Chapter 25: Fortune Mountain
"Minikki!"
Nabalik sa reyalidad si Minikki nang marinig na naman niya ang boses na iyon. Ang lalaking palaging nagliligtas sa kaniya sa tuwing napapahamak siya. Parang si Jeremiah Nicolei sa labas.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa kaniya at pagtulong sa kaniyang makatayo mula sa pagkakahulog sa ilog. Basang-basa ang damit ng dalaga dahil sa nangyari.
"Are you out of your mind? Why aren't you standing up?" asik ng binatang si Haylan na puno ng pag-aalala.
"H-ha? S-sorry," sambit ng dalaga na para bang nawalan ng buhay.
"Sorry? You should say that to yourself," sambit pa ni Haylan na punong-puno ng pagkadismaya.
Napayuko lamang si Minikki at agad niyang napansin ang mga isdang nasa paanan ni Haylan. Kinakagat ng mga isda ang binata kung kaya't dali-dali niyang hinawi ang mga iyon at pinagkukuha para itapon.
"Dumudugo ang paa mo, Haylan!" sigaw ng dalaga na siyang puno na rin ng pag-aalala. Hinawakan niya ito at talagang napakagat siya ng kaniyang labi nang makita niyang natuklap na ang balat sa paa ng binata. Nagmamadaling hinila ni Minikki ang binata na makaakyat sa batuhan.
"Kailangan mong madala agad sa clinic, Haylan!" Minikki stated as she tried to pull the guy again out of that place but Haylan was too strong to be swayed.
"I'm okay. This was nothing," komento ni Haylan. "How about you? Hindi ka ba nakagat ng mga isda?"
Tiningnan ni Minikki ang paa niya. Laking pagtataka niya nang wala ni isang bahid ng dugo o gasgas man ang paa niya. Hindi siya nakagat ng isda.
"P-paanong—?" Naputol ang kaniyang sasabihin nang tanungin siya ni Haylan.
"Huwag mong sabihing hindi ka pa kumakain?" "H-hindi pa yata." Napakamot sa ulo si Minikki at nakaramdam ng pagkulo ng tiyan. "Then it was you who needs to be brought to the infirmary. Look at how steep Fortune Mountain is. Can you handle that?"
Tinuro pa ni Haylan ang bundok. Doon napagtanto ni Minikki na mas nakakalula pala ito sa malapitan.
"K-kaya ko pa," sambit ng dalaga. Kumpara naman talaga sa mga naranasan niyang pang-aapi noon, wala lang ang gutom sa kaniya. Masyado nang mataas ang pain tolerance niya na kahit kumalam na ang tiyan at sikmurain siya ay para lang itong kagat ng langgam sa kaniya.
"Then, follow me."
Tahimik lang si Minikki habang nakasunod sa kaklase. Ngayon niya lang ulit naalala na isa nga palang Dreamer si Haylan katulad niya. Mabuti na lang at nakita siya nito kanina kung hindi, baka magtagal pa siya sa ganoong kalagayan.
Maingat siyang tumapak sa bato upang makatawid nang ligtas sa ilog.
"We're here," bigkas ng binata. Napatingin si Minikki sa matarik na bundok na aakyatin nila.
"Careful," paalala ni Haylan habang nauuna sa pag-akyat sa bundok. Kasunod naman si Minikki na nanginginig sa kaba dahil unang beses niya lamang itong masusubukan. Hindi siya sanay sa matataas na lugar. Naalala niyang takot pa nga siyang umakyat sa rooftop noon ngunit dahil nga mas malaki ang pag-ibig niya sa first love niya kung kaya't lakas loob niyang inaakyat ang rooftop makita lamang ang taong mahal niya.
"Madulas d'yan. Sa damo ka tumapak, huwag sa lupa."
Napatingin si Minikki sa binata.
"Madulas kasi kung sa lupa ka tatapak. Mas okay nga kung nakayapak ka. Mas mabilis kang makakaakyat," paliwanag pa nito. Hindi maiwasang humanga ng dalaga rito lalo pa't napapansin niyang mahaba ang pasensya nito sa kaniya. At kahit na walang kapalit ay tinutulungan siya nito. Ibang-iba sa Haylan na una niyang nakita at nakilala na muntikan na siyang dalhina sa Gaol.
"Baka mahulog ako kapag hinubad ko 'yong sapatos ko rito," pakiusap ng dalaga.
"Alright. I'll be there again. Wait for me."
Lumapit naman ang binata at pumunta sa likod ng dalaga. Hinintay niyang makapagyapak si Minikki.
"Pwede bang humawak sa 'yo? Sabay na lang tayo," alok ng dalaga.
"It would be more dangerous if two of us hold hands. It's easier if you'll do it alone."
Wala namang nagawa si Minikki nang tanggihan siya ni Haylan.
"Don't be so dependent. I am not always around to help you."
Sumunod na lang ang dalaga at hinabol ang binata ngunit isa yata iyong pagkakamali dahil halos maubusan siya ng hininga at para bang tatakas ang baga niya sa hingal. Maging ang mga tuhod niya ay nanghihina rin.
"I told you to take it slow! You'll die if you do that again," puna ni Haylan.
"Hinahabol kasi kita! Ang bilis mo masyado!" reklamo ni Minikki.
Sumunod na si Minikki sa kaklase niya nang makapahinga siya sandali.
"Ano? Kaya pa?"
