Chapter 47: Poisoned Drink

"Haylan, ikaw 'yong kasayaw ko."

Ilang segundo. Nakatitig lang si Minikki at Haylan sa isa't isa. Parehong hindi alam ang sasabihin. Lalo na ang dalaga sa kaniyang natuklasan.

"Ikaw rin 'yong nagligtas sa akin noon sa labas," dagdag pa ni Minikki bago tuluyang ibinaba ang kaniyang kamay. Magkatapat silang nakatayo sa isa't isa. Isang dipa lang ang pagitan.

Puno ang langit ng bituin. Maging ang buwan ay nagagalak sa kaniyang nasisilayan. Mas lalong gumaganda at kumikinang dahil sa pag-ibig na umuusbong sa puso ng dalaga.

"Mahaba lang ang buhok mo ngayon pero natatandaan kong ikaw nga 'yon, Haylan. Ikaw 'yon hindi ba?"

Haylan blinked and gulped as he tried to compose himself. It was his long time secret but how can he confess about it when it should be kept.

"Pinsan mo si Jeremiah Nicolei. Siya ang dahilan kung bakit ko nalaman ang lugar na ito. Siya ang nagpumilit sa aking pumasok sa lugar na ito."

Naalala ni Minikki ang sinambit ni Maya noong nakita niya itong muli. Mission complete.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong ni Minikki na pagputol niya sa katahimikan namamagitan sa kanilang dalawa. Ayaw niyang may makarinig sa lakas ng tibok ng kaniyang puso ngunit sa tanong niyang iyon, tila ba mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya.

"May gusto ka bang malaman?"

Para bang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Ang mga katanungang tila ba kahit hindi sagutin ay may konkretong ibig ipahiwatig.

"May gusto ka bang ipaalam?" tugon ng dalaga.

"Hindi mo pa ba alam?"

Napalunok si Minikki. Gusto niyang hawakan ang puso niya. Patigilin sa pagwawala. Lalo pa't sobrang bilis na ng kabog nito. Maging ang paghinga niya'y nagkakaroon ng problema. Ang mga tuhod niya'y nanghihina. Parang sa oras na ito'y babagsak ang kaniyang mga luha hindi sa tuwa kung hindi sa labis na pagkatakot.

"Paanong nangyari?" nawawalan ng lakas na tanong ni Minikki. Hindi siya makapaniwalang ang isang Haylan ay magkakaroon ng pagtingin sa kaniya. "H-hindi ako maganda."

"Don't say that," seryosong sambit ni Haylan. "You are beautiful."

Iyon ang boses na narinig niya noong nasa pageant sila. Iyon ang kumpirmasyon na si Haylan nga ang tumulong sa kaniya noon sa pagsayaw.

"Even before."

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang inamin ni Minikki sa kaniyang sarili ang pagkatalo. Hindi lang siya ang nakakaramdam. Maging siya ay umaamin na may gusto na siya sa lalaki. Kahit anong pigil niya ay doon din ang tungo nito, sa totoong nagmamay-ari ng kaniyang puso.

"Haylan," pagtawag nito sa pangalan ng binata kasabay no'n ay pagtulo ng kaniyang luha. "Hindi puwede."

Minikki wiped her tears but still she can feel the sadness of them both. They were supposed to be happy to share the same feelings of love but because it is prohibited, they must forget about it.

"Hindi puwede, Haylan, alam mo iyan. At wala tayong panahon para rito. Nasa gitna tayo ng giyera."

"But we can wait," saad ni Haylan na siyang ikinasinghap ni Minikki. Hindi niya na makilala ang lalaking nasa harapan niya. Totoo ba talagang may gusto ito sa kaniya? Bakit? Paano?

"I am not telling you this to get you in a relationship with me. I am giving you hints because I want to tell you that I can wait. I will wait for you. Do you want me to wait for you?"

Bakas ang sinseridad sa mga mata ng binata. Tila ba iyon lang ang makakapagpatunay na totoo ang kaniyang mga isinasambit dahil nalalaman niyang hindi niya pa ito mapapatunayan sa gawa. Ayaw niyang maipahamak ang dalaga.

"Do you want to wait for me too?"

Hindi alam ni Minikki ang isasagot pero alam niya ang isinisigaw ng kaniyang puso.

"Gusto mo bang maghintayan tayo?"

"Haylan..." Napabuntong-hininga ang dalaga. "S-sorry pero..."

