Chapter 39: Long Time No See
Sa isang iglap napunta si Minikki sa kwarto niya. Hindi sa Dreamer's lodging house kundi sa kwarto niya sa labas. Nasa ibabaw siya ng kaniyang kama. Nakaupo habang patuloy na umiiyak. Hindi niya maatim ang kaniyang nasaksihan kanina. Naglaho ang roommate niya sa kaniyang harapan at hindi niya alam kung buhay pa ba ito pagkatapos ng nangyari.
Lalong sumakit ang puso niya nang maalala ang kaniyang sitwasyon. Ang dahilan kung bakit pinalalayo ni Professor Gener si Minikki kay Haylan. Tila ba alam niyang ganoon din ang kahahantungan niya kung sakaling lumalim ang pagtingin niya sa lalaki at ayaw niyang mangyari iyon sa kaniya. Ayaw niyang piliin ang taong hindi siya pipiliin sa huli.
Ilang minuto pa siyang humagulgol sa pag-iyak hanggang sa napagod na ang kaniyang mga mata na maglabas ng mga luha.
Unti-unti niyang napansin na wala siya sa Occoii University. Napabalikwas siya nang makitang nasa kanilang bahay siya. Muli niyang binalikan kung anong nangyari kanina sa Grand Office upang alamin kung paano siya napunta rito ngunit hindi niya iyon masyadong maalala pagkat masyado siyang nakatuon sa pag-iyak.
Tumayo siya at nagmadaling hanapin ang kaniyang ina. Tinawag niya ito ngunit walang sumasagot. Lumabas siya upang tingnan ang kabilang kwarto kung naroon ba ang kaniyang ina ngunit wala ito.
Napahawak siya sa kaniyang bibig nang bumungad sa kaniya ang magulong kwarto at ang mga patak ng dugo sa sahig.
Kaba ang bumalot sa dibdib ni Minikki habang naglalakad papalapit sa mga dugong iyon. "Bago pa," wika ni Minikki habang pinipigilan ang paghikbi. Hindi niya maiwasang makapag-isip nang masama.
Inikot niya ang kanilang buong bahay ngunit wala ni anino ng kaniyang ina ang tanging naiwan lang sa kama ng kaniyang ina ay ang isang litrato. Luma na at halos mabura na ang mukha ng lalaking naroon. Hindi nagdalawang-isip si Minikki na kunin iyon bago muling lumikha ng liwanag upang maging lagusan papunta sa bahay ng kaniyang Lola Alyana at Lolo Julian ngunit maging sa bahay na iyon ay walang tao. Lalong namuo ang takot sa kaniyang dibdib.
"N-nasa'n na sila ina? Kinuha na ba sila ng PNG?" wika ni Minikki sa kaniyang sarili habang hawak-hawak ang dibdib, hinahabol ang hininga. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. At lalong nakakagulo sa kaniyang isipin na maaaring tama siya—na kinuha na ng persona non grata ang pamilya niya ngayon pang alam na ng mga ito ang kaniyang pagkatao, na siya ang babaeng nasa cronica.
Minikki can't hide the fact that she can feel the anger deep inside her. Now that her family is nowhere to be found. The fact that she doesn't know where to start to find them somewhat makes her crazy even more.
She can't stop asking herself why all of a sudden, people close to her vanished in an instant. She felt so frustrated about it but all she can do is cry.
Kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawa. She even tried summoning light and portal to get her into different places but all she found was herself alone.
Lumipas ang ilang minuto nang magdesisyon na lamang siyang bumalik sa Occoii University para puntahan si Professor Gener at sabihin ang tungkol dito. Wala siyang ibang paraan kung hindi ang humingi ng tulong sa loob.
"Kailangan kong makabalik agad," wika niya bago muling lumikha ng lagusan ngunit walang lumabas na puting liwanag mula sa kamay niya. Napapikit siya sa inis. Dahil sa bugso ng damdamin kanina, hindi niya namalayang nagamit niya na pala ang lakas niya. Ngayon lang din nagiging malinaw sa kaniyang nanghihina na ang kaniyang katawan.
Minikki heaved a sigh when she noticed where she is. Kung hindi lang siguro siya umalis sa bahay ng kaniyang lolo at lola, magagamit niya ang Dark Tunnel para makabalik.
"Minikki?"
Doon napagtanto ni Minikki kung nasaan siya—nasa Samiana High. At ang tumawag sa kaniya ay ang matagal niya nang hindi nakikita na si Jeremiah Nicolei.
"Minikki! Ikaw nga!" nakangiti nitong bati sabay yakap sa dalaga. "Anong ginagawa mo rito? Baka may makakita sa 'yo!" Agad nitong hinila si Minikki palabas ng eskwelahan at doon sila pumunta sa park kung saan sila tumambay noon.
