Chapter 20: The Risk in Secret Relationships

Unti-unting iminulat ni Minikki ang kaniyang mga mata at pagkatingala niya ay sumalubong sa kaniya ang mukha ni Haylan. Maging ang tagpong nasa ibabaw siya nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong kanina pa sila sa ganoong puwesto, yakap-yakap ang isa't isa. Agad na tumayo si Minikki ngunit nauntog siya at doon niya na-realize na nasa double deck sila.

"N-nasa'n tayo?" nagpa-panic na tanong ng dalaga.

"In my room," sagot ni Haylan na wari mo'y hindi naaapektuhan sa nangyari.

"H-ha? P-paano tayo napunta rito?"

Aligaga si Minikki habang inaayos ang sarili habang sinusuri ang paligid. Kanina lang habol-habol niya ang hininga sa pagtakbo para lang makatakas sa dalawang lalaki ngayon naman ay hindi matigil ang pagtibok ng kaniyang puso sa kaba. Lalo na sa isiping magkasama sila sa kwarto ng binata.

"Dumaan tayo sa Arch of Utopia," paliwanag ni Haylan.

"A-alam ko, pero..." Napabuntong hininga si Minikki habang unti-unti niyang naiintindihan ang mga pangyayari. Marahil, ang kwarto ang unang pumasok sa isipan ni Haylan kung kaya't doon sila nakarating.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Bumangon si Haylan at tiningnan si Minikki.

"Why are you in there?" tanong nito sa dalaga. "What are you doing in the prohibited garden? Aren't you aware that students are not allowed to go to that place?" bakas sa tono nito ang pagkainis. "I must bring you to Gaol."

Agad na naalarma si Minikki at napaatras nang muli siyang pagbantaan ng binata. "B-bakit ikaw? Bakit ka naroon? Dapat ka ring makulong dahil pumupunta ka rin sa lugar na 'yon!"

Hindi alam ni Minikki kung bakit bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot sa binata. Siguro'y dahil na rin sa takot na madala sa Gaol.

Ngumisi si Haylan. "It was my duty to check the perimeters."

Kumunot ang noo ng dalaga.

"It is the punishment I received when I saved you."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Minikki. "Paano ako maniniwala? Eh, nakita kita noong nakaraan na pumunta ka rin doon." Ngunit biglang napanganga si Minikki sa kaniyang napagtanto. "Sandali, ibig sabihin, may ginawa ka ring kalokohan noon? Kaya ka naroon sa Prohibited Garden?"

Hindi sinagot ni Haylan ang mga tanong ng dalaga sa halip ay tinanong ito. "What happened there? Why are you running away as if you were chased by death?"

Bumalik ang takot sa dibdib ni Minikki nang maalala ang buong nangyari. Maging ang mga balahibo niya'y nagsitaasan muli. "Gusto nilang kunin ang babaeng nasa cronica."

"Nila?"

"Nila Rama at Laxamana. Hindi ko kilala kung sino sila. Sino sila, Haylan?" Haylan exhaled in a manner of angsty. He knows who they are and he's been waiting for them to appear again since then.

"They are the leaders of the PNGs. You must not go back to that place if you still want to be alive. They are after you."

Umawang ang bibig ni Minikki sa narinig. "A-anong ibig mong sabihin?"

"You are the lady in the chronicles. Didn't you know?"

Sandaling napatigil si Minikki habang nakatitig lamang sa binata. Iyon ang gusto niyang klaruhin sa kaniyang ina, ang dahil kung bakit gusto niyang makausap si Professor Gener. Hindi niya inaasahan na ang lalaking nasa harap niya ang sasagot sa kaniyang katanungan. She doesn't know why she suddenly felt the weight of the responsibility now that it came from Haylan. It must be true. Si Haylan na ang nagsabi. Hindi ang tipo niya ang nagbibiro o magbibiro man sa bagay na katulad nito.

"I am sure that it was you, while others have doubts about it."

Tila ba nabawasan ang pangamba ni Minikki nang sabihin iyon ni Haylan. Kung gano'n, wala ring basehan si Haylan na siya nga ang babaeng nasa cronica. Makakahinga pa rin siya nang maluwag.

"Paano ka nakakasigurong ako nga?"

Ngumisi si Haylan. "Private."

Kusang tumaas ang gilid ng nguso ni Minikki. Magsasalita pa sana siya nang bumaling ang mga mata niya sa pinto ng kwarto ni Haylan.

"Haylan Aristotle Constano!"

Naroon ang isang lalaki na nanlalaki ang mga mata dahil hindi makapaniwala sa nakikita. Matangkad ito at mukhang mas matanda kay Haylan.

