Chapter 42: Endless Battle

Namangha si Minikki sa mabilis na pagkilos ng mga guro para maprotektahan ang kanilang mga estudyante. Ang kapangyarihan ng mga guro na ngayon lang niya masasaksihan.

"Minikki, sumama ka sa 'kin." Hinila ni Miss Evergreen si Minikki sa isang sulok upang kausapin.

"Ano bang nangyari? At saan ka nagtungo?" tanong nito na puno ng pag-aalala sa dalaga. Pinagmasdan niya pang maigi si Minikki.

Buong loob na inamin ng babae ang kaniyang nakita roon sa labas. "Napunta po ako sa labas, Miss Evergreen. Doon ko nalaman na nawawala si Ina at napatunayang kinuha siya ng PNG. Kinuha nila si ina para makuha ako," pag-amin nito habang nanginginig sa pag-aalala.

"Paano mo nalaman? May nakasalamuha ka bang PNG?" tanong pa ni Miss Evergreen.

Tumango ang babae. "Opo pero hindi nila ako nakita. Dalawa sila at isa ay kayang magpalit ng anyo. Ginaya niya ang mukha ni ina. Muntikan na akong lumapit sa kaniya."

Naging malamlam ang mukha ni Miss Evergreen nang marinig iyon. Nagngingit rin ang mga ngipin niya. "Si Sanchez at si Cordova," usal nito.

"P-po?"

"Delikado ang dalawang magkaibigan na iyon. Sila ang kanang kamay ni Rama at Laxamana. Sanchez is a shapeshifter while Cordova can do camouflaging. He can change his skin color to disguise himself," paliwanag ni Miss Evergreen.

Napahawak sa bibig si Minikki. Kung nagtagal pala siya roon ay siguradong hindi na siya makakabalik pa sa Occoii University. Baka tuluyan na siyang nakuha ng dalawa at nadala kay Rama at Laxamana. Lalo pa't ginamit ng isa sa mga ito ang mukha ng kaniyang ina na para bang alam nila na nakalabas si Minikki at ginagawang pain si Kireina para makuha ang dalaga.

"At mukhang narito rin sila," wika ni Miss Evergreen bago tumingin sa labas ng bintana. "Let's go, Minikki. They need our help," matigas na sabi nito na kababakasan din ng katapangan sa kaniyang pananalita.

Minikki let out a deep breath as she tried to feel her power. In a second, she summoned a light on her hand and it became a bow.

Sinundan ni Minikki palabas ng Grand Office si Miss Evergreen pero agad itong nawala sa kaniyang paningin. Hinanap niya ito sa paligid pero hindi niya nakita.

Halos mawalan siya ng hininga nang masilayan niya ang malaking kaguluhan sa harap niya. Mga nagtatakbuhang estudyante. Kaliwa't kanang sumisigaw. Lalo na ang mga batang pumapalahaw sa iyak. Nakakaawa. Napakaraming persona non grata ang nagkalat sa buong Occoii University. Hindi iyon inaasahan ni Minikki. Tila ba kaya silang lamunin nang buhay ng mga ito.

Napakagat sa labi si Minikki at sa sandaling iyon hindi niya alam ang gagawin. Punong-puno siya ng takot at pangamba. Ito ang unang beses niyang makakakita ng kaguluhan sa gitna ng napakatahimik na lugar. Ngunit hindi siya marapat na tumigil lang at walang gawin.

Hawak ang pana at suot ang finger tab, sinimulan niyang magpaulan ng palaso at inasinta ang mga PNG na humahabol sa mga batang taga-Occoii University. Tila ba may sariling kapangyarihan ang kaniyang mga palaso dahil walang hindi dumaplis sa mga ito. Lahat sapul sa ulo.

Muling napabuntong-hininga si Minikki. Hindi sila nagpunta rito para sa wala. Kaguluhan ang gusto nila at isa pa, ang babae sa cronica.