"So, kumusta sa Occoii University?" tanong nito na ikipinagtaka ng dalaga.
"Alam mong nasa Occoii University ako, Maya?"
"H-ha? O-oo? Hindi ba't ako ang nagbigay sa 'yo ng flyer para makapasok ka roon. Isang taon kang hindi nagpakita at noong minsang pumunta ako sa bahay ninyo, tanging ang mama mo lang ang nakita ko."
Napanganga si Minikki. "Nakita mo si ina? Kailan mo siya nakita?"
"Matagal na. Last last month?"
Minikki heaved a sigh. She can't fathom or even calculate when was that. Wala pang isang taon siyang nagtatagal sa loob ng Occoii University pero isang taon na pala siyang nawawala rito labas. If Kireina was seen last last month then it must be the time when Minikki met the leader of the PNG inside the perimeters of the Prohibited Garden.
"Ay, tama! Pumunta ako sa inyo kahapon, Minikki. Hindi ba't birthday mo kahapon? Dumaan ako sa bahay niyo pero ang nakita ko lang ay ang iyong ina at ang isang lalaki."
"Lalaki?" Napalunok si Minikki sa narinig. "Anong itsura ng lalaki?"
"Hmm...gwapo? Matangkad. Makapal ang buhok at maputi."
Hindi iyon ang pagkakakilanlan ni Rama at Laxamana. Muli niyang naalala ang litratong nakuha niya kanina sa kama ng kaniyang ina. Ipinakita niya iyon kay Maya at napanganga na lamang ito. "Siya! Siya ang nakita ko, Minikki! Hindi ako maaaring magkamali! Sa gwapo niyang 'yon? Makakalimutan ko?"
Napatingin si Minikki sa litratong hawak niya. Hindi niya ito kilala ngunit may humihila sa kaniyang hanapin din ang lalaking ito dahil kung hindi si Rama at Laxamana ang kumuha sa kaniyang ina, posibleng ang lalaking nasa larawan.
"Minikki, saan ka pupunta? Puwede bang akin na lang 'yong picture?" hirit ni Maya ngunit nagpatuloy lang sa paglakad si Minikki. Nakaisip na siya ng paraan para makabalik sa Occoii University. Wala na siyang iba pang naiisip na paraan kung hindi ang dumaan sa Forbidden Chamber.
"Wait lang, Minikki! Hindi pa nga tayo nakakapag-catching up! Aalis ka na kaagad? Kumusta ang buhay mo roon? Nakita mo ba ang pinsan kong si Haylan?"
Napatigil sa paglakad si Minikki nang marinig niya ang pangalan ng lalaking iniiwasan niya. Napalingon siya kay Maya at nakita niyang lumapad ang mga ngiti nito.
"Then, my mission here is complete." Si Maya naman ang tumalikod at naglakad papalayo sa dalaga. Hindi na nahabol pa ni Minikki ang kaibigan niya dahil kailangan niya na ring magmadali.
Hindi mawala sa kaniyang isipan ang narinig niya mula kay Maya. Habang naglalakad siya papunta sa mall ay bumabalik sa kaniyang alaala ang araw na na naging kaibigan niya si Maya.
Iyon ang araw na muntikan na siyang tumalon sa building.
Napakagat sa labi si Minikki habang napagtatanto ang lalaking nagligtas sa kaniya noon. Ang lalaking kasama ni Maya. Ang pinsan niya. Si Haylan.
***
Ilang minuto ang nakalipas nang makarating si Minikki sa destinasyon niya. Kinakabahan siya sa paggamit ng Forbidden Chamber pagkat nalalaman niyang maaari siyang makulong sa Gaol sa oras na mahuli siyang ginagamit ito.
Napabuntong-hininga si Minikki. "Wala akong choice kundi gamitin ang daang iyon kaysa hindi ako makabalik. Kung maghihintay naman kasi ako ng ulan, mas lalo akong matatagalan. Gayong tirik na tirik ang araw," pangungumbinsi ni Minikki sa kaniyang sarili. "Kung makita man ako ng PNG sa Prohibited Garden, ayos lang. Baka sakaling naroon din si ina."
Tumango si Minikki bago naglakad papasok sa mall. Nagmadali na siyang umakyat sa second floor gamit ang escalator. Malapit na siya sa karaoke booth nang matanaw niya ang kaniyang ina. Agad siyang napangiti at nawala ang pag-aalala rito.
Ngunit napakunot ang noo niya nang tatawagin niya na sana ito. Biglang nagbago ang itsura nito nang makaharap niya ang isang tao. Nanlaki ang mga mata ni Minikki nang mapagtantong hindi lang basta tao ang mga ito kung hindi miyembro ng PNG. Namukhaan niya ang isang lalaki. Natatandaan ni Minikki na isa iyon sa mga humabol sa kanila noon noong nasa Prohibited Garden sila nina Alvina at Haylan.