"I see," tugon ni Haylan habang hindi pinapakawalan ang mga mata ni Minikki. Ngunit tuluyan nang iniwas ni Minikki ang kaniyang mga tingin. Hindi niya na gusto pang mas lalong tumagal ang ganoong pag-uusap dahil baka mamaya'y hindi niya na mapigilan ang kaniyang sarili.

***

"Do you want to wait for me too?"

Paulit-ulit sa isipan ng dalaga ang mga salitang iyon. Kasalukuyang nakatingin sa kisame si Minikki habang nakahiga sa kaniyang kama. Ang pag-uusap nila kanina ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog nang makabalik siya sa kwarto niya.

Masyado nang tahimik ang kwarto kung nasaan siya pagka't mag-isa na lamang siya rito. Wala na ang kaniyang roommate dahil may pumatay rito. Muling bumalik sa isipan ni Minikki ang kaniyang natuklasan kanina. Ang babaeng pumunta roon sa harap ng lapida ni Alondra. Ang sanhi ng pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Nagkaroon na siya ng pagkakataon kanina upang makilala ito ngunit pinigilan siya ni Haylan.

Napabuntong-hininga si Minikki nang maalala niyang muli ang nangyari. Masyadong maraming sumalubong na pangyayari sa kaniya ngayong kababalik niya palang sa Occoii University. Hindi niya inaasahan ang mga ito. Hawak niya ang kaniyang puso habang pinipilit na makatulog.

Kinabukasan, maagang gumising si Minikki upang puntahan ang kaniyang kaibigan na si Gellie at Jaeson. Nadatnan niya ang mga ito sa field na nagsasanay kasama ang ilang miyembro ng Alpha Team. Sina Alberto at David. May ibang mga estudyante ring naroon at nanonood ngunit ang karamihan ay abala rin sa kani-kanilang ensayo.

Doon niya napagtanto at naalala ang utos sa kaniya ng Head Mistress, ang hanapin ang cronica. Ang sa totoo'y nakaligtaan niya na ang tungkol doon dahil sa dami ng nangyari kahapon. Hindi niya na alam kung anong uunahin. Una, nasa pugad ng PNG ang kaniyang pamilya. Pangalawa, ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Pangatlo, ang paghahanap sa cronica. Pang-apat, ang tungkol sa nararamdaman para sa kaniya ni Haylan.

Panghuli ay ang tungkol sa kaniyang kakayahan. Kung gagamitin niya ang kaniyang kapangyarihang maglikha ng lagusan para hanapin ang cronica ay lalong mas magpapahirap sa kaniya dahil inuubos nito ang kaniyang lakas na tanging mababalik lang kapag umulan.

Minikki shook her head and tried to concentrate. She should be focus on things that need to be prioritized but thinking about all of her concerns, they are all need to be solved as soon as possible.

"Miniks!" tawag sa kaniya ni Jaeson habang tumatakbo ito kasama si Gellie. Papunta ang dalawa kay Minikki habang baon ang balita tungkol sa pagsunod nila sa ilang myembro ng Alpha Team.

"Sorry Miniks, masyadong malakas ang senses ni David kaya nahuli niya akong sumusunod sa kaniya kagabi," paliwanag nito habang kumakamot sa ulo.

"The same way as me, Minikki, masyadong matalino si President Alberto kaya nalaman niyang sinusundan ko siya. Hindi ako nakalusot sa mga tanong niya kung kaya ayon, nabanggit ko rin sa kaniya 'yong hinala natin."

Napabuntong-hininga si Minikki. Mukhang ito na ang sagot sa kaniyang mga pag-aalala. Ito ang kaniyang dapat unahin—ang tungkol sa traydor sa gitna nila.

"At katulad nila, pinaghihinalaan rin nila kami dahil kami-kami lang din naman ang nakakaalam ng mga kinikilos namin na hindi bukas sa marami," giit ni Jaeson na kababakasan ng pagkadismaya sa naging plano nilang paghahanap sa tiktik.

"How about kaya sa Chuffer? May ibinalita na ba sa inyo si Haylan?" tanong naman ni Gellie. Nakahanap sila ng puwestong mauupuan nila kung saan malayo sa mga estudyante at malaya silang makakapag-usap nang masinsinan.

Natahimik si Minikki at muling bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari kagabi.

"Oh, ayan na pala siya! Haylan! Balita?" pagbati ni Gener sa kaniyang kaibigang lalaki. Bumilis ang paghinga ni Minikki lalo na nang makalapit si Haylan sa kanila.

