Chapter 35: Green-Eyed Brune Lady

Nakayukong naglalakad si Minikki pabalik sa klase. Hindi niya mapigilang mag-isip lalo na ngayong alam niya na ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa lugar na ito. Ngunit mas bumibigat ang loob niya pagka't naaalala niya ang kaniyang roommate na si Alondra na isa sa mga sumusuway sa batas na iyon.

Napatigil sa paglakad si Minikki nang mamataan niya sa kabilang pintuan ng kanilang classroom nila si Haylan. Nakikipagtawanan ito sa mga kaklase nila. Tila ba isang tanawin na mahirap tanggihang tingnan.

"Mas mabuti nang lumayo ako bago pa tuluyang mahulog ang loob ko sa taong imposible rin naman akong saluhin."

Huminga nang malalim si Minikki bago dumaan sa unahang pinto at umupo sa upuan niya. Ni hindi siya bumaling ng tingin sa lalaking itinuring niya na ring kaibigan.

"Miniks! Sakto wala pa si Mrs. Ruby!" sigaw ni Jaeson sabay lapit sa kaniya. "Ituro mo na sa 'kin 'yong sayaw."

Wala nang nagawa si Minikki nang hilahin siya patayo ni Jaeson papunta roon sa likod. Umiiwas nga siya kay Haylan ngunit wala namang siyang magawa dahil mas ayaw niyang magsanay sa unahan. Mabuti na lang at may kani-kaniyang mundo ang mga kaklase ni Minikki at hindi nakikita ang nakahihiyang pagsasampol ni Minikki.

"Sigurado ka bang ito ang step, Miniks?" nalilitong tanong ni Jaeson.

"O-oo?" Napakamot sa ulo si Minikki. Narinig nila ang hagikgik ni Gellie na kanina pa pala sila pinagmamasdan. "I bet Professor Selene got angry with you last time," dagdag pa nito na siyang ikinagulat ng dalaga.

"P-paano mo nalaman? Halata ba sa mukha ko?" inosenteng tanong ni Minikki na para bang hindi niya sinasadyang magpatawa pero bawat buka ng kaniyang bibig ay natatawa ang dalawa niyang kaibigan. Siguro'y dahil sa reaksyon ng kaniyang mukha at expression ng kaniyang mata.

"Professor Selene is a perfectionist. Just by simply looking at you, I knew you caused trouble and headache, Minikki."

"She's not that bad."

Napalingon silang lahat sa nagsalita at halos tumalon ang puso ni Minikki nang makita si Haylan na lumapit sa kanila. "But she looks like a dancing balloon."

Nagtawanan ang mga kaklase ni Minikki dahil sa sinabi ng binata. Agad na nanliit ang mga mata nito sa pang-aasar ni Haylan.

"No, even the dancing balloon will stop dancing kapag nakita ka."

Mas lalong naningkit ang mga mata ni Minikki habang napapaisip kung anong nakain ni Haylan at pinagti-tripan siya nito. Ngunit imbes na patulan ay hindi niya na lamang ito pinansin at itinuon na lamang ang atensyon kay Jaeson.

"Basta ang una, hahawak ako sa balikat mo Jaeson tapos kekembot daw. Tapos naman magkakapit tayo tapos iikot ako sa 'yo. Pagkatapos sway," paliwanag ni Minikki habang sumasayaw at sinasabayan ang mahinang tugtog pero aminin man sa hindi ng mga taong nakakakita sa kaniya, hindi siya sabay sa tugtog. Wala nang pag-asa.

Mabuti na lamang at ginaya ni Gellie ang steps na binabanggit ni Minikki kung kaya't nakikita ni Jaeson ang tamang execution at mabilis niya rin itong na-pick-up.

"Oh sige, isang pasada," sabi ni Gellie na para bang naging instant choreographer nila. "One a two, a one a two a three a go."

"Pam pam pam, puk chak puk chak. Ikot. Taas kamay, shake shake. Slide. Sway sway. Harap sa isa't isa. Then, smile. Exchange position then... one, two, three, four, five, six, seven, eight, eight, seven, six, five, four, three, two, one."

Daig pa ni Gellie ang isang zumba instructor sa pagtuturo sa dalawa.