Palihim siyang lumapit sa mga ito upang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Nakuha na ng mga kasama ko si Kireina," sambit ng lalaki sa kausap niya.
"Mabuti. Ganoon din ba ang ama at ina niya?"
"Oo, umaayon sa plano ang lahat. Sigurado akong makakarating ito kay Lavinia at palalabasin niya ang Alpha Team para hanapin ang pamilya ng babaeng nasa cronica."
Napanganga si Minikki sa kaniyang narinig. Bakas ang nakakatakot na saya sa mukha ng dalawang lalaki.
"Magaling. Totoong matutuwa ang Rama sa balitang ito. Sa oras na lumabas ang Alpha Team, doon natin susugurin ang buong Occoii University. Makukuha natin si Minikki at ganoon din ang makapangyarihang cronica. Maghahari na ang mga persona non grata!"
Naglakad ang dalawang lalaki papasok sa karaoke booth at doon biglang naglaho.
Hindi makakilos si Minikki sa kaniyang mga nalaman. Nakakapangilabot. Gustuhin man niyang ibalita ito kaagad sa Grand Office ay wala siyang magawa para makabalik agad lalo pa ngayong delikadong pumasok siya sa karaoke booth dahil doon dumaan ang dalawang miyembro ng PNG. "Kailangan kong makaisip ng paraan para makabalik. Kailangan kong magpaulan."
Papaalis na si Minikki sa puwesto niya nang may humarang sa kaniya. Hindi niya inaasahang magtatagpo muli sila ng landas ng babaeng ito.
"Long time no see, Minikki," nakangising sambit ng babaeng matagal niya nang hindi nakikita.
"Andrea..." tawag nito. Isang taon na ang lumipas ngunit tila ba tandang-tanda pa rin siya ng babaeng minsang umapi sa kaniya noong naninirahan siya rito sa labas. At para bang hinintay nito ang pagkakataong magkaharap silang muli.
"Look what we got here, girls and boys!"
Lumapit ito sa kaniya at mabilis na hinablot ang kaniyang buhok. Hindi kaagad nakapalag si Minikki dahil nabigla siya sa ginawa nito.
"A-aray! Nasasaktan ako! Ano ba?" sigaw ni Minikki.
"Aba! Sumasagot ka na? Saan mo natutunan 'yan?" Mas hinigpitan ni Andrea ang pagkakakapit sa buhok ni Minikki. Ramdam ng dalaga ang hapdi ng kaniyang anit sa pagkakabanat nito.
"Akala mo ba malilimutan ko ang ginawa mo? Tinulak mo ako! I almost die, Minikki!"
"Pero aksidente ang lahat at hindi ko kasalanan 'yon!" sagot ng dalaga na siyang lalong ikinainis ni Andrea.
"Hindi mo kasalanan?" Bumugo ng hangin si Andrea sabay ngisi. Hindi pa rin nito binibitiwan ang buhok ni Minikki. "At ano? Kasalanan ko?"
"Hindi pa ba sapat na pinatanggal mo na ako sa Samiana High? Hindi na ako lumaban sa iyo. Hindi ko na ipinaliwanag ang side ko! Bakit ba ang init-init pa rin ng dugo mo sa akin?"
Andrea's jaw dropped. She was surprised by how Minikki can talk back to her now. Pero hindi siya magpapatalo. Binigyan niya ng malakas na sampal si Minikki. Umalingawngaw ang ingay na iyon sa arcade. Halos napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at sinimulang pagtinginan ang dalawa. Kahit ang mga batang walang muwang ay iniwan ang kanilang nilalaro para lang makiusyoso sa nangyayari. Ang iba naman ay kinukuhanan ng video ang eksenang sa pelikula lang madalas mapanood.
"Ang yabang mo na, ah! Kailan ka pa natutong sumagot ng pabalang? Akala mo ba nakatakas ka na sa akin? Hindi pa sapat ang pagpapaalis sa 'yo! You almost killed me! Dapat lang sa 'yong mamatay!"
Malakas na tinulak ni Andrea si Minikki sa pader ng karaoke booth. Tumama ang ulo roon ni Minikki kung kaya't dumanak ang dugo sa sahig. Walang pumigil kay Andrea sa mga sunod pa nitong ginawa sa kawawang dalaga. Walang gustong tumulong dito. Lahat ay nanonood lamang at hinihintay ang kahihinatnan ng dalaga sa kamay ng mapanakit na babae.
Kung may kapangyarahin lang sana si Minikki ay magagawa niyang takasan si Andrea ngunit hanggang sa huli ay hindi ito lumabas. Dala na rin ng pagod kanina ay tuluyan nang dumilim ang paligid para kay Minikki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top