Chapter 48: Misery in Love

"Walang iinom!" malakas na sigaw ni Minikki.

Agad niyang ibinigay kay President David Defensor ang baso. Naguguluhan man ito ay parang naiintindihan niya na ang ibig sabihin ng dalaga. Inamoy niya iyon.

"Haylan, get him! Minikki, bring him to the Grand office now!"

Wala nang nagawa si Minikki kung hindi ang sumunod kay David. Kumilos na rin ang binata para buhatin si Darwin na ngayo'y unti-unti nang nawawalan ng hininga. Mabilis na hinawakan ni Minikki si Haylan at sa isang iglap ay napunta sila sa Grand office.

Nagulat ang mga guro sa biglaan nilang pagdating lalong lalo na ang Head Mistress na si Lavinia Chandler.

"A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Ruby habang sinusundan si Haylan at Minikki papasok sa isang kwarto—ang healing ground. Nakasunod din ang ilang mga guro na nakasaksi sa biglaang paglitaw ng tatlo.

Inilapag ni Haylan ang katawan ni President Darwin sa isang malalim na lamesa na kumikinang kung saan may lilang tubig na para bang humihigop sa itim na pwersang nanggagaling sa katawan ng presidente ng Dreamers. May lila ding usok na pumapaligid dito.

"Nalason siya. Nakaamoy ako ng lason sa inumin niya, sa inumin naming lahat," wika ni President David na ngayo'y humahangos na naglalakad din kasunod nila. Hindi inaasahan ni Minikki ang mabilis nitong aksyon sa pagtuklas ng kung ano man ang naging dahilan ng pagkawala ng malay ni President Darwin. Naroon din ang ibang miyembro ng Alpha Team na kapwa hindi maipinta ang mukha.

"Nalason?" pag-uulit ni Miss Evergreen na hindi makapaniwala sa nangyari. Ganoon din si Minikki. Hindi niya inaasahan ang bagay na ito. Lalo tuloy siyang kinakabahan sa mga posibleng mangyari habang hindi niya pa nahahanap ang cronica.

"Sige na, Miss Evergreen, gamutin niyo na si Darwin. Iiwan muna namin kayo rito, Minikki, Haylan," utos ng Head Mistress bago ipinunta ang atensyon kay President David. Lumabas ang mga ito mula sa kwarto at naiwan lamang ang apat.

"Ano bang nangyari sa kaniya? Paano siya nalason?" pagtatanong ni Miss Evergreen na puno rin ng pagkabahala. Nanginginig ang mga kamay nito na tila ba parang natatakot sa nangyari kay Darwin.

"May naghalo ng lason sa inumin namin," sagot ni Minikki sabay buntong-hininga. "Tatanungin sana namin siya tungkol sa nalaman niya kagabi pero—"

Naramdaman ni Minikki ang paghawak ni Haylan sa kaniyang kamay kaya napapitlag siya at napatingin dito. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit nakakunot lang ang noo ni Haylan habang nakatingin sa kaniya. May ipinapahiwatig.

"Nalaman niya kagabi?" tanong ni Miss Evergreen.

"O-opo, Miss Evergreen, naghihinala kaming may traydor dito sa atin pero hindi pa namin natutukoy kung sino."

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Haylan sa kamay ng dalaga na siyang nakatago sa ilalim ng lamesa pero wala na ring nagawa pa ang binata upang pigilan si Minikki na kasalukuyang inaalis ang kamay ni Haylan sa pagkakahawak sa kaniya.

"T-traydor? May traydor dito sa atin?"

"It is not yet confirmed, Miss Evergreen," sabat ni Haylan. "But because of what happened to President Darwin then it must be true. We were about to ask him earlier but he was poisoned to shut him up."

Huminga nang malalim si Miss Evergreen bago ibinaling ang mga mata sa kawawang presidente. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay bago hinawakan ang kamay ng kawawang lalaki.

Nakita ni Minikki kung paanong unti-unting umaaliwalas ang mukha ni Darwin. "Gumagaling siya...nawawala ang lason sa kaniya!" buong pag-asang bulalas ni Minikki na tila ba nakalimutan na ang tungkol sa pagkakahawak ni Haylan sa kaniyang kamay.

Napansin ni Minikki ang mga kamay ni Miss Evergreen. "Hindi na po kumukulubot ang mga kamay ninyo."

Napakuyom ang kamay ng guro na tila ba hindi niya nagustuhan ang sinambit ng dalaga. She begun to be conscious about herself.

"P-pansamantala lang ito dahil nandito tayo sa healing ground. Mamaya kapag lumabas ako'y madadagdagan na ng kulubot ang bata kong balat," saad ng guro habang lumalamlam ang mukha. "Walang silbi sa 'kin ang aking kakayahan kundi papangitin ako," dagdag pa nito.

