Chapter 33: Ability Finally Awakens
Hindi namalayan ni Minikki ang oras na itinagal niya sa auditorium hall. Tila ba ninamnam niya ang pagiging mag-isa bago siya nagdesisyong lumabas. Napansin niyang madilim na pala at wala nang masyadong estudyanteng naglalakad sa Occoii University. Siguro'y umuwi na sa kani-kanilang lodging houses ang mga ito.
Nagmadali si Minikki na pumunta sa building at umakyat sa rooftop. Muli siyang bumalik sa puwesto kung nasaan siya kanina upang ituloy ang naudlot niyang pagtalon. Pinagmasdan niya ang paligid. Tamang-tama at walang makakakita sa kaniya. Walang makapagsasabing baliw siya sa gagawin niya. Huminga siya nang malalim at inalala kung bakit niya gagawin ito.
"Ito na siguro ang himalang hinihintay ko," isip ni Minikki.
"Maaaring matuklasan ko ang kakayahan kong magpalabas ng lagusan sa pamamagitan nito, kung totoo bang lumilitaw iyon kapag nasa bingit ako ng kamatayan...at kapag nalaman ko na, posibleng mapuntahan ko na rin kung nasaan ang cronica."
Pumikit si Minikki. "Para na rin makita kong muli si ina kahit kailan ko gustuhin." Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Minikki habang nagkakaroon ng pag-asa.
Hindi na nagdalawang isip pa si Minikki at inihakbang ang kaniyang dalawang paa sa ere.
Minulat niya ang kaniyang mga mata sa pag-aasam na makakakita siya ng lagusan, ngunit wala. Ang nakikita niya lang ay ang kadiliman na mukhang kahahantungan niya sa mabilis niyang pagbagsak mula sa mataas na building. Walang umuusbong na liwanag para iligtas siya. Ito na siguro ang wakas niya.
Ipinikit na lamang niya muli ang kaniyang mga mata at tinanggap ang pagkatalo. Nagkamali siya.
Malakas ang kaniyang pagkakabagsak ngunit ang hinihintay niyang lupang sasalo sa kaniya ay hindi niya naramdaman pagka't may ibang sumalo sa kaniya.
Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at doon niya nakita ang lalaking nagligtas ng kaniyang buhay—si Haylan. Muli na naman siyang iniligtas ng lalaki at sa kung paanong paraan at dahilan ay hindi niya alam.
Kitang-kita niya ang mga mata nito na puno ng pag-aalala at doon, may naalala siya—ang nangyari noon. Muntikan na rin siyang tumalon sa building dahil sa panunudyo sa kaniya ng mga kaklase niya ngunit hindi iyon natuloy dahil may isang lalaking tumulong sa kaniya.
Rinig ni Minikki ang malalim na paghinga ng binata dahil malapit ang mga mukha nila sa isa't isa. Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso.
"H-haylan..." bulalas niya. Napapaluha si Minikki dahil sa nag-uumapaw na emosyon na hindi niya maisa-isa.
"Minikki..." Buhat siya nito na para bang hindi nasaktan sa pwersa at bigat ng pagkakabagsak ng dalaga. "You did try it."
Dahan-dahang tumango ang dalaga. Nakahawak siya sa balikat ng binata na ngayo'y tila ba hindi makapaniwala sa lakas ng loob ng dalaga.
"O-oo, kaso...wala talaga. Walang lumalabas na liwanag kahit nasa bingit na ako ng kamatayan," malungkot na wika ni Minikki.
"I think..."
Napansin ng dalaga ang pagbabago ng reaksyon ni Haylan na para bang may nakikita ito sa kaniyang likuran. At katulad ng reaksyon ni Haylan ay ganoon din ang naging reaksyon niya nang makita niya rin ito. Isang malaking puting liwanag na pamilyar sa kaniya pagka't iyon ang hinahanap niyang lagusan.
Muli siyang napatingin kay Haylan at sandaling napagtanto ang sitwasyon nila. Buhat buhat pa rin siya ng binata kung kaya't tinapik niya ito para ibaba na siya.
