Chapter 18: The Light and The Lady

Nagpaalam na si Professor Gener sa dalaga at pinayuhan si Minikki na bumalik na ito sa klase. Wala nang nagawa si Minikki kundi sundin ang propesor at huwag nang umapela pa sa pasya ng Grand Office. Wala siyang ideya sa parusang natanggap ng dalawa ngunit nang makabalik siya sa klase ay tila ba napatunayan niya ang tungkol sa parusang natanggap ng kaklase niyang si Haylan.

Hindi na ito nakaupo sa katabing upuan niya at imbes ay nakaupo ito sa likuran. Nagkaroon siya ng hinala na baka pinaiiwasan si Haylan sa kaniya. Ibinaling na lamang ni Minikki ang atensyon niya sa iba niyang mga kaklase na kapwa nakangiti at kinakamusta siya. Maging ang niligtas niya kahapon ay walang sawang nagpapasalamat sa ginawa niya.

"Swerte mo, hindi ka kasama sa mga nabenggahan ni Mrs. Ruby kanina," komento ni Jaeson.

"Bakit?"

"Don't even ask. My eardrums are still surviving from trauma. Anyway, should we go now?" pagyaya ni Gellie sa kadarating lang na si Minikki.

"Saan?"

"Sa library,"

"Bakit? Anong gagawin natin do'n? Wala ba tayong klase?"

"Wala!" sabay na sigaw ni Gellie at Jaeson na tila ba unang beses na nagkasundo.

"Basta may meeting tayo, Minikki! Kaya halika na!"

Sumama na lamang si Minikki sa kaniyang mga kaibigan papunta sa library kahit wala siyang alam kung bakit sila pupunta roon. Napanganga siya sa napakalaki at napakalawak na lugar. Punong-puno ng mga sheves at libro! Para siyang nasa paraiso!

May mga escalator pa papunta sa pinakataas na makikita ring punong-puno ng libro. Kung pwede lang tumalon sa galak ay ginawa na ni Minikki. Hindi siya nagsisising sumama siya sa mga ito.

"Hindi makakapunta sa klase natin si Miss Evergreen ngayon kung kaya't may iniwan lang siyang gawain para sa atin," paliwanag ni Gellie sabay kuha ng mga libro sa shelf at ipinatong sa mahabang table na malapit sa salansanan.

Nakaupo lang si Minikki dahil hindi niya rin alam ang itutulong niya. Hindi naman sa kaniya binabanggit ng mga ito ang tungkol sa gawain na ibinigay ni Miss Evergreen.

Maya-maya ay dumating si Jaeson na may dalang makakapal na libro.

"Tama nga ang hula natin, Gellie, pinag-uusapan si Miniks ng mga estudyante," banggit nito na ikinabahala ni Minikki.

"Ako? Bakit?" nababahalang tanong ng dalaga.

"Naalala mo 'yung aksidenteng nangyari sa 'yo sa Cerulean Sea?"

"Ha? Oo, kahapon lang 'yon, eh. Anong tungkol do'n?"

"May bumukas na lagusan sa ilalim ng dagat."

"Lagusan?" tanong pa ni Minikki kasabay ng pagtataka sa narinig.

"That was never there before, Minikki, pero pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa 'yo, it appears," paliwanag pa ni Gellie. Bumilis ang tibok ng puso ni Minikki.

"Nakita mo ba 'yon kahapon, Miniks?"

"Ha? Ang lagusan?"

Pilit na inalala ni Minikki ang mga nakita niya noong nasa ilalim siya ng karagatan.

"Oo. May nakita ka bang kakaiba sa ilalim ng dagat?"

"Ahh...M-meron, isang malaking puting liwanag at isang babae," sambit ni Minikki nang maalala niya ang sandaling iyon bago siya malagutan ng hininga sa Cerulean Sea.

"That was it, Minikki! And I'm sure that was the reason why Professor Gener received punishment. Based on what I read before, may mga lagusan na pwedeng magdala sa 'yo sa labas o sa ibang lugar but the worst part is pwedeng magdala sa 'yo sa kabilang buhay."

Natigilan si Minikki sa kaniyang narinig. Kung gayon ay muntikan na pala talaga siya.

Lalong lumaki ang pagtanaw niya ng utang na loob kay Haylan. Hindi niya maitatanggi na inilagay din ni Haylan ang buhay niya sa panganib nang iligtas siya nito.

"Kung gan'on, totoong maswerte ka, Miniks!" banat ni Jaeson. "Mabuti na lang at nailigtas ka ni Haylan. Dapat na magpasalamat ka sa kaniya."

Natigilan si Minikki nang maalala niyang lumipat na nga pala ng ibang upuan si Haylan at mukhang lumalayo ito sa kaniya.

"But he moved his seat away from her."

Napatingin ang dalaga kay Gellie. Akala niya'y siya lang ang nakapansin ng tungkol doon.

"That must be his punishment. Mabuti pa, Minikki, huwag mo na rin muna siyang kausapin para hindi niya masuway ang Grand Office."

Tumango ang dalaga bagama't may parang kirot sa kaniyang puso dahil hindi pa niya ito napapasalamatan sa ginawang pagliligtas nito sa kaniyang buhay pero mas minabuti niyang pakalmahin ang sarili at isiping magagawa niya rin itong makausap paglaon.

"Ang kailangan nating pagtuunan ngayon ng pansin ay kung bakit lumitaw ang lagusan na 'yon doon, Minikki. I am thinking it was because of you."

"H-ha? Bakit ako? Imposible naman yata 'yan," matipid na sagot ng dalaga.

"Walang imposible sa lugar na ito, Miniks. Ay, meron pala, ang magkaroon ng jowa." Tumawa nang malakas si Jaeson dahilan upang patahimikin siya ng librarian. Huming naman siya ng paumanhin.

