Chapter 26: The Encounter
Dahan-dahan iminulat ni Minikki ang mga mata niya at sumalubong sa kaniya ang dilim. Napunta ako sa ibang lugar? wika niya na puno ng pagtataka. Paano?
Napatingin siya sa bumangon sa tabi niya. Si Haylan. Tumingin ito sa kaniya na puno ng pag-aalala at pagtataka kung anong nangyari. "Are you okay?"
Tumango ang dalaga at napansin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ng binata. Napanganga siya at agad na binawi ang kamay niya.
"Nasa'n tayo, Minikki? Huwag ninyong sabihing nasa Prohibited Garden tayo?!" bulyaw ni Alvina na kasama pala nilang napunta sa ibang lugar. Sinugod niya si Minikki na ngayon ay papabangon pa lamang. Kinuwelyuhan niya ito at sinigawan. "Anong ginawa mo? Ikaw ba ang nagdala sa 'min dito?"
Hindi sumagot ang dalaga pagka't siya rin ay hindi maipaliwanag ang nangyari. "Sagutin mo ko!"
"Stop it, Alvina." Tinanggal ni Haylan ang kamay ni Alvina kay Minikki.
Natawa si Alvina. "Bakit? Huwag mong sabihing okay lang sa 'yo? Nakalimutan mo na ba? Ipinagbabawal sa 'ting pumunta rito sa Prohibited Garden dahil nandito ang mga PNGs! Ayokong ma-expel at ayoko ring mamatay sa kamay nila! Why are all of the places we will be brought to is here?" Bakas sa mukha ng walang utang na loob na si Alvina ang pagkamuhi sa kawawang dalaga na ngayo'y natutuliro. Pagka't si Minikki rin ay binabalot ng takot dahil naaalala niya si Rama at Laxamana na minsan niyang naka-engkwentro sa lugar na ito. Lalo pa't siya ang pakay ng mga ito...
"It wasn't her fault. We don't know what happened. Mabuti pa, puntahan na natin ang Arch of Utopia para makabalik na tayo sa university," sambit ni Haylan bago sinulyapan si Minikki na kagat-kagat ang kuko.
"Tsk. Mabuti pa sanang hindi niyo ako tinulungan! Sana iniwan niyo na lang ako roon! You just made it worst!"
Naglakad papalayo si Alvina at iniwan ang dalawa.
"Alvina? Where do you think you're going?"
Hindi sumagot si Alvina at tuluyan lang sa paglakad palayo. Nag-igting ang mga paa ni Haylan dahil pinipigilan niyang mainis sa matigas na ulo ng babae.
"So, ipinagbabawal na ng Lavinia Chandler niyo ang pagtapak sa lugar na ito? Kaya pala wala kaming naaamoy na mga lupon nitong mga nakaraang araw."
Nanigas ang katawan ni Minikki nang marinig ang pamilyar na malalim na boses ng kamatayan. Lumingon siya at doon niya nadatnan ang isang lalaki na sakay ng kabayo.
Muli niyang naalala na ang kabayong iyon ay hindi lumilikha ng ingay kung kaya't hindi niya napansin na kanina pa pala sila napaliligiran ng mga PNG.
Umusbong ang takot sa sistema ni Minikki lalo na nang mapansin ang muling pagtakbo ni Alvina pabalik sa kanilang dako.
"Ang mga PNGs! They're here!" malakas na sigaw ni Alvina habang kumakaripas ng takbo.
"A-anong gagawin natin, Haylan?" bulong ni Minikki habang nakasandal sa likod ni Haylan at pinagmamasdan ang mga nakapalibot nang PNG sa kanila. Hindi nila magawang tumakbo dahil alam nilang kahit gawin nila iyon ay hindi sila makakatakas pagka't sakay ng mga ito ang kabayo.
"Stupid! It was all your fault! What are you going to do now?" demanding na tanong ni Alvina nang muli ay makabalik siya sa kinatatayuan ng dalawa. "Come on! It was the both of you who brought me here!"
Dahil sa yamot sa kaingayan, agad na nilapitan ng isang lalaki si Alvina. Iyon ay si Laxamana.
Pinasadahan ni Minikki ng tingin ang paligid. "Wala na tayong takas," komento ni Minikki habang nanunuot sa dibdib ang kaba.
Malakas na halakhak ang yumanig sa buong kagubatan. Nagmumula iyon sa lalaking malapit lang sa kanila.
"Haylan...long time no see," wika ni Rama. "I never thought that you'll still be alive. You must be living in pain."
Bakas ang pagkamuhi sa mukha ni Haylan dahil muling bumalik sa alaala niya ang nangyari noon na isang bangungot kung maituturing. Napatingin naman si Minikki sa binata.
"Do you miss your parents?"
"Shut up."
Muling humalakhak si Rama bago ito bumaba mula sa kaniyang kabayo at naglakad papalapit sa tatlo. Pinagmasdan nito ang mukha ng mga kawawang estudyante.
Huminto ito sa tapat ni Minikki. Hindi niya maiwasang mapayuko pero hinawakan ni Rama ang mukha niya. "Don't touch her."
Bakas sa itsura ni Rama na hindi niya nagustuhan ang kaniyang nakita kaya napabitiw siya sa mukha ni Minikki.
"Ano bang kailangan mo sa amin? Sabihin mo sa akin! Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong patayin!" pagsusumamo ni Alvina habang hawak-hawak pa rin ni Laxamana.
"If you can answer my question, you'll be free to leave...alive."
