Chapter 31: Just Like Then

"Baka dahil alam kong ililigtas ako ni professor kaya hindi lumabas ang lagusan kagabi."

Abala sa pag-iisip si Minikki ng tungkol sa nangyari kagabi. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang upuan at nagsusulat ng mga posibleng makatutulong sa kaniya para makapagpalabas muli ng liwanag. Wala pa si Mrs. Ruby na siyang susunod na guro sa kanilang klase.

"Kailangan kong subukang muli," sambit ni Minikki sa kaniyang sarili. "Tatlong beses nang may lumabas na lagusan nang tatlong beses ding malagay ako sa alanganin."

Tumango-tango si Minikki habang naglilista ng mga nangyari sa kaniya na para bang pinagkukumpara niya ang mga ito. Hinahanapan ng pagkakapareho at pagkakaiba-iba.

"What are you scribbling about?"

Nagulat si Minikki nang tanungin siya ni Haylan. Sinilip din nito ang sinusulat ng dalaga. Napatakip naman si Minikki nang maalala ang mga bagay na isinulat niya dahil baka mapagkamalan siyang magpapakamatay. "W-wala. Wala ito." Agad na binura ni Minikki ang nakasulat at laking gulat niya nang makiyang pangalan ni Haylan ang naroon na siyang naisulat pala nang hindi nag-iisip.

"Private? Alright."

Nilampasan na siya ni Haylan at muling umupo roon sa dulo. Mabuti na lang at hindi na siya inusisa pa ng lalaki.

Hindi namalayan ni Minikki na ilang klase na ang lumipas pagka't nakalipad lang ang kaniyang utak at kung ano-ano ang iniisip tungkol sa abilidad niya. Naglalakad siya ngayon sa labas dahil muli na namang nawala na parang bula ang mga kaibigan niya.

Napadaan si Minikki sa archery field. Maraming mga estudyante mula sa ibang section ang naroon. Kapwa nag-e-ensayo.

"Ano kaya kung humarang ako at saluhin ko ang pana? Baka sakaling makapagpalabas ako ng lagusan sa paraan na 'yon."

Tumango-tango siya sa kaniyang sarili at naglakad patuloy sa archery field nang makita si Professor Gener. Agad siyang napaatras at mabilis na nagtago. "Oo nga pala, si Prof. Gener ang nandito."

Nakabusangot ang mukha ni Minikki nang umalis siya sa lugar na iyon at patuloy na lamang na naglakad habang kausap ang sarili.

Naalala niyang muli ang nangyari kagabi—ang mga sinabi ng propesor na ipagkatiwala na lamang sa Alpha Team ang kaligtasan ng kaniyang ina.

"Bakit kung kailan may kakayahan na ako, hindi pa rin pwede?"

Paulit-ulit siyang umiling. Pinagmasdan ni Minikki ang Occoii University na para bang naghahanap pa siya ng maaaring pagmulan ng aksidente na maaaring makatulong sa kaniya. Desperada na siyang alamin kung paano makapagpapalitaw muli ng liwanag.

"Kung pupunta naman ako sa River of Wendigos, wala rin, dahil hindi ako kinakagat ng mga isda. Eh, kung kumain kaya ako nang marami?" tanong niya sa kaniyang sarili habang nakahalukipkip na para bang isang detective na may nilulutas na kaso.

"Hmmm... Pero mukhang mahapdi kung kakagatin ako ng isda. Ayoko pala ro'n."

Napadaan siya sa grupo ng mga estudyanteng may mga malalaking katawan, mapababae man o lalaki. Mukhang miyembro ng Defenders.

"Eh, kung hamunin ko kaya sila ng suntukan? Tutal sanay naman akong masaktan noon pa."

Tumango-tango siya at lumapit sa mga ito. Napatigil siya nang makita ang mga babaeng nagsisitawanan at nagpapaluan na para bang tipikal lang sa kanila ang maghampasan nang ganoon kalakas. Kitang-kita ni Minikki ang puwersa at lakas ng mga hampasan habang nagkukwentuhan ang mga ito pagka't umiihip ang hangin sa mga buhok nila. Talagang napapapikit si Minikki sa tuwing aamba ng palo ang babae sa katabi niya.