"Wait...Give me a minute."

Pumikit si Gellie na tila ba may inaalala. Iginagalaw niya pa ang kaniyang daliri na para bang may binubuklat na libro sa ere.

Napatingin si Minikki kay Jaeson upang tanungin sana kung anong nangyayari sa kanilang kaibigan ngunit nagkibit-balikat lang ang binata.

"I knew it! I knew it!"

Nagulat silang pareho sa sigaw ni Gellie. Napansin din nilang pinagtinginan sila ng mga estudyanteng malapit sa kanila.

"That was why your name was so familiar! Nabasa na kita sa libro!" nakangiting sabi ng dalaga. "Kaya pala ang gaan ng loob ko sa yo. I knew it, your name was in the chronicle!" dagdag pa nito at hindi mawala ang galak sa mga labi.

"Maniwala?" sabat ni Jaeson. "Paanong mangyayari 'yon? Eh, ang chronicles ay ang history ng Occoii University. Paanong nasa history si Minikki?"

Lumingon ito kay Minikki na ngayo'y hindi naiintindihan ang nangyayari.

"Anong chronicle? At anong naroon ang pangalan ko?"

"The chronicle was written a long time ago, Minikki. At hindi ako pwedeng magkamali. Nabasa ko ang librong iyon noong bata pa ako. Your name was there, Minikki."

"B-baka kapangalan ko lang? Ano bang nakalagay sa libro tungkol sa akin o kung sino mang Minikki ang tinutukoy ng libro?"

"Hold on. It wasn't 'Minikki', Minikki." Pinilit na alalahanin ni Gellie ang nabasa niya maraming taon na ang nakalilipas.

"Isang babae ang ipanganganak, kasabay ng pagputok ng isang malaking liwanag. Siya ang sagot sa mga tanong. Ang makakahanap sa mga bagay na nawawala. Ang simula ng bagong simula, At ang tatapos sa dapat matagal nang nagwakas. Siya si Genesis."

Natawa si Minikki sabay sabing, "Hindi nga ako 'yan! Imposibleng ako 'yong tinutukoy. Maraming Genesis sa mundo at katulad ng iba, ipinangalan ako ni ina sa unang libro sa Biblia kaya imposible talagang ako 'yan. Baka iba ang tinutukoy nila. At isa pa, ipinanganak ako noong August 12, 2005. Walang malaking liwanag no'n kasi gabi ako isinilang ni ina."

Natahimik ang dalawa at tila ba taimtim na nag-iisip.

"Then, we should get the chronicle and see it for ourselves."

Tila ba nakalimutan nila ang tungkol sa gawaing pinagagawa ni Miss Evergreen dahil ibang bagay na ang inaasikaso nila.

Magkakasama nilang pinuntahan ang museyo sa dulo ng Prime Library. Sa pagkakatanda ni Gellie ay doon niya ito nabasa.

Halos tumulo ang laway ni Minikki nang makita ang mga matatanda ng gamit na naka-display doon. Mga librong sinauna na nakatago na sa makapal na salamin, mga babasaging lalagyanan, mga kasuotan. May malalaking weapons at armors, espada at panangga. Ngunit ang mas kumuha ng atensyon niya ay ang malapad na gintong pana na may palaso. Mukhang mabigat iyon kung bubuhatin. Sino kaya ang gumamit no'n?

"Hindi ba nakarating sa inyong matagal nang nawawala ang cronica?" sabi ng isang babaeng mukhang tagapangalaga ng museyo. Narinig iyon ni Minikki at doon niya lang napagtantong napahiwalay na pala siya mula sa kaniyang mga kaibigan.

"Nawawala ang cronica?" hindi makapaniwalang tanong ni Jaeson.

"Maraming taon na ang nakalipas. Pinaniniwalaang may kumuha nito ngunit walang may alam kung sino. Matagal na rin iyong hinahanap ngunit wala pang nakakakita. Ang sabi nila, isa lang raw ang makakahanap no'n."

"Sino po?"

"Ang babaeng nasa cronica, siya lang ang makakahanap sa bagay na nawawala. Si Genesis."

Napasinghap si Minikki sa kaniyang narinig. Ibig sabihin, tama nga ang mga salitang sinambit ni Gellie mula sa mga nabasa niya sa cronica.

Agad na pumalahaw sa dibdib ni Minikki ang pinaghalong kaba at takot. Kaba na baka siya nga ang naroon sa cronica, takot dahil alam niyang hindi siya karapatdapat. Hindi man niya lubusang naiintindihan ang cronica, alam niyang masyadong malaking bagay ang mailagay roon. Gayong ito ang historya ng unibersidad kung saan nakatapak ang mga paa niya.

Lumipas ang buong araw na hindi nawawala sa isip ni Minikki ang tungkol doon. Kahit pa ilang klase na ang dumaan, hindi matanggal sa isipan niya ang cronica.

Natapos ang maghapong klase at balita ngang hindi na itutuloy ang swimming class nila kay Professor Gener. Ipinagbawal na rin pansamantala ang pagpunta sa Cerulean Sea para sa masusing imbestigasyon sa lagusang biglang lumitaw doon.

Minikki chose to go to Professor Gener to ask for some favor. Her mind was loaded with things and she wanted to talk to her mother for once. Also to ask for what was the truth of her existence. She wants to know if she was the one that the chronicle talks about. Even if it was so ridiculous to think about, she still yearned for answers.

Her life changed the time her feet stepped into this ground and magical things happened around her every now and then but she still can't fathom about why it feels like she really has a huge obligation in this university even though she was just nothing but a rag.

Minikki was in the middle of her thoughts when someone bumped into her.

She looked up to see a man who's been keeping his distance for her a while now.

"H-haylan?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top