Chapter 2: Moving On But You Reach Out Again

"Tigilan n'yo na 'yan!"

Napatingin si Minikki sa nagsalita. Ganoon din si Andrea at ang kaniyang mga kaibigan.

"Matagal nang naka-move on si Nikki sa bakla mong jowa," pang-iinsulto ni Jeremiah kay Andrea, sabay lapit sa kaniyang kaibigan na si Minikki. Kitang-kita kung paanong nagbago ang reaksyon sa mukha ni Andrea nang marinig ang sinabi ni Jeremiah.

"A-anong bakla? My boyfriend is not a gay!" iritableng sigaw ni Andrea habang umuusok ang ilong sa galit. Pinipigilan naman siya ng mga kaibigan niyang sugurin at sabunutan si Jeremiah.

"Anong hindi? Puntahan mo sa kabilang room para makita mo kung paano niya gayahin 'yong mga kpop girl group," maangas na siwalat sa kaniya ng binata.

"Normal lang 'yon 'cause he's a dancer! Homophobic!"

Inirapan ni Andrea si Jeremiah bago ito padabog na lumabas na sinundan naman ng mga alipores niya.

"Homophobic agad? Eh, bakla nga ako," bulong ni Jeremiah habang umiirap sa hangin. Napunta naman ang atensyon nito kay Minikki.

"Okay ka lang?" tanong nito habang hinihimas ang balikat ng dalaga. Matagal nang magkakilala si Jeremiah at Minikki. Bukod sa magkaklase sila, si Jeremiah Nicolei lang ang nagtatanggol sa kaniya kapag inaapi siya ng mga kaklase nilang masasama ang ugali.

Tumango lang bilang sagot si Minikki at iniyukod ang ulo sa ibabaw ng desk bago napabuntong-hininga.

"Ewan ko ba sa 'yo bakit nagpapa-api ka sa mga chakang 'yon," bulong ni Jeremiah. Minikki looked up as she squinted her eyes because of hearing that word. "Mas maganda ka kaya sa mga 'yon lalo na kung mawala 'yang mga tigyawat mo sa mukha."

Minikki raised her eyebrows as she heaved a sigh and went back to facing her armchair. Looks like, hindi siya kumbinsido sa ipinuri sa kaniya ng kaniyang kaibigan. "Maniwala ka sa 'kin. Kung hahayaan mo lang akong ayusan ka, mas maganda ka kaysa kay Andrea."

Minikki keeps on shaking her head. "Nakikita ko ang sarili ko sa salamin, Jeremiah. Kahit gaano kakapal ang foundation at concealer ang itapal mo sa mukha ko, wala na 'tong igaganda. Pagtatawanan lang ako nila Andrea at lalo akong pagdidiskitahan dahil sila, natural ang mga ganda nila," komento ni Minikki na may halong pagkadismaya tungkol sa kaniyang sarili.

"Tsk. Natural na masasama ang ugali," sambit ni Jeremiah bago umupo sa katabing upuan ni Minikki. Nakahalukipkip it habang bagsak ang mga balikat. "Anong silbi ng panlabas na anyo kung hindi naman busilak ang kanilang puso?"

"Mga pangit lang ang nagsasabi niyan, Jeremiah," saad ni Minikki.

"Hays, can you stop calling me that? I am Maya, okay? At ewan ko ba sa 'yo, Minikki! Kung bakit hindi ka lumalaban. Mabuti pa, lumipat ka na lang sa ibang school," suhestiyon ni Jeremiah habang pinagmamasdan ang mga kaklase niyang unti-unti nang nagsisidatingan.

"Kahit nasa ibang school ako, ganito pa rin ang trato nila sa akin. Wala akong takas."

"No, I mean, doon sa sinasabi kong university. Alam mo kung pasado lang ang mukha ko, doon ako papasok, eh, para malayo sa mga toxic people katulad nila Andrea."

Kumunot ang noo ni Minikki. She glanced at her friend, questioning what he said, "Anong university? At anong kung pasado lang ang mukha mo? May school bang gano'n? Sa mukha ang basehan?"

"Yes, kakaiba nga, eh, pero 'yon lang ang narinig ko doon sa pinsan ko." Inilabas ni Maya ang flyer mula sa bulsa ng bag niya. "Aksidente kong nakita 'to sa pinsan ko dati. Out of curiosity, sinubukan kong mag-enrol pero hindi ako pasado."

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Minikki pagka't nalalaman niyang bukod sa matalino si Jeremiah ay sporty din ito at may itsura. Madali itong matatanggap kahit saan mang university niya gustuhin.

"No offense, ha? Pero pangit lang 'yung tinatanggap nila."

"Ha?" hindi makapaniwalang tanong ni Minikki. "Seryoso ka ba? Inaasar mo lang ata ako, eh."

"Seryoso nga! Walang halong biro. Mukha ba akong mag-iimbento ng university? At saka, mai-stress ba ako nang ganito kung hindi totoo ang mga sinasabi ko? May mga tests na kailangang ipasa. And worst, una palang bagsak na ako," malungkot na saad ni Maya sabay buntong-hininga. "Kung pangit lang sana ako."

Hindi maiwasan ni Minikki na mapabuga ng hangin sa mga naririnig niyang kalokohan mula sa kaniyang kaibigan. "Sinong matinong tao ang gugustuhing maging pangit?"