Napanganga na lamang si Minikki at napaatras. Siguradong durog siya sa mga iyon kapag nagkataon. Tiningnan niya ang kaniyang sarili. Sa payat niyang ito, siguradong hindi siya makakapaglikha ng lagusang dahil isang hampas lang ay siguradong tulog siya.

Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy sa paglakad. Natanaw niya ang tuktok ng building at tila ba may pumasok sa kaniyang isip na magandang ideya. Agad siyang tumakbo papaakyat roon. Tama, kung tatalon siya sa building na iyon siguradong ilalagay niya sa panganib ang kaniyang buhay at doon niya mapapatunayan kung lumalabas ba ang lagusan sa tuwing nasa gitna siya ng kapahamakan.

Buo na ang loob ni Minikki na tumalon sa building. Tiningnan niya ang buong Occoii University. Namangha siya sa angking ganda ng lugar na ito. Naalala niya ang unang araw niya rito na para bang kahapon lang. Hindi niya akalain na may ganitong lugar at mapapadpad siya rito. Ang buhay niya noon na ibang-iba sa buhay niya ngayon. Ni hindi pa rin siya makapaniwala. Napatingin siya sa kaniyang mga kamay. Ngayon niya mapapatunayan ang tungkol sa kaniyang kakayahan. Isang talon lang at malalaman niya na ang lahat.

Pumikit siya at dinama ang hangin. Handa na siyang tumalon nang may humila sa kaniya.

"Minikki!"

Naramdaman niya ang pagbagsak sa sahig. Napamulat siya nang makita si Haylan sa kaniyang harapan.

"H-Haylan?" Kumunot ang noo niya nang makita ang binata. "Anong ginagawa mo rito?" tanong pa niya dahil hindi niya inaasahan na mapapadpad ito nang ganoon kabilis sa kinatatayuan niya.

"I should be the one asking you that! What are you doing?" sigaw ng lalaki na ikinagulat niya. Puno ng pag-aalala ang mababakas sa mukha ni Haylan. Halata ding naiinis siya sa kaniyang nasaksihan.

"Ha? W-wala! H-hayaan mo ako!"

Pinagpagan ni Minikki ang kaniyang sarili. Umakyat muli si Minikki sa ibabaw ng bato at muling sinubukang tumalon ngunit hinawakan ni Haylan ang baywang niya at binuhat siya palayo roon.

"Bibitiwan mo 'ko! Ano bang ginagawa mo?" sigaw rin Minikki at pilit na inaalis ang kamay ni Haylan sa kaniya ngunit hindi nagpatinag ang binata at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng dalaga.

"Why would I? Are you out of your mind?"

Nakakunot lang ang noo ni Minikki dahil hindi niya alam at hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Haylan. Kung bakit parang naiinis ito sa kaniya.

"Hindi ako nababaliw kaya hayaan mo na ako!" Inalis ni Minikki ang kamay ni Haylan at naglakad muli papunta sa dulo ngunit agad siyang hinila nito na naging dahilan ng pagharap niya sa lalaki. Nagtagpo ang mga mata nila. Tila ba kinakausap ang isa't isa sa pamamagitan ng tingin.

Nakaramdam ng kakaiba si Minikki. Hindi niya alam kung bakit parang tila nahirapan siyang huminga ng mga oras na iyon. Dahil ba malapit sila sa isa't isa? Napalunok siya at tila ba nabalik sa sarili. Lumayo siya.

Walang makapagsalita sa kanilang dalawa. Parehong naumid sa nangyari.

"Ahh..." Sinubukan ni Haylan na magsalita ngunit talaga yatang blangko pa rin ang isip niya. Nakalimutan niya na rin yata ang kaniyang inis sa dalaga dahil sa balak nitong gawin sa kaniyang buhay.

"B-bakit ka nandito?" pagbasag ni Minikki sa katahimikan.

"I was following you." Napatingin si Minikki kay Haylan ngunit mabilis niya ring iniwas nang tingnan rin siya ng binata.

"B-bakit mo 'ko sinusundan?" nahihiyang tanong ng dalaga.

"I saw what you wrote on your notebook."

Napanganga si Minikki nang maalala ang nakasulat sa notebook niya. "Hindi kaya nakita niya 'yong pangalan niyang naisulat ko sa notebook? Binura ko na 'yon, 'di ba? Meron pa ba sa ibang page? Hindi naman siguro ako nag-FLAMES habang wala ako sa sarili?" isip ni Minikki.

"A-anong nabasa mo?"