"May nalaman ka ba tungkol kay President Charles at Cherrish?"

Tumingin si Haylan kay Minikki bago ito nagsalita. "I was following them last night and I heard them talking about ate Alondra's death. They were also confused on how the corpse ended up at PNG's den. But the thing I discovered was when ate Alondra vanished here in the university, she was seen by some defenders. She was with the members of PNG."

Napabuntong-hininga si Minikki. Tahimik lamang siyang nakikinig sa ipinapaliwanag ng binata ngunit hindi siya makapaniwala sa ulat na iyon.

"Also, the truth is, nag-send pa ng message si ate Alondra kay Theo."

Napalingon si Minikki kay Haylan nang marinig niya iyon. Naalala niyang roommate nga pala ni Haylan si Theo. Lalong lumakas ang tibok ng puso niya at tila ba nagkaroon ng pag-asa.

"Anong message?" tanong ni Minikki. Bakas sa mukha ng tatlong magkakaibigan ang pananabik na malaman ang tungkol sa message ni Alondra sa kaniyang minamahal na posibleng makatulong upang ituro kung sinong pumatay sa kaniya. Ngunit muling naalala ni Minikki ang tungkol sa presidente nilang si Darwin.

"Gusto niyang makipagkita kay Theo para kausapin ito kahit sa huling sandali para makapagpaalam at makapagpasalamat nang maayos pero masyadong mahigpit para makalabas si Theo sa Prohibited Garden. Noong makalabas si Theo ay hindi niya na nakita pa si ate Alondra. Akala niya'y baka nagsawa lang itong hintayin siya pero iyon pala ang oras na mismong kinuha si ate Alondra ng persona non grata."

Bumalik sa isipan ni Minikki ang itsura ni Theo nang makita niya ito sa library. Napakagat siya sa kaniyang labi. Muli niyang naramdaman ang lungkot sa kaniyang puso. Napapaiyak na naman siya. Mabuti na lang pala ay napigilan siya ni Haylan noon na sugurin ito kundi baka mas lalong nakadagdag siya sa sakit na nararamdaman ng binata.

"May isa pa akong narinig mula kay President Charles."

"Ano 'yon, Haylan?" tanong ni Jaeson.

"That someone is here betraying us."

Napalunok ang magkakaibigan dahil sa narinig. Iyon ang kani-kanilang hinala kagabi pa. Bumigat ang paghinga ni Minikki. Umuusbong ang galit sa kaniyang puso. Lalo na nang maalala niya ang babaeng pumunta sa puntod ni Alondra kagabi, ang taong pumatay sa kaniyang kaibigan.

"President Darwin knows who killed ate Alondra and she's a she."

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Hindi nila inaasahan ang kanilang maririnig mula kay Minikki.

"Sinundan ko si President Darwin kagabi. Nate-trace niya ang kapangyarihan ng kahit na sino kung kaya't nalaman niya ring sinusundan ko siya. Pero katulad natin, nagtataka rin siya kung paano napunta sa PNG ang katawan ni ate Alondra. Kung kaya't hinukay niya muli ang kabaong ni ate Alondra para i-trace kung sino ang pumatay sa kaniya," paliwanag ni Minikki.

"And then? Nalaman niya ba kung sino? Nabanggit ba niya sa 'yo, Minikki?" Sunod-sunod na tanong ni Gellie na naging dahilan ng paglingon ng dalawang lalaki kay Minikki. Bumibigat ang tensyon ng kanilang pag-uusap tila ba dapat ay humanap sila ng mas magandang lugar kung saan sigurado silang walang makakarinig.

Umiling ang dalaga. "H-hindi, may dumating na babae kaya nagmadali kaming ibalik ang kabaong ni ate Alondra. Kasunod no'n ay ginamit ko ang kapangyarihan ko para makaalis kami agad sa lugar na 'yon."

"Babae? Sinong babae? Nakita mo ba kung sino?"

Muling umiling si Minikki at saglit na napatingin kay Haylan. Hindi niya gustong ungkatin ang nangyari kagabi lalo na ang pagkikita nilang dalawa ngunit mahalagang malaman ng kaniyang mga kaibigan ang tungkol sa nalaman niya.

"Bumalik ako sa blue graveyard pagkatapos naming maghiwalay ni President Darwin. Doon, nakita ko ang babaeng 'yon at narinig ko rin mismo sa kaniya na siya ang pumatay kay ate Alondra."

