Chapter 34: Two Meters Away

"Miniks! A-anong ginawa mo?!"

Napanganga si Jaeson nang makita si Minikki na biglang lumitaw sa harap niya. Kumakain pa naman siya ng turon kung kaya't nabilaukan siya sa gulat.

Hindi lang si Jaeson ang nakasaksi sa ginawa niya kundi pati ang iba niya pang kaklase. Tiningnan ni Minikki kung naroon din ba si Gellie at nakita niya itong kausap si Haylan. Pareho itong lumingon sa kaniya. Si Gellie ay nakanganga samantalang si Haylan naman ay nakangisi.

Mabuti na lamang at dumating na si Professor Gener at nakaligtas si Minikki sa tanong ng mga mapang-usyoso niyang kaklase.

Umupo na siya sa kaniyang upuan at ganoon din si Jaeson. "Miniks, kumusta 'yong practice ng prod kahapon? Na-pick up mo ba agad 'yong steps?"

Maganda na sana ang araw ni Minikki nang maalala niya ang nangyaring kahihiyan kahapon. At ang isiping ituturo niya ito kay Jaeson ay parang mas lalo niyang ikipinangamba. Napakamot na lamang sa ulo ang dalaga. "M-medyo," nahihiyang sagot ni Minikki.

"Sige, ituro mo sa 'kin mamaya ha? Pagkatapos ng klase natin kay Professor Gener."

Wala nang nagawa si Minikki kundi sumang-ayon. Wala naman siyang naiisip na iba pang solusyon. Bukod sa hindi niya kabisado ay siguradong mali ang maituturo niya rito. Kung pagkanta lang sana ay kaya niya pa, ngunit ang pagsayaw? Walang maaasahan sa kaniya.

Binati ni Professor Gener ang klase at sandaling sumulyap kay Minikki na ngayo'y nakayuko dahil sa hiya na nararamdaman. Hindi rin ito makatingin kay Professor Gener dahil sa nangyari doon sa Cerulean Sea noong nakaraang araw.

"Today, we are going to the archery field."

Hindi maganda ang reaksyon ng mga bata nang marinig iyon. Halatang hindi interesado sa archery ngunit ganunpaman ay naghanda na silang lumabas para pumunta sa field. Nagpaalala lang si Professor Gener tungkol sa mga kailangang ihanda sa paghawak ng archery bow.

"Prof. nagteleport si Minikki kanina!" sabat ng isang kaklase ni Minikki hindi pa man sila nakakalabas sa classroom. Napatigil si Minikki sa pag-aayos ng kaniyang gamit at napatingin sa propesor.

"Oo nga, prof! Nagulat na lang kami bigla siyang lumitaw sa pintuan!"

Iniwas ni Minikki ang tingin mula sa propesor at sumunod na lamang kina Gellie at Jaeson na ngayo'y lumabas na sa classroom. Akala niya'y hindi interesado ang mga kaibigan niya tungkol sa kaniyang kakayahan ngunit nang mauna silang makarating sa archery field ay hindi na pinalagpas nila Gellie at Jaeson ang pagkakataon na usisain si Minikki.

"Minikki, when did you discover your ability?" tanong ni Gellie na mababakasan ng tuwa sa kaniyang mukha. "Can you do it again?"

"Oo nga, Miniks! Nagulat talaga ako sa 'yo kanina! Palitan mo 'yong turon ko. Bumili ka ngayon sa canteen at bumalik ka kaagad dito," pabirong utos ni Jaeson sa kaniya.

"Oh sige, habang wala pa ang iba," natatawang sagot ni Minikki. Agad siyang nagpalitaw ng lagusan bago siya pumasok doon at ilang sandali lang ay nakabalik muli siya na may dalang turon.

"Walastek! Binilhan mo nga ako ng turon!" sigaw ni Jaeson habang humahagalpak sa tawa sabay kuha naman ng turon at nilantakan na.

"Minikki! I'm so proud of you!" sambit ni Gellie na parang maiiyak pa. Niyakap niya si Minikki habang tumatalon-talon. Hindi naman mapigilan ni Minikki ang mapangiti. Hindi naman niya maitatanggi sa kaniyang kalooban na nagagalak siya sa kakayahang mayroon siya. Akala niya ay hindi siya magkakaroon nito. Umusbong ang pag-asa ni Minikki dahil maaaring sa pamamagitan nito ay makita niyang muli ang kaniyang ina ngunit tila ba hindi pangmatagalan ang kasiyahang iyon dahil dumugo ang ilong niya at nakaramdam siya ng panghihina.

"Minikki, are you okay? Your nose is bleeding," nag-aalalang sambit ni Gellie. Si Jaeson naman ay napatigil sa kaniyang paglamon at agad na ibinigay sa dalaga ang tissue upang idampi roon sa ilong niya.

