Chapter 44: Too Close Yet So Far
Sa isang kisapmata nabalik si Minikki sa Occoii University. Sa harap ng fountain kung saan naroon ang Mystical Lady. Biglang humupa ang baha sa university nang tumapak ang paa ni Minikki sa lupa na tila ba patunay na siya talaga ang dahilan ng walang tigil na pag-ulan sa lugar na iyon. Pinagmasdan niya ang kapaligiran. Ibang-iba na ang Occoii Univeristy kumpara sa unang beses niya itong nakita.
Walang tao sa paligid. Tahimik ang buong Occoii University. Wala na ang mga batang masasayang nagtatakbuhan para pumunta sa kani-kanilang klase. Maging ang mga magagandang puno noon ay nawalan na rin ng kulay.
Maging ang ulan ay tumigil na rin kung kaya't napansin niya ang isa-isang paglabas ng mga estudyante mula sa Lodging Houses. Nakita ng mga ito na paparating siya at nag-umpisang magbulungan.
Napagdesisyunan ni Minikki na maglakad patungo sa Grand Office kung saan inaasahan niyang naroon ang mga guro. Naroon pa rin ang dalawang defenders na nagbabantay sa harap at itinuro sa kaniya kung nasaan ang kaniyang hinahanap.
Kung dati ay hindi pa siya nito pinapapasok, malaya na siyang tumuloy. Bakas sa mga mata nito ang paggalang sa dalaga.
Naglakad si Minikki sa malaking pasilyo ng Grand Office. Kahit ang loob nito'y tila ba naging luma na. Parang hindi naman siya ganoon katagal nawala. Dahil ba ito sa ulan? Nanghina rin ba ang paaralan dahil dito?
Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto at tumambad sa kaniya ang isang hagdan paibaba. Habang tinatahak niya iyon ay naririnig niya ang masinsinang pag-uusap ng mga tao.
"Hindi na ligtas ang lugar na ito, Lavinia. Kailangan na nating pauwiin ang mga bata sa labas," sambit ng isang guro na may makapal na boses.
"But it's still raining and it's a good thing because PNG won't have the guts to come here," wika naman ng isang babae.
"We'll stick to the plan. Now that Alpha Team is back, we can proceed to our original game plan."
Tuluyan nang nakababa si Minikki sa underground at nasilayan niya ang lawak ng kwarto na katulad ng interior ng Hidden Office. May malaking gintong lamesa sa gitna at naroon nakapalibot ang mga gurong taimtim na nag-uusap.
"Minikki!" sambit ni Gellie nang makita ang kaniyang kaibigan na nagbalik sa kanila. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at mahigpit siyang sinalubong ng yakap. "You're here," wika pa nito habang namumuo ang mga luha sa mga mata.
Napatingin si Minikki sa mga taong naroon sa loob. Naroon din pala ang Alpha Team, maging si Haylan ay nakatingin din sa kaniya na tila ba hindi inaasahan ang kaniyang pagbalik.
"Akala namin ay hindi mo na kami babalikan," wika naman ni Jaeson habang suot ang malungkot na ngiti. "Nag-alala kami para sa iyo."
"Right, Minikki. Where have you been? Wala ka ba man lang sasabihin pagkatapos mong mawala?" singit muli ni Gellie ngunit hindi iyon sinagot ni Minikki. She can't find words to say. Habang naaalala niya ang buong nangyari nang huli siyang narito sa Occoii University, hindi niya mapigilang sisihin din ang kaniyang sarili.
Idinapo ni Minikki ang kaniyang mga mata isa-isa sa mga guro. Doon niya napansin maging si Head Mistress ay nakatingin sa kaniya at nababahiran pa rin ng pag-aalala sa kaniyang kalagayan.
Napayuko si Minikki nang bumalik sa kaniyang isipan ang mga nasambit niya noon. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang mga salitang iyon. Ni hindi siya marunong magalit o lumaban ngunit tila ba parang ibang tao siya noong araw na iyon.
Bumitiw sa pagkakayakap si Gellie at hinila si Minikki papunta sa malapad na table kung saan naroon ang malaking mapa ng plano na siyang tinitingnan ng lahat. Mapa iyon ng Occoii University. Hindi. Kundi ng buong lugar kung nasaan sila. Naroon ang bawat sulok ng dimensyon kung nasaan sila. May iba't ibang marka na tila ba pinag-aaralan nang magaling ang kanilang sunod na gagawin.