"Bakit kasi um-absent ka sa practice?" reklamo ni Minikki na ngayo'y pawis na pawis na umaarteng para bang wala siyang ideya kung bakit wala roon ang partner niya. Hinihingal siya pero nagpapasalamat dahil kahit papaano'y nakakasabay na siya sa beat. "Nahirapan ka tuloy dahil sa akin."

"Wala 'yon. Ang galing mo nga, eh. Kahit hindi mo talaga gusto, pinagsisikapan mong matutunan," komento ni Jaeson habang nagpupunas ng bimpo sa kaniyang batok.

"Totoo, nakaka-proud ka Minikki, kahit doon sa archery kanina pati na rin sa biglaan mong pag-appear sa harap ng pinto. Haylan and I saw you earlier and we're both amazed," dagdag pa ni Gellie habang inaayos ang maliit na speaker na pinanggagalingan ng tugtog ng kaninang sinasayaw ng dalawa.

"Nagtataka nga ako bakit hindi siya sinali sa Alpha Team," sambit ni Jaeson sabay tingin kay Gellie.

"Oo nga, you are supposed to be with us but Professor Gener opposed it."

Natigilan si Minikki nang marinig iyon sa kaniyang mga kaibigan. Buong akala niya ay hindi sapat ang kakayahan niya para sumali roon pero ngayong narinig niya ang katotohanan... "Anong ibig ninyong sabihin? Dapat kasali ako sa Alpha Team?"

Parehong tumango ang dalawa. "Dapat kasama ka namin. Your ability can help us against the persona non grata at para rin mahanap nang mabilis ang cronica but Professor Gener told the Head Mistress that we will just bring your life at stake kaya the office decided to keep this from you. Mas mabuti pa rin na protektahan ka."

"Pero dahil kaibigan ka namin, hindi namin gustong ilihim sa iyo."

Napaatras si Minikki at pinagmasdan ang buong klase. Ang lahat ng mga ito'y may kani-kaniya nang mundo at sigurado siyang hindi narinig ng mga iyon ang pag-uusap nilang tatlo.

May kung anong bugso ng damdamin ang nasa loob ni Minikki ngayon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na gusto siyang protektahan ng mga ito o malulungkot dahil hindi siya hinahayaan ng office na gawin ang bahagi niya. Nakaramdam din siya ng kaunting paninibugho dahil sa nasayang na pagkakataong nararapat sa kaniya. Nais niyang malinang ang kaniyang kakayahan ngunit para bang pinipigilan din siyang gawin iyon.

Saan siya tatapak? Saan siya lulugar?

Dumating na si Mrs. Ruby kung kaya't bumalik na sa kanilang upuan si Gellie at Jaeson. Ganoon din si Minikki. Nakatanaw siya sa labas. Nag-iisip.

***

Maghapong lumilipad ang utak ni Minikki. Muntikan pa nga siyang mapagalitan ni Mrs. Ruby kanina. Mabuti na lamang at nang tanungin siya nito ay nakasagot siya.

Natapos ang klase at muli, nakita niya sina Gellie, Jaeson at Haylan na nagmamadaling lumabas ng kwarto. Marahil ay pupunta na sila sa training ng Alpha Team kung saan dapat siya ay kasali.

Minikki heaved a sigh as she tried to contain herself to not feel envy of them. What remains for her now is to hone her skill without the help of anyone. She doesn't clearly know how she can do that, but she wants to try at least.

Dinala siya ng kaniyang paa sa archery field. She still doesn't want to go to their lodging house. Gusto niyang lubusin ang mga sandaling ito na siya ay mag-isa at makapag-isip. Kinuha niya ang archery bow bago pinalipad ang isang pana papunta sa target board. Hindi ito tumama man lang.

"Ano bang kaya kong gawin? Bukod sa pagpapalabas ng liwanag at lagusan, anong silbi ko?" tanong ni Minikki sa kaniyang sarili. Minsan hindi niya maiwasang isipin na wala talaga siyang kakayahan. Nanunuot sa kaniyang puso ang pagkainis sa sarili.

"Ni hindi ko nga magamit muli dahil siguradong mauubusan ako ng lakas."

Muli ay pinilit niyang patamain ang pana ngunit kulang talaga ang lakas niya para patamain ito.

"Ni wala man lang akong magawa para makatulong sa kanila. Paano ko magagawa ang misyon ko? Ni hindi ko nga maitama ang panang 'to," litanya niya sa kaniyang sarili. Labis na disappointment ang nararamdaman niya ngayon. Kung kailan may kakayahan na siyang kakaiba, ngayon pa siya lalong nakaramdam na wala siyang silbi.

