Chapter 15: Lost but Found

The whole class was immersed by the first day of being a college student. Idagdag pa ang mga propesor na ngayon lang nila aktwal na nakilala. Each of those professors left the room with a remarkable first impression to all students, especially to Minikki.

Minikki, having a hint of anxiety and excitement, thought that they could have a rest for a while from those professors, not until a bunch of young guys enter the classroom.

Ang lahat ay bumalik sa kani-kaniyang upuan nang makita ang limang matatangkad na lalaki. Tila ba mas natakot ang lahat sa mga iyon kaysa sa mga propesor na bumisita sa kanila kanina.
"Greetings to all of you. We would like to take this chance to formally introduce ourselves. Ako si Saturnino Uvas, ang current president ng Student Association. I am the head and responsible for the overall direction of our associations to maintain camaraderie and unity in each and every student in Occoii University. Here with me are the newly elected president of the four associations," pakilala ng lalaki sa kaniyang sarili pati na rin sa apat na naglalakihang mga lalaki na nasa harapan ng klase.

"My name is Charles Cavaliero. I am the newly elected president of the Chuffer Association," he firmly introduced himself.

"Ako si Alberto Acero, ang president ng Acer Association," pakilala ng isang lalaking may salamin.

"Ako naman si David Defensor, ang president ng Defender Association," sambit naman ng isang mas malaki ang katawan kumpara sa apat.

"At ako naman si Darwin Dridgeton, ang presidente ng Dreamer Association."

Napatingin si Minikki sa lalaking iyon habang naiisip na katulad niya ay hindi pa rin natutuklasan ng presidente nila ang kakayahan niya. She can't help but to feel worried about her too but then a glimpse of hope lingers on her when she realizes that their president is still here inside the university. Tantamount to say, even without awakening oneself ability, they can survive and accomplish the secret mission.

Napangiti si Minikki sa isiping iyon.

"Also, we are here to officially announce the upcoming Association Week where a lot of activities, contests, and challenges will be held in order for us to nurture our abilities. But to set that aside, I am calling out everyone to join your respected president to come to your association hall inside the association building for general orientation today. That would be all."

Nagpaalam na si Saturnino sa freshmen. Mukhang ang klase na rin naman ni Minikki ang huling pinuntahan ng grupo ng mga presidente.

Ilang sandali pa ay tinawag na ng mga presidente ang kanilang mga nasasakupan.

"All dreamers, follow me."

Tumayo si Minikki at lumapit kay Darwin. Napansin niyang iilan lang sila. Totoo ngang bihira lang ang Dreamers. Majority have found out their abilities and can go to the higher grounds above Dreamers.

Tumingin ang lalaki kay Minikki at kinausap ito.

"Kindly write the names of the Dreamers here in your class. Then, ibigay mo sa akin after ng orientation natin para mayroon akong personal updated copy ng Dreamers."

"Sige po."

Sumunod na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa round building—ang Association building!

Pumasok sila sa Dreamer's Hall at doon nakita ni Minikki ang karamihan ng mga estudyanteng nasa iisang asosasyon na katulad niya. Sa isang banda, natutuwa si Minikki dahil hindi naman pala sila ganoon kakaunti.

Umupo na sila sa isang sulok at tahimik na nakinig sa panimula ng presidente. Kumuha naman si Minikki ng papel at ballpen at isinulat ang pangalan niya.

"Bago natin pag-usapan ang Association Week, dumako muna tayo sa established house rules sa loob ng Occoii University at sa ating Lodging house," panimula ni Darwin.

"Una sa lahat ay palaging dumalo sa Saturday gathering natin dito sa Dreamer's Hall. Attendance is a must. Kailangan nating mag-ensayo upang malaman ang ating nagtatagong kakayahan."

Tumingin si Minikki sa katabi niya at ibinigay ang notebook at ballpen upang isulat ang pangalan nito. Nahahati ang atensyon niya sa pagkuha ng pangalan ng mga kaklase niya at sa pakikinig sa diskusyon ng presidente nila.

"Ipinagbabawal ang pagpunta sa Prohibited Garden dahil sa iba-ibang kadahilanan. Una, dahil nandoon ang lagusan papunta sa labas—ang Forbidden Chamber. Hindi maaaring matuklasan ng mga tagalabas ang lugar kung saan tayo tahimik na naninirahan. Pangalawa, maaaring nagkalat sa lugar na 'yon ang mga PNG o ang tinatawag na persona non grata. Sila ang mga rebelde at kumakalaban sa asosasyon. Lahat ng mga rules ay para sa atin upang maingatan tayo kung kaya't atin dapat itong sundin."

Napatigil si Minikki sa kaniyang ginagawa ng marinig niya 'yon. "P-persona non grata?"

