Chapter 49: Traitor in Disguise

Minikki was occupied by a lot of thoughts. Now that Miss Evergreen mentioned her father, she began to think about where would his father be, what he looked like, and if her father knew about where her mother would be.

"Minikki, maaari ka nang magpahinga. Halika na," pagyaya ni Miss Evergreen sa kaniya. Sumulyap naman ng tingin si Minikki kay Darwin na ngayon ay wala pa ring malay ngunit bumalik na ang balat sa dati nitong kulay.

"He'll be fine. Hopefully tomorrow, magising na siya. Bahala na ang defenders na magbantay sa kaniya rito. Lumabas na tayo."

Gusto mang hintayin ni Minikki ang paggising ng kanilang presidente ay mas pinili niyang sundin na lamang ang guro. Lumabas sila sa healing ground at doon lamang niya napansing gabi na. Wala na rin ang mga guro at ang miyembro ng Alpha Team.

Sabay na bumalik sa Dreamers Lodging House si Minikki at si Miss Evergreen. Napabuntong-hininga siya nang wala siyang madatnan sa kwarto. Tama. Mag-isa na nga lang pala siya. Wala na ang kaniyang ate Alondra. Wala nang sasalubong sa kaniya sa pag-uwi at magyayayang kumain.

Unti-unti na namang nakaramdam si Minikki ng lungkot at alam niyang hindi siya makakatulog kung kaya't napagdesisyunan niyang lumabas muli. Hinayaan niya ang kaniyang mga paa na tahakin ang Blue Graveyard kung saan naroon nakalibing ang roommate niya.

Pero hindi pa man siya nakakalapit nang makita niya ang isang lalaking nakaupo sa lupa habang hawak-hawak ang lapida ni Alondra. Si Theo.

"Kuya Theo," pagtawag ni Minikki sa lalaki nang tuluyan niya na itong nilapitan. Agad na pinunasan ni Theo ang kaniyang pisngi at tumayo para harapin ang dalaga.

"Minikki, ikaw pala," bati nito habang inaayos ang kaniyang sarili. Tumikhim pa ito na para bang hindi ipinapahalata na lumuluha siya kanina.

"Kumusta ka, kuya Theo?" tanong ng dalaga kahit na kita niya namang hindi maayos ang kalagayan nito. Gusto niya lang makasiguro sa nararamdaman ni Theo.

Pilit na ngumiti ang lalaki tsaka tumingin kay Minikki. "Surviving." Ibinaling niyang muli ang atensyon sa lupa. "But I think I won't take long."

Napalunok si Minikki bago ipinunta ang mga mata sa kawalan. "Bakit? Nagsisisi ka ba na hindi mo siya pinili?"

"A part of me, yes, but the majority is regretting pushing through our relationship. I shouldn't have talked to her in the first place. This wouldn't happen if I suppressed myself," pag-amin nito.

Minikki exhaled trying to release the tension inside her chest but it became heavier now that they were talking about this thing. Naaawa rin siya sa lalaki ngunit hindi niya maialis sa kaniyang kalooban na sinisisi niya ito sa nangyari. Kung pinili lang sana ni Theo si Alondra, baka naiwasan nila ang pagkamatay nito.

"And I don't know what to do now to appease the guilt inside me. I should man up but I have no strength to move forward. I want to punish myself but I don't know if it would be enough."

"Hindi magiging masaya si ate Alondra kung parurusahan mo ang sarili mo. Kailangan mong magpakatatag, kuya Theo. Hahanapin pa natin ang pumatay sa kaniya."

Minikki bit her lip and tried to stop her tears. Mapait. Sa bawat pikit ay naaalala niya ang mukha ni Alondra at ang mga araw na pinagsamahan nila. Kung siya ay labis labis na nasasaktan paano pa kaya ang ginoong nasa harap niya. Gusto niyang intindihin ito dahil wala na rin naman siyang magagawa para maibalik ang dati. Ang nangyari ay nangyari na. Sa pagkakakilala niya kay Alondra, sigurado siyang hindi rin nito gustong mahirapan pa si Theo. At hindi rin nito nanaising sumama ang loob ni Minikki sa kaniyang nobyo. Mas mabuting ituon na lamang nila ang kanilang atensyon sa paghahanap sa may sala sa pagkamatay nito.

"Hindi rin ako papayag na hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni ate Alondra," dagdag pa ni Minikki na may diin at pangako.

"Salamat, Minikki. Salamat at naroon ka habang wala ako sa tabi niya."

***

Naiwan si Minikki sa tapat ng puntod ni Alondra. Tahimik lamang siyang nakatunganga roon na para bang mas gusto niya nang bantayan ito kaysa matulog. Paminsan-minsan pa niya itong kinakausap na parang nasa harap niya lang ang kaibigan at nakikinig sa kaniya. Ganoon pala kasakit ang mawalan ng kaibigan na akala mo noong una ay hindi mapapalapit sa iyo. Sa isang banda, si Alondra pala ang nagturo sa kaniya ng mga bagay na hindi itinuturo sa loob ng university.