Galit at pagkamuhi ang mababakas sa mga mukha ni Gellie at Jaeson.

"Sino ang babaeng 'yon? Namukhaan mo ba siya? Kilala mo ba siya?"

Napayuko si Minikki. "Hindi, dahil likod lang niya ang nakita ko pero kung maririnig kong muli ang boses niya sigurado akong makikilala ko siya. Kung makukumbinsi lang sana natin si President Darwin na sabihin kung sino, mas mapapadali ang pagtuklas natin sa lahat."

Tumango si Gellie at Jaeson. "Ano pang ginagawa natin? Tara na at kausapin si President Darwin," yaya ni Jaeson bago siya tumayo. Sumunod na rin sa pagtakbo si Gellie.

Agad nilang natanaw si President Darwin sa training ground. Naroon din ang ibang myembro ng Alpha Team na sina Charles at Cherrish na kapwa nagpapahinga.

"Gellie! Jaeson! Nand'yan pala kayo! Kanina pa namin kayo hinahanap pati ikaw Haylan," sambit ni Cherrish nang makita ang tatlo na papabalik sa training ground.

"Saan ba kayo pumunta?" tanong naman ni Charles na naglapag ng mga tinapay sa hapagkainan. May malaking lamesa sa gilid ng ground kung saan malayang magpahinga ang mga nag-eensayo. "Naghanda kami ng pagkain na siguradong makakatulong sa pagpapalakas natin. Nakatakda na naman tayong lumabas bukas ng gabi upang manmanan ang kampo ng mga persona non grata," dagdag pa nito na ipinagtaka ni Minikki.

"Lalabas kayo?" tanong niya. "Bakit? Para saan?"

"Para magmanman upang mailigtas ang iyong ina at ang iyong pamilya," sagot ni Charles sa dalaga.

"Ha? Akala ko ba?"

"Nakaisip na kami ng paraan para mailigtas ang pamilya mo pero hindi alam ng Grand Office itong gagawin namin kung kaya't maaari mo bang ilihim na lang ang iyong narinig?" saad naman ni Alberto na siyang naroon na rin pala kasama si David.

"Kung gano'n sasama ako," sagot ni Minikki. Napatingin siya kay Gellie at Jaeson na tila ba hinihintay niyang sumang-ayon ang mga ito sa nais niya.

"Buo na ang plano, Minikki. Iyo na lamang paghusayin ang paghahanap sa cronica para maging malaya na ang lugar na ito sa mga persona non grata," paliwanag ni David.

"P-pero..."

"Sige na, Minikki. Huwag mo na kaming alalahanin. Kumuha ka na rin ng tinapay para lumakas ka," sambit naman ni President Darwin sabay kuha ng inumin at nilagok iyon.

Tumango na lamang si Minikki dahil mas naisip niyang mas makabubuting habang hinahanap niya ang cronica ay may makatulong siya sa pagligtas sa kaniyang pamilya.

Lumingon siya kay Cherrish na ngayo'y may hawak ng lalagyan ng tinapay na inaabot kay Haylan. Kumuha na lamang siya ng tinapay sa lamesa ngunit akmang kukuha na siya nang mabangga ang kamay ng binata.

"Sorry."

Nagkatinginan sila sandali at agad namang binawi ni Minikki ang kamay niya at 'yong inumin na lang ang kaniyang kinuha. Naalala niyang bigla ang pakay niya kung bakit siya narito. Ang kausapin si Darwin.

Iinumin na sana ni Minikki ang laman ng baso bago puntahan ang presidente nang marinig niya ang pagkabasag ng isang baso. Hawak iyon ni President Darwin bago ito bumagsak. Tumilapon sa sahig ang natitirang laman nito.

"Darwin? Anong nangyayari sa 'yo?" tanong ni Charles na agad na sumaklolo sa binata. Nilapitan niya ito at pilit na inaalalayan. Nabahala ang Minikki sa nangyari at nataranta.

Kitang-kita ni Minikki ang pagbabago ng kulay ng mukha ng presidente nila. Nakahawak pa ito sa kaniyang leeg.

"P-pres! A-anong problema?" tanong ni Minikki bago umupo sa tabi ng lalaki. Nagsilingunan din sila Gellie at Jaeson sa dako nila Minikki na pawang nagulat sa nasaksihan.

Hindi makapagsalita si President Darwin habang pilit na tinuturo ang basong ininuman niya. Napatingin si Minikki sa baso na muntik niya na ring inumin kanina.

"Walang iinom!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top