"They are the ones who once lived and studied here but violated the law."

Napatingin si Minikki sa lalaking bagong dating at kauupo lang. It was Haylan.

"Law?"

"At ang pinaka ipinagbabawal sa lahat ay ang pakikipagrelasyon."

That was Darwin who continued his premises. Halos lahat ng estudyante ay tumahimik nang marinig iyon.

"Maaaring mawala sa 'yo ang lahat kapag nakipagrelasyon ka rito sa Occoii University. Maging ang lugar na ito ay maaaring hindi mo na makita."

Minikki's gaze locked to Haylan. It wasn't because she's thinking of possibilities but because she was remembering the reason why she came to the university. Never did she think of getting in a relationship here in this place because all she wanted was to study and graduate so she can be with her mother again.

"Pasulat ng pangalan mo," sambit ni Minikki kay Haylan at saka ibinigay ang papel at ballpen sa lalaki.

"Haylan Aristotle Constano," pagbanggit ni Minikki sa pangalan ng kaklase niya. Tumango-tango naman si Minikki at saka bumalik sa upuan niya.

"Tungkol naman sa nalalapit na Association Week, dahil maraming nagre-request nito sa student association, napagkasunduan na magkaroon tayo ng pageant sa pinakahuling araw ng linggo. I know, this is so ironic pero dahil ngayong taon ay posibleng huling taon na namin dito sa Occoii University kung kaya't gusto naming maging memorable ang batch namin sa inyo."

Lumakas naman ang ingay sa buong Dreamer's hall tila ba na-excite ang marami sa balita. Mabuti na lang at hindi puro rules and regulation ang ibinaba ni Darwin dahil puro bawal bawal na lang ang mga naririnig ng mga estudyante at kapwa natatakot nang gumalaw.

"Magkakaroon din tayo ng Association Ball sa pinakahuling gabi ng linggo. Paalala lang na hindi ito ang gabi para kayo'y sumalisi, ha?" biro ni Darwin. Nagtawanan naman ang lahat. Sa isang banda, tila ba gumaan ang loob ng mga bagong myembro ng Dreamers dahil sa pakikitungo ng presidente. Tila ba kung magsalita ito ay hindi siya malayo sa iba.

"Gusto lang naming maiparanas muli sa inyo ang buhay sa labas na matagal niyo na yatang hindi natatamasa. Maraming gaganaping palaro, kantahan at sayawan."

Tila ba naengganyo ang karamihan. Lahat ay hindi na makapaghintay sa nasabing kasiyahan. Maging si Minikki ay natutuwa dahil unang beses niya itong mararanasan bukod sa hindi siya sinasama ng mga kaklase niya noon sa labas, ay pinagti-trip-an at pinagkakaisahan siya ng mga ito kapag naman niyaya siya.

Isa-isa nang lumabas ang mga estudyante mula sa Dreamer's Hall. Ganoon rin ang ibang mga asosasyon mula sa tatlong magkakaibang pinto na nasa iba't ibang sulok ng building. Napuno ng mga estudyante ang buong lobby at dahil doon hindi kaagad nakaabante si Minikki. Pero mahaba naman ang pasensya niya at handa niya namang paunahin ang iba.

"Hey, aren't you moving forward?"

Minikki was so stunned to react when he heard that deep voice coming from behind. His breath is tickling her ears. She can't even move and confirm who it is.

"I'll definitely bring you to Gaol."

Nanlaki ang mga mata ni Minikki at agad siyang nakisingit sa pila ngunit dahil sa ginawa niya, hindi niya kaagad nakita ang isang taong mababangga niya.

Isang babae.

Nakaramdam siya ng ibang klaseng sakit sa dibdib niya na para bang kinukuhanan siya nito ng lakas. Tiningnan niya ang babaeng 'yon ngunit tuluyan na itong nakalayo at humalo sa mga tao.

Labis man ang panghihina ay nagawa niyang tumayo. Napansin niya ang isang viridescent card sa sahig at tiningnan niya ito.

"Zea?"

Laking pagtataka ni Minikki nang mabasa ang pangalan na nakasulat rito at nakitang wala itong association.

"Minikki? Okay ka lang?"

Napalingon siya sa nagtanong sa pag-aakalang si Haylan iyon kundi si Jaeson. Nilapitan siya nito kasama si Gellie na mababakasan ang pag-aalala dahil mukhang nasaksihan ang pagkakasalampak ni Minikki sa sahig.

Tumango siya at ibinulsa na lamang ang viridescent card na kaniyang nakuha habang nagsisimulang tumakbo sa kaniyang isip ang mga tanong.

"Paano kung mawala ang viridescent card natin?" tanong ni Minikki sa dalawa.

"Then, we will be ruined."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top