Chapter 17: Liars Can't Lie
Maagang pumasok si Minikki sa Occoii University. Pinagpahinga kasi siya kahapon sa infirmary dahil sa nangyari. Ayaw pa nga sana niyang lumiban sa klase ngunit wala na siyang nagawa nang magpumilit na rin ang mga kaklase niya. Kapwa ang mga ito ay nag-alala para sa dalaga at natutuwa sa kabayanihang ginawa ni Minikki kahapon. Iyon din ang dahilan kung bakit pinagtitinginan siya ng mga estudyante.
Napayuko na lang si Minikki dahil hindi siya sanay sa atensyong nakukuha niya.
Malapit na siya sa kanilang classroom nang mapansin niyang tumatakbo palayo roon si Haylan upang salubungin si Professor Gener. Sandaling nag-usap ang mga ito at nagmadaling naglakad paalis.
"Miniks, nand'yan ka na pala!" bati ni Jaeson sa kaniya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Grabe sa nickname, pwede namang 'Niks' na lang," suhestyon ni Gellie.
"Eh, mas trip ko ang 'Miniks', bakit ka ba nangingialam? Ikaw ba ang tatawag?'Di ba Miniks?"
Ngumiti na lamang ang dalaga pagka't hindi niya na nasagot ang pangagamusta ni Jaeson dahil nasingitan agad siya ng bangayan ng dalawang ito.
"Saan sila pupunta?' tanong ni Minikki na tinutukoy si Haylan at Professor Gener."
"Ahh, they were summoned to the Grand Office."
"Bakit daw?"
Nagkatinginan ang dalawa.
"Dahil sa nangyari kahapon, Miniks."
"Ha? Tungkol ba ito sa nangyari sa Cerulean Sea? Bakit hindi ako kasama?" nagtatakang tanong ni Minikki. "Bakit hindi rin ako pinatawag?"
Muling nagkatinginan si Gellie at Jaeson na tila ba may tinatago sa dalaga.
"Wala ka naman kasing kasalanan."
Kumunot ang noo ni Minikki. "Bakit? May kasalanan ba silang ginawa? Si Professor Gener, anong ginawa niya para mapatawag sa Grand Office? Si Haylan?"
Gellie heaved a sigh as she tried to muster up a courage to tell her what really are the reasons why the two men were summoned to the Grand Office.
"Professor Gener will be punished because he left his student unattended during his class. They say nothing will happen if he does not leave."
Minikki bit her lips. "Si Haylan? Anong kasalanan niya?"
"He kissed you."
That left Minikki's jaw dropped. That was the very least thing she will think of or maybe never in her life. The thought of a handsome guy kissing her chappy pouty lips is somewhat unimaginable.
Her breathing became shallow and she couldn't react for a minute. All she did was gulp repeatedly.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"He saved you and did the CPR thing. He also put his hand on your chest," paliwanag pa ni Gellie.
Agad namang napatakip si Minikki sa kaniyang dibdib kahit alam niyang wala siyang maitatago dahil kapwa iyong pader pero ang isiping dumampi ang kamay ni Haylan sa kaniya ay nagdadala ng init sa kaniyang pisngi.
Hindi alam ni Minikki kung paano magre-react. Naglakad si Minikki palayo sa dalawa.
"Minikki! Saan ka pupunta? Nandito na si Mrs. Ruby!"
Hindi na pinansin ni Minikki ang sigaw ng dalawa at nagpatuloy sa pagpunta sa Grand Office. Hindi niya alam bakit siya napadpad dito. Anong gagawin niya? Anong sasabihin niya?
Hinarang si Minikki ng dalawang Defenders na nagbabantay sa labas ng malaking opisina.
"Saan ka pupunta?" tanong nito sa kaniya.
"Kasama ako nila Professor Gener."
Agad naman siyang pinapasok ng mga ito.
Malawak na espasyo ng hallway ang sumalubong kay Minikki. May malapad na hagdan sa dulo at sa ibaba no'n ay malalaking pintuan.
Bawat yabag ng kaniyang paa ay rinig sa paligid.
"Saan ka pupunta?"
Halos hawakan ni Minikki ang puso niya dahil sa gulat nang may marinig siyang magsalita. Nakita niya ang isang matangkad na babae, mahaba ang buhok na may matapang na mukha. Nakabestida itong itim na hapit at kita ang kurba ng katawan. May suot rin itong manipis na see-through na kapa.
"K-kasama po ako nila Professor Gener," sagot ni Minikki.
"Nagsisinungaling ka."
"P-po?"
Agad na kinabahan ang dalaga lalo na nang bumaba ang babaeng sa hagdanan at lumapit sa kaniya.
"Nalalaman ko kapag nagsisinungaling ang isang tao. Nagiging kulay pula ang awra mo imbes na kulay berde," sambit nito. Tiningnan naman ni Minikki ang paligid niya kung may makikita ba siyang awra ngunit wala naman. "Sabihin mo sa akin. Anong totoong dahilan ng pagpunta mo rito?"
Napakagat ng labi si Minikki. Naroon pa rin ang kaba sa kaniyang dibdib.
