Chapter 43: Light Burst Disappearance
"Give me the lady," wika ni Rama sa ilalim ng kaniyang malamig na boses. Matalim ang mga mata nito na tila ba nanghihipnotismo na sundin ang utos niya.
"Hindi ko ibibigay sa 'yo ang sa amin," matigas na sambit ng Head Mistress. Napangisi naman si Rama ganoon din si Laxamana.
"So, she's really here."
Lumakas ang kabog sa dibdib ni Minikki. Hindi niya alam kung mananatili ba siyang nakakubli o haharapin na ang kapalaran niya. Muli niyang naalala na nasa kamay nito ang kaniyang pamilya. Umigting sa kaniyang kalooban ang galit. Lalo na't naiisip niyang posibleng pinahihirapan nito ang kaniyang ina, lolo at lola.
"Kapag hindi ninyo ibinigay sa akin ang babae, mamamatay ang kaibigan ninyong si Kireina at maging ang lugar na ito'y maghihinagpis at babaha ng dugo," banta ni Rama na siyang ikipinanlumo lalo ni Minikki.
Saglit na katahimikan ang namagitan sa dalawang grupo. Malakas na ihip ng hangin ang dumaan sa pagitan nila. Maging ang kalangitan ay nakikisabay sa tagpong iyon. Unti-unti nang kumukulimlim. Malalakas na kulog at kidlat ang dumadagundong na mas lalong nagpapakaba kay Minikki.
"Lavinia, ibigay na natin sa kanila si Miss Umali," sabat ni Professor Selene.
"Ano ba ang iyong sinasabi, Professor Selene? Nababaliw ka na ba?" singit naman ni Mrs. Ruby.
"Kung iyon ang gusto nila, para matapos na ang kaguluhang ito," dagdag pa ni Professor Selene.
"Hindi maaari. Hindi ako papayag," sambit naman ni Professor Gener.
"Bakit hindi? Kung hindi na sana pa lumitaw ang babaeng nasa cronica, hindi na sana nangyari pa ang lahat ng ito! Bakit ba natin kailangang protektahan ang isang babaeng wala namang ibang kayang gawin kundi maglaho na parang bula katulad ngayon. Nasaan siya? Ni hindi niya tayo magawang tulungan!"
"Professor Selene, tumahimik ka na!" saway ni Mrs. Ruby. "Kung ayaw mong lumipad sa 'yo 'tong hawak ko!"
"Bakit? Gusto mo bang maging bato?" mataray namang tanong ni Professor Selene.
"Magsitigil na kayo," utos ng Head Mistress.
"Lavinia, pakinggan mo ako. Bakit kailangan nating ipagpalit ang lugar na ito para lang sa kaligtasan ng babaeng iyon? Huwag na tayong umasa pa. Wala namang silbi ang babaeng iyon. Mauuna pa yatang mamuti ang mga mata natin bago mahanap ni Miss Umali ang cronica."
Minikki felt a huge disgrace in herself but those painful words are burning up the flame insde her. It was like a roaring sound that produced her to prove herself.
"Magsitigil kayo! Nakakalimutan niyo yatang narito pa ako," wika ni Rama. "Are you trying to distract me? Kung hindi ninyo siya ihaharap sa akin, mapipilitan akong wasakin ang lugar na ito."
Nagkatinginan si Professor Selene at Head Mistress na tila ba nag-uusap kung ano pang paraan ang maaari nilang gawin.
"Nandito siya!" Nakuha ni Alvina ang atensyon ng lahat.
"Nandito ang babaeng hinahanap mo!" sigaw pa ni Alvina habang pinagkakanulo si Minikki sa mga kalaban. Hinila siya nito mula sa dulo papunta sa gitna.
"Minikki..." tawag ni Professor Gener nang makita ang kaniyang estudyante na hawak hawak ni Alvina.
"Anong ginagawa mo, Miss Alvina?" pahabol na tanong ni Mrs. Ruby.
"This is the right thing to do. Tama si Professor Selene, we should just give them what they wanted. We shouldn't compromise this place to someone like her, na useless."
"Alvina!" sita ni Professor Selene.
Tinulak ni Alvina si Minikki sa harap ni Rama. Kitang-kita sa mukha ni Rama ang galak na nasa harap niya na ang babaeng matagal niya nang hinahanap. Ang babaeng makapagbibigay sa kaniya ng malaking kapangyarihan.
