Chapter 40: Downpour is a Blessing

Unti-unting iminulat ni Minikki ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang sahig. Hindi siya makakilos dahil nakadapa siya habang ang kamay niya ay nakatali sa likuran at ganoon din ang kaniyang mga paa. Kahit anong pilit niyang pagpupumiglas ay wala itong saysay. Tanging ungol lang sa ilalim ng telang nakatakip sa kaniyang bibig ang kaniyang nagagawa.

"Sa wakas, nagising na rin ang prinsesa ng mga pangit." Narinig niya ang boses ni Andrea kasabay ang mga yabag ng paa na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Marahas na hinila ni Andrea ang buhok ni Minikki para magkita sila nang mukhaan. Isang mapaglarong ngiti ang ibinigay niya sa dalaga.

"Tingnan mo, viral ka." Ipinakita ni Andrea ang video sa cellphone kung saan kitang-kita kung paano siya sinasaktan ng babaeng kaharap niya ngayon. Masakit sa mata. Nakakadurog ng puso. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siyang wala ang pamilya niya rito para mapanood 'yon dahil alam niya at sigurado siyang mas masasaktan ang kaniyang ina kapag nakita ang video.

"Mabuti pa, gumawa ulit tayo ng video," sabi ni Andrea bago nagset-up ng camera sa harap ni Minikki.

"Boys! Come here, she's ready," tawag ni Andrea sa mga lalaking binayaran niya para pagsamantalahan si Minikki. Lumapit ang mga ito sa dalaga at hinaplos-haplos siya ng mga malalaking lalaki.

Nagpupumiglas naman si Minikki at patuloy ang pagsigaw ngunit impit na boses lamang niya ang naririnig.

"Ako muna pre," sambit ng isa na sinunod naman ng dalawa niya pang kasama. Binuhat ng dalawa si Minikki at isinalampak patihaya sa sahig. Malalakas na tawa ang napuno sa bodegang iyon.

Walang nagawa si Minikki kundi ang umiyak. Kahit anong laban niya at paglihis sa mga ito ay mas malakas ang tatlo kaysa sa isa.

Natanggal ang busal sa bibig ni Minikki dahilan para makagat niya ang isang lalaki.

"Aray!" sigaw ng lalaki sabay ganti ng malakas na sampal kay Minikki. "Akala mo kagandahan kung maka-ayaw! Magugustuhan mo rin naman 'to!"

Dinuraan ni Minikki ang lalaki kung kaya't kinapitan nito ang buhok ng dalaga. Binatak ito ng pagkalakas. Napapikit na lamang si Minikki sa sakit habang ramdam niya ang mga kamay ng lalaki na binubuksan ang blouse niya.

"Pakiusap! Tama na!" pagsusumamo ni Minikki habang umiiyak.

Ligayang-ligaya naman si Andrea sa kaniyang nakikita. Gusto niya talagang nakikitang nahihirapan ang kontrabida sa buhay niya.

"Hindi ko alam bakit niyo ginagawa 'to sa 'kin. Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa 'kin, Andrea?" lakas-loob na tanong ni Minikki habang tinitiis ang mga labing dumidikit sa kaniyang leeg at braso. Nakakadiri. Nakakasuklam na pangyayari. Ni hindi naisip ni Minikki na mararanasan niya ito. Akala niya porque pangit siya ay wala nang magtatangka sa kaniya, meron pa rin pala.

"I don't know. My blood boils whenever I see your face. You're so disgusting. Thinking na naging kayo ni Joshua steps my ego. I want to slap your face really hard because of that. And even Jeremiah is your friend, what the hell?" litanya nito habang nanggagalaiti sa galit. "That's why I wanted you to disappear. Ang gaya mo ay hindi nararapat sa mundong ito. Lahat kinuha mo sa 'kin! Pati na ang pagiging topnotcher sa class. You ruined my life!" Andrea shouted at the top of her lungs. Tila ba ang maganda nitong mukha ay dumidilim dahil sa masama niyang pag-uugali.