"S-sinundan ko po sila Professor Gener. Nalaman ko po kasing pinatawag sila upang patawan ng parusa. Nagbilin naman po sa amin si Professor Gener na huwag kaming pumunta sa dagat. Hindi niya kasalanan kung may makukulit sa amin. Pati na rin si Haylan, niligtas niya lang ho ako. Wala naman iyong malisya. Siguradong wala lang siyang pagpipilian kaya niya nagawa iyon sa akin."
Ngumisi ang babaeng nakaitim at matamang tiningnan si Minikki.
"Walang malisya?" Umiling ang babae. "Walang maikakaila sa akin ang kahit na sino. Liars can lie, but not on my face, Miss Umali." Hinawakan niya ang pulsuhan ni Minikki.
"Mabilis ang tibok ng puso mo. Kinakabahan ka ba dahil sa akin o dahil sa ibang kadahilanan?"
Binawi ni Minikki ang kamay niya mula rito at pinagsisihan kung bakit pa siya pumunta sa lugar na iyon.
"Marahil ay hindi mo naiintindihan, Miss Umali. May mga bagay kang hindi nalalaman kung bakit sila bibigyan ng parusa. Nag-i-imbestiga ang opisina bago umaksyon," paliwanag nito.
"Paano po kayo nag-imbestiga nang hindi ako tinatanong?"
Napangiti ang babaeng naka-itim tila ba hindi niya inaasahang sasagutin siya nang pabalang ni Minikki. "Wala ka rin namang sasabihin hija, dahil wala kang malay nang mangyari 'yon."
Doon na natahimik si Minikki. Mayamaya lang ay napansin niyang may mga boses na nag-uusap, maging mga yabag ng paa na papalapit sa dako niya. Nakita ni Minikki si Professor Gener at si Haylan. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila ngunit agad niya rin itong naiiwas dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya.
"Sige, mauna ka na. Ang paalala ko at ang pangako mo."
Tinapik ni Professor Gener ang balikat ni Haylan. Muling nagtagpo ang mga mata ni Minikki at Haylan ngunit hindi alam ng dalaga kung namamalikmata lang ba siya nang makitang ngumiti ito nang bahagya.
Tuluyan nang umalis ang binata sa Grand Office at naiwan si Professor Gener, Minikki at ang mahiwagang babae.
"Professor Gener," pagbati nito.
"Miss Nembraida."
"Mukhang kailangan mong magpaliwanag sa kaniya."
Tumango si Professor Gener. "Ako nang bahala."
Yumuko nang kaunti si Professor Gener sa babae tanda ng paggalang nito.
"Mabuti, ipaliwanag mo sa kaniya ang sinabi ni Head Mistress Lavinia Chandler."
Umalis na si Miss Nembraida at mahinhing naglakad paakyat sa hagdanan bago pumasok sa isang malaking pinto.
"Sino siya Professor?" tanong ni Minikki.
"Siya si Miss Nembraida, ang kanang kamay ng Head Mistress," tugon ng propesor bago nagsimulang maglakad. Sinundan naman iyon ni Minikki.
"Narinig namin ang pag-uusap niyo," sambit ng propesor. "Totoo ang sinabi ni Miss Nembraida na bago umaksyon ang Grand Office ay nag-iimbestiga muna sila."
Tumigil sila sa paglakad nang makalabas sila sa unang pinto ng opisina. Tanaw nila ang buong field kung saan may mga nagsasanay ng archery.
"Pero wala naman kayong kasalanan. Hindi ko maintindihan bakit papatawan kayo ng parusa."
"Dahil muntikan ka nang mawala sa lugar na ito, Minikki."
"P-po?"
"Iyon ang dahilan kung bakit kami pinatawag sa Grand Office, Minikki. Paano na lang kung hindi ka niligtas ni Haylan? Kung mawala ka sa lugar na 'to? Paano mo pa mababalikan ang iyong inang naghihintay sa 'yo sa labas?"
Sandaling naalala ni Minikki ang tungkol sa kaniyang ina. Aminado siyang nawala sa kaniyang isip ang pinakamamahal niyang ina dahil masyadong na-distract ang utak niya sa lugar na ito.
"P-pero, bakit? Bakit dahil sa akin? Ano ba ako rito?" tanong ni Minikki na mukhang ngayon lang pumalo sa isipan niya ang lahat. "Bakit iba ang pakikitungo niyo sa akin? Bakit kilala ako ng lahat? Bakit kay buti ninyo? Bakit kayo mapaparusahan para lang sa kaligtasan ng buhay ko? Anong meron sa akin?" dagdag pa ng dalaga.
Matamang tumingin ang guro kay Minikki na para bang ibinibigay na ang sagot sa lahat ng katanungan sa pamamagitan ng mga tinging iyon. Kung nakapagsasalita lang ang mata, marami na iyong ipinahiwatig.
"Dahil ayaw ka naming mapahamak. Mahalaga ang buhay mo, ang buhay ng isa sa mga taong narito. Kaya huwag ka nang magtanong pa kung bakit kami parurusahan."
"P-pero, prof-"
"Take that reason for now, Minikki. You'll definitely know the real one. Not just today."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top