan ang pagluha. Napalingon ang binata sa kaniya na ngayo'y hindi rin makapaniwala sa nakikita.
"Ang cronica..." sambit din ng lalaki habang nakangiti na napupunuan ng pag-asa. Isang pagpapatunay na iyon nga ang matagal na nilang hinahanap. "Nariyan lang pala."
Inabot iyon ni Minikki. Agad niyang naramdaman ang lakas ng kapangyarihan na taglay ng libro. Binuklat niya iyon at agad niyang nakita ang kaniyang pangalan sa loob nito pati na rin ang mga katagang nabanggit sa kaniya noon ni Gellie.
"Isang babae ang ipanganganak, kasabay ng pagputok ng isang malaking liwanag. Siya ang sagot sa mga tanong. Ang makakahanap sa mga bagay na nawawala. Ang simula ng bagong simula, At ang tatapos sa dapat matagal nang nagwakas. Siya si Genesis."
Lumawak ang ngiti ni Kieffer habang unti-unting lumalapit sa dalaga. At dahil sa liwanag na nanggagaling sa libro ay nakikita ni Minikki na nagpapalit ito ng anyo.
"R-rama..."
"Ako nga Genesis."
Agad siya nitong hinawakan at pagkatapos no'n ay naglaho sila sa Occoii University.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top