"Ang babae sa cronica!" sigaw ng mga lalaki nang makita si Minikki. Agad siya nitong hinabol at wala siyang nagawa kung hindi ang tumakbo palayo dahil nakuha niya na ang atensyon ng marami. At kapwa ang mga ito'y nagsisunod sa kaniya.

"Kailangan natin siyang makuha!"

Gusto niyang maglikha ng liwanag upang maging lagusan ngunit hindi siya maaaring tumakas na lang muli. Kailangan ng tulong niya ng lugar na ito.

Hinabol siya ng mga PNG at nakita niya kung paanong ang isa ay pinaulanan siya ng bato. Nagulat si Minikki nang humarang si Mrs. Ruby, at gamit ang malaki nitong spiked bat ay pinalo nito ang mga bato pabalik sa mga kalaban.

Halos ngumanga sa paghanga ang dalaga nang makita ang itsura ni Mrs. Ruby, ibang-iba sa tipikal na itsura nito tuwing nagka-klase. Ngayon ay nakasuot ito ng makapal na armor at kung titingnan ay nakakatakot dahil para bang dumoble ang laki nito at bawat yabag ay yumayanig ang kalupaan.

"Minikki, mag-ingat ka! Hindi biro ang mga batong iyon!" sigaw ni Mrs. Ruby bago muling hinawi ang mga kalaban. Agad niya ring nasilayan si Miss Nembraida bago ito nagbago ng anyo. Mula sa pagiging tao ay naging isa itong malaking sawa na bumubuga ng asido. Binubugahan ang mga persona non grata na humaharang sa kaniya. Nalulusaw ang mga parte ng katawan na nasasabuyan ng asido. Sapat na sana para mabawasan nang malaki ang grupo ng mga kalaban ngunit tila ba maging sa ganoon ay handa ang mga ito.

"Hulihin ninyo!" Pinakawalan ng mga PNG ang malaking lambat kung kaya't nahuli agad nila si Miss Nembraida na ngayon ay nagbalik na muli sa pagiging tao. Isang lambat na kayang magpahina sa isang uri ng kapangyarihan.

"Hindi!"sigaw ni Minikki at akmang tatakbo papunta roon nang bigla ring umangat ang lambat.

"Boys!" entrada ni Professor Selene bago hinawi ang buhok niya at ngumiti sa mga ito. Iniwas ni Minikki ang kaniyang mga mata. Alam niyang hindi siya nararapat tumingin roon.

Nabaling na lamang ang kaniyang mga mata sa Head Mistress na naglalakad para tulungan si Miss Nembraida. Ito pala ang nag-angat ng lambat habang tinititigan lamang. Telekinesis.

Malakas na halakhak ni Professor Selene ang nagpalingon muli kay Minikki at doon niya nakita ang mga lalaking hindi na makakita dahil sa pagtitig sa makintab na buhok ni Professor Selene. The guys were crying in disbelief of how they ended up just by looking at the woman's hair.

Agad na ibinalik ni Professor Selene ang kaniyang malapad na sombrero bago tinulungan ang Head Mistress na alalayan si Miss Nembraida.

Papatakbo na si Minikki upang lapitan ang mga ito nang may kumapit sa kaniya. "Minikki? Anong ginagawa mo rito?!" bakas ang galit sa tono ni Professor Gener. "Magtago ka! Hindi ka dapat makuha ng mga PNG!"

Napakunot ang noo ni Minikki at bahagyang nakaramdam ng inis. "B-bakit ako magtatago?" tanong niya.

"Dahil ikaw ang pakay nila. Hindi nakatutulong na nandito ka, Minikki! Magtago ka na. Gamitin mo ang kapangyarihan mo para magtago! Sige na!"

Umiling si Minikki. "H-hindi pwede! Hindi ko kayo iiwan!"

