Chapter 3: Not A Lie But A Waste Of Time

"Josh!" pagtawag niya sa lalaki nang makatungtong siya sa huling palapag ng building pero nawala ang ngiti niya nang hindi niya makita si Joshua roon.

Tiningnan ni Minikki ang kaniyang relo.

"Masyado yatang maaga ang pagdating ko," bulong niya sa kaniyang sarili. Pinagmasdan niya ang paligid. Malaki na ang pinagbago ng rooftop. Dati ay pinagtatambakan lamang ito ng nga sira-sirag upuan na hindi na magamit ngayon ay lumins na ito at bagong pintura rin.

Halos mag-iisang oras nang naghihintay si Minikki ngunit wala pa rin ang taong hinihintay niya. Sumisilip na ang kadiliman at maya-maya lang ay kakainin na nito ang liwanag. Darating pa kaya si Joshua?

Napabuntong-hininga si Minikki. Kahit ang anino ng taong mahal niya ay imposible niya nang makita dahil dumidilim na.

"May nangyari na kayang masama do'n?" tanong nito habang hindi mapakali sa kinatatayuan. "O nakalimutan niya ang usapan namin?"

Laking gulat ni Minikki nang bumukas ang pinto. Natigilan siya nang makita si Joshua sa harap niya. Agad na nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Napakapit siya sa kaniyang puso nang bigla na naman itong pumintig nang sobrang bilis.

"Josh," pagtawag niya sa binata.

"Kanina ka pa?" tanong ni Joshua sa kaniya. Matangkad at may kakisigan ang lalaking ito. Hindi rin maitatanggi ang kagwapuhan nitong tinataglay, ang makinis nitong balat at pati na rin ang magandang ngiti na dahilan ng pagkahumaling ng daan-daang estudyante.

Umiling si Minikki. "H-Hindi, kararating ko lang," sagot ni Minikki. "Ano palang gusto mong pag-usapan?"

Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ni Minikki. Nanghihina rin ang mga tuhod niya dahil nasa harap niya ang taong minsan sa buhay niya ay naging dahilan ng kaniyang pagngiti sa araw-araw—the man who helped her overcome every day of her lives even if those days were full of struggles.

Joshua took a deep breath and gave Minikki an intense glance. "I want a new life, Minikki."

Napalunok ang dalaga. "A-anong ibig mong sabihin?"

"That's what I told you before right? Pero hindi ko pa rin natatamasa dahil ipinagkalat mong naging tayo which is hindi naman."

Minikki's jaw dropped because of Joshua's speculation towards her. Wala siyang alam tungkol sa sinasabi nito.

"W-wala akong pinagkakalat. Kanino nanggaling 'yan?" Nabasag ang boses ni Minikki. Something clogged her throat.

"It doesn't matter anymore but what I want from you is to stay away from me. Huwag mo nang ipagkalat na nagkausap tayo noon or nagkaroon ng something sa pagitan natin."

Tuluyan nang gumuho ang mundo ni Minikki sa narinig niya. Masyado yata siyang nag-expect nang mataas na hindi naman pala dapat. Hindi siya kaagad nakaimik dahil hindi niya alam kung anong ire-react o sasabihin niya.

"Sineryoso mo ba 'yon?" tanong pa ni Joshua sa kaniya.

"Hindi ba dapat?" pabalik na tanong ni Minikki. Nararamdaman niya ang bigat sa loob na para bang may malaking bagay na nakabara sa dibdib niya. Hindi siya makahinga. "I thought you loved me. That's what you said. You were my first love too."

Joshua's expression was cold as ice. It was very different from those warm and sweet pictures he sent her in the past. "Mga bata pa tayo noon. We're just curious and such. That wasn't love."

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Minikki dahil sa tinuran ng binata. Pakiramdam ni Minikki ay nawala na sa kaniya ang lahat maging siya sa kaniyang sarili. Umasa siya, hindi niya iyon maitatanggi.

"Kung gano'n lahat ng mga sinabi mo..."

"That wasn't a lie... but it was a mistake."

Napasinghap si Minikki sa tinuran ng binata. "A mistake..." pag-uulit niya habang tumatango.

Pinigilan ni Minikki ang luha niya pero mukhang kahit iyon ay hindi niya kayang pigilan, parang pagmamahal niya sa binatang kaharap niya.

"Masaya na ako ngayon kay Andrea kaya ayokong magkaroon pa ng dahilan para magkahiwalay kami," dagdag pa ni Joshua. "I don't want to be involved with you anymore."

Minikki's heart was shattered. She couldn't bear to look at him anymore. Mas lalo siyang nangliliit sa kaniyang sarili.

Naglakas-loob siyang lumakad papalayo sa binata. Hindi niya na ito nilingon pa at iniwan na niya nang tuluyan.

Bumagsak ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Pilit man niyang pigilan ang isip niya ngunit hindi nito nagawang magpatalo sa mga alaalang nagpupumiglas na bumalik. Ang mga masasayang pagkakataon na bumuo sa mga araw niya noon ay pawang pagkakamali lang pala. Ang dahilan ng matatamis niyang ngiti noon ay siya ring dahilan ng mga luhang walang pigil sa pagpatak ngayon.

Minikki's heart couldn't function anymore. It feels so heavy. Just to think that every moment they spent together should be vanished from her memory and that she should act like it never happened is tantamount to saying to commit suicide.

"Hoy hipon!"