"Tumingala ka, Miniks."

Ngunit sa pagtingala niya ay tumama ang kaniyang mga mata sa sikat ng araw at sa sandaling iyon ay nawalan siya ng malay.

"Genesis..." rinig niyang tawag sa kaniya ng isang babae.

"Genesis..." pag-uulit nito.

Unti-unting iminulat ni Minikki ang kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang mukha ni Gellie at Jaeson na kapwa nakatingin sa kaniyang mukha.

"Gising na siya!" sigaw ni Jaeson.

"Nakikita ko! Hindi mo kailangang isigaw!" asik naman ni Gellie bago ibinaling muli ang tingin sa dalaga. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

Napansin ni Minikki na nasa infirmary siya at nakahiga sa isang malambot na kama. "A-ayos lang ako. Anong nangyari?"

"Nahimatay ka kaya dinala ka namin dito. Masyado sigurong kinakain ng kakayahan mo ang lakas mo kaya ka nawalan ng malay," paliwanag ni Gellie. "Don't overuse it. You still need to develop and strengthen your ability."

Minikki bit her lip as she remembers how many times she tried to use her power even without proper practice.

"Ibig sabihin, hindi ko pa pwedeng makita si ina..." bulalas ng dalaga. That also made her frown, considering her situation and how weak she is still.

"Pinaplano mong gamitin ang kapangyarihan mo para lumabas ng Occoii University?" seryosong tanong ni Jaeson.

"No, you can't, Minikki. Ipinagbabawal ng Head Mistress ang paglabas. Lalo na ngayong mahina ka, susubukan mong lumabas? Paano kung hindi ka makabalik? At sigurado akong tuluyang mauubos ang lakas mo kapag lumabas ka dahil nasa ibang dimensyon tayo."

Napabuntong-hininga si Minikki. The only way left is to trust Haylan that he will visit her mother for her. Wala na talaga siyang ibang magagawa kung hindi ang magpalakas dito sa loob.

"At hindi ka pwedeng lumabas, Minikki. Alam mo naman sigurong hinahanap ka ng PNG, hindi ba? Gusto mo bang tuluyan nang maghari ang mga masasang 'yon?"

Wala nang naisagot pa ang dalaga pagka't napagtanto niyang isa itong pagrerebelde kung susuway siya. Pinili niya na lamang isantabi ang kagustuhan niyang makita ang kaniyang ina.

Napagdesisyunan nilang bumalik na sa field. Naroon na ang iba nilang mga kaklase at si Professor Gener. Abala na ang mga ito sa pag-aaral ng pagpana.

"Alam ni Professor Gener ang nangyari sa iyo. Gusto mo pa bang tumuloy? Pwede ka namang magpahinga na."

Umiling ang dalaga. "Ayos na ako."

Nagpalit na sila ng uniporme. Suot nila ang kanilang fitting clothes at stable footwear. Tinanggal din nila ang mga relo at accessories na makakasagabal sa shooting bago sila humanay roon at nanood.

"Your stance and your posture is your good technique when doing an archery," sambit ni Professor Gener habang idine-demo ang archery sa kaniyang klase. Mukhang ngayon palang yata nagsisimula ang aktwal na pagsasanay.

"This is the square position. So, you'll lift your bow. If you're right handed, your right hand will be for the string and your left will be for the bow. Put the string on your first joint of your three fingers."

Ipinakita ni Professor Gener ang tamang paghawak sa archery bow habang ang mga estudyante ay mataman lamang na nanonood at nakikinig.

"Take a deep breath and release."

Napanganga ang mga estudyante nang masapul ni Professor ang pinakamaliit na bilog sa target archery board. Ganoon din si Minikki, Gellie at Jaeson na kapwa napapalakpak sa husay na ipinakita ng kanilang propesor.

"Alright, kayo naman," sambit ng guro bago pumili ng limang estudyante na poposisyon at susubukang mag-archery. Kasama sa unang batch si Gellie at Jaeson.

"Minikki, pumuwesto ka na."

"P-po?" Nagulat naman si Minikki at napaturo pa siya sa kaniyang sarili dahil hindi niya inaasahang mapapabilang siya sa unang batch na susubok ng archery.

Mabuti na lamang at hindi na siya ganoon nahihilo at kaya niya nang tumindig nang maayos. Agad niyang kinuha ang bow at pumwesto sa pagitan ng guhit. Nanginginig ang kaniyang kamay dahil sa bigat ng bow na hindi niya mabalanse. Mapapansing dahil sa payat nito ay hindi niya kayang banatin ang string. Natatawa naman ang mga kaklase niya sa kaniyang sitwasyon.

"Your posture, Minikki."