"Genesis..." sambit nito bago sumenyas sa mga PNG na kunin ang dalaga.
Huminga nang malalim si Minikki bago kinuha ang pana niya. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin habang inaalala ang kaniyang ina na nasa kamay ngayon ni Rama.
"Nasaan si ina?" lakas-loob na tanong ng dalaga.
Ngumisi naman si Rama.
"Why? Do you want to go to her?"
"Pakawalan mo ang pamilya ko!"
Inasinta niya ang pana kay Rama at mabilis itong binitiwan. Mabilis naman iyong naharang ni Laxamana. Malakas na tawa ni Rama ang umalingawngaw sa buong field.
"You have the guts to show me your power," komento ni Rama bago ginaya ang kapangyarihan nito. Mas mabilis siyang nakagawa ng liwanag at pana na siyang itinapon niya sa dalaga. Mabuti na lang at nakontrol iyon ni Lavinia Chandler upang hindi tuluyang tumama sa kawawang si Minikki.
Ngunit masyadong malakas si Rama sa panggagaya ng kapangyarihan dahil kaya niya ring kontrolin gamit ang kaniyang mga mata ang palasong iyon upang pumunta kay Minikki.
"Rama!"
Natahimik ang lahat nang mapansing nahati sa dalawa ang espada ni Laxamana na siyang iniharang niya kanina sa palasong ibinato ni Minikki.
Natinag si Rama kung kaya't nawala ang kaniyang konsenstrasyon. Naglahong parang bula si Minikki at sa isang iglap ay nasa likod na siya ni Rama.
Lahat sila ay nagulat sa nangyari. Napalingon silang lahat kay Minikki na ngayo'y nakatitig sa likod ng puno ng PNG. Nakaasinta ito sa lalaki.
"Nasaan si ina?" galit na tanong ni Minikki. "Ilabas mo si inw!"
Lalong lumakas ang ihip ng hangin. Ganoon din ang kulog at kidlat sa kalangitan. Nagkaroon na rin ng mga ipo-ipo. At ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Isang dahilan para matigil ang labanan.
Ngunit doon pa lamang nagsisimula si Minikki. Nagliwanag ang kaniyang mga mata at unti-unting umaangat ang kaniyang paa sa lupa. Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nasasaksihan. Tila ba hindi na si Minikki ang kanilang kaharap.
"Saan mo dinala si ina?!" sigaw pa nito kasabay ng paglikha niya ng malaking liwanag at itinira iyon kay Rama. Tumalsik ang kalaban at umubo iyon ng dugo. Hindi makapaniwalang may kapangyarihan pa rin si Minikki kahit na umuulan.
"P-paanong—?" tanong ni Mrs. Ruby habang nanghihina na rin sa gitna ng kawalan. Ganoon na rin ang mga PNG. Nawawalan na rin ng lakas at tanging si Minikki na lamang ang nakatayo nang maayos.
"Rama!" sigaw ni Laxamana bago niya pilit na pinuntahan ang kaniyang kapatid upang alalayan.
"Nasaan ang pamilya ko?!" sigaw ni Minikki bago siya muling naglabas ng puting liwanag at akmang ititira kay Laxamana nang humarang si Miss Evergreen.
"Minikki!" sigaw nito upang pigilan ang dalaga ngunit tila ba walang naririnig si Minikki at hinawi si Miss Evergreen dahilan upang ito'y bumagsak sa lupa.
"Minikki!" pigil ni Professor Gener ngunit totoong malakas ang dalaga at hindi mapipigilan. May kung anong lakas ang ibinibigay sa kaniya ng ulan at hindi niya na makontrol pa ang sarili.
"Kayo! Lahat kayo walang tiwala sa akin! Kung ituring niyo ako'y parang wala akong kakayahang tumulong! Akala ko iba kayo sa labas! Ganoon din pala kayo. Mamaliitin niyo rin ako at ituturing na mahina! Para saan pa't ipinanganak ako sa mundo kung pahihirapan lang din naman ako? Bakit pa ako binuhay kung araw-araw kong mararamdaman ang pagkamatay? Pang-aapi! Na kahit sa mundong ito, wala akong magawa!"
Natahimik ang lahat. Iba ang boses ni Minikki. Hindi na siya makilala ng marami.
"Mabuti pang hindi na lamang ako nabuhay kung ako ang magiging dahilan ng kaguluhang ito. Sana namatay na lang ako."
