Chapter 41: Broken Moratorium

Bumuhos ang malakas na ulan dahilan para mas lalo ring lumakas ang agos ng tubig sa ilog. Tinatangay ng agos ang katawan ni Minikki papunta sa mga batuhan. Mas lalo pang nadadagdagan ang kaniyang mga pasa dahil tumatama ang kaniyang katawan sa malalaking batong nakakalat sa ilog. Wala na siyang lakas para pumiglas sa mga lubid na nakatali sa kaniyang kamay at paa. Unti-unti siyang nauubusan nang hininga nang sa isang iglap, muli siyang nakakita ng liwanag. Nagdalawang-isip pa siya kung ito ba ay ang lagusan patungo sa ninanais niyang lugar or patungo sa kabilang buhay.

Sa isang kisapmata, bumagsak siya sahig...sa lupa kung saan nakatayo ang Occoii University. Malapit sa fountain ng mystical lady. Naramdaman niyang may tumulong sa kaniya ngunit tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita niya ang isang babae. Si Zea, ang misteryosang babae na nakilala niya roon sa archery field.

"You're awake. You've been sleeping for three days now," sambit nito.

Bumangon si Minikki mula sa kaniyang kama. Nakita niya ang mga nakabendang parte ng kaniyang katawan. Hinawakan niya iyon at tama nga siya, wala na ang sugat at pasang natamo niya mula sa pananakit ni Andrea. "Tatlong araw?" nagtatakang tanong ni Minikki.

"Yes, I saw you lying beside the mystical lady. Nakatali ang mga kamay at paa mo pati na rin ang ulo mo, may balot ng plastic."

Napabuntong-hininga si Minikki nang maalala niya ang kaniyang sinapit sa labas ng Occoii University. Ang muntik niya ng kamatayan sa kamay ni Andrea. Napatingin siya kay Zea. "Ikaw ang tumulong sa akin?"

Tumango ito. "P-paano? Hindi ba't hindi tayo pwedeng maglapit?"

"You were drenched of rain so..."

Kumunot ang noo ni Minikki. "Ibig sabihin, hindi ka rin nanghihina sa ulan?"

"Hindi ka rin? You mean, hindi ka rin nanghihina sa ulan?" tanong ni Zea rito. Napanganga si Minikki dahil napagtanto niyang pareho sila nito. Isa-isa niya tinanggal ang kaniyang benda at nakita ni Zea na wala nang bahid ng kahit na anong kasarinlan sa balat ng dalaga.

"Rain heals us...it is our arsenal of powers."

"Pero bakit nanghihina sila rito kapag umuulan? Bakit tayo hindi?"

Muling bumalik sa kaniyang alaala ang nabanggit nito noon na hindi siya nag-aaral dito sa Occoii University. "Nangangahulugan ba iyong galing ka sa ibang dimensyon? O sa ibang panahon?"

Ngumisi si Zea. Tila ba sapat na ang pagngiti niya bilang sagot sa mga tanong ng dalaga. "What happened to you? Why are you lying there looking full of bruises and wounds?"

Napabuntong-hininga si Minikki ngunit ayaw niya nang sabihin pa rito ang buong nangyari. May mas kailangan siyang ipaalam. Tama. Muntikan niya nang makalimutan.

"Kinuha nila si ina, Zea, pati na rin ang lolo't lola ko. Kailangang malaman ng grand office ang nalaman ko."

Dalawang pangungusap ngunit alam na ni Zea ang ibig sabihin.

Agad na tumayo si Minikki at lumabas ng kwarto ngunit natigil siya sa paglalakad nang mapansin ang mga kabataang nakagayak ng mga mamahaling bestida at polo na tila ba pupunta sa isang engrandeng pagtitipon. Ang Association Ball. Doon lamang napagtanto ni Minikki na ito na ang huling gabi ng Association Week kung saan lahat ng mga estudyante ay inaanyayahang magsaya at maging malaya.

Hindi siya nakagayak pero pinagtitinginan siya ng mga tao. Napakamot na lang siya sa ulo at piniling lampasan ang mga iyon.

Walang mga guro sa paligid kahit ang mga presidente ng associations ay wala rin. Sa dami ng mga estudyanteng nagkalat sa university ay imposibleng makita niya rin ang kaniyang mga kaibigan na si Gellie at Jaeson.

Nagdesisyon siyang dumeretso na sa Grand office. Hinarang pa siya ng mga defenders sa unahan ngunit nang sabihin niyang may impormasyon siya tungkol sa PNG ay agad naman siyang pinapasok ng mga ito.

Nakita niya ang mga guro doon na may tila ba seryosong pinag-uusapan.

"Si Mauricio lang ang makakatulong sa atin. Siya ang pinakamalakas na Dreamer."

"Ngunit matagal nang hindi nakikita si Mauricio. Bali-balita noon na nahanap niya ang cronica at balak niyang sirain ito upang hindi mailagay sa kapahamakan ang kaniyang anak."

"Baka mahanap siya ni Minikki. Hindi ba't iyon ang sabi sa cronica? Siya ang makakahanap sa mga nawawala."