Hindi pa rin makahinga nang maayos si Minikki dahil sa nangyari. Hinawakan niya ang liwanag na iyon at doon niya nalamang hindi iyon basta liwanag kung hindi isang lagusan papunta sa ibang lugar.
"Your ability is to summon light, Minikki. And that light can summon a portal. Your ability is one of a kind," komento ng lalaki habang namamangha sa nasasaksihan.
"Pero hindi ko alam kung paano ko nagawa ito."
Unti-unti nang naglaho ang puting liwanag at sa sandaling iyon nakaramdam ng panghihina si Minikki. Agad naman siyang sinalo ni Haylan at muling namangha nang may lumabas muling liwanag sa likod ng babae. Hindi mapigilang mapangisi ni Haylan habang inaalalayan patayo si Minikki.
"Hey, don't tell me you're feeling something towards me?" mayabang na tanong ni Haylan.
"H-ha? A-anong sinasabi mo?" Napaatras ang dalaga ngunit agad siyang hinila ng lalaki dahil muntikan na siyang makapasok sa lagusan.
At dahil sa ginawa ni Haylan, mas lalong lumaki ang liwanag at mas nagtagal ito kaysa kanina.
"I knew it." Ngumiti ang lalaki.
"A-anong alam mo? Bitiwan mo nga ako!" Kinuha ni Minikki ang kamay niya at sa sandaling iyon, muli nang naglaho ang liwanag.
"I think I know now how and why you can summon a light," pahayag ni Haylan.
"Paano?" Nagningning ang mga mata ng dalaga.
"Stick beside me."
"H-ha?" Hindi maitatanggi ni Minikki na lumakas ang kabog sa dibdib niya. Hindi siya maaaring magkamali sa kaniyang nararamdaman. Umuusbong na ang damdaming hindi niya pwedeng palaguin. Isa pa, sa isip niya'y walang karapatang umibig ang isang katulad niya. Lalo pa sa mukhang mayroon siya.
"Look." Muling hinawakan ni Haylan ang kamay ng dalaga at pareho nilang nakita ang liwanag na umuusbong sa kaniyang likuran.
"It must be because of your emotions."
Napanganga si Minikki na para bang nakukumbinsi siya sa sinabi ng kaniyang kaklase. Manghang-mangha siya sa kaniyang nakikita. Hindi kapani-paniwala!
"A great deal of emotions brings you the ability to summon light. You need to familiarize yourself with it."
Tumango si Minikki. "Kung ganoon kailangan kong kabisaduhin ang pakiramdam na ito para kahit anong oras, kahit kailan ko kailanganin, mapalalabas ko ang liwanag na siyang lagusan papunta kung saan ko gusto."
Umiling si Haylan at inalis na ang pagkakahawak sa dalaga. "Hindi kahit kailan, Minikki. Our ability weakens when it's raining."
"Tuwing umuulan?" Kumunot ang noo ng dalaga habang naaalala niya ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ina noon. Kaya ba siya pinaiiwas sa ulan? Ibig sabihin din ba noon ay may kakayahan din ang kaniyang ina na kung kaya't tuwing umuulan ay nanghihina ito?
"Yup."
"P-pero hindi ako nanghihina sa ulan." Sandaling bumalik sa kaniya ang isang alaala noong nakatanggap siya ng maraming sugat at pasa na sa isang iglap ay biglang nawala noong nabasa siya ng ulan.
Haylan's forehead twitches as he remain staring at the lady in front of him. It was the first time he heard something like that. "Are you sure?"
Minikki nods innocently. "O baka dahil wala pa akong kakayahan noon kaya hindi ako nanghihina sa ulan dati?"
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. Tila ba nag-iisip nang malalim ang lalaki habang hindi pa rin inaalis ang pagtitig sa dalaga.
"Ano't ano pa man, salamat sa tulong mo, Haylan. Hindi ko inaasahang ililigtas mo akong muli. May chance na 'kong makasali sa Alpha Team," sambit ni Minikki.
"Alpha Team?" tanong nito. "Gusto mong sumali sa Alpha Team?"
Tumango ang dalaga kahit na hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob na iyon. Parang kanina lang ay hiyang-hiya siya sa mga nangyari roon sa auditorium hall, ngayon naman ay abot langit ang kapal ng kaniyang mukha sa pag-amin sa nais niyang gawin. Ito na siguro ang nagagawa ng nananaig na kagustuhang makasigurong ligtas ang kaniyang ina.
