Chapter 16: Deeper than the Cerulean Sea
"Then, we will be ruined," sagot ni Gellie sa tanong ni Minikki.
"Ha? Hindi na ba tayo makakakuha ng bago?"
Umiling naman si Jaeson. "Hindi na. Iyan ang pagkakakilanlan natin. Kapag nalaman ng Grand Office ang tungkol sa pagkawala ng viridescent card mo, baka hindi ka na rin magtagal sa lugar na ito at pauwiin ka na nila sa labas."
"Why? Did you lose your viridescent card, Minikki?"
"H-hindi."
"Then, why did you ask?"
"W-wala naman."
The next day, Minikki tried to think of how she could return the v.card she found to the girl she met yesterday. Well, it wasn't literally met because Minikki never saw the girl's face who bumped into her. But, she was worried about that girl yet she couldn't submit the card to the lost and found office since it shouldn't be known by the office. Ayaw niya namang maging sanhi ng pagkapalayas ng babae mula sa lugar na ito. Kailangan niya pang umisip ng iba pang paraan.
"I guess everyone is here so let's start our class," panimula ni Professor Gener. "This semester, we'll take swimming class."
Naghiyawan naman sa galak ang mga estudyante ni Professor Gener. Halatang-halata na gusto ng mga ito na magtampisaw sa dagat kahit na oras ng klase. Ang iba ay nakangiti pagka't sa wakas ay matututo na rin silang lumangoy. Kabilang na roon si Minikki.
"I believe, you are never too old to learn to swim. And this swimming class is very necessary because it saves lives. For today, we will talk about the importance of swimming lessons, the history, the styles, the officials, and the swimwear."
"Prof, kailan tayo pupunta sa Cerulean Sea?" sabat ng isa na mababakasang hindi na makapaghintay.
"Later, after our discussion. We'll be visiting the Cerulean Sea."
Taimtim na nakinig ang mga bata nang marinig iyon kay Professor Gener. Kahit si Minikki ay atentibo sa mga dinidiskusyon ng propesor.
"Why do we need to take a swimming class?"
Tumaas ng kamay si Gellie upang sumagot, "For personal safety, sir."
"That's correct. Studying to swim is necessary as you never know if there could be an instance where you fall into water. Learning how to swim will provide you the ability to survive in water. And later on, you will see why instead of a pool, we would take our class into the sea."
"Dahil magkaiba ang swimming pool sa aktwal na dagat, prof! Mas maigi nang maranasan natin ang natural kaysa sa artipisyal! Ang malamig at malinaw na tubig para na rin makasama natin ang mga iba't ibang uri ng isda. Sakto, pananghalian," banat ni Jaeson na naging dahilan ng pagtawa ng lahat.
"Hindi naman halatang excited ka, Jaeson," komento ni Professor Gener. "Sino-sino ang mga hindi pa marunong lumangoy dito?"
Tumaas ng kamay si Minikki at napansin iyon ni Professor Gener.
Natapos ang discussion in Prof. Gener at mababakasan ng galak ang buong klase dahil kapwa nakasakbit na ang mga bag sa kani-kanilang balikat. Katulad ng pangako ng propesor, naglakad sila papunta sa Cerulean Sea. Nasa dulong parte ito ng Occoii University at totoong namangha si Minikki nang makita ang kalawakan ng kumikinang na dagat. Malalim ang pagkakaasul nito na para bang hinihila kang magtampisaw. Nakikita palang ni Minikki, ay naliligayahan na ang kaniyang puso.
"Okay everyone, may I remind you na wala munang lulusong o magbabasa sa Cerulean Sea hangga't hindi pa naka-proper uniform. And also, we got a lot of things to discuss especially about the safety precautions before we hop into the actual swimming. Understand? No one is allowed to jump into the sea, okay? I'll be back for a while. Hold on."
Naghiwa-hiwalay na ang mga estudyante. Ang iba ay naglibot sa dalampasigan nang nakayapak. Ang ilan naman ay umupo sa batuhan at doon nagkuwentuhan. May mga nagtatawanan na para bang sinusulit nila ang mga oras na 'yon habang walang bantay na propesor. May nagkukulitan at naghahabulan.
Umupo si Minikki malapit sa dalampasigan at pinagmasdan ang linya na naghihiwalay sa dagat at kalangitan. Kahit isang beses din noon ay hindi siya nakapunta sa dagat. Hindi niya akalaing dito niya masusubukan ang mga bagay na hindi niya naranasan sa labas.
"Hoy! Tigilan mo 'yan! Magagalit si Professor Gener!"
"Sandali lang naman! Hindi niya malalaman."
Napatingin doon si Minikki. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya nang makita niya ang kaklase niyang tumalon doon sa dagat.
Nilingon niya ang iba niyang mga kaklase. Hindi nila iyon nakita.
"Habulin mo 'ko!" sigaw ng babaeng nasa dagat doon sa kaibigan niya.
"H-hindi ako marunong lumangoy!" sagot naman ng babaeng nasa dalampasigan.