"Ako! You don't know how much responsibility we have being beautiful creatures in this world."

Napangiwi na lang si Minikki. Akala naman niya seryoso na ang kaniyang kaibigan, 'yon pala ay pinagti-trip-an lang siya nito. "Pinagyayabang mo lang ata na maganda ka, eh. Oo na, totoo naman."

"Minikki, hindi rin naman ako naniniwala noong umpisa pero nasubukan ko kasi at nalaman kong totoo sila. Kung nakapasa nga lang ako sa test, malamang wala na ako rito."

Kunot-noo namang sumagot si Minikki. "Ano ba kasing test?"

"May tatlo kasing test—physical test, mental test and then ability test. Physical test palang bagsak na ako. Hindi ko naman alam na kailangan pala pangit ka para ma-qualify," paliwanag ni Jeremy.

Minikki's upper lips curved in dismay. Kahit anong subok niyang paniwalaan ang kaibigan niya ay hindi niya magawa. "Kalokohan!"

Umiling si Minikki habang tinitingnan ang kaibigan. Nagpapasalamat sa kaniyang sarili na kahit pangit siya, hindi naman siya baliw.

"Do you think I'm just fooling around? It's real, Minikki! That university is real!" pangungumbinsi pa ni Maya ngunit mukhang hindi sapat para maniwala si Minikki. Lalo na sa pagkakalahad niya ng tungkol do'n, tunog kalokohan.

"Wala naman akong nababalitaan na ganiyang university. Kung meron, eh di sana naibalita na sa national television. O kaya naman, sana wala nang kagaya kong inaapi sa mundo dahil kinukupkop naman pala nila."

"That's the point, Minikki! I've been wondering too what kind of university that is. It was like a secret. Kung hindi ko lang talaga nakita ang flyer na 'yan, I wouldn't know. So try it, malay mo makapasok ka at magwakas na ang paghihirap mo rito sa school na 'to."

Muling tiningnan ni Minikki ang flyer. The flyer was white and full of details of the said university. Katulad lang ng mga tipikal na flyer ng iba't ibang colleges. Naroon ang courses and some amenities at facilities.

"Occoii University," pagbasa ni Minikki sa malaking pangalan na naroon sa gitna ng flyer. Naramdaman niyang nagtaasan ang kaniyang mga balahibo nang banggitin niya lamang ang pangalan ng unibersidad. "Why does the name of it feel familiar?" isip ni Minikki.

Nagsimula na ang klase at patuloy na binubwisit ni Andrea si Minikki. Kinukulit siya nito tungkol sa first love niya na si Joshua. Da totoo lang, nakakaramdam na ng pagkainis si Minikki dahil paulit-ulit na lamang siyang niyayamot ng mga ito. Idagdag pa na ang ipinang-aasar sa kaniya ay ang kaniyang first love na pilit niyang kinakalimutan noon pa.

Nagulat si Minikki nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Mas lalo niyang ikinagulat nang makita niya ang pangalang naka-flash sa screen. Joshua.

Kagat-labi niyang binasa ang nilalaman ng mensaheng iyon. Puno ng kaba ang kaniyang dibdib. Maging ang mga daliri niya'y tila nahirapang tumipa para buksan iyon.

From: Joshua

Usap tayo after class. Make it discreet from everyone, especially Andrea.

-end of message-

Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Minikki. Tila ba muling umusbong ang nararamdaman niya para rito. Nakakabaliw. Nakakamatay sa kaba. Para siyang naiihi sa hindi malamang dahilan.

Hindi niya akalaing darating ang araw na siya ang unang ia-approach ng first love niya matapos niyang kulitin ito ng ilang beses noon na naging dahilan kung bakit lalong bumaba ang tingin niya sa kaniyang sarili. She doesn't know what to do. Tila ba ang oras ay lalong bumabagal sa pagpihit. Hindi na siya makapaghintay na makita ang unang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso—na muling makausap ito.

Pinilit ni Minikki na makapag-focus sa klase pero hindi talaga matigil sa isipan niya ang mga posibleng pag-usapan nilang dalawa. Lalo na't sinabi ng binata na huwag ipaalam kay Andrea.

Totoong walang humpay sa pagkabog ang dibdib ni Minikki. Hindi siya makahinga nang tama. Hindi niya mawari kung ito ba ay kaba o dahil muli na naman siyang umiibig.

Nang matapos ang klase, nagmadali nang lumabas si Minikki at pumunta sa dati nilang tagpuan. Sa rooftop.

Hindi mapigilan ni Minikki ang kaniyang mga ngiti lalo na nang muling bumabalik sa kaniya ang mga araw at gabing palagi silang magkausap sa chat. Lalo pa noong inabot sila ng alas kwatro ng madaling araw. Nagkatanungan pa sila ng paborito nilang kanta. Niyaya pa siya ni Joshua noon na sumayaw kahit sa chat lang.

Tuluyan nang nakaakyat si Minikki sa rooftop. Suot niya ang matamis na ngiti na kasing tamis ng pag-ibig na ikinubli niya nang mahabang panahon. Ibinaon niya lang ito ngunit hindi niya alam na mabilis din pala niya itong makukuha at mararamdaman muli sa pagkakataong ito.

"Josh!" 

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top