Tumango ang dalaga. Totoong halos abutin siya ng kinse minutos sa limang minutong akyatan ng normal na tao.
"Kailangan pala kapag aakyat, nakatingin lang sa tinatapakan kasi kapag tumingin ako sa taas, sa pupuntahan ko, nalulula ako. Gano'n din kung titingin ako sa likod, feeling ko mahuhulog ako," komento ni Minikki nang maakyat niya na ang tuktok nito. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang sarili na napagtagumpayan niyang labanan ang kaniyang kahinaan.
"Yeah, you just have to focus on the step in front of you and not the whole staircase. If you manage to keep taking step after step, you'll be able to get to your destination without you knowing it."
Nakangiti si Minikki habang tumatango.
"Oo nga pala, nasaan na 'yong mga kasama mo, Haylan?" tanong ni Minikki habang sumasabay sa paglakad ng binata.
"We decided to separate so we can find and get the fortune faster."
Napanganga si Minikki. "S-sorry, ako pa yata ang dahilan kung bakit mahuhuli ka sa paghahanap."
"Yeah, but don't worry too much. I already know where to find it."
Kumunot ang noo ni Minikki. "P-paanong—?"
"I'm with you. Aren't you the lady in the chronicles? Ang kayang makahanap sa mga bagay na nawawala?"
Muntikan nang matawa si Minikki sa sinambit ng lalaki. So, kaya ba siya tinulungan nito para humingi rin ng pabor na tulungan siyang mahanap ang treasure na binabanggit ni President Darwin?
"Naku, hindi ko nga alam kung anong hinahanap natin, eh! Ano ba 'yong treasure na tinutukoy ni President Darwin?" tanong pa ni Minikki.
"'Yong one of a kind. 'Yong hindi ginto."
"Hindi ginto?"
"Yes, because everything you will see here is gold except for that treasure."
Kumunot ang noo ni Minikki at tumingin sa paligid. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng binata tungkol sa treasure na pinapahanap ng presidente nila. Anong treasure ang hindi ginto? Madalas sa palabas, ginto ang kayamanan.
Natigilan si Minikki nang sa isang kisapmata ay nagbago ang lahat sa paligid niya. Ang lahat ng bagay ay naging kulay ginto. Ang mga bato, halaman, damo, puno at maging ang mga dahon nito ay gawa sa ginto.
"P-paanong—? Kanina lang..."
Hindi na natapos ni Minikki ang sasabihin niya nang yayain na siya ni Haylan na maghanap ng treasure.
"Oo nga pala, maraming nababaliw rito," saad ng binata.
"Nababaliw?"
"Yeah, this activity is to test our self control. May ilan sa mga estudyante rito ay nasilaw sa mga gintong naririto sa Fortune Mountain. Ang iba pa nga ay nasa rehabilitation pa. Kaya, kahit anong mangyari, huwag kang kukuha ng kahit ano mula rito, kahit pa maliit na batong ginto."
Tumango si Minikki.
"Ahhhh!!!"
Napalingon silang pareho nang may sumigaw. Nagkatinginan pa silang dalawa upang kumpirmahin sa isa't isa kung kapwa ba narinig nila iyon. Walang pag-aatubiling hinanap ni Minikki at Haylan kung saan iyon nanggaling at nakita nila ang isang babae na tinatabunan ng mga gintong bato. Maging ng mga gintong dahon mula sa mga gintong puno ay bumabagsak sa kaniya.
"Anong nangyari?" tanong ni Minikki sa isa pang babae na kaniyang namukhaang isa sa mga kagrupo niya sa treasure hunting na ito.
"Pinigilan ko siya, eh, pero kinuha niya pa rin 'yung gold tiara! I told her that the treasure is not gold and different pero giniit niya pa rin na 'yon daw 'yon. She even wore it and then suddenly everything happened," paliwanag ng babae habang natutuliro sa nangyayari.
"Ano ba? Hindi niyo ba ako tutulungan dito? Tulungan niyo 'ko! Monica! Come here and help me! Get me out of here!" sigaw ng babaeng ngayon ay unti-unti nang natatabunan na kahit anong pagbangon niya ay hindi na siya makapalag sa bigat ng gintong nasa katawan niya.
Nagmadali si Minikki at hinawi ang mga gold leaves and stones para makuha ang kamay ng babae ngunit maging siya ay natatabunan na rin nito. Tumulong din si Haylan kahit na alam niyang imposibleng masagip pa ang babae.
"Please, help Alvina!" sigaw ni Monica.
"Huwag ka nang magsalita at tumulong ka na rin, Monica! Nasaan na ba sila Lilibeth at Sandy? Umalis talaga sila and leave me like this?" Tanging mukha na lang ng naiinis na si Alvina ang nakikita at ang buo niyang katawan ay natabunan na.
Hinahanap ni Minikki ang kamay ni Alvina para sana hilahin ngunit talagang maging siya ay natatabunan na ng mga ginto. Maging siya ay hindi na makahinga at makakilos. Naramdaman niyang may nahawakan siya. Kamay. Kumapit siya rito at saka tuluyang pumikit.
Nagkaroon ng liwanag. Nasilaw si Minikki sa liwanag na iyon na unti-unting humihila sa kaniyang paa. Napasigaw siya nang maramdaman niyang bumabagsak ang mga ginto sa kaniyang paanan kasabay no'n ay ang pagbagsak niya sa ibang lugar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top