"Walang magagawa si Minikki. Tanging pagpapalabas lang ng lagusan ang kaya niyang gawin. Napanood niyo ba ang ginawa niya sa kompetisyon ko?" pangongontra ni Professor Selene. "Mabuti pang hayaan na natin ang Alpha Team na humanap sa cronica."

"Ngunit narinig niyo ba ang balita na niligtas ni Minikki ang isang batang babae? Nakapagpalitaw siya ng pana at mabilis din siyang nakakapunta sa isang lugar. Lumilitaw na parang bula," paliwanag naman ni Mrs. Ruby.

"Pero nasaan siya ngayon? Imbes na mag-focus ang Alpha Team sa paghahanap ng cronica ay naroon sila sa labas para hanapin din ang babaeng sanhi ng kaguluhang ito. Ano ba kasing pumasok sa isip ni Minikki at lumabas siya? Hindi ba't ipinagbabawal mo iyon? Karapatdapat na maparusahan ang babaeng iyon dahil kung hindi rin lang sana sila sumuway at pumunta sa Prohibited Garden, Rama and Laxamana wouldn't know her existence."

Napaatras si Minikki ngunit huli na para umalis pa siya.

"Minikki!" pagtawag ni Professor Gener sa kaniya nang buong pag-aalala. Napatayo pa ito mula sa kinauupuan. Napalingon ang mga guro sa dako ni Minikki. Lahat ay nagulat nang dumating ang dalaga.

"Miss Umali, where have you been?" tanong ni Miss Evergreen at saka lumapit sa dalaga. Hinawakan nito ang mga kamay ng dalaga. "You experienced a lot of pain these past few days, aren't you?"

Minikki bit her lip but still kept it a secret. "Don't worry. I'll heal your inner wounds."

Nakaramdam ng kaginhawaan sa loob si Minikki. Hindi niya alam na gagaan ang pakiramdam niya dahil sa ginawa ng guro. Ngunit mapapansin ang pag-usbong ng maliliit na kulubot sa kamay ni Miss Evergreen. Hinawakan iyon ni Professor Gener na para bang pinipigilan na ito sa paggagamot kay Minikki.

"Minikki, anong nangyari sa 'yo? Saan ka galing?" sunod-sunod na tanong ni Professor Gener na naging dahilan ng pagtulo ng luha ni Minikki. Hindi niya na natiis pa at sinabi niya na ang pakay niya sa pagbabalik sa lugar na ito.

"Kinuha nila si ina, professor," sambit ng dalaga habang sinusubukang patatagin ang kaniyang loob.

"Nila? A-anong ibig mong sabihin?"

"Kinuha ng mga PNG si ina. Kinuha nila ang pamilya ko. At balak din nilang lumusob dito sa oras na lumabas ang Alpha Team."

Napatayo ang Head Mistress sa balitang iyon. "Ang Alpha Team," bulalas pa niya.

Pare-pareho silang napatingin sa pintuan nang dumating ang president ng student association na si Saturnino Uvas. "Nakalabas na po ang Alpha Team, Head Mistress para hanapin si Miss Umali pati na rin ang cronica," balita nito ngunit agad na napakunot ang noo nang makita si Minikki. Magsasalita pa sana ito nang may estudyanteng kumakaripas ng takbo papunta sa kanila. Ang mga defenders na nagbabantay sa labas.

"Professors! Nilulusob tayo ng PNG! Pumasok sila sa Arch of Utopia!"

Naalarma ang lahat sa ibinalita ng estudyante. Makikita sa bintana ang mga batang nagsisitakbuhan sa field para lumayo sa paparating na grupo ng persona non grata. Ang iba naman ay lumalaban na sa mga ito.

"A-anong gagawin natin, Head Mistress?" tanong ng ilang guro na ngayo'y hindi na rin magkamayaw sa pag-aalala. "Wala ang Alpha Team!"

"I think, it's time to show them the pioneer Alpha Team."

Nag-igting ang panga ng Head Mistress nang tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan. Napangisi naman si Mrs. Ruby sa tinuran ng Head Mistress. "Matagal nang hindi nababanat ang buto ko, Lavinia. Hindi ko alam na darating ang araw na makakasuntok ulit ako," sambit ni Mrs. Ruby habang pinapatunog ang mga buto sa kaniyang daliri bago sumuntok sa hangin.

"Parang kahapon lang noong dinudurog ko ang mga kalaban sa angkin kong ganda," wika naman ni Professor Selene bago tinanggal ang kaniyang malaki at malapad na sumbrero. Lumadlad ang napakahaba nitong itim na buhok na kumikintab sa ganda.

"Huwag kang tumitig sa kaniya nang matagal," komento ni Saturnino sabay harang ng kamay sa mata ni Minikki. "Kung ayaw mong mabulag."

Napansin ni Minikki ang pag-iwas ng mata ng lahat ng taong naroon sa loob ng Grand Office kay Professor Selene.

"Iligtas na natin ang mga bata," wika ni Miss Nembraida. "Katulad ng dati."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top