"You're here."

Napapitlag si Minikki nang may marinig siyang boses. Hindi pa siya lumilingon ay alam niya na kung sino ito.

Umupo ito sa tabi niya. Lalayo pa sana siya nang dumantay ito sa balikat niya.

"H-haylan..."

"I feel so sad today. Can you lend me your shoulder just for a minute?"

Napakagat sa labi si Minikki habang pinipigilan ang kaniyang puso sa pagkabog nang mabilis. Rinig niya ang malalim na paghinga nito at sa bawat pagbuga ng hangin ay alam niyang may mabigat itong dinadala. Inikot niya sa paligid ang kaniyang paningin upang makasigurong walang makakakita kung hayaan man niya ito sa gusto niya.

"My parents were seen. They are now members of the PNG," bulong pa nito. Nagdiin ang mga ngipin ni Minikki nang marinig iyon. Hindi niya alam ang sasabihin o kung paanong pagagaanin ang loob ng binata gayong ang mga magulang nito na dating miyembro ng Alpha Team na pumuprotekta sa lahat ay sila nang miyembro ng pag-aalsa laban sa lupon.

Lumipas ang isang minuto at umayos na ng upo ang binata. Sinalubong ni Minikki ang mga tinging iyon—tinging humihingi ng pag-asa.

"At siguradong makikita ko sila bukas," dagdag pa ni Haylan. Tama. Dahil pupunta sila sa PNG upang iligtas ang pamilya ni Minikki.

"Hindi ba talaga ako maaaring sumama? Gusto kong makita si ina. Gusto ko kayong tulungan," pahayag ng dalaga.

"It would be dangerous if you'll be around. Just stay here."

"P-pero..."

"Do what I say."

Napalunok si Minikki. Hindi niya alam bakit agad siyang naumid nang sambitin iyon ng lalaki. Napapasunod siya nito na kumalma sa kabila ng mataas na emosyong kaniyang nararamdaman sa tuwing naaalala ang tungkol sa kaniyang mga magulang.

"And don't trust Miss Evergreen that much, Minikki."

Kumunot ang noo ng dalaga. "B-bakit?" Napaisip ito at sa sandaling iyon tila ba may napagtanto. "Kaya ba hinawakan mo ang kamay ko kanina?"

Hindi sinagot ni Haylan ang tanong na iyon sa halip ay nagbigkas ng mga katagang pumuno sa mga pagdududa. "President Darwin was poisoned because of that herbal tea..."

Minikki gasped as she also remembered something. Napalingon siya sa puntod na nasa harap nilang dalawa. Naalala niya ang nakita niya noong bungkalin ni President Darwin ang libingan ni Alondra. "May dahon sa katawan ni ate Alondra...ibig sabihin..." Muling ibinalik ni Minikki ang kaniyang tingin kay Haylan habang patuloy ang pagdaloy ng impormasyon sa kaniyang utak. Napatayo siya nang maalalang naiwan si President Darwin sa healing ground.

"Saan ka pupunta?"

"Sa healing ground. Delikado si Pres, iniwan ko siya roon. Paano kung bumalik si Miss Evergreen at tuluyan na siya?"

"I'll go with you."

Hindi na nagdalawang isip pa si Minikki at kinuha na nito ang kamay ng binata. Sa isang iglap ay nakarating sila sa loob ng healing ground.

Nabunutan naman ng tinik si Minikki nang makita ang presidente sa kung anong lagay nito nang iwan niya. Walang tao sa loob maliban sa kanilang tatlo. Siguro'y nasa labas ng pinto ang mga defenders at nagbabantay.

Pabalik-pabalik sa paglakad si Minikki habang pilit na pinaniniwalaang ang paghihinalang bumubuo sa isip niya. "Si Miss Evergreen ang traydor sa atin," bigkas nito. "Siya ang babaeng nakita ko roon sa puntod ni ate Alondra. Siya ang pumatay sa kaniya at ang lumason kay President Darwin."

Malakas ang kabog sa dibdib ng dalaga. Hindi magkandaugaga. Hindi niya akalaing ang mabuting gurong iyon ay may maitim na budhi palang tinatago. Hindi kapanipaniwala.

Patuloy na umiiling si Minikki habang ngatngat ngatngat ang kaniyang kuko. "Paano ko sasabihin ito sa mga guro? Kay Head Mistress? Paano kung hindi pala pagpapagaling ang ginawa niya kay President Darwin kaya hindi pa ito gumigising? Paano kung hindi na magising si Pres?" nababahalang tanong ni Minikki.

"Kaya ba ganoon na lang niya sabihin sa akin na piliin kong maging masaya dahil tinutukso niya akong suwayin ang ipinagbabawal? Gusto niyang mawala ako rito. Gusto niyang maglaho ako, Haylan."