"Minikki! Makinig ka sa akin." Hinawakan ng propesor ang magkabilang balikat ng dalaga. "Sundan mo ang mga bata. Papunta sila sa underground alley. Samahan mo sila. Protektahan mo sila roon. Sige na!"

Napakagat sa labi si Minikki. Hindi niya gustong iwan na lamang ang mga ito na ibinubuwis ang buhay para sa kaniya. Labag man sa loob ay wala nang nagawa si Minikki kundi ang sumunod na lamang sa guro. Iniwan na siya nito at nagpatuloy sa pagprotekta sa ibang mga kabataang nakikipaglaban na rin. Nakita niya pang ginamit nito ang pana at espada nang salit-salitan.

Napatigil siya sandali. All of the Chuffer, Acer, Defender and Dreamer are fighting for her and for this university. Kapwa nag-aalay ng kanilang buhay para lang protektahan ang lugar na ito sa biglaang pagsugod ng mga kalaban. She can't help but to feel disappointed to herself. She is the lady in the chronicles but she was not allowed to be seen to not be captured by them. Hindi niya alam kung tama bang magtago na lang.

Tumakbo si Minikki papunta sa mga bata. Maging ang mga ilang kabataang hindi pa nalilinang ang mga kapangyarihan ay tinulungan niyang makapunta sa underground alley. Nakita niya rin si Saturnino na abala rin sa pag-alalay sa mga kabataan na walang kamuwang-muwang sa nangyayari.

Naalala ni Minikki ang mga katulad niyang kabilang sa dreamers. Ang mga batang maaaring hindi pa rin natutuklasan ang kanilang kakayahan. Hindi nila kayang protektahan ang sarili nila mula sa kalunos-lunos na pangyayaring ito.

"Tingin ko'y narito na ang lahat," komento ni Saturnino.

Pinasadahan ni Minikki ng tingin ang kabuuan ng underground alley. It was dark and stiffy. Nasa ilalim sila ng malaki at mahabang tulay na nagdudugtong sa Occoii University at Buried Emporium. The only thing that lights up the whole area was those torches on the walls. This place felt safe and secure for the children whose cries are echoing in despair but it never fades the fear as they are anxiously waiting for the battle to finish.

Bumibigat din ang paghinga ni Minikki lalo't naririnig niya rin ang mga ingay ng pagkalansing ng espada at ng kung ano-ano pa mula sa labanang nagaganap pa rin hanggang ngayon. Para bang hindi nauubos ang mga kalaban.

Nanunuot sa kaniyang puso ang hindi mapakaling pakiramdam.

"Ito na ba ang katapusan natin?" tanong ng isang bata na dahilan upang mapalingon ang lahat. "Gusto ko pang makita ang nanay at tatay ko. Hindi tayo pwedeng mamatay rito."

"Sino ba sila? Bakit nila tayo sinasaktan?" tanong naman ng isang dalaga.

"Bakit sila sumugod? Anong kailangan nila sa atin?"

"Sila ang PNG. They are after her."

Tinuro ng bata si Minikki at lahat ng atensyon ay napunta sa kaniya.

"Huwag kayong mag-alala, matatapos din ito. Magiging maayos din ang lahat," sambit ni Saturnino.

"Paano kung hindi? Paano kung tuluyan nang masira ang lugar na ito?"

"Oo nga! Wala pa naman ang Alpha Team!"

Napayuko si Minikki. Tama, wala sila Haylan, Gellie at Jaeson dito. Na siyang mga pinili dahil may kani-kaniyang lakas na makipaglaban sa mga masasamang tao.

"Huminahon kayo. Hindi makatutulong kung magtatalo tayo rito," pahayag pa ng presidente ng asosasyon. Sandaling katahimikan ang pumuno sa buong alley. Ngunit ang katahimikang iyon ay lalong nagdudulot ng kabalisahan sa bawat isa. Maging kay Minikki.

"Hindi ba't ikaw ang babaeng nasa cronica?" angal ng isa pang dalaga. "Bakit nandito ka? Bakit wala kang ginagawa?"