"Anong gusto mong malaman?" matapang na wika ni Alvina. "I will tell you, pakawalan mo lang ako!"
"Nasaan ang babaeng nasa cronica?" makahulugang tanong ni Rama.
Lumakas ang kabog sa dibdib ni Minikki nang tumawa nang malakas si Alvina. Napakagat si Minikki sa kaniyang labi. Ramdam niya ang talim ng titig sa kaniya ni Rama kahit na ang kausap naman nito ay ang matapobreng si Alvina.
"She's in front of you! The only Minikki Genesis Umali that was written on the chronicles! Now, let me go!"
Binitiwan ni Laxamana si Alvina at agad itong tumakbo palayo. Nabaling ang atensyon ni Rama kay Minikki na ngayo'y hindi alam ang gagawin. Pinagmamasdan siya nang maigi ng lalaki. Ang matatalim na mata nito ay para bang pinapatay na si Minikki.
"Minikki, when I count on three, you run," bulong ni Haylan sa dalaga na sapat lang para marinig nilang dalawa.
"Hindi kita iiwan dito."
"Don't be stupid and follow my order if you don't want me to bring you to Gaol."
Minikki heaved a sigh, afraid of what event would take place if she leaves the guy who always saved her. She has no power to fight Rama and Laxamana, even those other PNGs around them. Haylan doesn't have weapons to do so. What awaits them is out of her imagination. Would it be death?
"So, you're the lady in the chronicles...Genesis..."
Napasinghap ang mga PNG sa paligid at animo'y handang-handa nang kunin ang babae. Bawat isa ay suot ang tagumpay na ngiti dahil hindi nila inaakalang makukuha na nila ang kanilang minimithing kapangyarihan.
Hindi nakasagot si Minikki. Maging ang boses niya'y nawalan ng lakas para magsalita.
"Show me your ability."
Minikki shook her head, which made Rama's eyebrows twitch.
"What's in your hands?" tanong pa nito na naging dahilan ng pagpansin ni Minikki sa kaniyang kamay na nasa loob ng kaniyang bulsa.
Umiling muli si Minikki.
"Show me or I'll kill you now."
Napapikit si Minikki at inilabas ang kaniyang kamay. Unti-unti niya iyong binuksan sa harap ni Rama at maging siya ay nagulat sa kaniyang nakita. Isang hindi pangkaraniwang gintong singsing.
Haylan was surprised too when he saw her holding a gold ring. He came up with the thought that Minikki stole that from Fortune Mountain but Minikki shook his head repeatedly. She has no idea why that ring appeared in her pocket. It must be when they were drowned by those gold stones and leaves. Who knows?
"Are you disrespecting me?" Bakas ang galit sa mukha ni Rama. Rama unleashed his sword and was about to stab Minikki when Haylan held her arm, pulling away from them. They started to run from those bad guys.
Naalarma ang PNG at kapwa sumakay sa kabayo para habulin ang dalawa.
"Bring her to me!" utos ni Rama.
Malakas ang kabog sa dibdib ni Minikki. It wasn't only because of their encounters with Rama, Laxamana and the sum of PNGs, it is also because of the fact that Haylan is holding her arm. They were out of breath but didn't want to give their lives up.
"Don't let them escape or I will kill all of you!"
Patuloy na tumatakbo ang dalawa. Hindi nila gustong mapasakamay ng mga persona non grata.
"Minikki, leave me here. I'll take them down," matigas na sambit ni Haylan.
"Gusto mong mamatay?"
"I said, leave!"
Tumigil si Haylan upang harangin ang mga humahabol kay Minikki at isa-isang nilabanan iyon. Walang nagawa si Minikki kung hindi ang magpatuloy sa pagtakbo upang humingi ng saklolo ngunit masyadong mabilis ang pagkakatakbo ng mga kabayo kung kaya't mabilis din siyang naabutan ng mga ito. Maging ang daan na susuungin niya ay naroon na ang mga nagkalat na PNG. She has no choice but to stop running away and catch her breaths as she tries to think of any solutions to escape.
Sa kaaatras ay nabalik siya kay Haylan. Haylan was so displeased seeing Minikki on his side again. He was out of breath and full of wounds and bruises. Even though he didn't want Minikki to see him in that state, he had no choice.
"I told you to leave," hinang-hinang sabi ni Haylan.
"I tried but my footsteps lead me back to you."
Pareho na silang na-corner ng mga PNG at wala na silang pag-asa pang makatakas. Maging si Rama at Laxamana ay malalaki na ang ngiti dahil tila ba nagtagumpay na sila sa kanilang misyon.
But out of desperation, Minikki remarked, "Haylan, hawakan mo ang kamay ko!" sambit ng dalaga.
"I am already holding your hand! What else do you want me to do?" tanong ni Haylan. Doon lang napansin ni Minikki na hawak-hawak na pala siya nito sa kaniyang braso na para bang siya ang gusto nitong makasama bago mawalan ng hininga.
"Hindi ganiyan! Ganito!" Kinapitan nang mahigpit ni Minikki ang kamay ng binata at sa isang iglap nagkaroon ng malaking liwanag na humila sa kanila papunta sa ibang lugar.
"H-how on the Earth—?" bulalas ni Haylan ngunit hindi na ito nasagot ni Minikki pagka't nakita nila ang mga guro na nakapalibot sa kanila. Kapwa nasaksihan ang paglitaw ng dalawa sa gitna ng Grand Office.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top