"Siguradong may pagkakataong makalabas sa lugar na ito ang Alpha Team dahil sila raw ang maghahanap ng cronica kung sakaling hindi ko iyon magawa. Gusto kong sumali roon bukod sa gusto kong tumulong, gusto ko ring makita si ina," mahabang paliwanag nito.
Nanatiling tahimik si Haylan habang iniisip kung marapat ba niyang ipaalam sa dalaga ang totoo tungkol sa Alpha Team.
"Ikaw ba? Hindi mo ba gustong sumali roon? Tamang-tama, malakas ka at saktong nailipat ka na sa Defender. Siguradong makakapasok ka sa Alpha Team."
"The truth is," panimula ni Haylan. "Buo na ang Alpha Team at kasali ako roon."
Minikki gulped as she felt a hint of defeat inside her but she still forced herself to smile towards the guy in front of him. She immediately figured out the sudden changes of him these past few days. "Kayo nila Gellie at Jaeson?"
Haylan nods. "Kung gano'n, pwede bang humingi sa 'yo ng pabor?"
"What is it?"
"Pwede bang bisitahin mo si ina kapag lumabas kayo? Kahit tingnan mo lang siya. Ibibigay ko sa 'yo ang address namin para kahit sandali ma-check mo siya. Okay lang ba?"
Haylan heaved a sigh. Even though he knew it was forbidden to do that because it may hinder the team's plan, he can't say no to the lady in the chronicles.
"Alright. I will," he promised.
Bumalik na si Minikki sa Dreamer's Lodging House. Gusto niyang maging masaya pagka't natuklasan niya na ang kakayahan niya ngunit hindi niya maiwasang malungkot dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makasali sa Alpha Team—ang tanging naiisip niyang paraan para makalabas sa Occoii University para makita ang kaniyang ina.
Mabuti na lamang at tulog na si Alondra nang dumating siya. Hindi niya na kailangan pang mag-isip ng idadahilan kung bakit siya nakauwi nang gabi.
Pagkatapos niyang maglinis ay sumalampak na siya sa kama. Muli niyang naalala ang nangyari. Ang pagligtas sa kaniya ni Haylan noong tumalon siya sa building.
Napahawak siya sa kaniyang puso habang nakatingin sa kisame. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang may puting liwanang na unti-unting umuusbong sa harap niya. Isang lagusan.
"A-anong ibig sabihin nito?" isip ni Minikki habang sinasampal at sinasabunutan ang sarili. Pinilit niyang matulog ng gabing iyon ngunit maraming gumugulo sa kaniyang isipan lalo na sa kaniyang puso.
Mukhang hindi lang paglunok ang gagawin niya sa mga salitang sinabi niya noon. Mukhang mahihirapan siyang pigilan pa ang kaniyang damdamin kung ang kakayahan niya'y sumasang-ayon na rin doon.
***
Tanghali nang nagising si Minikki kinabukasan. Wala na rin doon si Alondra. Hindi narinig ni Minikki ang alarm clock niya siguro'y dahil sa himbing ng kaniyang tulog dahil madaling araw na rin siyang nakapagpahinga.
Tiningnan niya ang kaniyang relo at talaga namang para siyang hinahabol ng sampung kabayo sa bilis ng kaniyang kilos. Malapit nang magsimula ang kanilang klase at wala na siyang naiisip na iba pang paraan. Agad niyang inayos ang kaniyang sarili bago huminga nang malalim.
"Susubukan ko muling gumawa ng liwanag," sambit niya sabay pikit. Muli niyang hinawakan ang kaniyang puso at inisip ang taong makapagpaparamdam sa kaniya ng malakas na emosyon.
Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at agad na sumulyap ang ngiti sa kaniyang mga labi. Isang malaking liwanag ang umusbong sa kaniyang harapan. Walang pagdadalawang-isip niyang pinasok ang lagusan na iyon at agad siyang nakarating sa pinto ng classroom nila.
"Miniks! A-anong ginawa mo?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top