Naramdaman naman ni Minikki ang pagkalungkot sa tono ng salita ng kaniyang guro. Kilala niya ito sa pagiging masiglahin at maalagain sa kaniyang estudyante kung kaya't hindi niya rin maiwasang maawa dahil sa likod pala ng mga magagandang ngiti ay nagtatago ang pait. "I want to heal all of you but what it takes is unbearable. It is not an ability but a curse."

Nakaramdam ng lungkot si Minikki dahil sa tinuran ng kaniyang guro. Napalingon pa siya kay Haylan na para bang humihingi ng tulong kung paano iko-comfort si Miss Evergreen.

"But beauty is not based physically, Miss Evergreen. It is based on how good your heart is."

Minikki gulped as she remembered what occurred last night once again. Doon niya na naalala ang kamay niyang hawak ni Haylan. Kinuha niya iyon at hindi na pinayagan pang mahawakan muli ng lalaki.

"You wouldn't know since you did not experience suffering because of your physical trait."

Napahinga nang malalim si Minikki. May punto ang guro. Dahil sa pisikal niyang anyo ay nakatanggap siya ng maraming pananakit sa labas ng eskwelahang ito. Hindi nga siguro niya naiintindihan ang damdamin ni Miss Evergreen dahil wala siya sa kinalalagyan nito.

"Naniniwala po akong kahit kumulubot na ang inyong balat ay maraming magmamahal sa inyo, Miss Evergreen. Katulad naming mga ginamot mo. Nananatili sa aming alaala ang iyong ganda at ang busilak mong puso," sambit ng dalaga habang sinusubukang pagaaninang loob ng guro.

Ngumiti si Miss Evergreen habang patuloy na umiiling.

"Walang silbi ang pagmamahal ng iba kung hindi ko mahal ang taong nakikita ko sa salamin."

Dahan-dahang sinalat ni Miss Evergreen ang kaniyang mukha habang nakatingin sa repleksyon niya sa tubig.

"Hindi mo makakayang tumanggap ng pagmamahal ng iba kung ikaw, hindi mo nakikita ang iyong halaga."

***

Ilang oras ang lumipas ng pamamalagi ni Minikki at Haylan sa healing ground kasama si Miss Evergreen at President Darwin. Hindi pa rin nagigising ang binata. Nakaupo lamang ang dalawa sa magkabilang sulok habang pinanonood ang ginagawang panggagamot ng kanilang guro sa presidente.

Napahikab ang dalaga at sandaling sumulyap sa kaniyang kanan. Nahuli niyang nakatingin si Haylan sa kaniya na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkagulat. Iniwas niya ang tingin niya rito habang iniisip kung gaano na kaya katagal siyang pinagmamasdan ng binata.

Hindi niya talaga labis na maisip kung bakit at paano ito nagkaroon ng pagtingin sa kaniya. Napakaimposible.

Pinili na lamang ni Minikki na tumayo at puntahang muli si Miss Evergreen at President Darwin.

"Kumusta na po siya?" tanong ng dalaga.

"Wala na ang lason sa kaniyang katawan," sambit ng guro. Napangiti naman si Minikki sa balitang iyon.

"Maraming salamat, Miss Evergreen."

Natigil ang kanilang usapan nang magbukas ang pinto. Iniluwa no'n si Jaeson. "Haylan, pinatatawag ka ng Head Mistress."

Tiningnan ni Jaeson si Minikki na tila ba may sinasabi rin ang mga mata nito. "Tungkol sa iyong mga magulang."

Agad na napatayo si Haylan mula sa kaniyang kinauupuan at walang lingon-lingong lumabas sa pintuan. Nagsara ang pinto at naiwan na lamang si Minikki na nag-aalala. Muli niyang naalala ang unang engkwentro nila kay Rama at Laxamana. Nabanggit ni Rama ang tungkol sa pamilya ni Haylan.

"His parents vanished in front of his eyes," sambit ni Miss Evergreen na nagpalingon sa dalaga. Nakaupo na si Miss Evergreen sa tapat ng lamesa at tila ba nagpapahinga sa labis na paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan.

"P-po?"

"It was a long time ago when an attack caused a chaos in this land. Haylan was too young to witness that day," pagkukwento pa ng guro. "Harold and Lilianne were members of the first Alpha Team and it was their oath to protect everyone else. They sacrificed themselves to even protect the chronicle."

Napakunot ang noo ni Minikki. "Si Rama po ba ang dahilan ng pagkawala ng mga magulang ni Haylan?"

"No, Rama was a disciple back then. May mas malakas pa sa kaniya na pinakapinuno nila—si Amado, pero balita noon na pinatay siya ni Rama kaya si Rama na ang namumuno sa kanila."

Napasinghap si Minikki sa kaniyang narinig. Tila ba mga impormasyong hindi niya inakalang malalaman niya mula sa guro. Hindi bumaling kahit minsan ang tanungin ang mga bagay na iyon at ngayon libre niya lang itong nakukuha. Posible ring makatulong ito sa paghahanap niya ng cronica.

