Chapter 14: Last On The List
Halos mapanganga si Minikki sa ganda at aliwalas ng lugar na sumalubong sa kaniya. Para siyang nasa five star hotel. Ang kagandahan lang dito ay libre siyang titira rito. Wait, libre ba talaga? O ikakaltas sa account niya?
Pero hindi na iyon inintindi ni Minikki at pumunta na siya sa lobby. Napatigil siya nang maalalang may kasama nga pala siya. Nilingon niya ito upang magpasalamat pero wala na si Haylan sa tabi niya. Mabuti na rin iyon dahil alam niyang ligtas na siya at wala nang magdadala sa kaniya sa Gaol.
"Hi! I'm Mariam. Welcome to the Dreamers Lodging House. How can I help you?"
Naumid si Minikki dahil hindi niya alam kung paano sagutin ang babae.
"Are you new here? Can I get your viridescent card?"
"O-opo. Sandali." Kinuha ni Minikki ang v.card niya at iniabot iyon kay Ms. Mariam.
"Thank you for waiting, Miss Umali. Your room number is 0331; third floor, thirty-first room. Kindly tap your viridescent card on the door lock of your room. Take that elevator to your left," paliwanag ng babae. Hindi masyadong naintindihan ni Minikki dahil sa bilis ng pagkakasalita ng receptionist o talaga lang yatang lumulutang ang isip niya dahil sa ganda ng nasa harap niya.
"Bakit po ang ganda niyo?" bulalas ni Minikki na hindi niya namalayang lumabas pala sa kaniyang bibig.
"Beauty is in the eye of the beholder, Miss Umali. Mukhang busilak ang iyong puso kaya lahat ng nakikita mo rito ay maganda sa paningin mo," nakangiting sabi nito bago ibinalik ang v.card sa dalaga.
Nagpasalamat na si Minikki bago naglakad papunta sa elevator. Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa floor niya. Sumalubong sa kaniya ang mabangong amoy ng humidifier. Nanunoot ang lamig sa kaniyang balat.
Pumunta na siya sa kwartong may nakalagay na roman numeral na XXXI sa harap ng pinto at katulad ng utos ng receptionist ay ginamit ni Minikki ang v.card niya para makapasok.
Sumalubong sa kaniya ang puting kapaligiran. Napakalinis at napakaganda! May touch of wood at gold ang interior design. May mga halaman sa gilid. Para talaga siyang VIP na nasa isang mamahaling hotel!
Pinasok niya rin ang comfort room na sobrang lawak. May bath tub pa!
Minikki can't hide how excited she is. Kung sana lang ay naroon din ang ina niya para maranasan itong kasama siya.
Napansin ni Minikki ang isang maleta sa tabi ng kama sa ibaba. Napatingin naman siya sa taas at nakitang may isa pang deck na mukhang doon ang pwesto niya.
Umakyat si Minikki sa hagdan at sumalampak sa malambot na kama.
***
Lumipas ang isang linggo ng pamamalagi ni Minikki sa Lodging House. Nakapagtataka na hindi niya naaabutan ang roommate niya sa tuwing gigising siya sa umaga. Sinubukan niya ring magpuyat upang hintayin ito ngunit nakakatulog siya kaagad kaya hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kaniyang kung sino ito.
Nagdesisyon siyang libuting muli ang buong Occoii University. Gusto niyang makabisado ang buong lugar para hindi na siya maligaw pa at makaabala sa kung sino man. Mas mabuti na ring alam niya ang pasikot-sikot dito upang mas madali sa kaniyang makatakas kung masasangkot man siya sa gulo.
Minikki went straight to the front board where the results of the final examination will be posted. She has been searching for her name for a couple of minutes now and she can't help but to feel anxious. Ang ibang mga estudyante ay kapwa nakita na ang kaniyang pangalan ngunit ang kaniya ay hindi niya mahagilap.
"Your expectations are too high, woman. Your name is last on the list," Haylan whispered in displeasure.
Napasinghap naman si Minikki nang kausapin siya ng lalaki pero hindi na niya ito pinansin at nagmadali siyang pumunta sa dulo. Abot tainga ang ngiti ni Minikki nang makita niya ang pangalan niya sa pinakahuling nakapasa sa final exam.
Naalala ni Minikki na hindi pa nga pala siya nakakapagpasalamat sa lalaking iyon. She looked around for him but Haylan wasn't there anymore.
Muli na lang siyang bumalik as Lodging House upang pag-isipan ang course na kukuhanin niya. Sa kasalukuyan, apat na course ang available sa Occoii University: Advanced Technology, Futuristic Hospitality, General Education at Humanities and Social Sciences. Ang sabi nila, kapag hindi pa raw decided sa course na papasukan, mas mabuting piliin na muna ang Humanities para mas mabilis na makapag-shift ng ibang course kung may mapili na.
Hindi alam ni Minikki kung matutuwa ba siya dahil kahit kakaunti na lang ang pamimilian dito sa loob kumpara sa labas na sandamakmak ang courses, nahirapan pa rin siya sa pagdedesisyon.
Gusto niya sanang makasama sila Gellie at Jaeson ngunit hindi niya sigurado kung anong kurso ang pipiliin ng mga ito. Hindi naman siya marunong gumawa ng significa para sana mapadalhan ng mensahe.
Napagpasyahan na lamang niya na kumuha ng Humanities. May nagbanggit din sa kaniya na ang mga estudyante raw na kumukuha ng kursong iyon ay wala nang balak na bumalik pa sa labas.
Napabuntong-hininga si Minikki.
***
It was Monday morning when she entered the class. She was wearing her green uniform and that silver brooch which she and her mother bought at Regalia. Laking gulat ni Minikki nang makita niya si Gellie at Jaeson sa loob ng room.
