Chapter 22: Glimpse of Happiness

Pinagmamasdan ni Minikki ang mga estudyante sa Occoii University. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may bench malapit sa fountain kung saan nakikita niya rin ang Mystical Lady.

"Wala pang isang linggo akong narito pero parang ang dami nang nangyari," bulong ni Minikki sa kaniyang sarili. In-announce na sa lahat ang bagong rules sa university. Maging ang curfew time na pagpatak ng alas sais ng gabi ay nasa Lodging Houses na ang lahat ng mga estudyante. Naalala niya ang nakasulat sa loob ng tasa na sa isip niya'y iyon na ang misyon niya.

Protect the university.

"Paano ko naman gagawin iyon? Wala akong kakayahang protektahan ang lugar na ito." Akala ng dalaga ay ang paghahanap lang sa nawawalang cronica ang misyon niya. Hindi pala.

Bumalik sa alaala niya ang mga naranasan niyang pang-aapi sa labas. Ang pangbu-bully sa kaniya ng mga kaklase niya. Ang mga masasakit na salitang natatanggap niya mula sa mga ito. Ni minsan ay hindi siya lumaban. Hindi niya naipagtanggol ang kaniyang sarili. Nakakabaliw isipin kung sa paanong paraan niya mapoprotektahan ang lugar kung saan siya nakatapak ngayon.

"Minikki! Kanina ka pa namin hinahanap!" Narinig niya ang sigaw ni Gellie na tumatakbo kasama si Jaeson. "Nandito ka lang pala!"

"Anong ginagawa mo rito? Pinagalitan ka ba sa Grand Office?" nag-aalalang tanong ng mga ito.

Umiling ang dalaga. "Hindi naman. Nag-iisip lang ako tungkol sa nangyari."

"Nabalitaan nga namin ang nangyari sa 'yo kagabi. Kumusta ka naman?" tanong ni Jaeson.

Umupo sila sa tabi ni Minikki.

"Sana pala hindi na ako pumunta roon."

"Bakit ka ba kasi pumunta sa Prohibited Garden? Mabuti na lang hindi ka naparusahan," saad ni Gellie.

"Hindi ko rin alam. Pakiramdam ko, gulo lang ang nadala ko rito. Totoo bang ako ang nasa cronica? Parang hindi kapanipaniwala," tanong ng dalaga na tila ba nawawalan ng pag-asa.

Nagkatinginan naman si Gellie at Jaeson. Kapwa hindi alam ang sasabihin sa kanilang kaibigan.

"You need to accept it, Minikki. Everybody who read the chronicles can confirm that it was really you."

"Bakit ako? Eh, isa lang naman akong hamak na palaging naaapi noon. Wala rin akong abilidad ng kagaya ninyo. Wala akong magagawa."

"You just have to believe, Minikki. Baka ngayon wala, pero malay mo balang araw...mas maging malakas ka pa pala sa amin."

"At magiging mas malakas siya kapag nahanap na niya ang cronica. Narinig kong malaki ang kapangyarihang taglay nito kaya gusto ng mga pinuno ng PNG na mapasakamay ito," sabat ni Jaeson.

"Kaya Minikki, you should face it yourselves so you can start doing what you really have to do. Hindi ka naman nag-iisa. Narito kami ni Jaeson para sa 'yo at ang buong Occoii University para protektahan ka."

***

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Maagang pumasok si Minikki sa klase. Pakiramdam niya ay ngayon palang magkakaroon ng normal na klase at tila ba nakalimutan na rin ng lahat ang tungkol sa pagpapakita ni Rama at Laxamana sa Prohibited Garden. Tahimik ang lahat at walang ni isang kababakasan ng takot tungkol sa PNG.

"Okay class, katulad ng nabanggit ko last week. Today ay magkakaroon tayo ng election for classroom officers. Sa tingin ko naman ay naging sapat na ang isang linggo para makilala niyo ang isa't isa," banggit ni Miss Evergreen.

"The table for President is now open."

Nagtaas ng kamay ang isang kaklase ni Minikki. "I nominate Gellie Villafranca for President."

Napatingin si Minikki kay Gellie. She smiled when she saw the glimpse of happiness on Gellie's face. It must be her dream.

"Yan, tama 'yan! Acer dapat for President," komento ng isang lalaki sa likod.

"Ano ka ba? Mas matatalino ang mga Chuffer! I nominate myself, Ma'am," sabat ng isang kaklase ni Minikki na naging dahilan ng pagtahimik n g lahat. Napansin ni Minikki na nawala ang ngiti sa mga labi ni Gellie. Maging siya'y kinakabahan sa magiging resulta.

"I close the nomination for President."