"Anong ibig sabihin nito?" malakas pa nitong sigaw. "Bakit may babae rito? Bakit magkasama kayong dalawa? Ha?" sunod-sunod nitong tanong. Gulat na gulat ang binata at hindi malaman ang ikikilos lalo pa't bumungad sa kaniyang may babae sa kwarto nila, at isa pa, natatandaan niya kung sino ito—si Minikki, ang babaeng iniligtas ni Haylan sa Cerulean Sea.

"Anong ginawa niyo?"

"G-ginawa?" nauutal na tanong ni Minikki. "H-hoy! G-grabe ka naman! Mali ka ng iniisip! W-wala kaming ginawa!" apela pa ng dalaga sabay tayo at layo mula kay Haylan.

"Haylan!"

"I'll explain it to you later, Hendricks. Tulungan mo muna akong ilabas siya nang walang nakakakita."

Napasinghap ang lalaki at halos hindi makapaniwala sa narinig kay Haylan. Mas lalo tuloy siyang nagkakaroon ng maling isipin tungkol sa dalawa.

Napatingin si Minikki kay Haylan. Nakita niyang seryoso lang ito at tila ba malalim ang iniisip. Nakaramdam ng malaking pagkahiya si Minikki sa lalaki kung kaya't dumistansya siya rito.

"Nakakalimutan ko yatang pangit ako. Hindi dapat ako umastang maganda," sambit ni Minikki sa kaniyang isipan habang nakayukong naglalakad. Tila ba nahiya na rin siyang kausapin ang mga ito at magpasalamat lalo na kay Haylan na siyang nagligtas sa kaniya sa pangalawang pagkakataon.

Tuluyan na siyang nakasakay sa elevator. Papasara na ang pintuan nang marinig niyang magsalita si Haylan. "Chin up, if you don't want to bump into someone again."

Napatunghay si Minikki at sumalubong sa kaniya ang mga mata ni Haylan hanggang sa unti-unti nang sumara ang pinto. Sa pagkakataong 'yon, hindi niya maiwasang mapaisip pero mas pinili niyang isantabi na muna iyon dahil may mas mahalaga siyang unahin.

Binabagabag pa rin siya ng mga narinig niya kanina maging ang sinambit ni Haylan sa kaniya—na siya ang babaeng nasa cronica. Hindi siya makapaniwala. Paano nangyari iyon?

Hindi niya namalayang nakabalik na siya sa kwarto niya at nagulat siya nang madatnan ang isang babaeng naroon. Napansin niyang may kausap ito sa telepono.

"Sa una lang siguro mahirap pero kung magkasama tayo, wala tayong hindi kayang lagpasan."

Napatikom si Minikki ng kaniyang bibig sa narinig niya. Bukod sa ito ang unang beses niyang makita ito ay hindi siya palagay sa kaniyang mga naririnig.

"Wala namang makakaalam. Bakit tayo matatakot? Ilang taon na tayong magkarelasyon pero hindi naman tayo nahuhuli. Biruin mo, huling taon na natin dito sa Occoii University. Kapag nakatapos na tayo, maaari na tayong maging malaya sa labas. Magagawa na natin ang gusto natin at hindi na kailangang ilihim pa."

Hindi alam ni Minikki ang gagawin—kung aalis na lang ba siya o magkukunwaring walang narinig ngunit papalabas na siyang muli ng kwarto nang mapansin siya ng babae.

"Narito na ang roommate ko. Sige, ibababa ko na. I love you," pamamaalam ng babae sa kausap nito.

Napalunok si Minikki at dagling nakaramdam ng kaba. Nagsisising hindi na dapat siya umuwi dahil pakiramdam niya, gulo itong napasok niya gayong wala naman siyang ginawa kung hindi ang umuwi. Sana pala hindi na lang siya pumunta roon sa Prohibited Garden. Sa isang pagsuway, ang dami na kaagad na nangyari.

"Ikaw si Minikki?" Nagulat si Minikki nang kausapin siya nito.

"H-ha? O-oo."

Naglakad ito papalapit sa kaniya. "It's nice to meet you. Ako si Alondra Penegrino. 'Yong kausap ko kanina, 'yon 'yong boyfriend ko, si Theo Alfonso. Pareho kaming Acer, ikaw?"

Minikki's jaw gape in disbelief. She can't fathom how this lady in front of her seems to be unbothered and even let her know her secrets. Alondra was smiling from ear to ear. It must be the happiness that for the first time, she can be free and have someone who she can't hide the truth from. But Minikki was uncomfortable by that fact.

"D-dreamer."

"You must be in shock. Don't tell me, iniisip mong walang hindi sumusunod sa utos? You'll be surprised how many of us are in secret relationships here."

Tinapik ni Alondra ang balikat ng dalaga. "It's normal for us teenagers to be in love so this is the risk that we're taking to prove that. I would appreciate it if you keep this secret too from others."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top