Malakas na tumawa ang babaeng nasa dagat. "Paano ka matututong lumangoy kung hindi mo susubukan? Halika na rito! Tuturuan kita!"
"Ayoko! Bahala ka riyan! Ayokong mapagalitan ni Prof!" padabog itong tumakbo palayo.
"Ang KJ mo naman!"
Lumingon ang babaeng nasa dagat kay Minikki saka sumenyas na huwag siyang maingay. Wala namang magawa si Minikki dahil ayaw niya rin namang maging sanhi ng gulo.
Akmang papaalis na si Minikki sa kinauupuan niya nang isang malakas na alon ang pumalo sa dagat dahilan upang mawala sa paningin ni Minikki ang babaeng iyon. Agad siyang natuliro at pilit na hinahanap ang kaklase niya sa dagat ngunit hindi niya iyon makita.
"T-tulong!"
Napansin ni Minikki ang kamay na tumataas sa gitna ng karagatan. Mukhang naroon ang babae! Walang pagdadalawang isip na tumalon si Minikki sa dagat dahil kung aalisin niya ang mga mata niya rito upang humingi ng tulong sa iba baka sa isang segundong malingat siya ay mawala na ito ng tuluyan sa paningin niya at hindi niya na mahanap.
Agad niya itong nakita at nahawakan. Itinulak niya ito paangat.
"T-teka, paano ko siya natulungan? Marunong akong lumangoy?" tanong ni Minikki sa kaniyang sarili na dapat ay hindi niya na ginawa dahil sa sandaling iyon ay hindi niya namalayan ang muling paghampas ng alon sa kaniyang katawan.
Because of the huge impact and the increasing current, Minikki can't help but panic. Pinipilit niyang iangat ang sarili sa pagpagaspas ng kamay ngunit wala iyong silbi. Patuloy lang siyang lumulubog lalo na sa bigat ng takot na nararamdaman niya sa kaniyang kalooban.
She is under the sea and no one seems to notice that she's struggling to survive. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at tumalon siya gayong alam niya namang hindi siya marunong lumangoy?
Nauubusan na siya ng hininga at tila ba ilang saglit na lang ay malalagutan na siya ng buhay. Napansin niya ang isang babae sa ilalim ng dagat pati na rin ang isang malaking puting liwanag. Lumalapit iyon sa kaniya.
But it was too late to see the girl's face because without a second, she lost her breath and she began to sink deeper.
Napansin ni Gellie at Jaeson ang kaguluhang nangyayari malapit sa dagat pati na rin ang kaklase nilang umaahon mula rito.
"What are you doing? Don't you know what the Professor told us?" asik ni Gellie nang makalapit sila ni Jaeson doon sa babaeng basang-basa ang damit.
"M-minikki... she's—"
Hindi na natapos ng babae ang pagsasalita dahil tuluyan na itong nawalan ng malay. Nasalo naman ito ni Jaeson.
"H-hey! What do you mean by Minikki? Is she there?" hindi mapakaling sigaw ni Gellie habang itinuturo ang dagat. Jaeson immediately laid down the girl on the sand and was about to jump into the sea to save his friend when someone else already dived hastily. It was Haylan.
Agad nitong hinanap si Minikki. Walang pinatutubay na oras. Sinisid niya ang karagatan at halos mawalan siya ng hininga nang matagpuan niya ang katawan nito sa ilalim.
Kapwa gulat ang lahat lalo na nang maiahon ni Haylan ang walang kamalay-malay na dalaga. Buhat-buhat niya ito.
Inihiga ni Haylan si Minikki bago itinaas ang baba nito at walang anu-ano'y idinait ang labi sa inosenteng labi ng dalaga. Mabilis ang mga pangyayari ni hindi kaagad napigilan ng mga kaklase ni Haylan ang kaniyang ginawa. Pati na rin ang paglapat ng mga palad niya sa gitna ng dibdib ni Minikki upang magbigay ng pressure at hangin sa nag-aagaw buhay na babae.
Napapasinghap na lamang ang iba sa ginagawa ng binata dahil nalalaman nilang bawal ang pisikal na paglapat ng balat ng magkaibang kasarian lalo na't nakikita nilang hindi lang basta balat ang nagtatabi kundi ang mga labi.
Ngunit walang pakialam si Haylan sa sasabihin ng iba at sa kung anong parusa ang pwede niyang matanggap dahil ang tanging nasa isip niya lang ay iligtas si Minikki.
Naroon si Gellie na umiiyak. Ganoon din si Jaeson na puno ng pag-aalala sa kalagayan ng kanilang kaibigan.
Maya-maya lang ay bumukas ang mga mata ni Minikki. Agad siyang nasilaw ngunit nasanay rin ang mga mata niya roon. Bumungad sa kaniya ang mukha ni Haylan.
"A-anong nangyari?" pilit na tanong ni Minikki sa kabila ng panghihina kasabay nang pag-ikot ng tingin niya sa paligid.
Dahan-dahan siyang bumangon ngunit hindi pa man niya iyon tuluyang nagagawa nang nakita niya ang pagtabig ni Professor Gener kay Haylan.
"Your mother will kill me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top