Napatingin si Minikki sa nagsalita. Si Haylan na malapit sa tabi niya na para bang ngayon lang niya ulit nakita. Ang mahaba nitong buhok na hanggang batok ay nakatali sa likod kung kaya't mamamasdan ang magandang hubog ng panga nito.

Abala si Professor Gener sa pagsita sa ibang mga estudyanteng mas mahina pa kay Minikki kung kaya't si Haylan na ang nagmasid sa dalaga. Tinuruan siya nitong tumayo nang maayos habang ipinapakita ang tamang puwesto ng kamay kapag may hawak na ng bow. Ngunit imbes na matuto si Minikki ay mas lalo yata siyang hindi nakapag-concentrate dahil muli na naman niyang naramdaman ang malakas na emosyong nag-uumapaw sa sistema niya. Tila yata't ito ang magiging problema niya.

Napansin ni Professor Gener ang ginagawa ni Haylan kung kaya't lumapit siya kay Minikki at hinawi ang puting liwanag na papausbong sa likod ng dalaga. Humarang siya sa dalawa. Inayos ni Professor Gener ang postura ng dalaga at tinulungan kung saang parte ng mukha dapat ilagay ang string.

"Sige, bitaw," komento ni Professor Gener na sinunod ni Minikki. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita niyang sumapul ang bow niya sa pinakagitna ng target.

Napatingin siya kay Professor Gener habang nakangiti. "Nagawa ko!"

"Magaling, pagkatapos ng klase mo ay mag-usap tayo."

***

"Sa'n ka pupunta, Miniks? Hindi ba't usapan nating tuturuan mo pa ako ng sayaw natin?" habol na tanong ni Jaeson nang makitang mabilis na nag-aayos ng gamit si Minikki. Katatapos lang ng klase nila sa Archery.

"Saglit lang 'to, Jaeson. Babalik din ako agad. Kakausapin daw ako ni Professor Gener, eh."

"Gano'n? Tungkol saan naman kaya?" tanong naman ni Gellie. Nagkibit-balikat lamang si Minikki pagka't siya rin ay hindi alam ang tungkol sa pag-uusapan nila ng propesor.

Lakad-takbo ang ginawa ni Minikki papunta sa office ni Professor Gener. Maraming pumapasok sa isip niya marahil una na roon ang paglitaw niya sa klase na parang bula.

Kumatok muna siya bago pumasok at agad niyang nakita si Professor Gener na nakatayo habang nakadungaw sa malaking bintana ng kaniyang opisina.

"Prof. Gener, bakit niyo po ako gustong makausap?" saad ng dalaga nang makapasok na siya sa opisina nito.

"Tatanungin kita nang deretso, Minikki. May gusto ba sa 'yo si Haylan?"

Naestatwa si Minikki sa kaniyang narinig. Umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib dahil hindi niya inaasahang tatanungin siya nang ganoon ng guro. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso na sa pagkakataong 'yon ay hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito.

Lumingon ang propesor at tiningnan si Minikki na ngayo'y hindi alam ang sasabihin.

"Eh, ikaw? May gusto ka ba sa kaniya?" dagdag pa ng propesor.

Muli ay hindi nakasagot ang dalaga na wari'y alam na ng guro ang ibig sabihin ng katahimikang iyon.

"Napapansin ko ang pagiging malapit ninyo sa isa't isa. May namamagitan na ba sa inyo?" tanong pa ni Professor Gener na lalong nagpapakaba kay Minikki.

"W-wala po, prof. Magkaibigan lang po kami," sagot ng dalaga na ngayo'y halos hindi alam kung anong ire-react pagka't nanunuot sa kaniya ang takot at pangamba. Nakakaramdam siya na isang pagkakamali nga ang magkagusto sa lugar na ito, hindi man niya alam ang dahilan. Bumibigat kasi ang loob niya.

"Maraming taon na ang nakalipas nang may mag-ibigan sa lugar na ito. Hindi pa ipinagbabawal ang bagay na iyon rito. Malaya silang nagmamahalan at isang araw nagbunga iyon ngunit sa isang hindi malamang dahilan, namatay ang bunga ng kanilang pagiibigan. Ang pagiibigang iyon ay naging sanhi ng delubyo at kaguluhan sa lugar na ito," kuwento ni Professor Gener. Muli siyang tumingin sa harap ng bintana at tinanaw ang mga estudyanteng nasa field na masayang naglalakad kasabay ang kani-kanilang kaibigan.

"Simula noon ay ipinagbawal na ang pakikipagrelasyon sa Occoii University dahil pwede kang baguhin ng pagibig. Maging isang mabuting tao o maging isang masama."

Napalunok ang dalaga dahil sa narinig.

"Simula ngayon, hindi ka maaaring lumapit o dumikit man kay Haylan. Dalawang metro dapat ang layo ninyo sa isa't isa at kakausapin ko rin siya tungkol dito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top