"Walang kwenta! Wala akong kwenta! Tama sila Andrea," sambit pa niya. Binitawan niya na ang archery bow at akmang aalis na siya nang may magsalita sa likod niya.

"You have that finger tab, don't you?"

Isang pamilyar na babae ang nakita ni Minikki nang lingunin niya ito. Muli siyang nakaramdam ng panghihina habang lumalapit ito sa kaniya. Morena ang babaeng ito at may berdeng mata. Tila ba may lahi.

Minikki was in shock and couldn't utter any words but she still managed to pick up from her pocket the finger tab she never forgot to bring.

"You should always wear that," sambit ng misteryosong babae sabay kuha ng archery bow at nagsimulang magpaulan ng pana sa target board. Sunod-sunod. Walang palya na tumatama ito sa ten points.

Napanganga si Minikki sa ginawa ng dalaga. Kamangha-mangha.

"Why are you still standing there?" tanong ng misteryosang dalaga na inaanyayahang samahan siya sa kaniyang ginagawa. "Have you forgotten what your life is about?"

Lumingon ang babae kay Minikki at nagsalita. "You are the lady in the chronicles, Genesis."

Isang malakas na pintig ang naramdaman niya sa kaniyang puso. Ang boses na iyon ay ang boses na narinig niyang gumigising sa kaniya noong nawalan siya ng malay rito sa archery field.

Napanganga si Minikki nang maalala kung saan niya ito unang nakita. "Ikaw si Zea..." Agad na pinuntahan ni Minikki ang bag niya upang kunin ang viridescent card na napulot niya noon. "Ikaw ang nakabangga ko noon sa association hall."

Iniabot niya ito sa babae ngunit nang maglapit ang kanilang mga kamay ay agad siyang nakaramdam ng malakas na puwersa. Nakita niya rin kung paanong umigting ang panga ng babaeng nasa harap niya na tila ba naramdaman din ang kakaibang lakas na iyon.

"Nakukuha ko ang lakas mo, Genesis. Huwag kang lalapit sa akin."

Kumunot ang noo ni Minikki. "Ang kakayahan mo ay makakuha ng lakas? Kaya ba walang association ang viridescent card mo dahil kakaiba ka?" tanong ni Minikki.

Umiling ang babae bago itinago ang viridescent card sa kaniyang bulsa. "Wala akong association dahil hindi ako nag-aaral dito."

Napanganga si Minikki. "I-ibig sabihin, may mga tao pang may abilidad na hindi nag-aaral dito?"

"Oo, sa ibang panahon, sa ibang dimensyon."

Mas lalong nahiwagaan ang dalaga at hindi niya naitikom pa ang kaniyang bibig. "S-sandali...nalilito ako. Hindi ko ito alam at hindi ko maintindihan."

"Darating ang araw ng pagkaunawa, Genesis," tugon ng dalaga. "Sa ngayon, ang mas pagtuunan mo ng pansin ay kung paano mo magagamit ang kakayahan mo."

Napatingin si Minikki sa kaniyang kamay. Naroon ang gold finger tab na napunta sa kaniya noong makaalis sila sa Fortune Mountain.

"Ikaw ang sagot sa mga tanong. Ang makakahanap sa mga bagay na nawawala. Ang simula ng bagong simula. Ang tatapos sa dapat matagal nang nagwakas."

Malalim ang pagkakatingin sa kaniya ng dalaga. Tila ba bawat salita ay binibiyan nito ng conviction na totoo at mapagkakatiwalaan ang bawat pahayag niya.

"Ikaw ang poprotekta sa lugar na ito dahil ikaw, Genesis, ikaw ang babaeng nasa cronica."

Hindi kaagad nakapagsalita si Minikki dahil sa kaniyang mga narinig. Malakas ang tibok ng kaniyang puso. Mabilis. Ngayon lamang siya nakaramdam ng lakas ng loob na harapin ang totoo niyang kapalaran. Na tanggapin ang totoo niyang katauhan. Para bang kanina lang ay itinatatwa niya ito.

"P-paano ka nakasisiguro?" tanong ni Minikki. "Na ako nga."

Ngumiti ang babae. "Dahil nahanap mo ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top