At sa isang iglap, isang malaking liwanag ang pumalibot sa buong Occoii University. Sumabog ito at kasabay no'n ay ang paglaho ni Minikki katulad ng isang pagsabog ng liwanag noong siya'y isilang.
Hindi huminto ang ulan simula ng araw na iyon. At hindi na rin nakita si Minikki ng Occoii University.
***
"Hindi mo ba patitigilin ang ulan?" tanong ni Zea. Nagulat siya nang bigla itong nagpakita sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa isang lugar kung saan malapit ang mga ulap. Puti ang bumabalot sa kapaligiran na tila ba nakatayo sila sa langit.
"Malapit nang kainin ng baha ang Occoii University," dagdag pa nito.
"Ako ba ang sanhi ng ulan?" tanong ng dalaga habang hinahawakan ang mga matang namumugto sa kaiiyak.
"Pwedeng oo, pwedeng hindi."
Kumunot ang noo ni Minikki lalo na sa sunod na sinabi nito. "Bumalik ka para malaman mo."
"Hindi na ako babalik," matigas na sabi ng dalaga.
"Bakit?"
"Ang pagbalik ko ang sanhi ng kaguluhan."
"Hindi, Genesis. This is bound to happen. You need to return. You're bound to return."
Minikki frowned as she tried to believe Zea but it couldn't be helped. It was not convincing.
"Sana tiniis ko na lang ang pang-aapi sa labas. Sana hanggang ngayon ay kasama ko pa rin si ina."
"Then, Occoii University will end." Napatingin si Minikki sa babae. "Didn't you notice how powerful Rama is? He can do what others do. And he still wanted to get the chronicles because of his greed for power. He hated the university and so he chose to break the moratorium to start a war. And you are the only one who can end this. Through your light..."
Muling tumulo ang luha mula sa mga mata ni Minikki. Naalala niya ang mga mukha ng bata roon sa underground alley. Naiisip niya kung maghahari ang kasamaan sa mundo, paano na ang mga batang iyon?
"Kung gano'n, anong gagawin ko? Si ina, paano ko maliligtas si ina at ang pamilya ko. Paano ko maliligtas ang paaralang iyon? Paano kong mahahanap ang cronica? Paano ko matatalo si Rama at ang PNG?"
"Imulat mo ang iyong mga mata, Minikki. Ikaw ang babae sa cronica. Ang pangalan mo ang nakasulat sa makapangyarihang libro. Mayroon kang natatanging kapangyarihan na galing sa cronica. Kaya mong hanapin ang mga bagay na nawawala. I told you, you found me."
Kumunot ang noo ni Minikki lalo na nang lumalit ito sa kaniya. "At matagal mo na ring nakita ang cronica, Minikki. You just need to touch it."
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Minikki. "A-anong ibig mong sabihin?"
"Nakita mo na ito. Noong unang beses mong itapak ang mga paa mo sa Occoii University," paliwanag ni Zea na naging dahilan ng malakas na kabog ng puso ni Minikki.
"Kung gano'n alam mo kung nasaan? Nasaan?"
Umiling si Zea. "Ikaw ang nakakaalam kung nasaan ito. Bumalik ka sa simula para ito'y iyong masilayan at mahawakan."
Nakatitig lamang si Minikki sa babaeng kaharap niya habang pinipilit na intindihin ang tinuran ng dalagang nasa harap niya.
"Kailangan mong bumalik sa Occoii University para tuluyan mong makuha ang cronica, bago pa ito makuha ng iba. Lalo ngayong malaya nang makakapasok at makakalabas ang persona non grata dahil sinira nila ang kasunduan. Minikki, kapag napasakamay mo na ang cronica, iyong mapapangalagaan ang kapayapaan sa mundong ito. Hindi na kayo gagambalain pa ng kung sinomang gustong gumamit ng libro sa kasamaan. Magiging masaya na ang lahat at magkakaroon ng lugar ang mga taong nawalan ng pag-asa sa labas. Minikki, ikaw lang ang makagagawa no'n."
"Bakit ako? Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa ang napili?" sunod-sunod na tanong ni Minikki.
"Dahil mahal ka ng taong lumikha ng cronica."
Natigilan si Minikki at dagling tumingin kay Zea. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya na alam ang dapat pang sabihin sa mga oras na iyon.
"Kaya't bumalik ka na sa Occoii University, Minikki. Huwag mong biguin ang taong pumili sa iyo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top