"I second emotion," sambit ng isa na naging dahilan ng hagalpakan ng marami. Mabuti na lang at may nagpatawa dahil masyadong mainit ang labanan sa pagka presidente.

"Anong second emotion?!"

"I second that motion."

Muling tumahimik ang bawat isa habang itinataas ang kanilang mga kamay dahil binibilang ng guro ang boto.

Hindi mapigilang mapangiti ni Gellie nang makitang lumamang siya ng isang puntos. "We have our new classroom president! Ms. Gellie Chance, please do the honor and proceed."

Maaliwalas na ang mukha ni Gellie nang pumunta siya sa harapan at ipinagpatuloy ang nomination sa bawat position ng officers. Napansin pa ni Minikki na pinunasan ni Gellie ang gilid ng kaniyang mga mata.

"Mabuti naman, siya ang nanalo," sambit ni Jaeson. Tumango ang dalaga.

Napuno ng masasayang tawanan ang buong classroom ng first year. Maririnig din sa kabilang section na nagsasaya rin ang mga ito sa pagbobotohan ng officer.

Hindi nila namalayan na dalawang position na lang ang hinahanap nila. Natawa si Minikki nang makita niya ang salitang 'Muse'. Sa isip niya, nasa lugar siya ng lupon ng mga estudyanteng hipon pero kailangan ng muse pero sa isang banda ay binawi niya iyon dahil kapwa may itsura talaga ang bawat isa. Siya lang yata ang naiiba.

"Tumatawa si Minikki! I nominate Minikki Genesis Umali for muse!"

"A-ano?" Natawa ang buong klase. Hindi alam ni Minikki kung matatawa ba siya dahil gusto siyang maging muse ng mga ito sa kabila ng kaniyang hindi kaaya-ayang pisikal na anyo. Gusto niyang ituring na isa iyong insulto pero hindi niya alam kung bakit natutuwa siya sa isang banda.

"Oh wala nang lalaban d'yan! Panalo na 'yan!"

"Hala! Bakit ako? Trip niyo ba 'ko?" tanong ni Minikki. Hindi niya lubos maisip sa kaniyang sarili na balang araw pala ay pagtatawanan niya na rin ang pino-problema niya noon. May lugar din palang hindi mahalaga ang pisikal na anyo. At hindi pala lahat ng muse ay kailangang maging maganda.

"Okay lang 'yan, Minikki! We're here to support you!"

"Minikki! Minikki! Minikki!"

Napatingin si Minikki kay Haylan. Tila ba pinipigilan nitong tumawa pero nang magtagpo ang kanilang mga mata ay hindi na napigilan ni Haylan na humagalpak ng tawa.

Para bang tumigil ang mundo ni Minikki nang mga panahong iyon. Tila ba nawala ang mga tao sa paligid niya at naka-sentro lang ang mundo niya sa iisang taong tumatawa. It was the very first time he saw him laughing so hard and it was because of her. She can't help but smile too even though the reason is her whole damn face.

"At mukhang wala nang papalag, sige na Minikki, pumunta ka na rito sa harap."

Nabalik sa reyalidad si Minikki nang marinig ang guro.

"Tama! Bigyan mo naman kami ng sample walk d'yan!"

"Hala! Hindi ako marunong!" Panay ang iling ni Minikki at para bang gusto niyang lamunin na lang ng lupa. "Pinagtitripan yata ako ng mga ito, ah," isip ni Minikki pero hindi naman siya na-o-offend dahil mabuti na itong nagkakatuwaan sila at nababaling sa ibang bagay ang kanilang pag-iisip kaysa muling makaramdam ng takot dahil sa nangyari.

"Oh sige, maghanda ka na muna ng iyong sarili. The table for escort is now open," sambit ni Miss Evergreen.

"I nominate Haylan Aristotle Constano for escort!"

Daig pa ni Minikki ang na-stroke sa gulat nang marinig ang buong pangalan ng seatmate niya.

S-si H-haylan? E-escort?

Gusto niyang sumigaw sa kahihiyan. Para bang nanliit siya sa kaniyang sarili. Ako, muse? Tapos siya ang escort? Hindeeee!

Tinagpo ng mga mata niya ang mga mata ni Haylan na ngayo'y hindi na makatawa sa nakikita. Ayaw niya sa lahat ay ang mailagay doon. Hindi siya komportable sa pagkakaroon ng posisyon sa klase dahil bukod sa ayaw niya ng responsabilidad, mas gusto niyang maging malaya at magawa ang gusto niya nang walang matang tumitingin kung mali ba ito o tama.

"I nominate Jaeson Casphere Zalazarres for escort."

Natahimik ang lahat nang marinig ang pangalan ni Jaeson. Kahit si Jaeson ay nagulat doon.

"I moved that the nomination for Escort be closed."

"I second that motion."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top