Parang pinana ang puso ni Minikki dahil sa tanong na iyon.

"Are you scared?"

"Then we must be really scared too."

Muling lumakas ang pag-iyak ng ibang mga bata. Lalong nakaramdam ng pangamba si Minikki at napatingin na lamang kay Saturnino. Gusto man niyang lumabas ay wala siyang magawa dahil iyon ang iniutos sa kaniya ni Professor Gener.

"Wala ka bang kakayahan? Hindi mo ba kayang talunin ang PNG?"

Hindi nakasagot si Minikki. Muli na namang bumabalik sa kaniyang alaala ang mga pang-aapi sa kaniya roon sa labas.

"Tumahimik ka! Siya ang tumulong sa akin! Kayang-kaya niyang talunin ang mga iyon! Siguradong may dahilan lang kaya siya narito!" singit ng isa at namukhaan iyon ni Minikki. Iyon ang tinulungan niya.

"At ano naman 'yon? Dahil naduduwag siya? Anong silbi ng cronica na nagsasabing siya ang simula ng bagong simula at tatapos ng matagal nang nagwakas kung narito siya at nagtatagong kasama natin?"

"Oo nga! Bakit hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang cronica? Siya ba talaga ang nasa libro?"

"Ikaw ba talaga ang magliligtas sa amin?"

"Ikaw ba talaga?"

Hindi niya inaasahang maririnig iyon sa mga kabataan. Pinunasan ni Minikki ang luha sa kaniyang pisngi na hindi niya namalayang tumulo na pala kanina. Malaki ang takot sa kaniyang dibdib. Nilalamon siya nito lalo na't nakikita niyang tinitingnan siya ng mga kabataang nasa harapan niya ngayon. Lahat ng ito'y nakatingin sa kaniya. Maging ang mga batang umiiyak kanina ay huminto na rin at nasa kaniya lamang ang atesyon. Puno ng pagsusumamo.

"Kung ikaw talaga ang babaeng nasa cronica, patunayan mo sa amin. Kailangan ka namin."

Rinig niya ang puso niya. Malakas ang kabog. Nag-iinit. Gustong kumawala. Gustong lumaban.

"Huwag mo silang pakinggan, Minikki. Huwag kang lumabas."

Ngunit imbes na sundin ang sinabi ni Saturnino ay biglang may lumitaw na liwanag. Tila ba tinatawag siya nito.

Naglaho si Minikki sa kanilang harapan at sa isang sandali ay napunta sa field kung saan naroon ang mga guro at ang grupo ng PNG. Pati na rin ang bagong parating na si Rama at Laxamana.

"Itigil mo na 'to, Rama!" sigaw ni Miss Evergreen at saka niya ipinagapang ang mga ugat ng halaman sa katawan ni Rama. Binalutan niya ito ng halaman ngunit agad rin itong nasira ni Laxamana na siyang may kapangyarihang maging mabilis at gamitin ang hawak niyang espada.

"Tumahimik ka!" Ginaya ni Rama ang kapangyarihan ni Miss Evergreen at ginamit rin ito laban sa kaniya. Halos hindi makahinga si Miss Evergreen nang balutin siya ng kaniyang sariling halaman. Agad naman iyong hiniwa ni Professor Gener gamit ang kaniyang espada bago paulanan ng pana ang kalaban ngunit bigla din iyong bumalik sa kanila nang gayahin ni Rama ang kapangyarihan niya. Mabuti na lamang at pinalo iyon ni Mrs. Ruby kung kaya't hindi natamaan ng pana ang dalawang guro. Tinulungan ni Mrs. Ruby na makatayo si Miss Evergreen.

"Give me the lady," wika ni Rama sa ilalim ng kaniyang malamig na boses. Matalim ang mga mata nito na tila ba nanghihipnotismo na sundin ang utos niya.

"Hindi ko ibibigay sa 'yo ang sa amin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top