Nakita ni Minikki ang lugar kung saan may malaking marka ng ekis. Ang pugad ng mga persona non grata. Kita niya roon na isa itong malaking disyerto.
"Nakita namin ang iyong ina at ang iyong pamilya sa pugad ng persona non grata," sambit ni President Darwin na siyang naroon din pala. Napagtanto ni Minikki na lahat ng presidente ng asosasyon ay naroon at kabilang sa Alpha Team. "Naghihintay na lamang kami sa iyong pagbabalik para iligtas sila."
Agad na napasinghap si Minikki habang napagtatantong kahit nawala siya ay patuloy pa rin pala ang mga ito sa paghanap sa kaniyang pamilya.
"P-pero hindi ba't lumabas kayo para hanapin ang cronica?" tanong ni Minikki.
"No, Minikki. That was just a camouflage. What the real plan is to find their den. The Head Mistress predicts that Rama and Laxamana will break the moratorium," komento ni Charles na siyang presidente ng Chuffer Association. Katabi nito si Haylan na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Simula nang malaman ni Head Mistress na nakuha nila ang pangalan mo ay batid niya nang maaaring kunin ng PNG ang iyong pamilya kung kaya't kasama sa plano ang maging pain ang pamilya mo," wika naman ni David Defensor.
"Ipinain ninyo sila ina?" Minikki gazed at Professor Gener that now has can't find words to reason out. Even him was not aware of that plan and later on figured out because everybody knows he will disagree.
"Pumayag si Kireina," sabat ng Head Mistress. "At kung inaakala ni Rama at Laxamana na naisahan niya tayo ay hindi iyon totoo. Siya ang naisahan natin. Dahil sa ginawa niyang paglusob, lumabas ang kakayahan mo."
Ramdam ang tensyon sa bawat matang nakatingin kay Minikki. Ngayon niya nararamdamang kailangan nga siya ng mga ito.
"Minikki, your ability...we all witnessed that. Are you confident you can find the chronicle now?" Professor Selene inquired in a low-tone voice that everybody may think that she's faking it. Kilala siyang kumukulo ang dugo sa dalaga ngunit tila ba nagbago ang ihip ng hangin na kung dati'y sinisigawan siya nito, ngayo'y mahinahon na siyang makitungo sa dalaga.
"Someone told me where it is and I will do my best to find it," matigas na sambit ni Minikki. Tumango sila Gellie. Pansin niyang tila ba may nagbago sa dalaga at mababakasan ito ng pagkaseryoso sa mukha. Hindi na ito nagbibiro. Ang mukhang parating inaapi noon ay hindi na magpapatalo ngayon. Ngayon pang may sapat na siyang lakas para mahanap ang cronica. Kahit walang ideya si Minikki kung ano nga ba ang kayang gawin ng cronica at bakit ginugusto iyong kunin ng masasamang loob ay mas pinili niya nang hindi na magdalawang isip pa sa pagtulong at pagtupad ng kaniyang tungkulin.
"Professor Gener, maglalagay tayo ng mga bantay sa Arch of Utopia. Ganoon din sa lahat ng mga lagusang posibleng pasukan ng mga persona non grata. Palibutan ang prohibited garden ng malalakas na defender. Palakasin ang mga acer, bukod sa kanilang talino na maaaring magamit para gumawa ng mga armas, kailangan din nilang maging malakas sa pisikal. Ang mga chuffer ay tutulong sa pagtuturo. At ang mga dreamer, mayroon man o walang kapangyarihan ay tuturuan na ring makipaglaban, bata man o matanda," mahabang litanya ng Head Mistress. Hindi iyon ang pangarap ni Lavinia Chandler. Ang gusto niya lang ay mamuhay ang mga bata at malayang makapag-aral sa paaralang ito ngunit wala siyang ibang magawa kung hindi bigyan na rin ng karapatan ang mga batang linangin ang kanilang kakayahan upang maprotektahan ang mga sarili.
"Masusunod po, Head Mistress," tugon ni Saturnino ganoon din ang iba pang presidente ng asosasyon bago umalis sa kani-kanilang puwesto.
"Tayo ang mananalo sa giyerang ito," may diing sabi ng pinuno ng lupon habang pinagmamasdan ang mga kabataang handang magbuwis ng buhay para sa Occoii University.