"Ang mga katulad mo ay hindi dapat minamahal! Hindi dapat hinahayaang mabuhay dahil magaganda lang ang may puwang sa mundo! Walang karapatan ang pangit sa mundo. Isa kang lason! Masakit ka sa mata, Minikki!"

Nagngitngit ang mga ngipin ni Minikki sa kaniyang narinig.

"Palibhasa mukha lang ang maganda sa 'yo," bulong ni Minikki na sapat lang para marinig ng apat na taong nasa harap niya. Napatigil ang mga lalaki sa ginagawa nila kay Minikki at saglit na napakantyaw sa di inaasahang tapang ng dalaga.

"Anong sabi mo?" Agad na lumapit si Andrea at sinabunutan si Minikki. Bakas ang galit sa mukha nito ngunit hindi na magpapatalo pa si Minikki sa isang babaeng katulad niya.

"Ang sabi ko, nakakatawa ka, dahil ang magandang katulad mo ay naiinggit sa pangit na katulad ko. Huwag mo nang itago pa. Matagal ka nang insecure sa akin kaya palagi mo akong inaapi. Ngayon alam ko na, siguro kaya ako ginawang pangit ng Dios dahil kung maganda ako, nasa akin na ang lahat. Mawawalan ka na ng puwang sa mundo dahil hindi ako iiwan ni Joshua para lang sa 'yo," matigas na litanya ni Minikki na nagpausok sa ilong ni Andrea.

"Ano?! Anong sabi mo? Ang yabang mo! Dapat lang sa 'yo ito!" Pinagsasampal ni Andrea si Minikki hanggang sa magdugo ang mukha nito. Sinabunutan niya rin ito na para bang gusto niya na itong kalbuhin.

"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganiyan? Wala kang karapatan! Pangit ka! Pangit ka lang!"

"Sige, boys, siguraduhin ninyong mamamatay ang babaeng 'yan. Itapon niyo siya sa ilog kung kinakailangan para hindi na makita pa ang bangkay niya," utos ni Andrea na para bang hindi nahihindik sa kaniyang sinasabi. Nakangisi lamang si Minikki habang nakatingin kay Andrea. Pinagtatawanan niya lamang ito na para bang walang iniindang sakit.

"Isa kang mamamatay tao, Andrea, wala nang mas papangit pa sa pagkatao mo," huling hirit ni Minikki bago siya balutan ng itim na plastik sa ulo. Hindi siya makahinga gayong mas kailangan niya iyon sa mga oras na 'to dahil nanghihina na siya.

"Sayang naman, bitin. Hindi ba pwedeng tapusin na muna namin bago itapon 'to sa ilog?" tanong ng isang lalaki.

"Sige kung gusto mong gumalaw ng patay. Bakit hindi?" mataray na sagot ni Andrea.

Naramdaman ni Minikki na isinakay siya sa sasakyan at ilang sandali pa ay narinig niya ang malakas na agos ng tubig. Pinipilit lumaban ni Minikki ngunit nauubos na ang kaniyang lakas maging ang kaniyang hininga na tinitipid niya kanina pa. Gusto niyang umiyak dahil alam niya sa mga oras na ito, wala nang kaya pang tumulong sa kaniya.

Ito na nga siguro ang huli. Hanggang dito na lang. Pabigat nang pabigat ang kaniyang paghinga hanggang sa maramdaman niyang inihagis na siya sa ilog. Narinig niya pa ang mga salita ng lalaki na muntik nang gumahasa sa kaniya.

"Siguradong mamamatay na 'yan d'yan sa ilog. Hindi na 'yan makakahinga."

"Oo kaya tara na bago pa may makakita sa atin."

Agad na pumasok ang tubig sa loob ng plastic na nakabalot sa ulo ni Minikki. Hindi siya marunong lumangoy kung kaya't alam niya na ang patutunguhan nito. Ito na ang kaniyang wakas.

Napaluha na lamang siya habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw. Ni hindi man lang niya nailigtas ang kaniyang ina. Ganoon yata talaga ang buhay.

Kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha ang malakas na pagpatak ng mga ulan. Hindi niya inaasahan ang nakita niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top