Just hearing that strident voice makes Minikki's go mad. Natanaw niya si Andrea sa di kalayuan at mukhang nakita nga siya nito. Sinubukan niyang umiwas ngunit talaga yatang mainit ang mga mata nito sa kaniya para hilahin nang marahas ang kamay niya.

"Don't act like you did not see me, stupid!" asar na sambit ni Andrea sa kaniya. Agad na pinunasan ni Minikki ang mga luha sa kaniyang pisngi at pilit na inaalis ang kamay ni Andrea sa kaniyang braso.

"The hell! Hipon ka na nga, umiiyak ka pa! Maawa ka naman sa nakakakita sa 'yo!"

Napatingin si Andrea sa kasunod ni Minikki. Si Joshua.

"Joshua?" tanong nito nang makita ang nobyo niyang kasunod si Minikki.

"Wait, magkasama ba kayo kanina?"

Walang sumagot. Sapat para maintindihan ni Andrea ang nangyayari.

"Nagkita ba kayo?" sunod-sunod nitong tanong na kung magkakamali ng sagot ay malilintikan si Minikki.

"Hindi," simpleng sagot ni Joshua na ikinadismaya ni Minikki.

Andrea's eyes narrowed trying to scrutinze her insticts before she smirked. "You can't fool me, Josh!" Agad nitong hinila ang buhok ni Minikki. Hindi naman nakapalag si Minikki pagka't masyado siyang nabigla sa nangyari.

"Are you trying to hook up with another girl behind my back? At sa hipon pa talaga? Are you trying to disgrace me?"

Mas lalong humigpit ang pagkakahila ni Andrea sa buhok ni Minikki dahilan para mapangiwi ang kawawang dalaga. Hindi ito lumalaban kahit pakiramdam niya matatanggal na ang ugat ng kaniyang buhok sa anit niya.

"Stop this, Andrea."

Pilit na umaawat si Joshua at inaalis ang kamay ni Andrea kay Minikki na naging dahilan kung bakit lalong naiinis si Andrea.

"Why? Why are you telling me to stop? Dahil naaawa ka sa babaeng 'to? Bakit? Dahil mahal mo siya? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo, Josh! I am not into waiting but you're making me wait because you're with this wench!"

Malakas ang sigaw ni Andrea kung kaya't napansin na sila ng ilang mga estudyante. Pero hindi papigil si Andrea dahil gusto niyang iparamdam kay Minikki ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Nandito na 'ko. Umuwi na tayo," pagyayaya ni Joshua sabay hawak sa braso ng dalaga ngunit hindi nagpatinag si Andrea at humarap ito kay Minikki.

"Hindi! Hindi ko titigilan ang isang ito hangga't hindi kayo umaamin!"

Pilit pa ring pinipigilan ni Joshua ang pageeskandalo ng kaniyang nobya ngunit talaga yatang matigas ang babaeng ito at hindi nagpapaawat.

"Sabihin mo sa 'kin hipon, nagkita ba kayo ng boyfriend ko? Huwag mong tangkaing magsinungaling sa 'kin dahil sasampalin kita," matigas na banta ni Andrea. "Magkasama ba kayo ni Joshua kanina?"

Minikki couldn't answer. She doesn't want Joshua to get involved with her anymore just like what he wanted but how can she escape Andrea's unmerciful deeds?

"Magsalita ka! Sasampalin kita. Sinasabi ko sa 'yo."

"Tama na 'yan. Halika na," pagyayaya pa ni Joshua kay Andrea.

"Hindi ikaw ang kausap ko!" bulyaw ng dalaga. Bumaling muli ang atensyon niya kay Minikki.

"Ano? Sinusubukan mo ba talaga ako?"

Malakas na sampal ang ibinigay ni Andrea kay Minikki. Kitang-kita iyon ng lahat. Rinig na rinig ang masakit na tunog nito.

Napaluhod si Minikki sa sakit ng kaniyang pisngi. Hawak-hawak niya ito habang umiiyak. Nakita niya pang may dugo ito.

"Andrea! Hindi mo na ako nirespeto!" malakas na sigaw ni Joshua na kababakasan na ng galit. Nakayukom ang mga kamay nito na tila ba kaunti na lang ay hindi niya na mapipigilan ang kaniyang sarili.

"Anong hindi? Ako ang hindi mo nirespeto! Girlfriend mo ako 'di ba? Bakit nakikipagkita ka sa ibang babae? Eto bang panget na 'to ang gusto mo?"

Muling hinila ni Andrea ang buhok ni Minikki na ngayo'y namimilipit sa sakit. Mapupula na ang mga mata ni Andrea sa galit tila ba nag-iiba na ito ng tingin sa mundo.

"Tumigil ka na sabi!" saway ni Joshua na pilit inaalis ang kamay ni Andrea sa buhok ng walang kalaban-laban na si Minikki.

"Bakit ako titigil?"

Nakakatakot ang mukha ni Andrea. Para siyang isang demonyo kung magalit. Hindi mo gugustuhing makalaban. Para siyang may sungay at ngisi ng kadiliman.

"Bakit ko titigilan ang babaeng 'to? Dahil nasasaktan ka?" Sinampal-sampal pa niya si Minikki sa harap ng madla. Bakas ang awa sa mukha ng mga estudyanteng nakapalibot sa kanila ngunit wala ni isang gustong kumalaban kay Andrea.

"Nasasaktan na ako! Ano ba?" sigaw ni Minikki kasabay ng malakas na pagtulak niya kay Andrea. Tumama ang ulo nito sa semento na siyang ikinagulat ng lahat lalong-lalo na si Minikki.

"Andrea!"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top