"Dahil malakas ang kakayahan ni Rama na gumaya ng kapangyarihan ng iba kung kaya't madali niyang napatay ang dating pinuno," komento ni Minikki na kababakasan din ng pag-aalala ngayong nalalaman niya nang posible ring gayahin ni Rama ang kaniyang kakayahan at gamitin ito sa kaniya. Kailangan niyang makaisip ng paraan.

"You're right, Minikki."

Minikki exhaled as she looked at the door where Haylan went out. She felt something in her heart and it is more likely a pure sympathy towards the guy. Now that she knew something about his background, it must be lonely.

"May gusto ka ba kay Haylan"

Napanganga si Minikki at hindi kaagad nakasagot. "P-po? W-wala po," sagot ni Minikki na hindi naman pinaniwalaan ng kaniyang guro. Ngumiti naman si Miss Evergreen. "I saw how he held your hand under this table."

Agad na nag-init ang pisngi ng dalaga. Siguradong namumula na ang mga ito na maging iyon ay hindi niya malilihim sa magandang guro.

"May kasunduan na ba kayong dalawa?" tanong pa nito.

"P-po? Wala po!"

Napahagikgik si Miss Evergreen na para bang pati siya ay kinikilig sa dalawang bata. "Wala? Hindi ka ba niya hihintayin?"

Hindi na nakawala pa sa mga mata ni Miss Evergreen ang damdamin ng dalaga. Halata ito sa mga kilos. Kahit anong gawin niyang pagtanggi, mas lalo lang itong nagiging totoo. "Hindi mo siya pinayagan?"

"M-miss Evergreen, tama na po," nahihiyang sabi ni Minikki habang tinatakpan ang kaniyang mukha. Ni hindi rin siya mapakali kung kaya't hinawakan ni Miss Evergreen ang kamay niya at pinaupo sa tabi nito.

"Alam mo bang kapag lalo mong pinigil ang nararamdaman mo, lalong titindi?"

Alam na. Alam na talaga ng guro ang kaniyang nililihim. Wala na siyang takas. Pilit niyang sinisisi ang kaniyang sarili kung bakit para siyang isang bukas na libro na mahuhulaan ng kahit na sino ang kaniyang tinatago.

"Kapag hindi mo naipapakita o naipapahayag, naiipon 'yan sa loob ng puso mo kaya lalong gustong umalpas. It is like a dove that doesn't want to be caged but wanted to be free," paliwanag pa ni Miss Evergreen.

Nanatiling tahimik si Minikki habang ramdam niya sa kaniyang puso ang mabilis na pagtibok nito na para bang ikababaliw niya.

"Naranasan ko na rin noon na umibig."

Napalingon si Minikki kay Miss Evergreen. Hindi niya inaasahang magkukwento ito tungkol sa kaniyang sarili. "Kaso, hindi ko siya ipinaglaban." Ngumiti ito bago ipinagpatuloy ang kaniyang kwento. "Masyado akong masunurin kung kaya't bigla siyang naglaho noong pinili niya ako."

Naalala ni Minikki ang nangyari kay Alondra—ang biglang paglalaho nito nang piliin niya ang taong mahal niya imbes na ang lugar na ito.

"Bakit hindi mo siya pinili, Miss Evergreen?" tanong ni Minikki.

"Dahil nakinig ako sa iyong ina, kay Kireina. Ang sabi niya sa akin ay kung kami talaga ng aking iniibig ay kahit hindi ko siya piliin, pagtatagpuin kami ng tadhana sa tamang panahon."

Naalala ni Minikki ang isinagot sa kaniya ni Haylan noong tanungin niya ito. Tama ba talagang piliin ang lugar na ito kaysa sa taong mahal niya? Tama ba ang ginawa ni Theo? Tama ba ang ginawa ni Miss Evergreen? Tama ba ang utos ng kaniyang ina?

"Pero hindi naman nangyari...kahit siya, hindi niya pinili ang taong mahal niya kaya ngayon, hindi niya ito kapiling."

Napatingin si Minikki sa kaniyang guro. Hindi niya alam kung bakit tila ngayon lang dumapo sa kaniyang isipan ang tungkol sa kaniyang ama. Sino nga ba ang ama niya? Ni minsan ay hindi niya ito tinanong sa kaniyang ina.

"Hindi po pinili ni ina ang taong mahal niya?" paninigurado ni Minikki.

Ngumisi si Miss Evergreen. "Hindi, dahil napagkasunduan nilang maghintayan. Kung kaya't nang makatapos sila ng pag-aaral ay doon nila itinuloy ang kanilang pagmamahalan. Maniniwala na sana ako na tama ang pinili ni Kireina ngunit bigla rin namang nawala ang iyong ama noong isinilang ka."

Ang hirap para kay Minikki ang lumunok dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan. Nakaramdam siya ng labis na bigat sa kaniyang kalooban. Tila ba nadagdagan na naman ang kaniyang isipin—ang tungkol naman sa kaniyang ama. Maging ang pangungulila at kalungkutan ay namayani sa kaniyang dibdib.

"Kaya piliin mo kung saan ka sasaya, Minikki. We live to be happy not to experience misery."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top