Isa-isa na ring umakyat ang mga guro ganoon din ang alpha team. Papaalis na rin si Minikki nang tawagin siya ng kaniyang kaibigang si Gellie.
"Minikki, you have something to know about," wika nito. Bakas sa mukha ni Gellie na hindi niya gustong ipaalam sa dalaga ang gusto niyang sabihin ngunit mas mainam na ito'y malaman ni Minikki.
"Wala na si ate Alondra..."
Napanganga si Minikki at sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng labis na bigat sa kaniyang kalooban. Muling tumulo ang kaniyang luha sa balitang dumating sa kaniya.
She can't breathe. She can't even properly walk. Naalala niya ang huling beses na nasilayan niya ang mukha ng kaniyang roommate na naglaho sa paningin niya. Masyadong masakit. Masyadong masalimuot. Hindi siya pinili ng taong mahal at ngayon naman, tuluyan na siyang nawala sa mundo.
"Minikki! Saan ka pupunta?" Hindi na nahabol pa ni Gellie si Minikki pagka't gumawa na ito ng isang liwanag.
Naglaho ito na parang bula at sa isang iglap nakita niya si Theo sa library. Nag-iisa at umiiyak sa sulok habang nakaupo. Mas lalong naramdaman ni Minikki ang sakit nang masilayan niya ang lalaki sa ganoong kalagayan ngunit mas gusto niya itong sugurin at sumbatan. Kung pinili lang sana nito si Ate Alondra ay hindi malalagay sa ganoong kalagayan ang kaniyang kaibigan.
Pumatak ang luha sa pisngi ni Minikki. Pinunasan niya iyon at akmang lalapitan niya ito nang may humawak sa kaniyang kamay. Hinila siya nito papunta sa kabilang shelf. Laking gulat niya nang makita si Haylan sa harap niya. Hindi niya na naikubli ang kaniyang mga luha. Tila ba isa itong karagdagan sa pighating nararamdaman niya.
"Huwag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman niya," wika ni Haylan na naging dahilan ng pagtawa ni Minikki.
"Anong sakit ang pinagsasasabi mo? Wala siyang karapatang masaktan pagkatapos ng ginawa niya kay ate Alondra," mahina ngunit matigas na sabi ni Minikki. "Kung pinili niya lang sana si ate Alondra, hindi siya mamamatay nang ganito. Magkasama sana sila. Kung pinili niya lang sana ang taong pumili sa kaniya..." Nabasag ang boses ni Minikki.
"Hindi niya pinili si ate Alondra dahil iyon ang alam niyang nararapat."
Mas lalong nakaramdam ng lungkot si Minikki habang nakatingin sa mga mata ng binata. Dalawang metro mula sa isa't isa ang distansyang dapat nilang sundin ngunit tila ba nalimutan nila ang bagay na iyon. At para bang kahit anong lapit nila sa isa't isa ngayon ay siyang pagkalayo naman ng kanilang mga puso.
"Nararapat? Nararapat bang hindi mo piliin ang taong mahal mo? O mas tamang itanong kung mahal niya nga ba talaga ito?" puno ng poot na tanongni Minikki habang pinipigilan muli ang kaniyang luha ngunit sumasakit na ang lalamunan niya dahil sa nakabara rito. Gusto niyang pumalahaw ng iyak. Nakakaramdam siya ng malaking galit sa lalaking nasa harap niya.
"Minikki, hindi dahil hindi ka pinili ay hindi ka mahal."
Napansin ni Minikki ang pagtitig sa kaniya ni Haylan na tila ba nakikiusap na pakinggan at intindihin siya. Ngayon lamang naalala ng dalaga na hindi nga pala sila maaaring maglapit. Kinuha niya ang kamay niya mula sa binata at marahang dumistansya.
Katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. Hindi maalis ang kanilang mga mata sa isa't isa. Tila ba nag-uusap ang mga ito nang hindi nagsasalita.
"Bakit, ikaw? Kung malagay ka sa ganoong sitwasyon, hindi mo ba pipiliin ang taong mahal mo?"
Napalunok si Minikki habang nagsisisi sa kaniyang sarili na itinanong niya pa iyon. Hindi agad nakapagsalita si Haylan. "Pipiliin ko kung anong mas makabubuti sa aming dalawa. Dahil ang pagpili ko sa mas makabubuti ay parang pagpili ko na rin sa kaniya. Hindi ko man siya piliin nang literal, masasaktan ako nang lubos kapag ginawa ko iyon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top