"Minikki! Gosh! I'm so glad you're here!"
Tumakbo si Gellie at sinalubong ng yakap si Minikki habang nagtatatalon sa galak. Naroon din si Jaeson na nakangiti habang pinanonood sila.
"Alam mo, I forgot to get your phone number. Hindi tuloy kita nahagilap noong bakasyon," sambit pa nito.
"W-wala akong telepono."
"Ha? Wala kang cellphone, Minikki?' gulat na tanong ni Jaeson.
"Oo, wala. Kaya hindi ko rin ma-contact si ina."
"Oh, your mother is on the outside."
Tumango si Minikki. "Kayo ba?"
"My family lives there too but it was a long story to tell. Right, Jaeson?"
Jaeson nods. "Halos lahat naman tayo rito, ang mga pamilya ay nasa labas."
"Unless, buong family mo ay member ng lupon. Then, you all can live here."
Kani-kaniya nang umupo ang tatlo. Maya-maya lang ay pumasok si Haylan at umupo sa tabi ni Minikki na siyang ikinagulat ng dalaga. Hindi niya inaasahang magiging kaklase ito. Nakaramdam siya ng kaba lalo na't ang sama ng tingin sa kaniya ng binata na para bang binabantayan ang galaw niya at humahanap ng dahilan para maikulong siya sa Gaol.
Napadpad ang atensyon ni Minikki sa malaking babae na pumasok sa loob ng room nila. Pansin niya ang biglang pagtahimik ng kaniyang mga kaklase.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako si Mrs. Ruby. Maraming nagsasabi na istrikta daw akong guro. Aminado naman ako," pagbati ng guro sabay pasada ng tingin sa kaniyang mga estudyante. "Ayokong-ayoko sa lahat ang mga pasaway na estudyante, mga hindi marunong sumunod. Kapag sinabi kong mata sa akin, lahat ng atensyon ay dapat nasa akin. Huwag na huwag akong sasabayan kapag ako'y nagsasalita. Ayoko rin ng mga kumakain. Mr. Zalazarres, nagkakaintindihan ba tayo?"
Napatingin si Minikki kay Jaeson at kitang-kita niyang napakagat ito sa labi sa takot nang tawagin ang apelyido niya ni Mrs. Ruby.
"O-opo."
"Mabuti."
Ramdam na ramdam sa apat na sulok ng kwartong iyon ang mabigat na tensyon. Maging si Minikki ay nagulat. Sinusubukan niyang tumingin kay Mrs. Ruby ngunit natatakot siyang magkatagpo sila ng mata.
Hindi inaasahan ni Minikki na magsisimula na kaagad ang klase. Ayaw raw ni Mrs. Ruby na may nasasayang na oras kung kaya't nagturo na ito kaagad tungkol sa Philosophy. Magaling itong magturo at totoong walang salitang lalagpas sa tainga mo dahil matatakot ka kapag tinawag ka niya upang sumagot tapos wala kang maisagot.
Kani-kaniyang buga ng hangin ang mga estudyante nang makalabas na si Mrs. Ruby.
"Akala ko mamamatay na ako," komento ni Jaeson.
"Mabuti na lang katabi kita para kung may magdaldalan man sa atin, ikaw ang masisisi," pang-aasar ni Gellie habang nakahawak din sa dibdib na para bang pinakakalma rin ang sarili. "I thought our seniors were bluffing. The news is true. Mrs. Ruby is a terrifying teacher," dagdag pa nito.
"How are you, class? Mukhang kilala ko na kung sino ang professor bago ako, ah."
"Miss Evergreen!"
Nagsilapitan ang mga estudyante sa magandang guro bago isa-isang yumakap. Napangiti rin si Minikki nang makita ito.
"Feels like you never expected me here. Well, I am assigned to be your homeroom adviser. I don't know how it happened but the grand office decided for me to handle senior high school students no more. Also, I will be teaching you Anthropology. Like, the theoretical debates on current issues, human societies and cultures."
Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ng guro habang ito'y nagsasalita. Nakakahalina at ang sarap pakinggan ng boses niya. Ang kaso lang kapag tumagal, aantukin ka na. Ganoon yata talaga kapag mahinhin.
"So what I was saying, next week, we will be nominating students for our classroom officers so you'd better get to know each other. I think, sapat na ang isang linggo para makilala niyo ang isa't isa," paalala ni Miss Evergreen. Tila ba nakatulog si Minikki nang hindi niya namalayan dahil iyon na lang ang mga salitang pumasok sa kokote niya. Umalis na rin pala si Miss Evergreen.
"Guys! Nand'yan na si Professor Gener!" sigaw ng isang lalaki. Kasunod niya ay ang isang matangkad na lalaking nakita na ni Minikki noon sa prohibited garden.
"Akin lamang ipaaalala na ipinagbabawal pa rin ang pagpunta sa Prohibited Garden. Ang mahuhuli o makikita na pumupunta sa Prohibited Garden ay papatawan ng kaukulang parusa."
Just like what Mrs. Ruby did, Professor Gener scanned every student in his class. And there, he stopped when he saw Minikki's face. He tried to hide his triumphant smile.
"That's all for today. Tomorrow, we'll start our formal discussion so be ready."
Naglakad na papalabas si Professor Gener kung kaya't ang mga estudyante ay nagkaroon na muli ng kani-kaniyang mundo.
Nagkaroon ng tanong sa isipan ni Minikki. Kung bawal pumunta roon, bakit nakita niya si Haylan sa Prohibited Garden?
Lumingon si Minikki sa katabi niya.
Nagulat siya nang makitang wala na ito.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top