Umiling-iling si Haylan na para bang hindi siya makapaniwala sa mga nabasa niya.

"Teka, may love letter din ba akong naisulat habang lumilipad ang utak ko?" dagdag pa ni Minikki sa kaniyang isipan.

"Siguradong malalagot tayo kay Professor Gener kapag nalaman niya ito. Ano bang iniisip mo?!"

Napanganga si Minikki at pilit na ikinukubli ang namumula niyang pisngi. "Huwag mo 'kong isusumbong kay Professor Gener. Hindi ko naman sinasadya baka lumilipad lang ang utak ko kaya ko nagawa iyon," giit ng dalaga habang napapaiwas ng tingin dahil sa hiya.

Napabuga ng hangin ang binata. "Hindi sinasadya? Pero ilang beses mong ginawa?"

Muling napanganga si Minikki. Pilit na inaalala kung may naisulat ba siyang 'I love you' roon sa notebook niya bukod sa pangalan ni Haylan. Ngunit imposible iyon. Aminado si Minikki na wala siyang gusto sa binata. Siguro'y wala lang talaga siya sa tamang pag-iisip. At isa pa, isang malaking kuwestiyon sa kaniya ang magkagusto sa isang nilalang napakaguwapo gayong ang tingin niya sa kaniyang sarili ay isang latak.

"Sorry. Baka nadala lang ako ng emosyon ko," sambit pa ng dalaga habang nakayuko.

"You really want me to bring you to Gaol, don't you? Why would you kill yourself this way? Are they pressuring you because you're the lady in the chronicles?"

Kusang kumunot ang noo ni Minikki sa narinig sa binata.

"Ha? M-magpakamatay?" magtatakang tanong ni Minikki. "Bakit naman ako magpapakamatay?"

Si Haylan naman ang sumalubong ang mga kilay. "Hindi ba pagpapakamatay ang gagawin mong pagtalon sa building na 'to? You were scribbling of ways to die. I was worried. Thank God I followed you."

Ilang segundong napatanga si Minikki dahil sa sinambit ng binata.

"Wait, ang tinutukoy mong nabasa mo sa notebook ko ay 'yong listahan ng mga aksidenteng susubukan ko?"

Tumango si Haylan upang kumpirmahin ang sinabi ng dalaga. Napapalakpak si Minikki sa napagtanto niya. Para bang nabunutan siya ng tinik.

"Ah! Kaya pala ganoon na lang ang itsura mo kanina dahil akala mo magpapakamatay ako?" natatawang bulalas ni Minikki dahil akala niya talaga ang nabasa ni Haylan ay ang mga kung ano-anong naisusulat niya kapag lumilipad ang kaniyang isip.

"At nagagawa mo pang tumawa?" inis na tanong ni Haylan habang nakatingin nang masama sa dalaga.

"H-hindi kita tinatawanan. Natatawa lang talaga ko."

"What's funny, Minikki?"

Natigilan si Minikki nang muli siyang tawagin ni Haylan sa kaniyang pangalan. Iyon ang nagpatigil sa kaniyang paghinga. "Sabi ko nga, wala. Sorry. Hindi ko naman sinasadya."

"Hindi sinasadya? Ilang beses kitang pinigilan but you still wanted to jump off."

"H-hindi! Hindi ako magpapakamatay. Tatalon ako kasi gusto kong subukan ang kakayahan ko. Kung makapaglilikha muli ako ng lagusan," paliwanag ng dalaga. "Tanda mo, palagi akong nakakapagpapalitaw ng liwanag na nagiging portal kapag nasa bingit ako ng kamatayan. Noong nasa university pool, tapos 'yong nasa fortune mountain at ang huli noong napunta tayo sa prohibited garden," pangungumbinsi pa ng dalaga.

"Then why do you want to do it when the sun is still up? Are you planning to turn this place into a bloody chaos? Kung susubukan mo lang din naman ang kapangyarihan mo, piliin mo 'yong walang makakakita sa 'yo para hindi ka mapagkamalang baliw."

"Baliw?" Minikki smirked as she throw a melancholic gaze to the guy in front of her. She was silent but she was screaming inside as those memories flashed through her mind. "Sabagay tama ka, kung tatalon nga ako sa building na ito, mapagkakamalan akong baliw." Humarap siya kay Haylan at ngumiti.

"Katulad ng dati."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top