Nilapitan siya ni Haylan at mariing hinawakan ang kaniyang kamay.

"Bakit? Ano bang sinabi niya sa 'yo?"

Tinitigan ng Minikki ang binata. Tila ba nagdadalawang isip kung aamin ba ito. Hinawi ni Haylan ang buhok ni Minikki bago inalis ang gusto sa mga noo niya.

"Ang sabi niya sa akin—"

Hindi na natuloy ni Minikki ang kaniyang sasabihin nang sunggaban siya ng halik ng binata. Nanigas ang kaniyang katawan at hindi kaagad nakahinga dahil sa gulat. Ilang segundo pa ang lumipas bago pumasok nang tuluyan sa kaniyang isip ang nangyayari. Hinahalikan siya nito.

Buong lakas niya itong itinulak. "A-anong ginawa mo?" natatarantang tanong ni Minikki habang nakahawak sa kaniyang mga labi. Ngunit hindi niya na ito hinayaang makasagot pa dahil agad na siyang kinuha ng liwanag na siyang lumitaw dahil sa mataas na emosyong kaniyang naramdaman.

Nabalik siya sa kaniyang silid—sa likod ng pinto ng kaniyang kwarto. Hawak pa rin niya ang kaniyang labing hindi makapaniwala na nakatikim ng unang halik. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Parang sasabog. At alam niyang hindi siya makakatulog ngayong gabi.

***

Hindi makapagdesisyon si Minikki kung lalabas ba siya ng kwarto. Malinaw pa rin sa kaniyang alaala ang nangyari kagabi sa healing ground at pakiramdam niya naroon pa rin ang mga labi ni Haylan sa kaniyang labi.

Hindi siya nakatulog nang maayos dahil doon. Imbes na isipin niya ang tungkol kag Miss Evergreen, mas gumulo sa utak niya ang ginawa ni Haylan.

Kaharap niya ang salamin at paulit-ulit na napabuntong-hininga. Ngayon niya lang natagalan ang pagtitig sa kaniyang repleksyon at hindi niya na kinukwestyon pa ang kaniyang mukha. Wala na rin ang mga tigyawat sa kaniyang mukha na ngayon niya lamang napansin. Matagal na itong gumaling simula nang mabasa siya ng makapangyarihang ulan.

"Bakit mo kasi ako hinalikan? Anong gusto mong maramdaman ko? Hindi mo naman din ako pipiliin," sambit ni Minikki sa harap ng salamin. Bigla niyang naalala na ngayon nga pala ang araw ng pagsasagawa ng Alpha Team ng plano. Ililigtas ng mga ito ang kaniyang pamilya.

Minikki let out a deep breath and finally chooses to drive out of her room. Malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib habang binabaybay ang daan papunta sa training ground.

May mga nakakasalubong siyang dreamer at kapwa tinatanong siya kung kumusta na ang kanilang pinuno. Sinasagot na lamang niya ang mga ito na magiging mabuti rin ang kalagayan ni President Darwin kahit na siya ay hindi sigurado.

Agad niyang namataan ang Alpha Team na kapwa nagsasanay sa pakikipaglaban. Gumagamit sila ng espada. Marahil dahil espada rin ang gamit ng PNG. Mamayang gabi na ang pinaplano nilang pagligtas sa pamilya ni Minikki.

Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Minikki na mapatingin kay Haylan na ngayon ay seryosong-seryoso sa pag-eensayo. Kinakabahan siya sa magiging kapalaran ng mga ito lalo na't pito lang sila at wala si Darwin.

Ngunit nakapagtataka na hindi man lang lumilingon sa kaniya si Haylan ni dapuan man ng tingin ay hindi nito ginagawa. Nakalimutan na ba nito ang ginawa niya o nagpapatay-malisya?

Nagpatuloy na lamang si Minikki sa pagpunta sa Grand Office upang kumustahin si President Darwin. May kutob kasi siyang hindi maganda. Laking gulat niya nang hindi siya pinapasok ng mga defenders na nasa harap ng pinto ng healing ground. Ipinagbabawal daw ng Head Mistress ang pagpasok roon upang walang maging kahati sa kapangyarihan at mabilis na magamot si Darwin. Ngunit hindi mapalagay si Minikki at binantaang papasukin niya ito gamit ang kapangyarihan niya.

Wala nang nagawa ang dalawang defenders at pinagbuksan ang dalaga. Laking gulat ng mga ito nang makitang bumabaha ng dugo sa sahig.

"P-pres!" sigaw ng dalaga bago ito tumakbo papalapit. Hindi niya alintana ang pagtalsik ng dugo sa kaniyang damit. Doon niya nakita ang walang buhay na katawan ng presidente. Naliligo ng sarili niyang dugo. Ang kulay lilang tubig ay naging malalim na pula. "P-pres...anong nangyari sa 'yo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top